Share

KABANATA 5

Fired

Inayos ko ang sarili ko gaya ng sabi ni ma'am at lumabas para magsimula na sa trabaho pero pinagalitan ako ng head namin.

"Ano ka ba Lyra!? ang dami mong trabaho saan ka ba nagpupunta!?" galit nitong sabi, hindi naman to ganito sa akin dati, pero dahil sa nangyariz ganito na niya akong ituring. Si Vina ulit ang sinisisi ko sa bagay na to.

"Sorry ma'am masama lang ang pakiramd-" hindi ko matapos ang sasabihin ko ng pinutol niya ako sa dapat sabihin ko, maraming nakakita sa amin, dahil medyo nasanay na ako sa isang buwan ganito palagi ang scenario hindi na ako nahihiya o naiilang.

"Wala akong pakialam Lyra! maghanda ka at may meeting tayo sa bagong CEO natin ngayon!" sigaw niya sa akin. Tumango ako sa kanya at hindi na nagsalita, hinintay kong makaalis siya bago ako umupo sa upuan.

Masama ang pakiramdam ko pero kailangan kong magtrabaho, titiisin ko lahat ng to, mas mabuti na rin ito kaysa matanggal sa trabaho at sure akong wala ng tatanggap sa akin dahil sa scandal na nagawa ko sa sarili.

Hindi ko na rin inisip ang lalaking yun at ang nangyari sa amin. Ang inisip ko lang talaga ngayon si mama at ang mga nangyari sa akin ngayon na sinisisi si Vina.

Gustong pumikit ng mga mata ko habang nakatingin sa computer pero tiniis ko itong idilat, patago akong uminom rin ako ng gatas para hindi ako mapagalitan, magagalit kasi silang uminom ako nito kahit dati naman okay lang. Ang weird lang ngayon dahil hindi naman ako uminom ng gatas kasi ayaw ko sa lasa nito pero kanina imbes na kape ang iinumin ko gatas tinimpla ko dahil parang gusto ko itong inumin.

Ininom ko ito at sarap na sarap ako dito sa unang inom ko, mas lalo akong nagtaka dahil hindi talaga ako uminom ng gatas at mas lalong hindi ako nasasarapan dahil nandidiri ako.

Nag iba ba ang taste ko? sign of aging? wala akong maisip ng dahilan kaya yun nalang ang naisip ko.

Napansin kong nataranta ang lahat pero dahil marami akong trabaho hindi ko sila pinansin kasi ayaw kong mag overtime ngayon gusto kong magpahinga para umayos ang katawan ko. Kailangan kong magpahinga para naman may lakas ako sa trabaho.

"Lyra! Gawin mo ito! bilisan mo kailangan yan sa meeting at paparating na ang CEO!" sabi ng head, gusto kong magreklamo pero nasa kamay ko na ang binigay niya at nakaalis na rin siya sa harap ko, no choice kundi gawin nalang ito.

Buti nalang kunti lang ito kaya madali ko lang natapos, tumayo ako at binigay ko agad sa head ang pinagawa niya, tinanggap niya lang ito at hindi tiningnan. Bumalik ako sa table ko pero saktong pagkarating ko nahilo na naman ako kaya umupo agad ako sa upuan ko.

Kailangan ko na atang magpatingin sa doctor, kahit kapos ako sa pera kailangan parin tingnan ang kalagayan ko. Kahit gusto ko ng mamatay ngayon, ayaw ko naman iwan si mama.

"Lyra! Dalhin mo ito sa conference room!" sabi ng isang kasamahan ko.

"Hindi ako pupunta," sabi ko dahil masama talaga ang pakiramdam ko, masama niya akog tiningnan.

"Mag pa special ka na naman dito!? tayong lahat kailangang pumunta doon!" galit niyang sabi at padabog niyang nilagay ang gamit niya sa mesa ko at dumiretso sa conference.

Pwede namanbsiya na ang magdala, kailangan pa talagang ipadala saakin para mahirapan ako.

Tatlo sa kasamahan ko ang nagpadala sa gamit nila. Hindi ko ito trabaho pero hindi ako makapagsalita para magreklamo.

Nandun na halos lahat at ako nalang ang natira dito kaya niligpit ko ang gamit ko at inayos ang gamit nila para dalhin ito, medyo nahihirapan ako lalo na't masama ang pakiramdam ko pero pinilit kong maglakad pero mas lalong sumama ang naramdaman ko at ang ulo ko halos hindi ko maipaliwanag ang hilo na ramdaman ko.

Hindi ko na talaga kaya nabitawan ko ang mga gamit na dala ko, kasama na dun ang laptop ko at napahawak sa pintuan ng conference room pero hindi pa ako nakahawak dun nahihilo na ako ng tuluyan at matutumba na sana ng may sumalo sa akin.  Ang mukha ng lalaki ang huli kong nakita bago ako nawalan ng malay.

CEO'S POV

Naglakad ako papunta sa conference room kasama ang dalawang secretary ko para sa unang meeting ko kasama ang mga employees dito sa company ng lola ko na sa akin niya pinamana. Noong nakaraan palang nangyari ang pirmahan ng kontrata. Ibibigay niya saakin basta gawin ko ang gusto niya and that's easy I think, kahit hindi ko pa alam kung ano ang gusto niya. Ilang taon na akong acting CEO dito at ngayon lang naging hindi acting CEO.

Nakita ko ang pamilyar na babaeng manghihinang naglakad papunta sa conference room. Kumunot ang noo ko dito at mas lalong kumunot ng bumagsak ang maraming gamit na hawak niya.

What happened?

Nasa malapit na kami at pabagsak na ang babae, dali dali ko tong sinalo, hindi ko mapigilan ang mura ko ng makilala babae. What the hell she's doing here!?

Wala na itong malay kaya sinabi ko sa dalawang bodyguard ko na dalhin ito sa hospital at pinasama ko sa kanila ang isang secretary ko para balitaan ako sa nangyari.

Hindi pwedeng iwan ang mga meetings, marami akong schedule ngayon at wala naman akong pakealam sa babaeng yun pero syempre ayaw kong may mangyaring masama sa mga employees dito sa loob ng kompanya ko.

Pinapulot sa mga bodyguards ang mga gamit na nahulog sa babae at dinala yun sa loob.

Tumahimik agad sila sa pagpasok ko pero hindi ko nalang pinansin at umupo agad sa upuan. Napatingin ako sa isang babae na nakatitig sa mga gamit na hawak ng bodyguard.

"Is that yours?" malamig kong tanong dito.

"Yes sir," kinabahang sagot nito

"All of that?" Tanong ko ulit.

"No sir," sagot niya rin agad at tumingin sa katabi niya, tinasaan ko sila ng kilay. Tatlong babae ang nagsabi na gamit nila yun. I smell something fishy kaya bago ko simulan ang meeting kakausapin ko muna ang tatlo.

"Bakit dala yan ng isang empleyado dito?" malamig kong tanong, base sa uniform ng babaeng yun, nagtrabaho siya dito hindi bilang isang maid ng kung sino.

"P-pinadala lang n-namin s-sir," natatakot na sabi ng isa. Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya, pinadala o kinawawa?

"I don't want everyone here in my company na kinakawawa," malamig kong sabi at nilingon ang manager, "I saw this woman at halata sa uniform na pareho lang sila ng trabaho nitong tatlong to pero siya ang nagdala sa mga gamit nila, halata namang hindi ito maid nila," malamig kong sabi sa manager, "I want them fired," seryosong dagdag ko.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Adora Miano
hahaha buti Yan , good job author nice story tale
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status