MARY JOY’S POV
Napaupo ako sa sahig ng may biglang bumangga sa akin. Napatingin ako kung sino iyon at nakita kong si Nacht kaya napailing na lamang ako. Kakatapos lang ng trabaho ko at kasama ko na ngayon sina Sky at Anastasia. Kakatapos lang din ng klase nila. Sinundo nila ako para gumala raw kami. Sa hapon kasi out ko kaya may oras pa. Tumingin ako sa dalawa at nakita ko silang masama ang tingin nila kay Nacht. Malakas ang loob ngayon ni Nacht dahil kami-kami lang ang nandito kasama na ngayon ang mga bodyguard niya, sosyal.Hindi ba siya nahihiya? Isa siyang artista kaya dapat good model siya lalo na sa mga kabataan ngayon. Ewan ko nga ba, bakit hanggang ngayon iniidolo pa rin siya ng iilan kahit nakita na nila ang tunay na ugali nito at kung paano siya mag trato sa mga kapwa niya. Kahit sa mga fans pa lang niya, napansin kong pinakita niyang maarte at m*****a siya. Tinulungan ako ng dalawa tumayo kaya nagpasalamat ako sa kanila.“Hala ka. Ang lawak ng daanan. Pilit mo pang isiksik ang sarili mo sa puwesto namin ni Ligaya?” mataray na tanong ni Anastasia kaya napatawa na lang ako.Sinamaan ako ng tingin ni Nacht kaya napataas ang isang kilay ko.“Tingin-tingin mo riyan? Tama naman ang sinabi ni Anastasia. Napaghalataan ka talagang papansin,” inis kong saad.“Papansin naman talaga iyan kahit kailan. Grabe, ganda lang meron pero ekis sa ugali,” sabi ni Anastasia sabay irap.Napatawa naman si Sky sa tabi ko dahil sa sinabi ni Anastasia.“Excuse me, iyan na ba ang matapang sa inyo? Mayabang lang din meron kayo pero ‘yong ganda sa mukha at ganda sa ugali, wala!” matapang na sambit ni Nacht.“Kaysa naman sa ‘yo magnanakaw!” sabat ulit ni Anastasia.“Go girl!” cheer ni Sky.“Teka, anong ninakaw ko? Sa pagkakaalam ko, wala akong ninakaw sa inyo lalong-lalo na kay Mary Joy dahil siya mismo ang may ninakaw mula sa akin!” galit na sambit nito.Bigla akong natawa sa sinabi ni Nacht ngunit pinigilan ko lang. Gusto ko lang ito painisin lalo. Sana matauhan na ang ibang tao rito kay Nacht. Masiyado silang nalason dito. Masama naman ang ugali.“Gusto mo talaga ng gulo palagi, noh? Araw-araw ka may gulo. Itong sa amin ni Mary Joy. Hindi ka naman kasali pero sabat ka nang sabat. Nakisawsaw ka sa away namin. Napaghalataan ka talagang papansin,” inis na sambit ni Nacht.“Aw, wow. Ano bang pake mo kung nakisawsaw ako? Kaibigan ko binabangga mo. Alam kong kaya ka niyan pero hindi rin ako papayag na ginaganoon mo siya. Sino ka ba, ha? Hangin ka lang naman sa paningin ko kahit alam kong sikat ka na artista. Mahiya ka naman girl. Dapat talaga i-phase out ‘yong may sakit sa utak. Parinig pa more sa kaharap namin,” kunwaring parinig ni Anastasia.Nang maramdam kong iba na ang pagitan nilang dalawa. Siniko ko si Sky para awatin namin sila.“Tama na nga iyan!” Gigitna na sana ako pero biglang lumapit si Nacht kay Anastasia at sinabunutan ito sa buhok kaya napaupo ulit ako sa sahig.Napa-face palm na lang ako. Inawat na ni Sky sina Nacht at Anastasia habang ako naman nagmadaling tumayo. Inawat na rin sila ng mga bodyguard ni Nacht ngunit ayaw pa rin tumigil. May mga tao ng umawat sa kanila at nagsigawan para humingi ng tulong. Ito na nga ba ang sinasabi ko, e! Ayaw talaga magpapatalo at magpakumbaba ni Anastasia.“Teka, tama na!” galit na sigaw ko ngunit ayaw pa rin nila umawat.Nakahiga na silang dalawa ngunit si Nacht na nasa baba habang si Anastasia naman ang nasa ibabaw nito. May dalawang guard na dumating at inawat ang dalawa. Nilapitan namin si Anastasia na magulo na ang buhok ganoon din si Nacht.“Hala, si Miss Nacht pala ito. Anong ginagawa ninyo rito? Artista iyan!” Napairap na lang ako dahil sa sinabi ng isang matandang babae.Nilapitan niya ito at inayos ang buhok na kumalat sa mukha ni Nacht. Inayos namin ni Sky ang buhok ni Anastasia.“Ha? Kami pa talaga. Eh, siya ang nanguna! Kung nakita ninyo ang buong nangyari rito. Edi, sana hindi kayo ganiyan magsalita,” inis na sabi ni Anastasia.“Sila talaga nanguna. Kita ninyo nga may mga galos na ako dahil sa kagagawan ni Anastasia,” pag-dra-drama ni Nacht.Napabuntong-hininga na lamang ako at hindi siya pinansin. May paiyak effect pa. Ang O.A. Artista nga naman.“Ang O.A,” pabulong na sambit ni Anastasia na pero rinig naming tatlo.Nakita naming papaalis na si Nacht kasama ang mga bodyguard nito. Nang makita niyang nakatingin ako sa kanila bigla akong Inirapan nito. Jusko, bakit ba ganito ang galit niya sa akin. Wala naman akong ginagawang masama sa kaniya. She’s weird!“Tama na, please? Umalis na sila Nacht.” Nagmamakaawa na ako lalo na’t na konsensiya ako kasi feeling ko ako ang may kasalanan kung bakit sila nagkagulo.Napabuntong-hininga na lang si Anastasia at saka tumango kaya napahinga na ako ng maluwag.“Lagot tayo kay Tito nito Anastasia. Nakipag-away ka na naman,” nag-aalalang sabi ni Sky. “Baka ipa-grounded ka na naman ng ilang weeks. I-explain mo na lang sa kaniya ‘yong buong nangyari. Anak ka niya kaya alam kong maiintindihan ka niya. Overprotective at strict lang talaga daddy mo,” dagdag nito.“Hala, huwag sana mangyari iyan. Hindi ko talaga mapatawad ang sarili ko. Nagkagulo kayo ng dahil sa akin,” ani ko. “Teka, ayos ka lang ba?” nag-alalang tanong ko kay Anastasia.Tumango naman ito. “Huwag mo nga sisihin ang sarili mo, Ligaya,” sambit nito na ikinatango ko naman. “Wala akong pakialam sa daddy ko. Palagi namang ganoon iyon. Hindi iyon makikinig sa side ko kahit mag explain pa ako kaya hayaan ko na lang siya kung saan siya masaya. Wala na akong pakialam.”“Pero alam ninyo naman, ‘di ba? Na kaya ko sarili ko. Hindi ako magpapatalo at magpaapi. Ayaw ko sana madamay kayo sa amin ni Nacht. Kilala ninyo naman iyo, e. Walang pinili. Kahit sino na lang ang inaway,” wika ko.“Bahala ka riyan, Ligaya. Kinaibigan mo kami kaya dapat lang din ipagtanggol ka pa rin namin.” Napa-cross-arm na lang ni Anastasia ang mga braso niya.Honestly, napaka-suwerte ko talaga sa kanila. Nagustuhan ko na ‘yong bond nung una pa naming magkakilala.“Ano? Saan na tayo nito? Umuwi ba tayo o gagala muna?” tanong ni Sky.“Kainis talaga si Nacht. Sinira ang araw ko,” padabog na sambit ni Anastasia kaya natawa na lang kami ni Sky.“Para kang bata, Anastasia. Jusko ka, beh!” Binatukan ni Sky si Anastasia kaya napa-aray naman ito.“Nangbatok ka na naman, Sky. Ang daya mo, hindi ka sumali sa sabutan namin ni Nacht. Alam ko kasi na mas magaling ka sa amin makipagsabutan.” Tawa nang tawa si Sky dahil sa sinabi ni Anastasia.“Gaga ka ba? Gusto mo yatang mawalan ako ng allowance, eh.”Napatawa na lang kaming tatlo dahil sa tinuran ni Sky. Bawal sumali si Sky sa mga gulo dahil mawawalan talaga siya ng allowence. Ganiyan ang rules ng magulang ni Sky sa kaniya. Mabait naman ang magulang nito at jolly pero may time talaga na strict sila. Hindi naman masiyadong nahigpitan si Sky sa rules ng magulang niya dahil alam niya sarili niya para sa kaniya rin iyon kaya dapat niyang sundin lalo na’t magulang niya ito. Gusto niya maging proud ang magulang niya sa kaniya. Ang sweet, ‘d ba?MARY JOY’S POVNandito ako ngayon sa kuwarto. Hindi ako nagmukmok dito, may ginagawa lang talaga akong art commission na sobrang mahalaga sa akin kaya kailangan gawin. Napatigil ako sa aking ginagawa ng may narinig akong ingay mula sa labas kaya lumingon ako sa may pinto. Nakita kong pumasok ang dalawa kong matalik na kaibigan na sina Anastasia Laurel at Sky Elffire.Hindi na ako magtaka kung bakit sila nandito dahil kapag wala akong pasok sa trabaho. Pupunta sila rito sa bahay para mang-aya ng gala. Nagunahan pa silang dalawa kung sino unang makalapit sa akin ngunit si Anastasia ang unang nakalapit. Niyakap naman niya ako ng mahigpit at nakita ko naman ang reaksyon ni Sky, mukhang na dismaya ito dahil naunahan na naman siya. Napaling na lamang ako at mahinang napatawa, para kasi silang mga bata.“Kainis naman itong babae na ‘to. Inuunahan pa ako!” inis na saad ni Sky at hinila si Anastasia papalayo sa akin.“Bwesit ka talagang bakla ka. Ang sakit ng paghila mo. Puwede ka naman sa kal
MARY JOY’S POVNagpahinga na rin si papa sa kuwarto nila mama. Nagpapaalam naman sa amin sina Sky at Anastasia na umuwi na pagkatapos namin manood ng movie dahil gabi na.Inayos ko muna ang mga gamit ko na nagkalat sa loob ng kuwarto ko at saka na rin ako nag-ayos sa sarili ko para matulog na. Kailangan maaga ako matulog kasi may pupuntahan pa ako bukas.Kinabukasan, maaga ako nagising. Naligo na rin ako at nag-ayos sa sarili. Magsimba kasi ako kaya kailangan malinis at mabango.Pagkatapos ko mag-ayos nakita ko si mama na nagluto ng ulam kaya nilapitan ko siya. Hinalikan ko ito sa pisngi at niyakap ng mahigpit.“Mama, magsimba muna ako. Hindi pa naman ako nagugutom,” pagpaalam ko sa kaniya.“Anak, hindi puwede iyan. Kailangan mo kumain bago ka magsimba,” masungit na saad nito kaya napatawa na lang ako ng mahina.“Mama, kilala mo ako. Hindi talaga ako mahilig kumain sa umagahan,” sambit ko kaya napabuntong-hininga na lang si mama at saka tumigil sa kaniyang ginagawa.Humarap naman ito
“Good morning, Ligaya. Kumusta? Nalaman ko ‘yong isyu tungkol sa inyo ni Nacht, ah,” bungad sa akin ng isa sa kasamahan ko kaya napasimangot ako. Ka’y aga-aga kasi iyan ang bungad niya sa akin.“I’m fine, huwag muna banggitin sa akin ‘yong isyu na iyon. Napakatsismosa mo talaga kahit kailan,” sambit ko at inayos na ang sarili para makapagsimula na sa trabaho.Narinig ko naman ang mahinang pagtawa nito ngunit inirapan ko na lang siya. Halos lahat dito na staff ko naging kaibigan ko na sila ngunit ‘yong iba hindi dahil napakasungit at mahirap lapitan pero hindi naman nila ako binully pero hinahayaan ko na lang sila siyempre mahirap kaibiganin ang mga ganoong tao, parang may galit sa mundo.Ngayong araw magkita kami ni Nacht dito mamaya sa restaurant. Hihintayin ko siya para makapag-usap kami ng malinawan. Gusto ko maiintindihan ko kung bakit niya ako siniraan sa maraming mga tao. Wala naman akong ginagawang masama sa kaniya para magalit siya sa akin.Pumasok pa rin ako sa trabaho kahit p
RICHMOND’S POVNandito ako ngayon sa sarili kong bahay. Hindi ako umuwi sa amin dahil ayaw ko makita ‘yong bagong asawa ni mama. Hindi ko matanggap dahil ang bilis niya magpalit ng bago niyang makasama habang buhay. Namatay na kasi ‘yong papa namin dahil na car accident ito noong birthday ko. Nandoon na rin si Silver kasama ang yaya niya. Dito ako palagi sa bahay ko pagkatapos ko mag trabaho para mag relax. Ma stress lang kasi ako kapag nasa bahay ako. Malamig ako pakitungo tapos masamain ni mama dahil hindi ko raw tanggap ‘yong bago niyang asawa. Eh, totoo naman kaya mag-away at magtalo na lang kami palagi.Napabuntong-hininga na lamang ako at winaksi iyon sa isipan ko. Kumuha ako ng isang basong may laman ng alak at ininom ito. Hinintay ko ang mga kaibigan ko rito sa bahay ko. They are my friends since elementary.Biglang may tumawag sa selpon ko kaya tiningnan ko kung sino ito at nakita ko ang pangalan ng ex ko. Hindi ko ito sinagot at pinatay ang tawag. Nakailang beses ko na ito