AUBRIELLE’S POV
Halos mapanganga ako ng makakita ako ng totoong Lamborghini sa harapan ko, sa mga litrato ko lamang ito noon nakikita at ngayon ay nasa harapan ko na. Napalunok ako at agad na gumilid lalo at baka nahaharangan ko sila kahit na sobrang laki ng daan.“Did I scare you? I’m sorry, I saw you walking and you’re sweating a lot.” Napatigil ako ng halos makarinig ako ng boses ng anghel, hindi ko alam kung dahil ba sa pagod ko kakalakad at parang noong bumaba ang magandang babae mula sa engrandeng sasakyan ay nagliliwanag ito.“Ah no, you didn’t scare me. ” Agad kong pinunasan ang pawis ko gamit ang likod ng kamay ko at hindi na naisipan na kumuha ng panyo sa sobrang pagkataranta ko.“Here, you can use this.” Napatitig naman ako sa panyo na ibinibigay niya sa akin at kitang kita ko ang mahal na brand nito. Mabilis akong umiling at agad na umatras.“No thanks, I’m okay.” Napatungo naman siya at agad na nalungkot at mas lalo lang akong nataranta lalo na ng lumabas ang bodyguard niya. Halos maiyak na akong nilahad ang palad ko para abutin ang panyo na inaalok niya.Agad nagliwanag ang mata niya ng makita iyon at agad na ngumiti. Halos maistatwa ako ng pinunasan niya ang pawis ko na muling tumulo.“Do you want a ride?” Nakangiti nitong tanong sa akin at niyakag niya pa ako, siya pa mismo ang nagbukas ng pintuan ng kanilang Lamborghini para papasukin ako.“No, no, please I’m okay.” Hindi ko atang kayang upuan ang sasakyan na iyan at natatakot ako na baka magasgasan ko.Magsasalita na sana siya ng may muling bumusina na sasakyan at this time ay isang mahal na sport car naman. Muli akong napalunok, gusto ko na lamang na kainin ako ng lupa ngayon na mismo.“Tyra? What’s wrong, why did you stop?” May gwapong lalaki ang bumaba doon at agad na lumapit sa amin. Tinignan ako nito bago niya kinuha ang kamay ni Tyra daw na nakahawak sa akin. Napatingin naman si Tyra sa kanya, natigilan ako at napaatras ng makita ko kung paano niya pinunasan ang kamay noong Tyra na pinanghawak niya sa akin na parang isa akong bacteria.“I want to give her a ride. I saw her walking and it’s tiring her. Look at her, she’s sweating.” Hinawakan naman noong lalaki ang mukha ni Tyra kaya agad napanguso si Tyra dahil sa ginawa niya. Umiwas na lamang ako ng tingin at lalayo na sana ng marinig ang sinabi ng lalaki na ikinagulat ko.“I’ll give her a ride for you, okay? So don’t worry about her.” Inalalayan niyang pumasok si Tyra sa loob. Tumingin naman sa akin si Tyra.“I’ll see you later, by the way my name is Tyra. How about you?” Napatingin ako sa lalaki at kita ko ang sama ng tingin niya sa akin.“Uhm Aubrielle.” Halos pabulong ko na sagot sa kanya.“Wow, what a nice name. I like her name, Vincent.” Ang kaninang masama ang tingin sa akin na si Vincent ay agad napalitan ng ngiti.“Yeah, you’re right but yours is better than anyone’s name.” Humalakhak naman si Tyra at nag usap silang dalawa bago ako kinawayan ni Tyra para magpaalam.“Troublesome.” Narinig kong sabi niya, nag pipigil akong sumagot kaya pikon akong ngumiti sa kanya.“You don’t have to give me a ride.” Tatalikod na sana ako ng pinatunog na niya ang sasakyan.“I promised her and I don’t break even a little promise like this to her.” Hindi na lamang ako nagsalita at binuksan ang passenger seat ng may makita na naman na babae doon. Kumpara kay Tyra ay iba ito, kung si Tyra ay unang tingin mo palang ay alam mo ng mabait ay ito naman unang tingin mo palang alam mo na, na dapat ko siyang iwasan dahil isa siyang rich spoiled brat.“Who are you?” Kunot noo nitong tanong sa akin. Sumakay naman si Vincent at napatingin sa amin.“I told you to wear your seatbelt, Synesthea.” Umismid lang naman si Synesthea daw. Umiling lang naman si Vincent at siya na mismo ang nag suot ng seatbelt kay Synesthea.“What are you doing-” Bago pa siya makapagsalita ay sinara ko na ang pinto at sumakay na sa may likod.“Who is she, Kuya?” Bahagyang tumingin si Vincent sa akin bago bumuntong hininga.“Tyra’s friend.” Bahagyang kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya, hindi naman sa ayaw kong maging kaibigan si Tyra sa totoo nga ay gustong gusto ko pero hindi naman kami friends lalo na at kakakilala lang namin ngayon. Wala pang isang oras ang nakakalipas.“Again? Nevermind. Just let me drive my own car.” Tumigil naman ang sasakyan kaya napatingin ako sa dalawa at mukhang mag aaway pa sila.“Your car? Let me tell you this, Synesthea Sivan. I let you drive your own car but look what you did? You fucking bump every car you want and we pay millions for the damage.” Hindi ako makapaniwalang napatingin sa kanila.“What? It’s not my fault. Nakaharang ‘yung car nila and they’re parking where I want to park my car.” Napahilot naman si Vincent ng ulo niya.“I don’t know what to do with you anymore, Synesthea.” Umiling na lamang si Vincent at muling inandar ang sasakyan.“You’re always telling me that it’s my fault-”“Because it’s your fault!” Halos mapatalon ako ng sumigaw si Vincent. Hanggang kailan pa ba ako naandito? Sana sumabay na lang ako kay Tyra kesa makinig sa pag aaway ng dalawang ito.“Fine. It’s not your fault. We will buy a new car for you, okay?” Napatingin ako kay Vincent ng pinunasan niya ang halatang pekeng luha ng kapatid niya.“Really?”“Of course baby.” Nakita ko mula sa salamin ang pag ngisi ni Synesthea.Napailing na lang ako at hinayaan sila. Hinding hindi ko talaga maiintindihan ang mga mayayaman na ito. Nang makarating na kami ay agad na akong bumaba, wala na namang pakielam si Vincent sa akin at hindi na rin sila nilingon pa.Napatigil ako ng may humarang sa akin bago pa ako makapasok.AUBRIELLE’S POVNapatingin ako kay Tyra ng bigla ako nitong harangan bago pa ako tuluyang makapasok ng tuluyan. Ngayon ay hindi na siya nag iisa at may kasama na siyang dalawang babae na hindi naman ako pinapansin.“Good morning, Aubrielle.” Malapad ang ngiti nitong sa akin at mukhang doon lamang ako napansin ng dalawang babae na nasa magkabilang gilid niya at sabay silang napatitig sa akin.“Again, Tyra?” Napanguso naman si Tyra dahil sa sinabi ng short hair na babae na nasa kanan niya.“Whatever. “ Inirapan siya noong babae na parang wala agad nagawa dahil lang sa nag pout si Tyra sa kanya.Nagulat ako ng agad niyang sinabit ang kanyang braso sa aking braso at sabay kaming pumasok. Amoy na amoy ko ang mabango niyang amoy na nakakahiya dahil amoy pawis ako. Ang babaeng nasa gilid kanina ni Tyra ay lumipat agad sa tabi ng isang babae na para bang ayaw ako nitong tabihan.“Oh by the way this pretty girl with shade is Chantal,” itinuro niya ang babaeng lumipat. Pansin kong pilit lang a
AUBRIELLE’S POVSimula noon ay sinikap kong maigi na iwasan si Tyra, alam kong maganda ang intensiyon nito at hindi ito katulad ng mga kasama nito na matapobre pero hindi ko kayang makisali sa kanila lalo na at halatang halata ang pag ayaw nila sa akin.Kapag katapos ng klase ay agad akong nagligpit at nagmadaling maglakad papalabas sa may room, kahit na ilang araw na rin naman akong hindi na pinupuntahan ni Tyra sa upuan ko. Nakahinga ako ng maluwag ng nasa labas na ako at eto na naman ang mahabang lakaran para tuluyang makasakay sa tricycle. Isa pa sa dahilan kung bakit nagmamadali ako ay dahil mag aapply ako sa mga part time job para naman makatulong ako kay papa. Hindi rin naman kasi ganoon kalakas ang karenderya namin at gusto kong mag-ipon para kung sakaling kailanganin namin ng pera ay meron kami, lalo na at napapansin ko ang pagdalas ng pag-ubo ni papa at kahit ilang beses kong sabihin sa kanya na magpacheck-up na siya dahil isang buwan na itong inuubo ay siya pa mismo ang n
VINCENT’S POVNang maipark ko sa aming garahe ang sasakyan ay agad na umalis si Synesthea at nagmamadaling pumasok sa loob. Nag madali rin naman ako para mahabol siya.“Synesthea!” sigaw ko.Alam kong narinig ako nito sa lakas ng boses ko pero hindi ako nito nilingon at mas binilisan pa. Mas lalong nag-init ang ulo ko dahil sa ginawa niya kaya naman binilisan ko rin ang lakad ko at hinabol siya. Napansin niya iyon kaya napalingon siya sa akin at napatili ng mahawakan ko ang bag niya.“What do you think you’re doing, Synesthea Sivan?” Iritado kong tanong dito, napanguso naman ito sa akin at nagpacute pa para bitawan ko pero hindi niya ako madadala sa ganyan niya kaya mas lalo ko pang sinamaan ang tingin sa kanya.Nang mapansin siguro nito na hindi niya ako madadaan sa ganoon ay inis niyang inalis ang kamay ko sa bag niya na agad ko rin namang binitawan.“Why are you mad, Kuya? I told you, she’s annoying.” Inis nitong singhal sa akin, agad ko namang pinitik ang noo niya at mas lalo pang
VINCENT'S POVMay hinarap siyang papel sa akin at mas kumalampag ang puso ko dahil sa nabasa.She's accepted sa university sa US and she's so happy about it. Agad ko siyang niyakap at hindi magawang sabihin ang tungkol sa napag-usapan namin nina Dad.Hindi ko kayang sirain ang pangarap niya, naramdaman ko ang pagyakap nito pabalik sa akin. Napapikit at napakagat na lang ng labi. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Tyra.Bumitaw ako sa pagkakayakap kay Tyra at agad na ngumiti ng lumingon siya sa akin. Hinawi ko ang buhok niya papuntang tenga niya na mas ikinangiti niya. Agad niyang dinampian ang labi ko ng mabilis na halik.“Do you want to sleepover here?” tanong niya sa akin nang may malaking ngiti.Tumango ako sa kanya at agad naman niya akong niyakag pataas patungo sa kanyang kwarto. Hinawakan ko ang bewang niya para alalayan siya paakyat sa hagdan na ikinatawa niya.“You're acting as if I'm some kind of glass that can easily break. ” Nakan
VINCENT'S POVTyra and I first met at one of Synesthea's parties. My parents always let my little sister do whatever she wants, and she enjoys throwing parties for no particular reason. I'm not complaining; it's just that whenever there is a party, our house is too noisy for me to even enjoy my own peace.The celebration was about to begin, and after greetings, all the children gathered into Synesthea's play area. Since Synesthea is a spoilt child and bullies kids she doesn't like, I know some of them don't like playing with her. Some of the parents who attended Synesthea's party used their children to approach Synesthea so that it would benefit their business, but my younger sister is difficult to please. She hasn't even had true friends up until now. Before, I felt bad for her because no children wanted to play with her because she insisted on being the boss in every game they played and making all the decisions. If she doesn't like other kids, she will start pulling their hair. I d
AUBRIELLE'S POVMasaya kong binuksan ang pintuan ng bahay namin dahil agad akong nakuha sa pinuntahan kong convenience store, laking pasasalamat ko na lang talaga at maganda ang schedule ko sa school kaya naman hindi ako ganoong mahihirapan.Narinig ko ang pag-ubo ni papa kaya naman agad ko siyang dinaluhan.“Pa, mag-pahinga ka muna bukas.” sabi ko habang hinihimas ang likod nito. Pansin ko na ang paghihirap nito sa pag-ubo at matagal na rin ang ubo nito. Sa totoo lang ay gusto ko na siyang ipacheck-up ngunit wala naman kaming pera. Ang kinikita sa karinderya namin ay hindi naman malaki dahil maliit na karinderya lang naman iyon at hindi dinudumog ng mga tao, laging iilan lang ang nabili sa amin. Kaya naman ang mga kita sa karinderya ay napupunta lamang sa pang araw-araw na gastusin namin.“Naririnig mo ba ang iyong sarili, Aubrielle? Saan tayo kukuha ng pera, hija? Baon mo? Pagkain mo? Hindi ka talaga nag-iisip, ikaw na bata ka.” Malungkot akong lumuhod sa galit na si papa sa harapa
AUBRIELLE'S POVIbinalik ko na ang hindi na naman kailangan sa loob ng box at itataas ko na sana ulit ng may gupit na litrato ang bumagsak mula sa box.Nagtataka naman akong pinulot iyon dahil wala namang photo album na nasa loob ng box, puro gamit na lang talaga iyon ni mama na hindi na namin magagamit talaga dahil ang iba ay sira na pero hindi namin magawa na itapon kaya inilagay na lang namin iyon sa may box at ngayon ko lang muli iyong nabuksan simula ng inilagay namin iyon.Pinunasan ko ang maalikabok na litrato na iyon, nang maaninag ko na kung sino ang nasa litrato na iyon ay agad akong natigilan at halos lahat ng memorya na nakalimutan ko na ay agad na nagsibalikan sa akin ng makita ang litratong iyon. Basang basa ang mukha ko ng luha at sipon ko pero wala na akong pakielam doon at patuloy na lumuluhod sa doctor para operahan na si mama, alam kong hindi pa pwedeng agad agad operahan si mama at kailangan pa ng maraming check-up na gagawin pero sobrang lubha na ng sakit ni mama
AUBRIELLE'S POV"Mom, I don't hate her. I'm just jealous but I don't hate her. I love her to the point that I don't care if it hurts me, gusto kong angkinin lahat ng sakit na nararamdaman niya. Kahit idoble pa ang sakit na ibibigay sa akin, h'wag lang niyang maramdaman. Makita ko lang siyang laging masaya, gagawin ko. Anong gagawin ko kapag nawala siya sakin, Mom? Hindi ko kaya. I want to be with her. If something happen to her, I will follow her.” Kita ko sa mata ng babae ang gulat sa sinabi ng anak niya at agad niyakap ng mahigpit ang anak."Stop saying that, Vincent." Hindi na muling nag-salita ang lalaki ang humagulgul na lang sa bisig ng mama niya. Hindi nga nila ako napansin hanggang sa umalis na ako sa harapan nila. Hindi ko alam kung bakit sa tuwing pinupuntahan ko si mama sa hospital na iyon ay lagi ko silang sinisilip sa kwarto nila. VVIP talaga iyon pero dahil sobrang busy ng mga tao lagi don sa pag-aasikaso ay halos hindi na rin naman nila ako napapansin. Ang lalaking umii