BLURB: Sa isang malaki at mamahaling restaurant na pag-aari ni Richmond De Guzman, nagtrabaho ako roon bilang baguhang waitress. Hindi ko inasahan na mapalapit ako sa kaniya—minahal siya nang hindi ko sinasadya. Naramdaman ko rin ang attention niya na tila sumasagot sa nararamdaman ko. Tunay na naging malapit kami sa isa’t isa hangang sa isang araw... para akong pinag-sakluban ng langit at lupa. Nang sabihin niya sa akin na dumalo sa opisina niya sumunod ako, at isang nakakawindang na pangyayari ang aking nakita; si Natch at siya nakita kong nagháhálikan. Sobra akong nagsisi, nagalit sa sarili na umasa ako kahit walang kami. Ang mas masakit pa dahil may nakaraan pala sila. Ang dami kong nalaman na sobrang hirap tanggapin. Siguro ganoon nga talaga kapag assuming ka, sinasampal rin sa ‘yo ang isang bagay na ina-assume mo. Sa sobrang sama ng loob, pinili ko na lang umalis—hindi nagpaalam. Sumama ako sa mga magulang ko papuntang Singapore. Ilang taon ang dumaan, muli kaming pinagtagpo ng tadhana. Talagang hindi na tulad ng dati ang ‘ngayon,’ maliban sa nararamdaman ko. Bakit hindi ito nagbago? Gusto kong maging malaya, pero ang hiyaw ng puso ko ay iba. Dapat ko bang pairalin ang pride ko o sasabihin ko sa kaniya ang totoo?
View MoreMARY JOY’S POVNapaupo ako sa sahig ng may biglang bumangga sa akin. Napatingin ako kung sino iyon at nakita kong si Nacht kaya napailing na lamang ako. Kakatapos lang ng trabaho ko at kasama ko na ngayon sina Sky at Anastasia. Kakatapos lang din ng klase nila. Sinundo nila ako para gumala raw kami. Sa hapon kasi out ko kaya may oras pa. Tumingin ako sa dalawa at nakita ko silang masama ang tingin nila kay Nacht. Malakas ang loob ngayon ni Nacht dahil kami-kami lang ang nandito kasama na ngayon ang mga bodyguard niya, sosyal.Hindi ba siya nahihiya? Isa siyang artista kaya dapat good model siya lalo na sa mga kabataan ngayon. Ewan ko nga ba, bakit hanggang ngayon iniidolo pa rin siya ng iilan kahit nakita na nila ang tunay na ugali nito at kung paano siya mag trato sa mga kapwa niya. Kahit sa mga fans pa lang niya, napansin kong pinakita niyang maarte at maldita siya. Tinulungan ako ng dalawa tumayo kaya nagpasalamat ako sa kanila. “Hala ka. Ang lawak ng daanan. Pilit mo pang isiksik
RICHMOND’S POVNandito ako ngayon sa sarili kong bahay. Hindi ako umuwi sa amin dahil ayaw ko makita ‘yong bagong asawa ni mama. Hindi ko matanggap dahil ang bilis niya magpalit ng bago niyang makasama habang buhay. Namatay na kasi ‘yong papa namin dahil na car accident ito noong birthday ko. Nandoon na rin si Silver kasama ang yaya niya. Dito ako palagi sa bahay ko pagkatapos ko mag trabaho para mag relax. Ma stress lang kasi ako kapag nasa bahay ako. Malamig ako pakitungo tapos masamain ni mama dahil hindi ko raw tanggap ‘yong bago niyang asawa. Eh, totoo naman kaya mag-away at magtalo na lang kami palagi.Napabuntong-hininga na lamang ako at winaksi iyon sa isipan ko. Kumuha ako ng isang basong may laman ng alak at ininom ito. Hinintay ko ang mga kaibigan ko rito sa bahay ko. They are my friends since elementary.Biglang may tumawag sa selpon ko kaya tiningnan ko kung sino ito at nakita ko ang pangalan ng ex ko. Hindi ko ito sinagot at pinatay ang tawag. Nakailang beses ko na ito
“Good morning, Ligaya. Kumusta? Nalaman ko ‘yong isyu tungkol sa inyo ni Nacht, ah,” bungad sa akin ng isa sa kasamahan ko kaya napasimangot ako. Ka’y aga-aga kasi iyan ang bungad niya sa akin.“I’m fine, huwag muna banggitin sa akin ‘yong isyu na iyon. Napakatsismosa mo talaga kahit kailan,” sambit ko at inayos na ang sarili para makapagsimula na sa trabaho.Narinig ko naman ang mahinang pagtawa nito ngunit inirapan ko na lang siya. Halos lahat dito na staff ko naging kaibigan ko na sila ngunit ‘yong iba hindi dahil napakasungit at mahirap lapitan pero hindi naman nila ako binully pero hinahayaan ko na lang sila siyempre mahirap kaibiganin ang mga ganoong tao, parang may galit sa mundo.Ngayong araw magkita kami ni Nacht dito mamaya sa restaurant. Hihintayin ko siya para makapag-usap kami ng malinawan. Gusto ko maiintindihan ko kung bakit niya ako siniraan sa maraming mga tao. Wala naman akong ginagawang masama sa kaniya para magalit siya sa akin.Pumasok pa rin ako sa trabaho kahit p
MARY JOY’S POVNagpahinga na rin si papa sa kuwarto nila mama. Nagpapaalam naman sa amin sina Sky at Anastasia na umuwi na pagkatapos namin manood ng movie dahil gabi na.Inayos ko muna ang mga gamit ko na nagkalat sa loob ng kuwarto ko at saka na rin ako nag-ayos sa sarili ko para matulog na. Kailangan maaga ako matulog kasi may pupuntahan pa ako bukas.Kinabukasan, maaga ako nagising. Naligo na rin ako at nag-ayos sa sarili. Magsimba kasi ako kaya kailangan malinis at mabango.Pagkatapos ko mag-ayos nakita ko si mama na nagluto ng ulam kaya nilapitan ko siya. Hinalikan ko ito sa pisngi at niyakap ng mahigpit.“Mama, magsimba muna ako. Hindi pa naman ako nagugutom,” pagpaalam ko sa kaniya.“Anak, hindi puwede iyan. Kailangan mo kumain bago ka magsimba,” masungit na saad nito kaya napatawa na lang ako ng mahina.“Mama, kilala mo ako. Hindi talaga ako mahilig kumain sa umagahan,” sambit ko kaya napabuntong-hininga na lang si mama at saka tumigil sa kaniyang ginagawa.Humarap naman ito
MARY JOY’S POVNandito ako ngayon sa kuwarto. Hindi ako nagmukmok dito, may ginagawa lang talaga akong art commission na sobrang mahalaga sa akin kaya kailangan gawin. Napatigil ako sa aking ginagawa ng may narinig akong ingay mula sa labas kaya lumingon ako sa may pinto. Nakita kong pumasok ang dalawa kong matalik na kaibigan na sina Anastasia Laurel at Sky Elffire.Hindi na ako magtaka kung bakit sila nandito dahil kapag wala akong pasok sa trabaho. Pupunta sila rito sa bahay para mang-aya ng gala. Nagunahan pa silang dalawa kung sino unang makalapit sa akin ngunit si Anastasia ang unang nakalapit. Niyakap naman niya ako ng mahigpit at nakita ko naman ang reaksyon ni Sky, mukhang na dismaya ito dahil naunahan na naman siya. Napaling na lamang ako at mahinang napatawa, para kasi silang mga bata.“Kainis naman itong babae na ‘to. Inuunahan pa ako!” inis na saad ni Sky at hinila si Anastasia papalayo sa akin.“Bwesit ka talagang bakla ka. Ang sakit ng paghila mo. Puwede ka naman sa kal
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments