PainNagising ako na nakayakap sa mainit na braso galing sa mahal ko.Kahapon ay second anniversary namin at hindi ko alam kong anong maibibigay sa kanya, wala akong idea dahil kaya naman bilhin ni Zey ang isang bagay dahil mayaman naman sila kaya humingi ako ng advice sa matalik kong kaibigan.FLASHBACK"Ang lalim ng inisip natin ha," sabi ng kaibigan kong si Vina habang nagiisip ako ng regalo para sa boyfriend ko para sa nalalapit namin na anniversary."Inisip ko kasi kong anong ibibigay kay Zey sa anniversary namin," sabi ko habang hindi nakatingin sa kaibigan dahil nag-iisip parin ako ng regalo.Mayaman na si Zey kaya kung relo ang ibibigay ko marami na siyang ganun, kaya wala talaga akong idea. Pag tinanong ko naman siya sa gusto niya sinabi niya lang sa akin 'kahit ano basta galing sa akin'.Habang nagisip ako napansin ko ang kaibigan kong tumahimik, nilingon ko siya, nakatitig lang siya sa akin ng seryoso at parang malalim rin ang inisip."Vina?" Tawag ko sa attention niya, buma
PlanNagtaas siya ng kilay sa akin na para bang wala siyang pinaniwalaan sa sinabi ko."Maybe isa ka sa mga babaeng gustong ikama ako," malamig niyang sabi kaya hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Seriously!?"What did you say!?" galit kong sigaw sa kanya pero ngumisi lang siya sa akin."Hindi mo ako madadaan sa drama miss" Sabi niya at may kinuha sa kanyang bag na nasa sofa na malapit lang sa kanyaz gusto ko siyang sugurin sa galit ko.How dare him!? isa sa mga babaeng gusto siyang ikama? excuse me!? hindi ko nga ibinigay sa boyfriend ko ang sarili ko kahit matagal na kami, sa kanya pa kaya!? litse pala siya, putangna!"Miss, hmm.. may girlfriend na ako," sabi niya habang may sinulat sa isang papel. Huminto ang luha ko sa pag-agos dahil sa galit sa lalaking kaharap. Lumapit siya sa akin, kumunot ang noo ko sakanya, hindi ako umatras para isipin niyang hindi ako natatakot.May inabot siya na isang papel. Kumunot ang noo ko sa papel na yun, pero hindi ko tinangap, nagsalita siya."L
TrendingMapakla akong ngumiti at tumingin agad sa labas. Kaibigan naman ang turing ko kay Vina, hindi ko lang alam kung, anong turing niya sa akin.Tiningnan ko ang mga nadadaanan naming mga hayop hanggang sa huminto ang taxi sa isang maliit na bahay."Pasensya kana hija kung nadala kita rito, hayaan mo babalik agad tayo hija, kailangan ko kasing ihatid ang baon ng anak ko, hindi nakapasok kaninang umaga," paliwanag ni manong, ngumiti ako sa kanya para ipakitang okay lang sa akin.Kasalanan ko naman kung bakit ako nandito at nakalimutan ko naman pansamantala ang problema ko.Dinala ako ni manong sa maliit na bahay at nakita kong may lumabas na isang babae pakiramdam ko bata ito ng limang taon sa akin. Nakita kong nagtaka siya ng makita ako sa likod ng tatay niya, lumabas ang isang mas matanda na babae, parang kaedad lang ni manong, asawa niya ata at ganun rin ang itsura niya ng makita ako sa likod ng asawa niya.Sinabi naman ni manong ang dahilan kong bakit ako nandito pero ang anak n
Break upNakabalik agad kami sa manila at hinatid ako ni manong sa bahay namin. Magbabayad sana ako pero tinaggihan niya, kahit anong pilit ko ayaw niyang tanggapin, wala akong magagawa, baka kung ipilit ko pa, mas lalong matatagalan si manong.Nagpasalamat muli ako at tiningnan palayo ang taxi, mabuti na rin, sinama niya ako sa kanila kahit pagbalik ko may haharapin akong problema. Tiningnan ko ang bahay namin ng malayo na ang taxi.Nakita ko ang kapitbahay namin na naguusap at nag bulong bulongan habang panay sulyap sa akin kulang nalang iparinig nila sa akin ang chissmis nila.Pumasok ako sa gate at nagulat ako ng marinig ang sigaw ni papa na parang galit at iyak ni mama, dali dali akong pumasok sa bahay at doon ko nadatnan na sinaktan na naman ni papa si mama, mabilis akong tumakbo palapit sa kanila para pigilan si papa pero tinulak niya ako ng malakas, napaupo ako sa sahig at napapikit sa sakit ng bumagsak ako sa sahig."Ayan magsama kayong dalawa total pareho kayong malandi!" gal
VomitTumango tango ako kahit hindi niya ako kita, pero ginawa ko yun para sarili ko, dahil kailangan kong tanggapin, kailangan kong tanggapin na hindi niya ako matanggap dahil sa nangyari sa akin. "W-wala ka bang itatanong sa akin?" nanginginig kong tanong sa kanya. Rinig kong sarcastic siyang tumawa sa kabilang linya."Ano pa ba ang itatanong ko eh kitang kita sa picture at video na ikaw yun," galit niyang sabi, napapikit ako sa sigaw niya.Kanina umasa ako na pakinggan niya ang paliwanag ko at intindihin niya ako, umasa ako kahit malabo, pero ngayong nakausap ko na siya wala pala talagang pag-asa, sirang sira na ako at nasisira ko rin ang relasyon namin."M-maniwala ka ba pag s-sasabihin kong set-up lahat yun?" umiyak kong tanong at umasa parin na pakinggan niya ako."Syempre hindi! sinungaling ka! at nakakadiri ka! kahit totoo ang sinabi mo! ayaw ko na sayo! baka sobrang dami na ng lalaki ang nakatikim sayo!" sigaw niya sa akin, napapikit ako sa sakit at tinanggap ang sinabi niya.
FiredInayos ko ang sarili ko gaya ng sabi ni ma'am at lumabas para magsimula na sa trabaho pero pinagalitan ako ng head namin."Ano ka ba Lyra!? ang dami mong trabaho saan ka ba nagpupunta!?" galit nitong sabi, hindi naman to ganito sa akin dati, pero dahil sa nangyariz ganito na niya akong ituring. Si Vina ulit ang sinisisi ko sa bagay na to."Sorry ma'am masama lang ang pakiramd-" hindi ko matapos ang sasabihin ko ng pinutol niya ako sa dapat sabihin ko, maraming nakakita sa amin, dahil medyo nasanay na ako sa isang buwan ganito palagi ang scenario hindi na ako nahihiya o naiilang."Wala akong pakialam Lyra! maghanda ka at may meeting tayo sa bagong CEO natin ngayon!" sigaw niya sa akin. Tumango ako sa kanya at hindi na nagsalita, hinintay kong makaalis siya bago ako umupo sa upuan.Masama ang pakiramdam ko pero kailangan kong magtrabaho, titiisin ko lahat ng to, mas mabuti na rin ito kaysa matanggal sa trabaho at sure akong wala ng tatanggap sa akin dahil sa scandal na nagawa ko sa
MarryWarning!!Umiyak ang tatlo pero hindi ko na sila pinansin at tinuloy ang meeting. Marami akong meeting ngayon kaya hindi dapat ako magtatagal dito.Lumabas ako sa conference room pagkatapos kong makinig sa harap kanina at nagpakilala bilang bago nilang CEO, hindi na acting CEOz Acting CEO ako ng ilang taon pero hindi ako dito palagi kasi hindi ito main ng kompanya namun, pero kailangan kong bumisita sa lahat ng branch para magpakilala bilang CEO.Yun ang utos lola ko, kasi may mga branch na hindi ko nabisita ng ilang taon dahil okay naman ito at walang problema kagaya sa branch na to.Ilang meeting na ang napuntahan ko at ngayon may kikitain akong tao pero nasa sasakyan palang ako papunta sa resturant kung saan kami magkita, nakita kong may text ang isang secretary ko na nasa hospital, binuksan ko agad ito.Secretary Kim: Good Afternoon Sir the girl named Lyra Shen Cortez is pregnant and someone says you're the father and she wants to meet you here right now to talk about it.Il
Baby"What!? no way!" sagot ko agad, talagang sirang sira ako dahil sa babaeng to!"Yes way," sabi ni lola."Lola!" hindi makapaniwalang tawag ko sakanya ng hindi na niya ako sineryoso. Nilingon niya ako."I'm serious Mike Charls Sorveity," seryosong sabi niya."Ayaw ko!" agad kong sabi."Edi don't," parang teenager lang ding sabi niya, "icancel ko lahat ang napirmahan mo na, at ibibigay ko sa babaeng to," simpleng sabi niya, nanlaki ang mata ko."Seriously La!? hindi mo pa nga yan kilala!" inis kong sabi."Hindi, pero apo ko ang nasa tiyan niya," sabi niya."Lola!" Hindi makapaniwalang sigaw ko at wala ng masabi, pinaghirapan ko ang kompanya at dahil sa babaeng yan mawawala rin pala lahat."You can choose Mike, hindi kita pinilit," sabi pa ni lola.Napahawak ako sa ulo ko sa inis at umupo sa sofa, masamang tiningnan ang babae na nakahiga at natutulog parang walang problema samantalang ako dito ganito ka miserable!?Then I make her miserable too!"Fine!" Sabi ko habang nakatingin parin