Share

Fake Love
Fake Love
Author: Tyrandria

Chapter 1

AUBRIELLE’S POV

“Elle, bumangon kana riyan at anong oras na.”

Dinilat ko ang mata ko nang hampasin ako ni Papa ng diyaryo niyang hawak. Napakamot ako sa ulo ko at naupo.

“Magandang umaga, pa.”

Ang kanina kong antok na mata ay agad na nawala nang malakas akong hinampas ni Papa. Nakanguso akong tinignan siya habang hawak hawak ang parte na namumula kung saan niya ako hinampas.

“Pa naman, ang sakit po. Tignan mo namula.” Nakanguso kong sabi ko sa kanya.

“Aubrielle, nakakalimutan mo atang ito ang unang araw mo sa pinapasukan mong school. Gusto mo bang sa unang araw mo ay huli ka sa klase?” Agad akong napatayo at binuksan pinipindot kong cellphone para makita ang oras. Nakahinga naman ako ng marami pang oras para makakilos ako.

“Maliligo na po ako, pa.” Mabilis akong tumakbo at kinuha ang tiwalya. Agad akong pumasok sa banyo at napatingin sa maliit na salamin doon.

Bumuntong hininga ako at napaupo sa maliit na upuan sa loob ng banyo. Sa totoo lang ay halos hindi ako makatulog dahil sa kaba. Marami akong nakikita sa mga palabas na katulad ko na mahirap at isang scholar lamang sa mayamang school at sa napapanood ko ay ang mga katulad ko ay binubully doon. Paano na lang kung may mang-bully sa akin doon? Hindi naman ako mag papa-api pero siyempre kung ang makakalaban ko ay mayaman, ano na lang laban ko?

Malakas kong sinampal ang magkabilang pisngi ko at kapag tingin ko sa salamin ay agad iyong namula dahil sa pagkakasampal ko.

“Okay, Aubrielle, think positive. Sa mga palabas laging merong knight in shing armor at isa pa sa palabas lamang iyon at medyo malabong mangyari sa totoong buhay.” Napalunok ako at pilit na sumang-ayon sa sarili ko para lang lumakas ang loob ko.

Kami na lang ng papa ko ang magkasama sa bahay, namatay na ang mama ko noong isang taon dahil sa sakit. Wala kaming pera para sa operasyon niya kaya naman mas lalo lamang lumala ang sakit niya at noong isang taon nga ay kapag uwi ko para maibalita na nakapasok ako sa isang sikat na school ay nagkakagulo na sa bahay namin. Hindi kami agad inasikaso sa Hospital kahit na kailangang kailangan na ni mama ng operasyon dahil mas inuna pa nila ang may mga pambayad.

Napailing na lang ako ng maalala ko na naman ang nangyari noong nasa Hospital kami. Alam ko namang kailangan din nilang magamot agad pero sobrang lubha na ng sakit ni mama at halos lahat ata ng Doctor noong araw na iyon ay nagkagulo para lamang sa isang tao. Nakita ko ang pasyente noong araw na iyon at unang tingin ko palang ay alam ko na, na sobrang yaman niya para magkagulo sa buong hospital dahil lang sa isang pasyente.

“Aubrielle, hindi ka pa ba tapos r’yan?” Napatayo naman ako mula sa pagkaka-upo ko sa maliit na upuan.

“Kikilos na po!” Sigaw ko para marinig niya.

“Itong batang ito talaga.”

Nagmadali na akong maligo at ayokong malate sa unang araw ng klase ko. Nang matapos akong maligo ay nakahanda na ang agahan doon, ngumiti ako at agad na humalik sa pisngi ni papa.

“Bilisan mo na kung ayaw mong malate ka pa.” Umupo na ako at agad na kumain habang si papa ay inaayos ang baunan ko.

“Ubusin mo lahat ito at masamang nag aaksaya ng pagkain, Aubrielle.” Tumango tango naman ako kay papa bilang pagsang-ayon.

“Kung tapos ka na riyan ay eto na ang baunan mo at ipasok mo na sa bag mo. Mag iingat ka doon at mag aral ka ng mabuti.” Agad akong lumapit kay papa at hinimas ang likod niya ng bigla itong inubo.

“Magsarado ka muna po kaya ngayong araw.” Mabilis na umiling si papa habang tinatakpan ang bibig at dinadalahit ng ubo.

“At saan tayo kukuha ng pera?” Napatungo naman ako at binawasan ang baon na pera at inilahad sa palad ni papa. Kumunot ang noo ni papa dahil sa ginawa ko.

“Ipambili niyo po iyan ng gamot niyo.” Napailing naman si papa at ibinalik sa akin ang pera.

“Hindi na, Aubrielle. Anong oras na at naandito ka parin? Lumakad ka na roon.” Itinulak na ako nito palabas, gusto ko man manatili pa ay malalate na ako sa klase ko. Tinalikuran na ako ni papa at hanggang dito ay naririnig ko ang pag ubo niya. Ang pera na ibibigay ko sana kay papa ay iniligay ko sa perahan ng karenderya namin.

Nakita iyon ni papa at sisigawan na sana ako ng agad na akong nakasakay sa tricycle na dumadaan doon. Sinabi ko sa tricycle driver ang school ko.

“Isa ka ineng sa mga scholar? Aba’t ang mga tao roon ay grabe kung mag-waldas ng pera. Ang mga pamilya ba naman ay may-ari ng malalaking establasyon dito.” Ngumiti na lamang ako sa tricycle driver at nagpatuloy naman siya sa pagsasalita. Hinayaan ko naman siya at chineck na lamang ang gamit kung may naiwan ako. Buti na lamang at kumpleto ang gamit ko at wala akong naiwan doon.

Tumigil ang tricycle kaya naman napalingon ako sa may driver.

“Ineng hanggang dito lamang ang tricycle at hindi pinapasok ang kung sino sino basta sakop ng eskuwelahan na ‘yan.” Napatingin naman ako sa kalsada at merong malaking gate doon. Agad akong napalunok ng makita ko kung gaano pa kahaba ang lalakarin ko bago makapasok sa loob.

“Sige po, salamat po.” Nag bayad na ako at agad ng bumaba. Tinignan ko ang relo ko para malaman ang oras at paniguradong kung lalakarin ko iyon ay malalate ako pero ano pa ba ang magagawa ko? Hindi sila nagpapapasok ng tricycle doon.

Agad akong hinarang ng guard at agad ko naman pinakita ang id ko. May scanner pa doon para malaman kung student ba talaga ako. Kapag katapos namang iscan ang id ko ay agad na akong pinagbuksan. Muli akong napalunok at pinagpapawisan na agad kapag nakikita ko kung gaanong kahaba ang lalakarin ko.

Nagsimula na akong maglakad doon, pakiramdam ko ay hindi matapos tapos ang nilalakaran ko at ang layo layo ko pa. Nawala ako sa pag-iisip at halos mapatalon sa gulat ng may biglang bumusina mula sa likuran ko. Nang lumingon ako ay halos mapanganga ako sa nakita ko.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status