Share

Chapter 3

AUBRIELLE’S POV

Napatingin ako kay Tyra ng bigla ako nitong harangan bago pa ako tuluyang makapasok ng tuluyan. Ngayon ay hindi na siya nag iisa at may kasama na siyang dalawang babae na hindi naman ako pinapansin.

“Good morning, Aubrielle.” Malapad ang ngiti nitong sa akin at mukhang doon lamang ako napansin ng dalawang babae na nasa magkabilang gilid niya at sabay silang napatitig sa akin.

“Again, Tyra?” Napanguso naman si Tyra dahil sa sinabi ng short hair na babae na nasa kanan niya.

“Whatever. “ Inirapan siya noong babae na parang wala agad nagawa dahil lang sa nag pout si Tyra sa kanya.

Nagulat ako ng agad niyang sinabit ang kanyang braso sa aking braso at sabay kaming pumasok. Amoy na amoy ko ang mabango niyang amoy na nakakahiya dahil amoy pawis ako.

Ang babaeng nasa gilid kanina ni Tyra ay lumipat agad sa tabi ng isang babae na para bang ayaw ako nitong tabihan.

“Oh by the way this pretty girl with shade is Chantal,” itinuro niya ang babaeng lumipat. Pansin kong pilit lang ako nitong nginitian.

“And this girl with pretty short hair is my cousin, Kyra.” Tinignan lang naman ako nito at hindi na pinansin.

“Kyra and Chantal, this is my friend Aubrielle.” Nginitian ko naman sila kahit na hindi man lang nila ako pinagtuunan ng pansin.

“Where is your classroom?” Kinuha ko naman ang schedule ko na pinaprint ko dahil nandoon ang location ng room ko pati na rin ang room number ko.

“Wow, we’re classmate. Omygosh.” Tumawang tuwa na sabi ni Tyra. Pilit ko naman siyang nginitian dahil sobra akong naiilang lalo na sa bawat pagdaan namin ay nasa amin lagi ang atensiyon.

So, dahil nga magkaklase kaming dalawa ay sabay na rin kaming pumasok. Nagdahilan pa ako noong una na may pupuntahan pa ako pero nagpumilit itong sumama sa akin. Ramdam ko na ayaw sa akin ng dalawa niyang kaibigan pero hindi masabi kay Tyra na hayaan na ako pero minu-minuto ang pag irap nila sa akin at ang pagbulungan ng dalawa.

Kapag pasok namin ay tulad kanina ay nasa amin ang atensiyon, halos lahat ata ng nandoon ay bumabati kay Tyra at sa dalawang kaibigan nito. Buti na lang at mukhang dahil sa tatlo ay naging invisible ako kaya naman agad akong humiwalay ng napalibutan sina Tyra kaya napabitaw sa akin si Tyra.

Umupo ako sa may pinakadulo at inayos na ang mga gamit ko para maghanda na sa klase. Hindi ko mapigilan mapalingon sa kumpulan na tao roon kung nasaan si Tyra.

Umayos lang silang lahat ng tumunog na ang bell at dumating na ang prof, naka reserve na ang upuan ng tatlo sa unahan kaya naman agad na silang naupo roon. Nakinig na lamang ako sa prof at agad na nag take notes dahil hindi ko pwedeng mapabayaan ang pag aaral ko kung ayaw kong mawala ako sa scholarship.

“Goodbye class.”

“Goodbye, Sir.” Sabay sabay naming bati.

Inayos ko na ang gamit ko at ipinasok ko na sa bag ko. Naglabasan na naman ang mga kaklase ko at lunch na, paniguradong pupunta silang lahat sa cafeteria. Meron akong baon na pagkain dahil masyadong mahal ang sa cafeteria at ang alam ko pa ay credit cards ang ginagamit nilang pambayad doon, wala naman ako noon.

Mas gusto ko rin naman ang pagkain na luto ni papa, so wala ring problema sa akin iyon.

Nang kaunti na lang ang tao ay akma ko ng ilalabas ang lunch ko ng may kumalbit sa akin na nagpatigil sa akin. Agad akong napalingon sa nakangiting si Tyra at ang dalawang kaibigan niya na nasa likod na halata mong ayaw ang pagpunta nila dito sa pwesto ko.

Hindi ko na lamang pinansin ang mapanghusga na tingin ng dalawang babae na kaibigan niya at pilit na lamang na ngumiti kay Tyra.

“Yes?” Nakangiti kong tanong sa kanya.

“Let’s have a lunch together, let’s go.” Hinawakan nito ang braso ko para iangat ako pero hindi ko siya hinayaan at umiling sa kanya na agad nagpataka sa kanya.

“Ah hindi na, Tyra. Okay na ako dito.” Mukhang naguluhan ito sa sinabi ko.

“You’re not going to eat?” Umiling naman ako.

Pinakita ko sa kanya ang lunch na baon ko, mukhang namangha ito sa nakita niya.

“Oh you already have a lunch. Let’s eat in cafeteria.” Nag aalinlangan akong sumama at akmang tatanggi pero pinatayo na ako nito at hinila.

“Tyra, stop it.” Napatigil si Tyra sa paghila sa akin at napatingin sa kaibigan niya.

“Can’t you see she’s uncomfortable being with us? She doesn’t like it so don’t force it, stop being like that. And can’t you see, she can’t afford the food in cafeteria that’s why she have that lunch box.” Napabitaw naman sa akin si Tyra, napatingin ako sa kanya at ayan na naman ang mukha niyang yan.

“Sorry, I didn’t mean it. I can pay for your food.” Umiling naman ako sa kanya.

“Oh okay, but I want us to eat together.” Hinawakan ko ng mahigpit ang lunch box ko, bahagya akong napatingin sa dalawang kaibigan niya na napairap na lamang sa sinabi ni Tyra.

“You don’t want it too?” Sunod sunod naman akong umiling sa kanya.

“S-sure?” Agad nagliwanag ang mata nito sa sinabi ko at pinagsabit ang braso naming dalawa.

“Yehey, let’s go.” Narinig ko ang mumunting bulong ng dalawang kaibigan niya pero wala naman akong magawa dahil kapag tumanggi ako kay Tyra ay pakiramdam ko ay sasaksakin naman ako ng kunsensiya ko kahit na wala naman akong ginawang masama sa kanya.

Kapag pasok palang namin sa cafeteria ay sobrang laki nito at syempre sobrang dami ng tao na nandoon pero kahit na sobrang dami ng tao ay maayos parin ang pagkakapila at mabilis ang pag order doon at halata mong well trained ang mga employee.

Hinila naman ako ni Tyra at agad na akong nagpahila sa kanya at hinayaan na lamang siya kung saan niya ako gustong dalhin.

Napatigil na lang ako ng tumigil din si Tyra at binitawan ako para kay Vincent kumapit, iyong lalaki kanina na sa tingin ko ay boyfriend niya. Napatingin naman ako sa table na uupuan namin at naroon din ang kapatid noong Vincent at may isang lalaki rin na nandoon.

Umupo kami doon at mas nahiya ako dahil mukhang halos lahat sila ay nakaayos na ang pagkain at hindi na nila kailangan pang pumili doon. Napatingin ako sa nasa lap kong pagkainan ko.

“Where’s your food?” Inosenteng tanong sa akin ni Tyra.

Dahan dahan kong inilapag ang lunch box ko sa mesa at mukhang dahil sa ginawa ko ay natuon sa akin ang atensiyon nila.

“Why do you have a lunch box? You’re so poor.” Agad akong napayuko at hindi nakapag salita dahil sa sinabi ng kapatid ni Vincent.

“Hey, Synesthea.” Inirapan lang naman siya ni Synesthea at hindi pinansin.

Minadali ko ang pagkain doon dahil ramdam na ramdam kong hindi ako para doon at sobra akong naoout of place at tanging si Tyra lamang ang pumapansin sa akin doon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status