Share

CHAPTER 4

RICHMOND’S POV

Nandito ako ngayon sa sarili kong bahay. Hindi ako umuwi sa amin dahil ayaw ko makita ‘yong bagong asawa ni mama. Hindi ko matanggap dahil ang bilis niya magpalit ng bago niyang makasama habang buhay. Namatay na kasi ‘yong papa namin dahil na car accident ito noong birthday ko.

Nandoon na rin si Silver kasama ang yaya niya. Dito ako palagi sa bahay ko pagkatapos ko mag trabaho para mag relax. Ma stress lang kasi ako kapag nasa bahay ako. Malamig ako pakitungo tapos masamain ni mama dahil hindi ko raw tanggap ‘yong bago niyang asawa. Eh, totoo naman kaya mag-away at magtalo na lang kami palagi.

Napabuntong-hininga na lamang ako at winaksi iyon sa isipan ko. Kumuha ako ng isang basong may laman ng alak at ininom ito. Hinintay ko ang mga kaibigan ko rito sa bahay ko. They are my friends since elementary.

Biglang may tumawag sa selpon ko kaya tiningnan ko kung sino ito at nakita ko ang pangalan ng ex ko. Hindi ko ito sinagot at pinatay ang tawag. Nakailang beses ko na ito blinock pero marami siyang paraan para matawagan lang ako. Ilang beses na rin siya pumunta sa kompanya ko ngunit hindi ko siya pinansin at marami akong mga dahilan para hindi siya kausapin.

Kapag may bago naman akong numero. Maghanap talaga siya ng paraan para makuha iyon. Napakadesperada. Pinigilan ko lang ang sarili ko na huwag siyang saktan kasi babae pa rin siya. Alam naman niya kung paano ako magalit pero hindi pa rin tumigil. Nagtimpi talaga ako.

Inubos ko ‘yong alak hanggang sa tumawag na naman siya ulit. Tumayo ako at sinagot ang tawag niya. Ayaw niya talaga magtigil. Kailan ba ito susuko? Lakas ng babaeng ito kahit nasasaktan na ayaw pa rin talaga tumigil. Mahal niya pala ako. So, bakit niya iyon nagawa sa akin? Ang gulo niya!

“Stop calling me,” malamig na sambit ko sa kabilang linya ngunit bigla itong umiyak kaya napataas ang isang kilay ko.

She’s always like this lalo na kapag ako ang kausap niya. Hindi na ako naniniwala sa kadramahan niya.

“Mahal pa kita. Please, bumalik ka na sa akin,” saad nito sa kabilang linya kaya napayukom ang kamao ko.

“Tangina naman! Kailan ka ba titigil? Alam mo bang hiindi ka na nakakatuwa? Look at yourself! Para ka ng tanga. Ito ang tatandaan mo, kahit kailan hindi na ako babalik sa ‘yo. Nagloko ka kaya hindi ka deserve balikan. Huwag ka ng magdrama kasi hindi bagay sa ‘yo. Isa pang tawag sa akin, baka ano pang magawa ko sa ‘yo,” galit kong sabi at gigil na pinatay ang tawag.

Ihagis ko sana ang selpon ko ngunit pinigilan ko lang dahil sayang. Napapikit ako at napasabunot sa sarili kong buhok.

“Pre, anong nangyari sa iyo?”

Minulat ko mga mata ko at nakita ko ang mga kaibigan ko na nag-aalala sa akin. Umayos ako ng upo at uminom muli ng alak. Malapit na rin maubos ang isang bote.

“Si Nacht na naman ba?” tanong ni Kohen pagkatabi nito sa akin.

Tumango naman ako at kumuha na rin si Kohen ng alak. Umupo na rin ang ibang kaibigan ko sa kabilang sofa.

“Ayaw niya pa rin tumigil. Damn! Nakakairita na ‘yang babaeng ‘yon. Matalino siya. May utak pero hindi niya ginamit!” galit na sambit ko.

“Pre, dahan-dahan ka naman babae pa rin iyon,” sabi ni Gideon kaya sinamaan ko ito ng tingin.

“Sige, ipagtanggol mo pa ang babaeng iyan. Oo nga pala, gusto mo nga pala ang babaeng ‘yon. Make a move para hindi na ako kulitin!” sigaw ko.

Nabigla na lang ako ng bigla ako nito sinuntok kaya napahiga ako sa sofa. Inawat kami ng iba pa naming kaibigan. Hinawakan ko ang labi ko na may sugat at dugo. Pinahiran ko ito gamit ang kamay ko.

“Alam mo naman na may girlfriend na ako. Hindi ko na gusto si Nacht kaya manahimik ka. Huwag mong banggitin iyan kapag kasama ang girlfriend ko dahil baka masira kami. Hindi talaga kita mapatawad kapag mangyari iyan!” gigil nitong sigaw sa akin.

Namumula na rin ang mga tenga nito dahil sa galit. Hindi naman ako ganito, maging ganito lang naman ako kapag galit ako at hindi ko na maiintindihan ang sarili ko.

Kilala ako ng mga kaibigan ko pero minsan kinimkim ko na lang kapag may problema ako dahil ayaw kong makita nila na duwag ako.

“Mga pre, tama na iyan. Ayaw ko masira tayo dahil sa isang babae. Lasing ka na yata, Richmond. Ang mas mabuti pa, magpahinga ka na lang at umiwi na lang kami,” mahinaon na sa sambit sa amin ni Klent.

“Oo nga, pinatawag mo lang pala kami para magbigay ng problema,” malamig na sambit ni Gideon kaya sinuway siya ng iba naming kaibigan kaya napahinga na lang ako ng malalim at pumikit.

“Pasensiya na kayo. Nadala lang ako sa emosyon ko. Huwag muna kayo umuwi,” nahihiyang sambit ko at umayos ng upo. Hindi umimik si Gideon at umupo na lang ito sa tabi ni Krypton.

Ilang oras na rin kami tahimik at uminom hanggang sa naubos na rin namin ‘yong tatlong bote ng alak. ‘Yong iba lasing na habang ako naman ay malapit na rin kaya tinigil ko muna ang pag-inom ko.

Bigla sumulpot sa isipan ko ‘yong baguhang waitress sa restaurant ko. Hindi ko alam kung bakit pero kapag malapit kami sa isa’t-isa ramdam ko ‘yong hiya at kaba niya pero nakikita ko ngiti niya kapag malayo ako sa kaniya. Napangisi na lang ako bigla dahil sa naisip ko. Ako na naman ang dahilan kapag ngumiti siya. Sa lahat ng staffs na naroon, siya lang nakuha ng atensyon ko. Kwinukuwento rin siya ni Silver sa akin.

Halatang mahilig siya sa bata. Napatingin ako bigla kay Kohen ng bigla itong tumikhim at nakangisi.

“Baliw ka na yata Richmond. Gusto mo ba dalhin ka na namin sa mental hospital?” pang-aasar na tanong ni Kohen kaya sinamaan ko siya ng tingin.

“Gusto mo ba ng suntok kagaya ng pagsuntok sa akin ni Gideon?” masungit na tanong ko kaya natatawa na lang ito dahil sa inaasta ko.

“Ang rude mo talaga kahit kailan,” sambit nito.

“Bakit ngumiti ka mag-isa? Ngayon lang kita nakitang ngumiti ulit,” malamig na tanong ni Krypton na nasa tabi ni Gideon kaya napatingin ako rito.

“May baguhang waitress kasi sa restaurant ko. She caught my attention,” mahinang sambit ko habang inikot-ikot ko ‘yong baso na may laman na alak at ice cubes.

Napasinghap sila sa sinabi ko kaya napataas ang isang kilay ko dahil sa inaasta nila. May mali ba sa sinabi ko?

“Waitress? Dude, delikado na iyan. May iba ka na namanng target. Iba talaga karisma at kapogihan natin,” natatawang sambit ni Krypton at nag pogi sign pa ito. Binatukan bigla ito ni Gaven kaya napaaray ito. Hinihimas niya ang ulo niya kung saan siya binatukan.

“Kalibutan ka nga sa sinabi mo, Kry. Alam naman natin na ako ang pinakapogi,” turan ni Gaven.

Napailing na lang si Richmond dahil sa mga kaibigan niya. Alam niya kasing hindi nagpapatalo ang dalawa kaya siya na ang unawat.

“Manahimik muna kayo, puwede? Walang katotohanan sa sinabi mo Kry. Hindi delikado. Ano lang talaga, her hair is color blue. Alam ninyo naman mahilig ako sa kulay asul kaya nakuha niya ang atensyon ko.”

“Talaga lang, ah? Naghanap pa talaga ng palusot tapos ‘yong palusot masiyado pang halata,” sabi naman ni Gaven.

“Kaysa naman sa ‘yo. Marami kang babae. Araw-araw na lang. Iba ka talaga,” natatawang ani ni Krypton.

Kumuha si Gaven ng unan at binato ito kay Kry na sinalo naman nito.

“Ako na naman nakita ninyo. Ang babaeng nakuha ng atensyon ni Richmond ang usapan natin dito. Hindi ako. Mga loko kayo!” sambit ni Gaven at napasimangot.

Sa aming pagkaibigan, si Gaven ang maraming ka-fling at parang bata umasta habang si Gideon naman ‘yong masungit. Si Krypton at Klent ay magkapatid pero magkaiba ang ugali at gusto ngunit magkasundo. Si Krypton ‘yong mahilig mang-asar habang si Klent naman ay seryoso. Para nga silang aso’t pusa minsan dahil mahilig mang-asar si Krypton sa kapatid niya. Naubos na rin kasi minsan ang pasensiya ni Klent kaya hindi niya mapigilan hindi manahimik at patulan ang kapatid niya.

“Akala kasi namin ikaw. Sa dami ba namang babae na naging ka-fling mo, hindi ka mapapansin? Kailan ka ba maging seryoso?” seryosong tanong ni Klent.

“Huwag na natin pag-usapan ‘yan. Ang daya ninyo naman!”

“Siya ba ‘yong babae na sikat sa social media dahil nagnakaw ng gawa na hindi sa kaniya? Sabi ni Richmond, kulay asul ang buhok kaya malamang siya iyon. I don’t like her vibes.” Napatingin kaming lahat kay Gideon ng bigla itong magsalita.

Sinamaan ko siya ng tingin.

“Ha, totoo ba iyon?” kuryos na tanong ni Gaven.

“Yes, kilala siyang magaling na artist. May art commission din siya pero bigla siyang sumikat sa social media dahil nagnakaw siya ng hindi niya gawa at ang mas malupit pa si Nacht pa ninakawan niya,” malamig na ani ni Gideon.

“Nacht? Marunong pala siya about sa arts? Hindi ko alam iyon, ah?” nagtatakang tanong ni Kry.

Napakunot-noo ako dahil sa sinabi ni Gideon.

“Sa pagkakaalam ko, marunong si Nacht sa arts noong pagkabata niya pero noong paglaki niya hindi na niya ito ginamit kasi mas forte niya talaga mag acting,” seryosong saad ni Klent.

“Sigurado ka ba talagang siya iyan Gideon? Pero gumanti ka lang dahil pinagsabihan kita kanina?” inis kong tanong kay Gideon ngunit ngumisi lamang ito sa akin.

“Nagsimula na naman kayo,” sabat ni Klent.

“Hindi ba siya ito?” Pinakita ni Gideon sa amin ang isang picture ng babae na may kulay asul ang buhok habang nakangiti ito.

Natahimik ako bigla dahil siya nga ‘yong babaeng ‘yon.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status