Break up
Nakabalik agad kami sa manila at hinatid ako ni manong sa bahay namin. Magbabayad sana ako pero tinaggihan niya, kahit anong pilit ko ayaw niyang tanggapin, wala akong magagawa, baka kung ipilit ko pa, mas lalong matatagalan si manong.Nagpasalamat muli ako at tiningnan palayo ang taxi, mabuti na rin, sinama niya ako sa kanila kahit pagbalik ko may haharapin akong problema. Tiningnan ko ang bahay namin ng malayo na ang taxi.Nakita ko ang kapitbahay namin na naguusap at nag bulong bulongan habang panay sulyap sa akin kulang nalang iparinig nila sa akin ang chissmis nila.Pumasok ako sa gate at nagulat ako ng marinig ang sigaw ni papa na parang galit at iyak ni mama, dali dali akong pumasok sa bahay at doon ko nadatnan na sinaktan na naman ni papa si mama, mabilis akong tumakbo palapit sa kanila para pigilan si papa pero tinulak niya ako ng malakas, napaupo ako sa sahig at napapikit sa sakit ng bumagsak ako sa sahig."Ayan magsama kayong dalawa total pareho kayong malandi!" galit na sabi ni papa, inis akong tumingin sa kanya kahit masakit ang katawan ko. Nilapitan ako ni mama pero tumingin lang ako kay papa."Naniwala ka naman sa mga pinagkalat ng ibang tao papa! hindi mo piniwalaan si mama mas naniwala ka sa sinabi nila!" galit kong sabi sa kanya. Alam ko kung bakit sinaktan na naman niya si mama dahil may narinig na naman siya tungkol kay mama. Palagi siyang ganito at palagi niyang sinaktan si mama at dahil sa pagpigil ko sa kanya masasaktan rin ako."Tama na Lyra," umiyak na sabi ni mama, pero hindi ko siya nilingon at masama lang tiningnan si papa."Aba talagang sumasagot ka pa ha! ayan Maricel pinaglaban ka pa ng anak mong kalahi mong malandi!" galit na sabi ni papa."Tama na sabi papa! bakit ba ayaw mong maniwala kay mama! minahal mo ba talaga si mama!?" galit ko ring sigaw sa kanya, tinuturo niya ako sa galit niya rin sa sinabi ko."Yang nanay mong malandi ang tanungin mo! kung bakit lumandi pa yan kong may asawa na ang p*t*ng babaeng yan!" galit niyang turo sa akin, "baka nga hindi kita anak!" dagdag niyang sabi, napapikit ako sa sakit."Hindi mo anak!? nahihibang kana ba papa!? sa tagal nating magkasama, nasabi mo yan ngayon!?" galit at may pinaghalong sakit na sabi ko sa kanya."Nagsisi ako kung bakit kinupkop pa kita Lyra! halata namang hindi kita anak!" galit niya pa lalo at halos hindi ako makahinga sa sakit ng narinig ko lahat ng yun galing sa sarili ko tatay. Tinuro niya si mama, "yan! duda ako sa babaeng yan baka sa daming lalaki! isa dun ang tatay mo tanungin mo ang malanding yan kung sino ang tatay mo!" galit niyang sabi pero nanghihina na ako at hindi makapagsalita sa sinabi niya. Hinabol ko ang hininga ko habang umiyak at tumingin kay papa na galit na galit habang tumingin sa amin ni mama na nakayakap sa akin."P-pa?" umiyak kong tawag sa kanya, hindi ko matuloy ang balak kong sabihin, hindi ko na maaninag ng maayos si papa dahil sa mga luha. Wala ng mas ikakasakit pa sa mga sinabi ni papa, ang itanggi niyang anak niya ako. "W-wala lang ba sayo yung pinagsamahan natin nong b-bata pa ako? d-diba masaya naman tayong n-naglalaro? diba p-papa? s-sabi mo m-mahal mo kami ni m-mama? anong nangyari papa?" humahagulhol kong iyak habang nakatingin sa kanya pero hindi ko na siya makita ng maayos dahil walang tigil ang pag agos ng luha ko."Wala akong pakialam! hindi kita anak!" huling sigaw niya bago tumalikod sa amin. Nag iyakan kami ni mama."Anak, pagpasensyahan mo na ang papa mo, nadala lang yun sa galit, wag ka sanang magalit sa kanya, alam kong mahal ka niya," mahinahong sabi ni mama pero umiling ako ng umiling sa kanya."Ma! aalis nalang tayo dito!" umiyak kong sabi pero umiling lang siya sa akin."Wala tayong pera para diyan anak," sabi niya at hinaplos ang buhok ko."Hayaan mo na mama basta aalis na tayo dito! iwanan nalang natin si papa!" mabilis kong sabi pero matigas si mama."Anak wala akong pera at hindi natin alam kong saan tayo pupunta pag-aalis tayo, ayaw kong magutom ka anak at matulog sa kalye kung pwede naman dito. May magandang higaan at makakain ka rin ng tatlong beses ng isang araw," sabi niya, napapikit ako sa inis pero wala na akong magawa."Mag trabaho ako ng mabuti mama," seryosong sabi ko, "aalis tayo dito," dagdag kong sabi."Kung yan ang gusto mo anak," mahinahong sabi niya at tipid ngumiti sa akin.Nandito ako sa kwarto ko ngayon pagkatapos naming magusap ni mama. Medyo dumilim na rin sa labas. Nagbabasa ako sa social media kung paano nila sinabi kung anong klaseng babae ako. Ito ang kinalabasan sa ginawa ni Vina sa akin. Masaya ba siya sa lahat? Ikakasaya niya ba ito? Ikakasaya niyang masira ako?Binasa ko lang lahat ng yun at hindi nasaktan o umiyak man lang. Masyadong puno na ng sakit ang damdamin ko, wala ng ibang lugar para sa ibang sakit, hindi na rin tumulo ang luha ko dahil ubos na ata ito.Nabigla ako ng mag ring ang cellphone ko sa isang tawag at kumalabog ang dibdib ko sa kaba ng makita ang pangalan ni Zey dun. Ayaw ko munang makausap siya pero kailangan naming mag-usap, lalo na sa nangyari ngayon. Kahit kinabahan sinagot ko ito.Hindi siya nagsalita agad at ang hininga niya lang ang narinig ko sa kabilang linya."Hello." Unang salita at ramdam ko ang kalamigan niya dito. Akala ko ubos na ang mga luha ko pero ng marinig ko ang boses niya agad bumuhos ang luha ko."Z-Zey" Nanginginig kong tawag sa kanya, wala na akong pakialam kong malalaman niyang umiyak ako."Let's break up," malamig niyang sabi, kinagat ko ang pangvibabang labi ko. Kaya nga ayaw ko siyang makausap dahil hindi ko kayang marinig ito sa kanya pero ngayon sinabi na niya sa akin hindi ko alam kong anong sasabihin ko, hindi ko pwedeng tanungin kong bakit? kasi kasalanan ko naman lahat.VomitTumango tango ako kahit hindi niya ako kita, pero ginawa ko yun para sarili ko, dahil kailangan kong tanggapin, kailangan kong tanggapin na hindi niya ako matanggap dahil sa nangyari sa akin. "W-wala ka bang itatanong sa akin?" nanginginig kong tanong sa kanya. Rinig kong sarcastic siyang tumawa sa kabilang linya."Ano pa ba ang itatanong ko eh kitang kita sa picture at video na ikaw yun," galit niyang sabi, napapikit ako sa sigaw niya.Kanina umasa ako na pakinggan niya ang paliwanag ko at intindihin niya ako, umasa ako kahit malabo, pero ngayong nakausap ko na siya wala pala talagang pag-asa, sirang sira na ako at nasisira ko rin ang relasyon namin."M-maniwala ka ba pag s-sasabihin kong set-up lahat yun?" umiyak kong tanong at umasa parin na pakinggan niya ako."Syempre hindi! sinungaling ka! at nakakadiri ka! kahit totoo ang sinabi mo! ayaw ko na sayo! baka sobrang dami na ng lalaki ang nakatikim sayo!" sigaw niya sa akin, napapikit ako sa sakit at tinanggap ang sinabi niya.
FiredInayos ko ang sarili ko gaya ng sabi ni ma'am at lumabas para magsimula na sa trabaho pero pinagalitan ako ng head namin."Ano ka ba Lyra!? ang dami mong trabaho saan ka ba nagpupunta!?" galit nitong sabi, hindi naman to ganito sa akin dati, pero dahil sa nangyariz ganito na niya akong ituring. Si Vina ulit ang sinisisi ko sa bagay na to."Sorry ma'am masama lang ang pakiramd-" hindi ko matapos ang sasabihin ko ng pinutol niya ako sa dapat sabihin ko, maraming nakakita sa amin, dahil medyo nasanay na ako sa isang buwan ganito palagi ang scenario hindi na ako nahihiya o naiilang."Wala akong pakialam Lyra! maghanda ka at may meeting tayo sa bagong CEO natin ngayon!" sigaw niya sa akin. Tumango ako sa kanya at hindi na nagsalita, hinintay kong makaalis siya bago ako umupo sa upuan.Masama ang pakiramdam ko pero kailangan kong magtrabaho, titiisin ko lahat ng to, mas mabuti na rin ito kaysa matanggal sa trabaho at sure akong wala ng tatanggap sa akin dahil sa scandal na nagawa ko sa
MarryWarning!!Umiyak ang tatlo pero hindi ko na sila pinansin at tinuloy ang meeting. Marami akong meeting ngayon kaya hindi dapat ako magtatagal dito.Lumabas ako sa conference room pagkatapos kong makinig sa harap kanina at nagpakilala bilang bago nilang CEO, hindi na acting CEOz Acting CEO ako ng ilang taon pero hindi ako dito palagi kasi hindi ito main ng kompanya namun, pero kailangan kong bumisita sa lahat ng branch para magpakilala bilang CEO.Yun ang utos lola ko, kasi may mga branch na hindi ko nabisita ng ilang taon dahil okay naman ito at walang problema kagaya sa branch na to.Ilang meeting na ang napuntahan ko at ngayon may kikitain akong tao pero nasa sasakyan palang ako papunta sa resturant kung saan kami magkita, nakita kong may text ang isang secretary ko na nasa hospital, binuksan ko agad ito.Secretary Kim: Good Afternoon Sir the girl named Lyra Shen Cortez is pregnant and someone says you're the father and she wants to meet you here right now to talk about it.Il
Baby"What!? no way!" sagot ko agad, talagang sirang sira ako dahil sa babaeng to!"Yes way," sabi ni lola."Lola!" hindi makapaniwalang tawag ko sakanya ng hindi na niya ako sineryoso. Nilingon niya ako."I'm serious Mike Charls Sorveity," seryosong sabi niya."Ayaw ko!" agad kong sabi."Edi don't," parang teenager lang ding sabi niya, "icancel ko lahat ang napirmahan mo na, at ibibigay ko sa babaeng to," simpleng sabi niya, nanlaki ang mata ko."Seriously La!? hindi mo pa nga yan kilala!" inis kong sabi."Hindi, pero apo ko ang nasa tiyan niya," sabi niya."Lola!" Hindi makapaniwalang sigaw ko at wala ng masabi, pinaghirapan ko ang kompanya at dahil sa babaeng yan mawawala rin pala lahat."You can choose Mike, hindi kita pinilit," sabi pa ni lola.Napahawak ako sa ulo ko sa inis at umupo sa sofa, masamang tiningnan ang babae na nakahiga at natutulog parang walang problema samantalang ako dito ganito ka miserable!?Then I make her miserable too!"Fine!" Sabi ko habang nakatingin parin
Pinilit"Aba! ikaw pa talaga ang may ganang tumangi? hindi ka naman kagandahan!" inis niyang sabi, napapikit ako sa inis at binuksan din agad ang mata para umirap sa kanya, whatever."Shut up Mike Charls!" galit na sabi ni lola "Kung hindi siya papayag mawalan ka ng mana!" galit niyang dagdag. Ako ang natakot sa matanda baka ma high blood dahil sa apo niyang g*g*.Nasan kaya ang magulang niya? Inalis ko agad ang isipan ko yun. I'm not interested.Kaya pala pumayag ang gagong to para sa mana, takot mawalan ng mana huh? naalala kong siya ang CEO na hinintay namin, so siya pala ang boss naming ilang taon ng hindi nagpapakita, assistant lang palagi ang naroon."Mawalan ka pala ng mana? hindi po ako papayag," sabi ko habang nakatingin sa lalaking masama ngayon ang tingin sa akin. Tss, mas mabuting maging mabait siya sa akin baka magbago pa ang isipan ko."Kapal talaga ng mukha!" galit nitong usal."Get out Mike Charls!" sabi ni lola, hindi na ata makatiis sa ugali ng apo niya. Yan paalisin
MahalNakarating kami sa bahay, napansin kong tahimik lang yun mabuti naman. Isa din sa rason kung bakit ayaw kong isama sila baka maabutan namin na nag-aaway sila mama o sabihin na nating sinaktan na naman ni papa si mama. Pinapasok ko sila sa gate at dumiretso kami papasok sa bahay. Napatingin agad ako kay mama na pababa sa hagdanan, dali dali siyang lumapit sa akin kahit may pagtataka ang mukha sa dalawang kasama."Anak? saan ka galing? at, " tumingin siya sa dalawa, "sino ang kasama mo?" tanong ni mama."Ma sa hospital ako galing," simpleng sabi ko na pinagsisihan ko agad."Ano!?" gulat niyang tanong at tiningnan ang buong katawan ko, "anong nangyari!? may masakit ba sayo!? anong sakit mo!?" gulat niyang tanong, napailing nalang ako at medyo nahihiya sa kasama."Okay lang ako ma," sabi ko."Anong ginawa mo sa hospital?" takang tanong niya, magsalita na sana ako para sumagot, pero tumikhim si lola, sabay kaming lumingon dito."Pasensya na kung hindi agad namin nasabi sainyo ang nan
HalikanTumahimik kaming dalawa at tumahan na rin ako sa pag-iyak hanggang sa nakatulog ako sa yakap ni mama. Ngayon lang gumaan ang pakiramdam ko simula nong nangyari ang issue na saakin, ang yakap ni mama ang nagpagaan sa pakiramdam ko.Nagising ako sa sigawan nila mama at papa, medyo nagtaka ako kasi minsan lang si mama sumagot kay papa."Malandi kasi yang anak mo! mana sayo!" galit na sabi ni papa. Nasaktan ako pero hindi ko pinansin, nakinig lang ako sa pinag-awayan nila."Malandi?" malamig na tanong ni mama, "ang kapal ng mong sabihin yan sa anak natin, ang kapal kapal ng mukha mo. Kung ayaw mo sa amin sabihin mo kasi aalis kami!" galit na sabi ni mama. Nanlaki ang mata ko. Ngayon ko lang siya narinig na sabihin yun."Aalis!? at puntahan ang lalaki mo!? ganun ba!?" galit ring sabi ni papa sa kanya. Hindi ko alam kong saan nakuha ni papa yan. Hindi rin ako sigurado kung totoo ba o hindi."Gusto ko lang ipaalala sayo na yang tinawag mong malandi.. anak mo yan! hindi mo asawa, hindi
GalitBumalik ako sa kwarto at ayaw ng tingnan ang nangyari sa baba baka masaktan na naman ako para sa anak ko. Inayos ko lang ang mga gamit ko, pero hindi ko napigilan ang luha kong tumulo galing sa mga mata ko.Hindi naman ganito ang gusto ko bilang buhay asawa. Gusto kong makaanak pero hindi ito ang gusto kong buhay sa magiging anak ko. Ang hirap kaya pag ayaw ng papa mo sayo. Nasasaktan nga ako ng sobra kahit noong bata ako masaya naman kami ni papa, ngayon lang siya nagbago noong lumaki ako, ano pa kaya kung simula palang sa pagbubuntis ayaw na niya sa anak.Bakit ko nga ba ginawa to? halata namang wala siyang pakialam kahit may anak na kami anong pagkakaiba nitong lumaki ang anak ko na hindi siya kilala? walang pinagkaiba pero bakit ako pumayag?Ngayon hindi pa nag isang araw ang kasal pero nagduda na ako kung tama ba ang desisyon ko ngayon.Pinigilan ko ng mag-isip ng kung ano-ano at tinapos na ang pag-aayos sa mga damit ko pagkatapos naligo at nagbihis. Nakaramdam ako ng gutom