AUBRIELLE’S POV
Simula noon ay sinikap kong maigi na iwasan si Tyra, alam kong maganda ang intensiyon nito at hindi ito katulad ng mga kasama nito na matapobre pero hindi ko kayang makisali sa kanila lalo na at halatang halata ang pag ayaw nila sa akin.Kapag katapos ng klase ay agad akong nagligpit at nagmadaling maglakad papalabas sa may room, kahit na ilang araw na rin naman akong hindi na pinupuntahan ni Tyra sa upuan ko.Nakahinga ako ng maluwag ng nasa labas na ako at eto na naman ang mahabang lakaran para tuluyang makasakay sa tricycle. Isa pa sa dahilan kung bakit nagmamadali ako ay dahil mag aapply ako sa mga part time job para naman makatulong ako kay papa.Hindi rin naman kasi ganoon kalakas ang karenderya namin at gusto kong mag-ipon para kung sakaling kailanganin namin ng pera ay meron kami, lalo na at napapansin ko ang pagdalas ng pag-ubo ni papa at kahit ilang beses kong sabihin sa kanya na magpacheck-up na siya dahil isang buwan na itong inuubo ay siya pa mismo ang nagagalit sa akin at sinasabing wala lang iyon. Alam kong ayaw niya lamang mag pacheck-up dahil iniisip nito ang pera.Sobrang init at nalimutan ko pang magdala ng payong kaya naman lalo pang tumulo ang pawis ko.“Hey, Tyra!” Agad akong napatigil at napatingin sa harapan.May babaeng kumakaway kaya naman agad akong napalingon sa likod ko at ayan na ang Lamborghini nila at agad tumigil sa harapan ng babae.“Thanks god you’re still here.” Bumaba naman si Tyra at automatikong pinayungan ng mga bodyguard ni Tyra si Tyra.“Can you please give me a ride?” Lumapit iyong babae kay Tyra at dahil sa paglapit nito ay agad natapunan nito ng iniinom na Starbucks coffee ang uniform ni Tyra. Agad naalarma ang bodyguard ni Tyra at agarang pinunasan ang uniform ni Tyra.“Omygod, Tyra. I’m so sorry.” Tumulong ang babae sa pagpunas pero pinigilan na ito ni Tyra at ngumiti naman sa babae.“It’s okay, don’t worry.” Pati ang bodyguard ay pinigilan na ni Tyra sa pagpupunas sa kanya.“Really? I’m really sorry, I didn’t mean it.” Ngumiti naman si Tyra.“Yes, it’s okay. I have a lot of uniform.” Ngumisi ang babae kay Tyra.“But Tyra, I don’t have a lot of uniform and it also got on my uniform and also my new bag channel.” Napatingin din ako sa bag nito na halos kakapiraso lang naman ang natapon dito.“Oh, sorry. Do you want me to buy you a new one?” Agad lumapad ang ngiti noong babae kay Tyra.“Really? You will really buy me? Thank you so much. You’re the best.” Ngumiti naman si Tyra at tumango.Akmang papasok na sila parehas sa Lamborghini ng may mabilis na sport car ang pumarada rin sa tabi nila. Nang mamukhaan ko kung kanino iyon ay bahagya akong umatras at nagtago sa puno roon.“What’s happening here?” rinig kong tanong ni Vincent kay Tyra.Nakaside view ito sa akin kaya naman ng makita nito ang mantsa sa uniform ni Tyra ay kitang kita ko ang agad na pagdilim ng mata nito.“Ah Vincent, I just accidentally spill my coffee on her uniform.” Nawala na ang ngisi ng babae at ramdam ko ang takot nito lalo na ng makarinig ng pagbukas pa ng pintuan at ang paglabas ng kapatid ni Vincent na si Synesthea, agad itong yumuko sa takot.“It’s okay, Vincent. It’s an accident and she also got stain.” Napatingin si Vincent sa babae at kapiraso na natapon na coffee dito.“We already talk about it and I’ll just compensate her.” Ngayon ko lang napansin ang buong nangyari. Bakit si Tyra pa ang mag cocompensate sa babae? Kasalanan naman ng babae kung bakit natapon ang coffee nito at kung titignan mong maigi ay sinadya nito ito at malamang ay alam nitong patatawarin siya ni Tyra at ganoon ang mangyayari na bibilhan na lamang siya ni Tyra ng panibagong bag kahit na sa tutuusin ay hindi naman dapat.“Why?” Ramdam ko ang pigil na inis ni Vincent.“Ah no, Tyra. You don’t need to compensate me because it’s my fault.” Sunod sunod na pag iling ng babae kay Tyra.“But-”Hindi na natapos ni Tyra ang dapat na sasabihin niya ng may tumabig sa babae para mapalayo kay Tyra at agad na tinapunan sa ulo ng iniinom nito na frappe. Kahit ako ay napanganga dahil sa ginawa ni Synesthea sa babae na halos maluha luha na ngayon at sobrang naglalagkit ang katawan.“Synesthea!” Agad na saway ng Kuya nito dito.“Now, compensate me. I ACCIDENTALLY spill my frappe on you and oh I got stain on my heels.” Nanginginig ang babae at bago pa may magawang iba si Synesthea ay agad ng hinila ni Vincent papalayo sa babae ang kapatid nito.“What the fuck, Synesthea?” Galit nitong sigaw sa kapatid.“She’s annoying me.” Galit na ring sigaw ni Synesthea.“You don’t have to do that-”“I want to do that, she’s obviously trying to use Tyra to buy her a new bag. It’s not new and you ugly girl try to do other tricks because I already know that.” Umiiyak ang babae roon at akma namang pupunasan ni Tyra ang babae ng agad siyang hinila papalapit ni Vincent.“You’re such a push over, Tyra. Idiot.”“Synesthea Sivan!” Malakas ng sigaw ni Vincent pero hindi siya pinansin ni Synesthea at pumasok lang ulit sa sport car.Napahilot sa sintido si Vincent at napalingon sa babaeng nanginginig sa lamig o sa takot kay Synesthea? Akmang lalapit si Vincent ng mapaatras ang babae, kitang kita ko ang malalim na pagbuntong hininga ni Vincent at lumingon kay Tyra.“Hey, go ahead and go home first. I’ll take care of this.” Nag aalinlangan man si Tyra ay wala itong magawa ng hinatid na siya papasok ni Vincent sa loob ng Lamborghini nito at inutusan na ang driver na magpatuloy na sa pagdadrive.Nang makaalis ang sasakyan nina Tyra ay doon lamang muling lumingon sa babae na umiiyak na kanina pa roon habang nakatungo ang ulo. Kinuha ni Vincent sa wallet nito at halos nanlaki ang mata ko sa kapal ng pera na ibinigay nito sa babae na sa tingin ko ay nasa bente atang isang libo iyon o trenta o baka higit pa.“If it’s not enough, you can contact me here. Just don’t get in her way and don’t come closer to Tyra ever again, you know what will happen if you don’t keep your words.” Sunod sunod namang tumango ang babae at halos tumakbo na ito paalis.Ngayon ko lang napansin na kanina pa pala ako nakikinig sa kanila at hindi ko rin alam kung bakit hindi pa ako umaalis. Pero kapag nakita ako ni Vincent ay baka kung ano ang isipin niya at lalo na at baka kung ano ang gawin sa akin ni Synesthea kapag nalaman nitong kanina pa pala ako nakikinig sa kanila.“What are you still doing outside, Kuya? Let’s go home. Miskie is coming to our house.” Rinig kong sigaw ni Synesthea.Napahawak ako sa bibig ko at mas lalong napatago ng biglang mapalingon sa gawi ko si Vincent bago pumasok sa loob ng sport car nila at agad na iyong pinaandar.VINCENT’S POVNang maipark ko sa aming garahe ang sasakyan ay agad na umalis si Synesthea at nagmamadaling pumasok sa loob. Nag madali rin naman ako para mahabol siya.“Synesthea!” sigaw ko.Alam kong narinig ako nito sa lakas ng boses ko pero hindi ako nito nilingon at mas binilisan pa. Mas lalong nag-init ang ulo ko dahil sa ginawa niya kaya naman binilisan ko rin ang lakad ko at hinabol siya. Napansin niya iyon kaya napalingon siya sa akin at napatili ng mahawakan ko ang bag niya.“What do you think you’re doing, Synesthea Sivan?” Iritado kong tanong dito, napanguso naman ito sa akin at nagpacute pa para bitawan ko pero hindi niya ako madadala sa ganyan niya kaya mas lalo ko pang sinamaan ang tingin sa kanya.Nang mapansin siguro nito na hindi niya ako madadaan sa ganoon ay inis niyang inalis ang kamay ko sa bag niya na agad ko rin namang binitawan.“Why are you mad, Kuya? I told you, she’s annoying.” Inis nitong singhal sa akin, agad ko namang pinitik ang noo niya at mas lalo pang
VINCENT'S POVMay hinarap siyang papel sa akin at mas kumalampag ang puso ko dahil sa nabasa.She's accepted sa university sa US and she's so happy about it. Agad ko siyang niyakap at hindi magawang sabihin ang tungkol sa napag-usapan namin nina Dad.Hindi ko kayang sirain ang pangarap niya, naramdaman ko ang pagyakap nito pabalik sa akin. Napapikit at napakagat na lang ng labi. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Tyra.Bumitaw ako sa pagkakayakap kay Tyra at agad na ngumiti ng lumingon siya sa akin. Hinawi ko ang buhok niya papuntang tenga niya na mas ikinangiti niya. Agad niyang dinampian ang labi ko ng mabilis na halik.“Do you want to sleepover here?” tanong niya sa akin nang may malaking ngiti.Tumango ako sa kanya at agad naman niya akong niyakag pataas patungo sa kanyang kwarto. Hinawakan ko ang bewang niya para alalayan siya paakyat sa hagdan na ikinatawa niya.“You're acting as if I'm some kind of glass that can easily break. ” Nakan
VINCENT'S POVTyra and I first met at one of Synesthea's parties. My parents always let my little sister do whatever she wants, and she enjoys throwing parties for no particular reason. I'm not complaining; it's just that whenever there is a party, our house is too noisy for me to even enjoy my own peace.The celebration was about to begin, and after greetings, all the children gathered into Synesthea's play area. Since Synesthea is a spoilt child and bullies kids she doesn't like, I know some of them don't like playing with her. Some of the parents who attended Synesthea's party used their children to approach Synesthea so that it would benefit their business, but my younger sister is difficult to please. She hasn't even had true friends up until now. Before, I felt bad for her because no children wanted to play with her because she insisted on being the boss in every game they played and making all the decisions. If she doesn't like other kids, she will start pulling their hair. I d
AUBRIELLE'S POVMasaya kong binuksan ang pintuan ng bahay namin dahil agad akong nakuha sa pinuntahan kong convenience store, laking pasasalamat ko na lang talaga at maganda ang schedule ko sa school kaya naman hindi ako ganoong mahihirapan.Narinig ko ang pag-ubo ni papa kaya naman agad ko siyang dinaluhan.“Pa, mag-pahinga ka muna bukas.” sabi ko habang hinihimas ang likod nito. Pansin ko na ang paghihirap nito sa pag-ubo at matagal na rin ang ubo nito. Sa totoo lang ay gusto ko na siyang ipacheck-up ngunit wala naman kaming pera. Ang kinikita sa karinderya namin ay hindi naman malaki dahil maliit na karinderya lang naman iyon at hindi dinudumog ng mga tao, laging iilan lang ang nabili sa amin. Kaya naman ang mga kita sa karinderya ay napupunta lamang sa pang araw-araw na gastusin namin.“Naririnig mo ba ang iyong sarili, Aubrielle? Saan tayo kukuha ng pera, hija? Baon mo? Pagkain mo? Hindi ka talaga nag-iisip, ikaw na bata ka.” Malungkot akong lumuhod sa galit na si papa sa harapa
AUBRIELLE'S POVIbinalik ko na ang hindi na naman kailangan sa loob ng box at itataas ko na sana ulit ng may gupit na litrato ang bumagsak mula sa box.Nagtataka naman akong pinulot iyon dahil wala namang photo album na nasa loob ng box, puro gamit na lang talaga iyon ni mama na hindi na namin magagamit talaga dahil ang iba ay sira na pero hindi namin magawa na itapon kaya inilagay na lang namin iyon sa may box at ngayon ko lang muli iyong nabuksan simula ng inilagay namin iyon.Pinunasan ko ang maalikabok na litrato na iyon, nang maaninag ko na kung sino ang nasa litrato na iyon ay agad akong natigilan at halos lahat ng memorya na nakalimutan ko na ay agad na nagsibalikan sa akin ng makita ang litratong iyon. Basang basa ang mukha ko ng luha at sipon ko pero wala na akong pakielam doon at patuloy na lumuluhod sa doctor para operahan na si mama, alam kong hindi pa pwedeng agad agad operahan si mama at kailangan pa ng maraming check-up na gagawin pero sobrang lubha na ng sakit ni mama
AUBRIELLE'S POV"Mom, I don't hate her. I'm just jealous but I don't hate her. I love her to the point that I don't care if it hurts me, gusto kong angkinin lahat ng sakit na nararamdaman niya. Kahit idoble pa ang sakit na ibibigay sa akin, h'wag lang niyang maramdaman. Makita ko lang siyang laging masaya, gagawin ko. Anong gagawin ko kapag nawala siya sakin, Mom? Hindi ko kaya. I want to be with her. If something happen to her, I will follow her.” Kita ko sa mata ng babae ang gulat sa sinabi ng anak niya at agad niyakap ng mahigpit ang anak."Stop saying that, Vincent." Hindi na muling nag-salita ang lalaki ang humagulgul na lang sa bisig ng mama niya. Hindi nga nila ako napansin hanggang sa umalis na ako sa harapan nila. Hindi ko alam kung bakit sa tuwing pinupuntahan ko si mama sa hospital na iyon ay lagi ko silang sinisilip sa kwarto nila. VVIP talaga iyon pero dahil sobrang busy ng mga tao lagi don sa pag-aasikaso ay halos hindi na rin naman nila ako napapansin. Ang lalaking umii
AUBRIELLE'S POV“Pa, iyong bilin ko po sa inyo.” Kahit nakilos ako para maghanda papasok ay paulit ulit ko siyang binibilinan na dumaan sa center dito para magpacheck-up at bumili na rin ng gamot gamit ang naipon namin.“Oo na, umalis ka na nga ritong bata ka at istorbo ka lang.” Napanguso naman ako habang sinusuot ko ang may kalumaan ko ng sapato, medyo masikip na iyon sa akin pero nagagamit pa naman kaya ayos lang.“Eto na po, papa ha. Dumaan ka po roon at kung may gamot na reseta ay agad niyo na pong bilhin. Mag sarado muna po kayo, ngayong araw lang naman.” Hindi ako nito pinansin at nagpatuloy lamang sa paghigop ng kanyang kape.Mas lalo lamang akong napanguso, lumapit ako sa kanya at agad na hinalikan ang pisngi nito. Kunot noo ako nitong tinignan at balak akong hampasin ng mabilis akong tumakbo papalayo habang tumatawa.Mamaya na ang start ng part time job ko at buti nalang ay hanggang 5pm lang ang pasok ko ngayon kaya naman makakakuha ako ng pera at mabibilhan ko si papa mama
AUBRIELLE’S POV“Elle, bumangon kana riyan at anong oras na.” Dinilat ko ang mata ko nang hampasin ako ni Papa ng diyaryo niyang hawak. Napakamot ako sa ulo ko at naupo.“Magandang umaga, pa.” Ang kanina kong antok na mata ay agad na nawala nang malakas akong hinampas ni Papa. Nakanguso akong tinignan siya habang hawak hawak ang parte na namumula kung saan niya ako hinampas.“Pa naman, ang sakit po. Tignan mo namula.” Nakanguso kong sabi ko sa kanya.“Aubrielle, nakakalimutan mo atang ito ang unang araw mo sa pinapasukan mong school. Gusto mo bang sa unang araw mo ay huli ka sa klase?” Agad akong napatayo at binuksan pinipindot kong cellphone para makita ang oras. Nakahinga naman ako ng marami pang oras para makakilos ako.“Maliligo na po ako, pa.” Mabilis akong tumakbo at kinuha ang tiwalya. Agad akong pumasok sa banyo at napatingin sa maliit na salamin doon. Bumuntong hininga ako at napaupo sa maliit na upuan sa loob ng banyo. Sa totoo lang ay halos hindi ako makatulog dahil sa