AUBRIELLE'S POVMasaya kong binuksan ang pintuan ng bahay namin dahil agad akong nakuha sa pinuntahan kong convenience store, laking pasasalamat ko na lang talaga at maganda ang schedule ko sa school kaya naman hindi ako ganoong mahihirapan.Narinig ko ang pag-ubo ni papa kaya naman agad ko siyang dinaluhan.“Pa, mag-pahinga ka muna bukas.” sabi ko habang hinihimas ang likod nito. Pansin ko na ang paghihirap nito sa pag-ubo at matagal na rin ang ubo nito. Sa totoo lang ay gusto ko na siyang ipacheck-up ngunit wala naman kaming pera. Ang kinikita sa karinderya namin ay hindi naman malaki dahil maliit na karinderya lang naman iyon at hindi dinudumog ng mga tao, laging iilan lang ang nabili sa amin. Kaya naman ang mga kita sa karinderya ay napupunta lamang sa pang araw-araw na gastusin namin.“Naririnig mo ba ang iyong sarili, Aubrielle? Saan tayo kukuha ng pera, hija? Baon mo? Pagkain mo? Hindi ka talaga nag-iisip, ikaw na bata ka.” Malungkot akong lumuhod sa galit na si papa sa harapa
AUBRIELLE'S POVIbinalik ko na ang hindi na naman kailangan sa loob ng box at itataas ko na sana ulit ng may gupit na litrato ang bumagsak mula sa box.Nagtataka naman akong pinulot iyon dahil wala namang photo album na nasa loob ng box, puro gamit na lang talaga iyon ni mama na hindi na namin magagamit talaga dahil ang iba ay sira na pero hindi namin magawa na itapon kaya inilagay na lang namin iyon sa may box at ngayon ko lang muli iyong nabuksan simula ng inilagay namin iyon.Pinunasan ko ang maalikabok na litrato na iyon, nang maaninag ko na kung sino ang nasa litrato na iyon ay agad akong natigilan at halos lahat ng memorya na nakalimutan ko na ay agad na nagsibalikan sa akin ng makita ang litratong iyon. Basang basa ang mukha ko ng luha at sipon ko pero wala na akong pakielam doon at patuloy na lumuluhod sa doctor para operahan na si mama, alam kong hindi pa pwedeng agad agad operahan si mama at kailangan pa ng maraming check-up na gagawin pero sobrang lubha na ng sakit ni mama
AUBRIELLE'S POV"Mom, I don't hate her. I'm just jealous but I don't hate her. I love her to the point that I don't care if it hurts me, gusto kong angkinin lahat ng sakit na nararamdaman niya. Kahit idoble pa ang sakit na ibibigay sa akin, h'wag lang niyang maramdaman. Makita ko lang siyang laging masaya, gagawin ko. Anong gagawin ko kapag nawala siya sakin, Mom? Hindi ko kaya. I want to be with her. If something happen to her, I will follow her.” Kita ko sa mata ng babae ang gulat sa sinabi ng anak niya at agad niyakap ng mahigpit ang anak."Stop saying that, Vincent." Hindi na muling nag-salita ang lalaki ang humagulgul na lang sa bisig ng mama niya. Hindi nga nila ako napansin hanggang sa umalis na ako sa harapan nila. Hindi ko alam kung bakit sa tuwing pinupuntahan ko si mama sa hospital na iyon ay lagi ko silang sinisilip sa kwarto nila. VVIP talaga iyon pero dahil sobrang busy ng mga tao lagi don sa pag-aasikaso ay halos hindi na rin naman nila ako napapansin. Ang lalaking umii
AUBRIELLE'S POV“Pa, iyong bilin ko po sa inyo.” Kahit nakilos ako para maghanda papasok ay paulit ulit ko siyang binibilinan na dumaan sa center dito para magpacheck-up at bumili na rin ng gamot gamit ang naipon namin.“Oo na, umalis ka na nga ritong bata ka at istorbo ka lang.” Napanguso naman ako habang sinusuot ko ang may kalumaan ko ng sapato, medyo masikip na iyon sa akin pero nagagamit pa naman kaya ayos lang.“Eto na po, papa ha. Dumaan ka po roon at kung may gamot na reseta ay agad niyo na pong bilhin. Mag sarado muna po kayo, ngayong araw lang naman.” Hindi ako nito pinansin at nagpatuloy lamang sa paghigop ng kanyang kape.Mas lalo lamang akong napanguso, lumapit ako sa kanya at agad na hinalikan ang pisngi nito. Kunot noo ako nitong tinignan at balak akong hampasin ng mabilis akong tumakbo papalayo habang tumatawa.Mamaya na ang start ng part time job ko at buti nalang ay hanggang 5pm lang ang pasok ko ngayon kaya naman makakakuha ako ng pera at mabibilhan ko si papa mama
AUBRIELLE’S POV“Elle, bumangon kana riyan at anong oras na.” Dinilat ko ang mata ko nang hampasin ako ni Papa ng diyaryo niyang hawak. Napakamot ako sa ulo ko at naupo.“Magandang umaga, pa.” Ang kanina kong antok na mata ay agad na nawala nang malakas akong hinampas ni Papa. Nakanguso akong tinignan siya habang hawak hawak ang parte na namumula kung saan niya ako hinampas.“Pa naman, ang sakit po. Tignan mo namula.” Nakanguso kong sabi ko sa kanya.“Aubrielle, nakakalimutan mo atang ito ang unang araw mo sa pinapasukan mong school. Gusto mo bang sa unang araw mo ay huli ka sa klase?” Agad akong napatayo at binuksan pinipindot kong cellphone para makita ang oras. Nakahinga naman ako ng marami pang oras para makakilos ako.“Maliligo na po ako, pa.” Mabilis akong tumakbo at kinuha ang tiwalya. Agad akong pumasok sa banyo at napatingin sa maliit na salamin doon. Bumuntong hininga ako at napaupo sa maliit na upuan sa loob ng banyo. Sa totoo lang ay halos hindi ako makatulog dahil sa
AUBRIELLE’S POVHalos mapanganga ako ng makakita ako ng totoong Lamborghini sa harapan ko, sa mga litrato ko lamang ito noon nakikita at ngayon ay nasa harapan ko na. Napalunok ako at agad na gumilid lalo at baka nahaharangan ko sila kahit na sobrang laki ng daan.“Did I scare you? I’m sorry, I saw you walking and you’re sweating a lot.” Napatigil ako ng halos makarinig ako ng boses ng anghel, hindi ko alam kung dahil ba sa pagod ko kakalakad at parang noong bumaba ang magandang babae mula sa engrandeng sasakyan ay nagliliwanag ito.“Ah no, you didn’t scare me. ” Agad kong pinunasan ang pawis ko gamit ang likod ng kamay ko at hindi na naisipan na kumuha ng panyo sa sobrang pagkataranta ko.“Here, you can use this.” Napatitig naman ako sa panyo na ibinibigay niya sa akin at kitang kita ko ang mahal na brand nito. Mabilis akong umiling at agad na umatras.“No thanks, I’m okay.” Napatungo naman siya at agad na nalungkot at mas lalo lang akong nataranta lalo na ng lumabas ang bodyguard ni
AUBRIELLE’S POVNapatingin ako kay Tyra ng bigla ako nitong harangan bago pa ako tuluyang makapasok ng tuluyan. Ngayon ay hindi na siya nag iisa at may kasama na siyang dalawang babae na hindi naman ako pinapansin.“Good morning, Aubrielle.” Malapad ang ngiti nitong sa akin at mukhang doon lamang ako napansin ng dalawang babae na nasa magkabilang gilid niya at sabay silang napatitig sa akin.“Again, Tyra?” Napanguso naman si Tyra dahil sa sinabi ng short hair na babae na nasa kanan niya.“Whatever. “ Inirapan siya noong babae na parang wala agad nagawa dahil lang sa nag pout si Tyra sa kanya.Nagulat ako ng agad niyang sinabit ang kanyang braso sa aking braso at sabay kaming pumasok. Amoy na amoy ko ang mabango niyang amoy na nakakahiya dahil amoy pawis ako. Ang babaeng nasa gilid kanina ni Tyra ay lumipat agad sa tabi ng isang babae na para bang ayaw ako nitong tabihan.“Oh by the way this pretty girl with shade is Chantal,” itinuro niya ang babaeng lumipat. Pansin kong pilit lang a
AUBRIELLE’S POVSimula noon ay sinikap kong maigi na iwasan si Tyra, alam kong maganda ang intensiyon nito at hindi ito katulad ng mga kasama nito na matapobre pero hindi ko kayang makisali sa kanila lalo na at halatang halata ang pag ayaw nila sa akin.Kapag katapos ng klase ay agad akong nagligpit at nagmadaling maglakad papalabas sa may room, kahit na ilang araw na rin naman akong hindi na pinupuntahan ni Tyra sa upuan ko. Nakahinga ako ng maluwag ng nasa labas na ako at eto na naman ang mahabang lakaran para tuluyang makasakay sa tricycle. Isa pa sa dahilan kung bakit nagmamadali ako ay dahil mag aapply ako sa mga part time job para naman makatulong ako kay papa. Hindi rin naman kasi ganoon kalakas ang karenderya namin at gusto kong mag-ipon para kung sakaling kailanganin namin ng pera ay meron kami, lalo na at napapansin ko ang pagdalas ng pag-ubo ni papa at kahit ilang beses kong sabihin sa kanya na magpacheck-up na siya dahil isang buwan na itong inuubo ay siya pa mismo ang n