Share

CHAPTER 3

“Good morning, Ligaya. Kumusta? Nalaman ko ‘yong isyu tungkol sa inyo ni Nacht, ah,” bungad sa akin ng isa sa kasamahan ko kaya napasimangot ako. Ka’y aga-aga kasi iyan ang bungad niya sa akin.

“I’m fine, huwag muna banggitin sa akin ‘yong isyu na iyon. Napakatsismosa mo talaga kahit kailan,” sambit ko at inayos na ang sarili para makapagsimula na sa trabaho.

Narinig ko naman ang mahinang pagtawa nito ngunit inirapan ko na lang siya. Halos lahat dito na staff ko naging kaibigan ko na sila ngunit ‘yong iba hindi dahil napakasungit at mahirap lapitan pero hindi naman nila ako binully pero hinahayaan ko na lang sila siyempre mahirap kaibiganin ang mga ganoong tao, parang may galit sa mundo.

Ngayong araw magkita kami ni Nacht dito mamaya sa restaurant. Hihintayin ko siya para makapag-usap kami ng malinawan. Gusto ko maiintindihan ko kung bakit niya ako siniraan sa maraming mga tao. Wala naman akong ginagawang masama sa kaniya para magalit siya sa akin.

Pumasok pa rin ako sa trabaho kahit pinagtiningnan na ako ng mga tao at may panghuhusga na tingin. Hindi naman ako nagpaapekto dahil sariling gawa ko iyon. Wala akong ninakaw. Hindi ako nahihiya pumasok dahil hindi naman iyon ang dahilan para hindi ako lumabas ng bahay.

Tiningnan ko ang f******k account ko kanina. Marami na ng bash sa akin tapos nabawasan na rin ‘yong gustong magpaggawa sa akin na ikadismaya ko. Napaling na lang ako. Hindi dapat siguro ito hayaan dapat solusyonan para hindi pa lumala. Marami na ring kumain dito. Isa kasi itong sikat na restaurant kaya hindi na ako magtaka.

Tumulong na rin ako sa mga kasamahan ko. Nakita kong may hindi nalinis na lamesa kaya nilapitan ko ito at saka ako na naglinis. Katabi ko pala si Glaze na naglinis naman sa katabi nitong lamesa.

“Alam mo ba pumunta rito ‘yong nag may-ari ng restaurant. Sinabi ni manager kanina,” sambit nito sa akin habang nagpunas ng lamesa.

Halos mga mayaman ang bumili rito. Mamahalin din ang mga pagkain dito.

“Ha? Sino?” taka kong tanong.

“Eh? Hindi mo kilala? Isang sikat iyon na billionaire. Isa itong restaurant na pag may-ari niya. Hindi lang siya sikat dito sa Philippines. Sikat din siya sa ibang bansa dahil meron din siyang business doon,” kuwento sa akin ni Glaze.

Naalala ko sinabi sa akin ni Anastasia kaya kunot-noo ko siyang tiningnan.

“Si Richmo—” Hindi natuloy ang pagtanong ko ng may biglang sumingit kaya napatigil kami sa ginagawa namin.

“Magandang umaga. Kumusta na kayo rito?” Ang lalim ng boses niya kaya napalunok ako at tiningnan kung sino ito.

Bigla naman nag greet pabalik ang mga kasamahan ko kaya na curious ako bigla. Ako lang ang hindi nag greet pero hindi naman nila napansin iyon kaso itong nasa harapan ko parang napansin niya yata. Hindi ko alam pero ang dilim ng awra niya parang ang sungit niya tingnan at seryoso niya. Hindi tuloy ako makasalita.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng biglang nagtama ang paningin namin. Ako na mismo umiwas ng tingin.

Sh-t! Kailan pa nagkaroon ng ganiyan kaguwapo rito sa Pilipinas?

“Blue hair. I love it,” seryosong sambit nito kaya bigla akong nahiya. “A new waitress?” tanong nito.

“Y-Yes, Sir. G-Good morning,” nautal na sambit ko.

“Welcome here,” malamig na sambit nito.

Ramdam kong namula ang mga pisngi ko kaya napayuko na lang ako. Bigla naman lumapit si Glaze sa akin at mahinang bumulong.

“Siya ‘yong billionaire na sinasabi ko sa ‘yo. Siya si Richmond De Guzman,” saad nito na ikinagulat ko.

“Talaga?” bulong kong tanong dito.

“Oo. Sabi ko sa iyo, eh. Bagay kayo.” Siniko ko bigla si Glaze dahil sa pang-aasar nito sa akin at sinamaan siya ng tingin ngunit ngumisi lamang siya.

Hindi ko mapigilan hindi tingnan si Sir Richmond ngunit taga tingin ko nahuhuli niya ako kaya napayuko na lang uli ako at nakikinig sa mga sinabi niya.

“By the way, hindi rin ako magtagal dito dahil may meetings pa akong kailangan i-attend. Ni check ko lang kayo. Ms. Larix, ikaw na ang bahal—” Hindi natuloy ang sasabihin ni Sir Richmond ng biglang may sumigaw.

“Kuya!”

Napatingin naman ako sa sumigaw at laking gulat ko ng makita ko ‘yong bata na nakita ko kahapon sa may simbahan. Lumapit ito kay Sir Richmond at nagpakarga sa kaniya.

Kapatid pala ito ni Sir Richmond? Tumingin naman ito sa amin at nakita niya ako na ikangiti niya ng malawak.

“Ate gandaaaa!” masayang bati nito sa akin kaya ngumiti ako rito. “Kuya! Siya ‘yong sinabi ko sa ‘yo na maganda at may kulay asul sa buhok. Siya rin sinabi ko sa ‘yo na bagay kayo!” Napatingin ako sa mga kasamahan ko na iilan sa kanila biglang umaktong napaubo.

“Nice one, baby girl!” natatawang ani ni Glaze pero sinamaan ko siya ng tingin.

“Silver,” seryosong tawag ni Sir Richmond na ikinanguso naman ng bata.

“Pasensiya na kayo dahil sa inakto ni Silver. Now go back to your work. Thank you sa oras,” sambit nito.

Babalik na sana ako sa trabaho ko ng bigla akong tinawag ni Silver kaya napa-face palm ako. Akala ko pa naman makaligtas na ako.

“Ate ganda, nakalimutan ko itanong sa iyo ito kahapon. Anong pangalan mo po?” nakangiti nitong tanong.

Tiningnan ko naman si Sir Richmond na nakataas ang isang kilay nila. Hindi ako nagpahalata na kinakabahan ako sa kaniya.

“I’m Mary Joy but you can call me Ligaya,” nakangiti kong sambit.

“Ang ganda ng pangalan mo po parang kayo.”

Bigla naman namula ang mga pisngi ko. Iba talaga kapag bata ‘yong magbigay ng compliments sa ‘yo. Sila kasi minsan ‘yong hindi marunong magsinungaling.

“Thank you, Silver.”

“Silver, let’s go,” biglang singit ni Sir Richmond.

Nakita kong napanguso ‘yong bata kaya napatawa na lang ako ng mahina.

“Magkita pa naman tayo ulit kaya huwag ka na malungkot.” Bigla naman itong sumigla at ngitian ako ng napakalawak.

“Okay, ate. Babye. Kuya, ilapit mo ako kay ate bilis!” masayang sambit nito.

Lumapit naman si Sir Richmond sa akin. Napatingin ako sa kaniya dahil ang lapit namin sa isa’t-isa. Tinitigan naman ako ni Sir Richmond na ikailang ko. Ang lakas talaga ng tibok ng puso ko. Hindi ako mapakali kapag malapit kami sa isa’t-isa. Kinakabahan ako ng wagas. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko pero kaya ko naman magpanggap dahil ayaw ko mapahiya sa harap nila. Hinalikan ako ni Silver sa isang pisngi ko kaya napatingin ako sa kaniya at ngitian ko ito.

Pagkatapos nun ay nagpapaalam na sila sa akin. Tumango naman ako at bumalik na sa trabaho. Tumingin naman ako sa mga kasamahan ko ng tiningnan nila ako ngunit ‘yong iba may panunuksong tingin habang ang iba naman ay sinungitan ako.

Lumapit sa akin si Glaze at saka kumapit sa isang braso ko.

“Para kayong magkapamilya kanina. Grabe, kinilig ako sa inyo,” natatawang sambit nito kaya binatukan ko siya bigla.

“Grabe ka mag delulu. Eh, ikaw nga wala kang boyfriend kahit 35 ka na. Gusto mo magtandang dalaga ka talaga? Marami naman nagkagusto sa ‘yo at manligaw pero puro busted,” nakangisi kong sambit ni Glaze kaya inirapan ako nito.

“Aba, wala akong plano para magkaroon ng pamilya. Pangit mo kabonding Ligaya. Bigla kang manglaglag porque inasar ko siya sa isang billionare parang hindi ko nakita na parang kinikilig ka, ah?!” Narinig kong natawa ang iba pang kasamahan dahil sa amin ni Glaze.

“Hindi ako kinikilig. Nahihiya lang ako!”

“Hephep. Sabi ni Sir go back to your work. Hindi makipagtsismisan. May mga bagong costumers baka mamaya bigla itong dumami. Dapat double time tayo,” masungit na sambit ni Ms. Lex.

Siya kasi ang manager dito sa restaurant. Bago siya naging manager, isa siyang waitress noon.

Naalala ko si Nacht. Hindi talaga siya dumating. Iba pa ang dumating. Napaling na lamang ako. Puro talaga salita ang babaeng iyon. Na curious pa rin aako kung bakit ganoon na lang ang galit niya sa akin. Sa pagkakaalam ko kasi, wala akong ginagawa sa kaniya.

Nagpatuloy na lang ako sa pag trabaho. Naalala ko na naman si Sir Richmond. Hindi ko alam kung bakit na lang siya biglang lumitaw sa isip ko. Kahit hindi siya ngumiti sobrang napakaguwapo pa rin niya. Kapag makita ko siguro siyang nakangiti. Himatayin na yata ako. Unang beses ito na makakitang ganoon ka guwapo pero ekis yata sa ugali hirap lapitan. Ang sungit kasi parang may sama ng loob sa buhay niya. Nakakatakot siguro kapag magalit siya. Nakakatakot na nga kapag hindi siya galit, e.

“Hoy!”

“Ay, palaka kang bwesit ka!”

Napatawa si Glaze dahil sa inasal ko kaya sinamaan ko siya ng tingin. Bakit ba ang hilig nito sumulpot bigla.

“Tulala ka naman kasi. Inisip mo siguro si Sir Richmond, ‘no? Iba talaga karisma nun pero hindi ako. Hindi ako magkagusto dun. Sa ‘yo na siya,” nakangising sambit nito kaya dahil sa inis ko binatukan ko na naman siya ulit sa ulo niya. “Teka, bakit ba ang hilig mong mangbatok?” Napanguso ito habang hinihimas kung saan ko siya binatok.

“Tigilan mo kasi ako sa pang-aasar mo.”

Iniwan ko mag-isa si Glaze at nilapatan ko ang isang bata na humingi ng tubig. Binigyan ko naman ito. Napangiti na lang ako ng nagpasalamat ito sa akin. Mahilig kasi ako sa mga bata dahil ang kyut nila at nakakawala sila sa stress.

Tumingin ako sa paligid. Kung gaano karaming staff dito sa restaurant. Ganoon din karami ang kumain dito pero kailangan pa rin mabilis ang trabaho. Hindi mabagal dahil isang sikat ito na restaurant dapat din ingatan ang reputasyon ng mga staff dito.

Iilan na costumers dito tiningnan nila ako na parang may panghuhusga na tingin. Naalala ko na naman ‘yong pinaggawa ni Nacht. Nadismaya talaga ako.

Bigla akong kinakabahan dahil sa nangyari sa akin ngayon baka madamay ang trabaho ko. Ayaw ko mawalan ng trabaho para na ngang humina ang pa-art commission ko.

Wala naman gagawin kaya lumapit na lang ako sa may cashier at doon ako tumulong. Bigla na lang may lumapit sa amin. Isa itong matangkad na lalaki at makisig na katawan.

“Ito ang bayad namin,” nakangiti nitong sambit at inabot sa amin ang pera. “Keep the change na lang ‘yong sukli. Tip ko na rin sa ‘yo.” Napataas ang isang kilay ko ng bigla itong kumindat sa akin.

Kinuha ko naman ang bayad na inabot niya ngunit nahawakan niya ang kamay ko kaya kaagad ko kinuha ang bayad niya. Magbayad nga lang, makipaglandian pa.

“Maraming salamat, Sir!” sambit ni Glaze.

Ngumiti naman ito sa amin at nagpapaalam na umalis.

“Grabe, girl. Ang haba talaga ng buhok mo. Pakiputol, puwede?” Ang lakas talaga mang-asar nito.

“‘Di ba dapat ikaw? Marami nagkagusto at nanligaw sa ‘yo pero binusted mo lang dahil hindi ka pa handa dahil nagkakaroon ka ng trust issues sa mga past mo,” nakangisi kong sambit.

Bigla naman itong napadabog at inirapan ako. Natatawa na lang si Kana sa amin.

“Nilaglag mo na naman si Glaze, Ligaya.”

“Self defense lang.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status