Xamira POVHindi ko na namalayan kung gaano na pala ako nakalayo. Sa wakas, nakakalakad na ako nang maayos. Wala nang bumabagal sa mga hakbang ko, wala nang kumikirot sa binti at hita ko.Ngayon, heto ako, nag-e-exercise na sa labas, habang tinatanggap ang bagong sikat ng araw.“Kalix!” tawag ko sa kaniya, sabay kaway mula sa may puno ng niyog. “Halika, maligo tayo!”Medyo nagulat siya, pero agad din namang ngumiti. Alam ko naman na wala siyang choice. Kapag ako na ang nag-aya, alam kong hindi na siya tatanggi pa.“Sige, kung ‘yan ang gusto mo,” natatawang sagot niya. Lumapit siya sa akin habang nakangisi, bitbit ang mga tsinelas namin sa isang kamay.Napailing ako. “Sayang, dapat kasama ‘yung tatlong makulit para maingay,” sabi ko. Ayaw niya kasing isama ‘yung tatlo.Lumapit siya sa akin, tapos marahang hinawi ng palad ang aking buhok na tinatangay ng hangin.“Gusto ko kasi, akin ka muna buong maghapon,” sabi niya. Ang tapang talaga, diretsahan at walang pag-aalinlangang sabihin ‘yun
Tahlia POVMaagang-maaga pa lang nang araw na iyon ay ginising na ako ng malalakas na katok sa pinto ng kuwarto ko. Nakakainis kasi kasarapan pa ng tulog ko, puyat ako kagabi dahil tinapos ko ang pinapanuod kong fantasy series."Tahlia! Hoy, Tahlia, bumangon ka na nga diyan! Kakain na tayo," tawag ni Mama mula sa labas ng kuwarto koNapabuntong-hininga ako at agad na bumangon mula sa kama.“Opo, ayan na, gising na!” sagot ko habang napapairap.Naghilamos at nag-toothbrush muna ako sa banyo ko bago tuluyang bumaba.Pagkababa ko, nakita kong nasa dining area na si Papa, nakaupo sa head seat ng mahabang mesa, habang si Mama naman ay naghahain ng pagkain kasama ang mga kasambahay namin."Good morning, sweetheart," bati ni Papa habang iniinom ang kape niya."Good morning," sagot ko at saka na naupo sa tabi ni Mama.Habang kumakain kami, nagpalitan ng tingin si Mama at Papa bago nagsalita si Mama."Tahlia, pinapatawag tayo ng Lola Flordelisa mo. May mahalaga raw siyang announcement," sabi n
Zain POVMainit ang sikat ng araw, pero hindi iyon alintana ng mga tao sa loob ng bilyaran. Nagsisigawan ang ilan, nagsisipagtawanan at ang iba naman ay seryosong nakatuon sa laro nila. Tulad ng dati, nandito ako sa gilid, nag-aabang kung sino ang mag-uutos sa akin."Zain, pabili nga ng yelo at tatlong bote ng alak sa tindahan sa kanto."Kahit hindi ko pa natitingnan kung sino ang nagsabi, agad ko nang inabot ang perang iniabot sa akin. Kabisado ko na ang trabaho ko rito—utusan, tagabili, taga-abot ng sigarilyo at kung minsan, taga-score din kapag abala ang referee ng laro. Hindi kalakihan ang kita, pero mas mabuti na ito kaysa wala.Mabilis akong tumakbo palabas at tinungo ang tindahan. Nang mabili ko na ang yelo at alak, dali-dali akong bumalik sa bilyaran. Inabot ko na ang pinabibinili nung nag-utos sa akin at hindi na nag-abala pang ibalik ang sukli dahil ganoon naman talaga na nung una palang. Sa ganitong paraan ako kumikita—ang mga baryang natitira ay sa akin na napupunta.Pagba
Tahlia POVHalos isang linggo na akong nakabantay kay Axton sa ospital. Halos hindi na ako natutulog, hindi rin ako makakain nang maayos. Araw at gabi, inaabangan ko ang bawat galaw niya habang hinihintay ang kahit anong senyales na magigising siya mula sa coma.At ngayon, eto na ang araw na pinakahihintay ko.Unti-unting gumalaw ang mga daliri niya, kasabay ng mahinang paggalaw ng mata niya sa ilalim ng talukap nito. Napasubsob ako sa kamay niya, hindi ko mapigilang humagulgol sa sobrang tuwa."Axton…!" tinawag ko siya nang mahina habang mangiyak-ngiyak.Dahan-dahan siyang dumilat, kita ko ang pagkalito sa kanyang mata bago ito napuno ng pagod at lungkot."Tahlia…" mahina niyang tawag sa akin at doon tuluyang bumagsak ang luha ko.Dali-dali kong tinawag ang doktor at mga nurse. Lahat kami sa kwarto—ako, ang mga magulang niya at ang mga doktor—ay punong-puno ng pag-asa. Happy na kami kasi gising na siya. Halos lahat ay nakangiti niya pero kailangan niyang ma-test para malaman kung an
Tahlia POVBinuksan ko ang pinto ng condo ko at agad na pumasok si Zain, tinitingnan niya agad ang buong paligid na parang ngayon lang siya nakapasok sa ganitong klaseng lugar. Malinis, moderno at mahal ang bawat sulok nito kaya hindi na ako magtataka kung bakit parang manghang-mangha siya sa condo ko."Sit," utos ko at saka itinuro ang sofa. "We need to talk."Umupo siya, pero halata ang kaba sa katawan niya. Hindi ko alam kung kinakabahan siya dahil sa akin o dahil hindi pa rin siya makapaniwala na nandito siya ngayon.Kinuha ko ang isang folder sa mesa at ipinatong iyon sa harap niya. Kanina, habang nasa biyahe ako, inutusan ko ang secretary ko na igayak agad ang contract sa loob ng ten minutes kaya nakahanda na agad ang contract. "I need a groom."Napakunot ang noo niya. "Oo nga, nasabi mo na nga kanina sa highway.""Pilosopo,"bulong ko. I crossed my arms. "I need a husband. Not a real one—just a fake one."Nagtaas siya ng kilay. "Okay po," maikli niyang sagot. Lasing pa talaga a
Zain POVPinatay ni Tahlia ang engine ng sasakyan niya at lumingon sa akin bago bumaba."You'll stay here for the night. I have things to do, so I'll be sleeping at our mansion," sabi niya habang walang emosyon ang boses. Ang ganda niya talaga. Ang hot pa at putek, ang laki ata ng mga bundok niya sa harap.Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiilang na ganito kaganda ang magiging peke kong asawa. Ibig sabihin ay maki-kiss ko siya sa lips kapag kinasal na kami? Sure ‘yon kasi ikakasal kami sa simbahan kasama ang lola at pamilya niya. Ngayon palang ay excited na ako.Bago siya tuluyang lumabas, lumingon siya muli sa akin at nagtaas ng kilay."And Zain," she said with a smirk, "there are CCTVs everywhere. So, if you try to steal anything, I’ll know."Napanganga ako. "Wow. You really think I’d do that?"She shrugged. "I don’t know you well enough to be sure. But I do know that money can tempt people."Napailing ako. "You’re unbelievable.""I know." She gave me one last look before closing
Zain POVMaaga pa lang ay gising na ako dahil pinag-alarm ako ni Tahlia. Ang saya nga kasi may magara at mamahalin akong cellphone ngayon. Siyempre, bigay din ito ni Tahlia para may contact siya sa akin. Sinabi ko kasi sa kaniya kahapon na di-keypad lang ang phone ko. Nakita ko nga na umirap at ngumuwi siya. Ang arte talaga, e.Kaya naman agad-agad ay binili niya ako ng cellphone. Ang nakakatuwa pa, magkapareho na kami ng cellphone ngayon. Bakit, kasi kailangan ko rin daw talagang magpanggap na mayaman din.Nakakasura nga kasi hindi ko agad natutunang gamitin ang ganitong kagara na cellphone.Ngayong araw ay sinundo niya ako sa bahay namin. Mamimili raw kasi kami ng mga magiging gamit ko bilang Zain na mayaman.At sa malaking mall kami nagpunta. Pero, hindi lang basta mall ito, kasi nasa pinakamalalaking mall kami sa buong bansa, may tatlong floors, luxury boutiques at mga mamahaling restaurant na ang presyo ng isang meal ay parang tatlong taon kong sahod sa pagiging kargador ko sa pa
Tahlia POVNauwi na sa bahay nila si Axton kaya naisipan kong galain siya pagkaapos kong asikasuhin ang baliw na si Zain.Ka-stress siyang kasama pero dahil kailangan ko siya para sa sampung bilyong piso, magtitiis ako.Pagdating ko sa bahay nila Axton ay tahimik.Dati, sa tuwing umuuwi siya galing sa ibang bansa, palaging puno ng sigla ang ganitong pagkakataon. Maglalakad siya palapit sa akin, yakap agad at may kasamang pilyong ngiti na para bang wala siyang ibang gustong makita kundi ako.Pero ngayon, bumungad sa akin ang reyalidad na kahit anong gawin namin, kahit anong dasal ang gawin ko, hindi na muling babalik ang dati.Nakita ko siyang naka-wheelchair sa sala, nakatingin sa bintana. Malalim ang iniisip.Hindi ko alam kung napansin niya akong pumasok.“Axton,” mahinang tawag ko sa kaniya.Dahan-dahan siyang napalingon sa akin..Isang matamlay na ngiti ang ibinigay niya sa akin. “You’re here.”Lumapit ako sa kanya habang pilit kong pinapakalma ang sarili ko na hindi maiyak kasi n
Xamira POVHindi ko na namalayan kung gaano na pala ako nakalayo. Sa wakas, nakakalakad na ako nang maayos. Wala nang bumabagal sa mga hakbang ko, wala nang kumikirot sa binti at hita ko.Ngayon, heto ako, nag-e-exercise na sa labas, habang tinatanggap ang bagong sikat ng araw.“Kalix!” tawag ko sa kaniya, sabay kaway mula sa may puno ng niyog. “Halika, maligo tayo!”Medyo nagulat siya, pero agad din namang ngumiti. Alam ko naman na wala siyang choice. Kapag ako na ang nag-aya, alam kong hindi na siya tatanggi pa.“Sige, kung ‘yan ang gusto mo,” natatawang sagot niya. Lumapit siya sa akin habang nakangisi, bitbit ang mga tsinelas namin sa isang kamay.Napailing ako. “Sayang, dapat kasama ‘yung tatlong makulit para maingay,” sabi ko. Ayaw niya kasing isama ‘yung tatlo.Lumapit siya sa akin, tapos marahang hinawi ng palad ang aking buhok na tinatangay ng hangin.“Gusto ko kasi, akin ka muna buong maghapon,” sabi niya. Ang tapang talaga, diretsahan at walang pag-aalinlangang sabihin ‘yun
Xamira POVPagdilat ko pa lang ng mata, may naamoy na agad akong kakaiba. Tumatagos sa loob ng kuwarto ang amoy. Wala na si Kalix pagkagising ko kaya parang alam ko na agad. Napabangon ako kasi, ang bango. Amoy putahe na parang ang lasa-lasa. Para akong hinihila palabas ng kuwarto ng isang masarap na almusal.Napasinghot ako ng ilang beses, tapos pinikit ko ulit ang mata ko sandali, iniisip ko kung nananaginip lang ba ako. Pero hindi. Totoo ang amoy. May nakabaang talaga na masarap na almusal sa labas.Kaya naman, dahan-dahan na akong bumangon, pinilit kong inaalis ang antok sa mga mata ko. Pagbukas ko ng pinto, sumilip ako sa maliit naming dining area at doon, halos mapatili ako sa tuwa.Isang malaking kawali na puno ng seafood mix ang nakapatong sa mesa. Umuusok-usok pa, mainit-init, kitang-kita ko ang makukulay na hipon, pusit, tahong at kung anu-ano pang lamang-dagat na sobrang sarap tignan nung pagsamahin. Sa tabi ng mesa, nakaupo si Kalix, nakangiti na tila kanina pa nag-aabang
Kalix POVMaaga pa lang, gising na ako. Day off namin ngayon sa pangingisda, ganoon kapag Sunday. Tulog pa si Xamira nang umalis ako sa bahay kubo niya. Kailangan kong unahan ang ibang mamimili sa palengke, lalo pa’t may espesyal akong binabalak ngayong araw. Nangako kasi ako kay Xamira na ipagluluto ko siya ng paborito niyang seafood mix. Yung tipong umaapaw sa hipon, pusit, halaan, tahong at may kung anong sikreto kong pampalasa na ayon sa matatanda. Siyempre, kapag ganitong in love ako, nagluluto rin ako ng may halong pag-ibig.Sa totoo lang, dati ay ganitong-ganito ako kay Betchay nung nililigawan ko siya. Ang kaibahan lang, mas paborito ni Betchay ang mga lutong gulay lang. Hindi ko maiwasang maalala ang nakaraan ko, lalo pa’t nawala si Betchay na wala kaming closure o paghihiwalay. Masakit sa akin noon ang pagkawala niya at nung humaba na ang panahon, doon lang talaga ako naka-move on.Ngayong binuksan ko na ulit ang puso ko para sa bagong babae, sa tingin ko, mas masaya na ako
Kalix POVPagkarating ko sa kubo ni Xamira, dala ko na ang mga dahon ng mayana na pinili kong maigi kanina pa. Medyo pagod pa ako mula sa maghapong pangingisda, pero hindi ko ramdam—hindi ko talaga ramdam kapag siya ang iniisip ko. Parang nawawala ‘yung bigat ng katawan ko tuwing siya ang dahilan ng mga dapat kong gawin.“Xamira,” tawag ko habang tinutulak ang pinto ng bahay kubo niya. Naroon siya sa papag, naka-upo habang nakasandal sa dingding. Suot niya ‘yung simpleng daster na bulaklakin habang nakatirintas ang buhok.Pagkakita sa akin ng nanay ko, umalis na agad siya kasi marami pa siyang dapat gawin sa bahay kubo namin.“Salamat ulit, nanay.” Tinapik lang ako sa balikat ng nanay ko at pagkatapos, umalis na siya.Lumapit ako nang nakangiti kay Xamira.“Oh, Kalix! Nandiyan ka na pala,” sabi niya habang nakatingin sa dala-dala kong mga dahon. “Ano ‘yang dala-dala mong dahon?” tanong pa niya.“Mayana ‘to. Sabi ni Nanay, epektibo raw ito sa mga pilay, pasa at pamamaga. Ginagamit nam
Kalix POVPagdilat ng mata ko, agad kong naamoy ang malinis na amoy ng buhok ni Xamira. Namilog agad ang mga mata ko sa nakita ko. Nakadikit siya sa dibdib ko, nakayakap, tila ba hinahanap ang init ng katawan ko dahil malamig na kapag madaling-araw. Napangiti tuloy ako. Kung ganitong kaganda ang umaga ko, aba’y parang gusto kong dito na lang matulog habangbuhay.Ang lambot ng yakap niya. Parang ayaw ko na talagang bumangon kahit kailangan nang bumangon kasi kailangan ko nang gumayak.Pero kailangan. Mangingisda pa kami nina Buknoy, Buchukoy at Tisay. Hindi puwedeng ako ang maging dahilan ng pagkaantala. Malaking sayang ang kita para sa kanila, kung sa akin ayos lang na walang kita, basta kasama ko si Xamira, okay na okay na ako.“Kalix!”Narinig ko pa ang sigaw ni Tisay mula sa labas ng bahay kubo ni Xamira. Napakunot ako ng noo habang sinulyapan ko si Xamira—tulog pa rin siya, pero ramdam ko ang mahina niyang paghinga. Ang kamay niya ay nakahawak pa sa t-shirt ko, parang ayaw akong p
Xamira POVMagluluto na sana ako ng hapunan, pero pinigilan akong gumalaw ni Kalix. Kaya ko naman nang gumalaw, pero sadyang may kirot lang sa mga binti at hita ko kapag naglalakad. Hindi pa talaga kaya siguro. Kaya siya na ang nagluto ng hapunan namin, ako naman, naka-upo lang sa isang tabi habang pinapanood siyang kumilos sa maliit kong kusina. Ewan ko kung bakit, pero nakangiti lang ako buong oras. Masarap palang panoorin ang isang taong handang gawin ang lahat para lang mapagaan ang pakiramdam mo. Todo-effort ang Kalix, nakakainis kasi nakakakilig isipin na para kaming mag-asawa ngayon kahit nanliligaw palang naman siya.“Ang bango,” ani ko habang nilalagyan na niya ng ulam ang plato ko. “Ang dami mo talagang kayang gawin. Sa Lux city, wala, puro pa-pogi lang ang kalalakihan. Bihira doon ang mga gaya mong masipag.”“Mayayaman kasi kaya ganoon, dito, kung hindi ka kikilos ay walang mangyayari sa buhay mo,” sagot niya at parang hindi niya napansing napatingin ako sa kaniya nang mata
Kalix POVSabi ko kay Xamira, hanggang hindi pa siya okay, dito ako matutulog sa bahay kubo niya. Payag naman siya, kasi ako ang natatakot na rin para sa kalagayan niya. Lalo na’t alam ko rin ang dating naging buhay ng mama ko. Na gaya nang nangyayari kay Xamira, dati na rin pala siyang nakakaranas ng pambubuwisit ng mga loko-lokong mga kalalakihan na tigang na tigang. Palibhasa’t hindi pa uso ang pulis dito, kaya hindi sila natatakot na gumawa ng kasamaan.“Salamat talaga sa pagpoprotekta sa akin, Kalix. Talaga bang ayos ka lang na sa sala matulog?” tanong ni Xamira habang seryosong nakatingin sa akin. Sa totoo lang, kung ako ang tatanungin, aba’y magtabi na lang kami sa kama niya kung nahihiya talaga siyang patulugin ako sa sala.“Oo, ayos lang, basta nandito ako sa bahay kubo mo, kalmado ako, kasi alam kong mapoprotektahan kita.”Nakita kong ngumiti siya. Syet, ang ganda talaga ni Xamira. Napaka-suwerte ko kapag nakatuluyan ko ang gaya niya.Maya maya ay biglang bumukas ang pinto n
Kalix POVMainit na ang sikat ng araw nang matapos kaming mangisda nila Buchukoy, Buknoy at Tisay. Marami-rami ulit ang huli ngayon—mga malalaking tambakol, maya-maya, at isang dambuhalang lapu-lapu. Habang binubuhat namin ang mga lambat at isdang nakasalansan sa malaking bayong, naramdaman ko ang kirot sa mga bisig ko, pero tiniis ko lang. Mas mahalaga sa akin ngayon na makauwi agad pagkatapos naming ilako ‘to. Si Xamira ang iniisip ko simula pa kaninang umaga.Nang makarating kami sa palengke, gaya ng dati, hindi pa man kami lubusang nakapwesto sa puwesto naming lamesa sa gilid ng palengke, pinagtulakan na agad kami ng mga mamimili. Sumisigaw si Tisay ng presyo, abala si Buchukoy sa pagtimbang at si Buknoy naman sa pagsisigaw ng preskong isda rito, habang ako naman abala ako sa pagmasid sa paligid.Hindi ako pumuwesto para tumanggap ng bayad. Hindi ako pumwesto para magbitbit ng paninda. Ang totoo, nakatayo lang ako sa may dulo habang kunwari ay nag-aayos ng lambat pero ang totoo ay
Xamira POVPagkagising ko kinaumagahan, ramdam ko agad ang kirot sa kaliwang binti ko. Namamaga ito at may malalalim pang pasa. Pati ang hita ko, may mga gasga na namaga na rin ng husto. Pinilit kong itayo ang sarili ko, pero hindi ako makalakad ng maayos. Parang nabugbog ang mga hita at binti ko sa pagkakalaglag ko kagabi sa bintana ng bahay kubo ko. Lintek kasing mga hayop na lalaki kagabi. Sino ba sila. Sana mahuli sila at maparusahan ni Kalix. Nang dahil sa kanila, malulumpo pa tuloy ako.Dahil sa nangyari, sinabi ni Kalix na hindi ako makakasama sa pangingisda kasi nakita niya ang pasa-pasa at namamaga kong mga sugat sa katawan. “Saka ka na lang sumama kapag okay ka na,” sabi niya.“Pero gusto kong sumama, Kalix,” pagpipilit ko.“Hindi puwede, Xamira. Hindi ko hahayang mabugbog pa ang katawan mo sa pangingisda, ipahinga mo na lang ‘yan. Pangako na hahanapin ko ang tatlong salarin kagabi at ako mismo ang magpaparusa sa kanila. Pero, habang mukhang baldado ka, papabantayan muna kit