Share

Chapter 6

VINCENT'S POV

May hinarap siyang papel sa akin at mas kumalampag ang puso ko dahil sa nabasa.

She's accepted sa university sa US and she's so happy about it. Agad ko siyang niyakap at hindi magawang sabihin ang tungkol sa napag-usapan namin nina Dad.

Hindi ko kayang sirain ang pangarap niya, naramdaman ko ang pagyakap nito pabalik sa akin. Napapikit at napakagat na lang ng labi. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Tyra.

Bumitaw ako sa pagkakayakap kay Tyra at agad na ngumiti ng lumingon siya sa akin. Hinawi ko ang buhok niya papuntang tenga niya na mas ikinangiti niya. Agad niyang dinampian ang labi ko ng mabilis na halik.

“Do you want to sleepover here?” tanong niya sa akin nang may malaking ngiti.

Tumango ako sa kanya at agad naman niya akong niyakag pataas patungo sa kanyang kwarto. Hinawakan ko ang bewang niya para alalayan siya paakyat sa hagdan na ikinatawa niya.

“You're acting as if I'm some kind of glass that can easily break. ” Nakangiti niyang sabi.

Hinalikan ko ang ibabaw ng kanyang ulo, nang makarating na kami sa kwarto niya ay agad ko siyang binuhat na dahilan ng pagkatili niya.

“AHHH, Vincent!”

Dahan dahan ko naman siyang inihiga sa kama at agad na dinaganan bago pa siya bumangon, nakanguso siyang tinitigan ako sa mata. Hindi ko mapigilan ang sarili kong dampian siya ng halik.

“You're precious, that's why I'm taking care of you. I don't want you to get hurt or even feel any kind of pain, I just want you to be happy.” Hinawi ko ang buhok niyang napunta sa mukha niya dahil sa pagkakahiga ko sa kanya.

“Vincent, it's impossible for me not get hurt. Besides I'm happy as long as I'm with you.” Ngumiti naman ako at umalis sa pagkakaibabaw niya at nahiga sa tabi niya. Niyakap ko siya ng mahigpit habang hinahalikan ang noo niya.

“I know, Tyra, that's why I'm removing any threats that may hurt you.” tugon ko.

Bahagya siyang lumayo sa akin para tignan ang mukha ko, ayan na naman ang labi niyang nang-aakit.

“No one's gonna hurt me, Vince.” Umiling ako sa kanya at muli siyang sinubsob sa dibdib ko.

“You're too innocent in this cruel world.” bulong ko rito.

Tyra truly does not belong in this horrible society because she is so innocent. Tyra is too innocent to recognize that she is being taken advantage of by people who have taken advantage of her kindness. Nakikita lang ni Tyra ang good sides ng isang tao, even though makita niya ang bad sides nito, she's always looking on the brighter side.

“Vincent, are you sleeping already?”

Gumalaw ako para malaman niyang gising pa ako. Akala ko ay tulog na siya kanina dahil bigla siyang tumahimik.

“I'm not, baby.” sagot ko sa tanong niya.

“Did your father scold you again?” Naramdaman kong gusto niya akong tignan pero hindi ko siya hinayaan at mas hinigpitan pa ang pagkakayakap ko.

She really knows me.

“Yeah.” Maikli kong sagot.

It's true na pinagalitan ako but it's not the main reason why I'm here. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kay Dad at paano ko sasabihin kay Tyra. Gulong-gulo na ang isip ko at nagpapatong patong ang pressure na nararamdaman ko. Hindi pa ako handang mag-asawa, kung tutuusin gusto ko munang mauna si Synesthea na mag asawa bago ako para naman mapanatag din ako.

“Nag sumbong na naman ba si Synesthea?” Natatawa nitong tanong.

Niluwagan ko ang pagkakahawak ko sa kanya kaya naman agad niya akong tinignan. Ngumuso ako at nagpaawa sa kanya na mas ikinatawa niya.

“You shouldn't scold, Synesthea. I already know that she's like that. She's like a little sister to me.” Muli ko siyang niyakap.

“She's spoiled and she needs to grow up. Dad and Mom will never scold her ever again-” Agad nitong pinutol ang sasabihin ko.

“Shh, I know, Vince. It's not your fault. She need guidance, she's still young.” Tumahimik ako matapos niya iyong sabihin. Mas niyakap ko lang siya ng mahigpit.

Bata palang naman si Synesthea ay spoiled na talaga ito, that's why she's always acting superior and she always want to get everything she wants. Unlike me, my parents never spoiled me. I'm their retirement plan, I'm not even into business but I don't have a choice.

My sister, Synesthea, her heart is weak. That accident happened that changed all of us.

Natigil ako sa pag-iisip ng maramdaman ko ang dahan dahang pag galaw ni Tyra. Sadya kong niluwagan ang pagkakayakap ko sa kanya nang makawala siya. Pinikit ko ang mata ko at nag-panggap na tulog.

Naramdaman ko ang mumunti niyang halik sa mukha ko. Pinigilan ko ang ngumiti.

“It's okay, Vincent. I'm here. Even if the world turns their back on you, I will always be here for you...” May mahina itong bulong na hindi ko na narinig.

Muli itong bumalik sa kanya pwesto at niyakap niya ako ng mahigpit. Idinilat ko ang mata ko at mas lalong niyakap si Tyra.

I will try my best to explain to Dad and Mom that I can't get married not until Tyra is ready. I won't get married to anyone if it's not Tyra. She's the only one for me and I want her to be happy. I want to give her everything.

I know na kapag sinabi ko kay Tyra ang sinabi nina Mom and Dad ay aagree siya sa akin. I know, she will choose me over her dreams and I don't want her to do that. I want her to pursue her dreams that's why I will never tell her about this.

Maybe I can use Synesthea to stop Mom and Dad for atleast a year, or more than a year, until Tyra is ready. Napapikit ako nang sumakit ang ulo ko kakaisip kung ano ba ang gagawin ko. I don't even know how to use Synesthea but I know Synesthea is the only one who can change their mind. How can I tell Synesthea without telling her that Dad is sick and he wants me to get married? Fuck, my life.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status