Share

KABANATA 2

Trending

Mapakla akong ngumiti at tumingin agad sa labas. Kaibigan naman ang turing ko kay Vina, hindi ko lang alam kung, anong turing niya sa akin.

Tiningnan ko ang mga nadadaanan naming mga hayop hanggang sa huminto ang taxi sa isang maliit na bahay.

"Pasensya kana hija kung nadala kita rito, hayaan mo babalik agad tayo hija, kailangan ko kasing ihatid ang baon ng anak ko, hindi nakapasok kaninang umaga," paliwanag ni manong, ngumiti ako sa kanya para ipakitang okay lang sa akin.

Kasalanan ko naman kung bakit ako nandito at nakalimutan ko naman pansamantala ang problema ko.

Dinala ako ni manong sa maliit na bahay at nakita kong may lumabas na isang babae pakiramdam ko bata ito ng limang taon sa akin. Nakita kong nagtaka siya ng makita ako sa likod ng tatay niya, lumabas ang isang mas matanda na babae, parang kaedad lang ni manong, asawa niya ata at ganun rin ang itsura niya ng makita ako sa likod ng asawa niya.

Sinabi naman ni manong ang dahilan kong bakit ako nandito pero ang anak nila may pagdududa sa mata habang tumingin sa akin.

Cute.

Pinapasok ako ng matandang ginang at pumasok sila sa kwarto, naiwan ako sa sala kasama ang anak nila na nanliit ang mata sa akin kaya tiningnan ko ito at hinintay na magsalita siya, alam ko ang inisip niya.

"Hindi ka naman siguro babae ng tatay ko?" bulong niya sa akin at sumulyap sa pinasukang kwarto ng magulang niya. Matamis akong ngumiti sa kanya.

"Pinagdudahan mo ba ang tatay mo?" nakangiting tanong ko. Umiling naman siya at hindi na nagsalita, naisip niya rin ata ang sinabi ko.

"Anong pangalan mo?" tanong niya sa akin.

"Lyra Shen," sagot ko.

"Cathline ang pangalan ko," sabi niya, tumango ako.

"Nice to meet you Cathline," sabi ko.

"Oum, sorry kung pinagisipan kita ng masama," sabi niya at ngumiti sa akin, kumindat muna siya bago tumayo ng lumabas ang kanyang magulang.

Kumain muna kami bago babalik sa manila. Doon ko na realize na hindi pa pala ako kumain ng breakfast at 11:30 na.

Habang kumakain nagkwentuhan kami at madalas akng tinanong nila na parang kinikilala ako. Magaan ang loob ko sa kanila, ni isang beses hindi ko naisip na masamang tao sila lalo na't ngayon lang kami nagkakilala.

Pansamantala akong tumawa kasama sila, pansamatala akong ngumiti dahil sa kanila at nakalimutan ang problema, at si Catherine naman naging magaan narin ang aura niya, wala na ang pagdududa niya sa akin.

Hanggang sa kailangan na naming umalis ni manong at doon ko ulit naisip ang problema ko.

Nasa labas ako ng bahay nila habang hinintay si manong na nasa loob pa. Naramdaman kong may  tao sa likod ko, akala ko si manong, pero bumungad sa akin Catherine, ngumiti agad siya kaya ngumiti rin ako.

Tumingin siya sa puno na kanina ko pa tinitigan, tumingin nalang din ako sa puno.

"Ilang taong kana Lyra?" tanong ni Catherine sa akin.

"25, bakit?" sagot ko at agad rin siyang tinanong pero hindi niya ito sinagot.

"Mas matanda ka pala sa akin ng limang taong," nakangiting sabi niya, pero nasa puno parin ang mga mata.

Tama ang hula ko sa kanya kanina. Walang nagsalita sa aming dalawa ng ilang sandali.

"Tama siguro ang sinabi nilang magiging malungkot ka pag tumanda kana," basag niya sa katahimikan.

"Malungkot ka ba?" tanong ko sa kanya, pero umiling siya.

"Hindi ako, ikaw Lyra," sabi niya at humarap sa akin, natigilan ako sa sinabi niya. "Hindi ko alam ang pinagdaanan mo pero ramdam ko ito kanina pa, gusto ko tuloy sumunod dun sa manila at alamin lahat baka may maitulong ako," seryosong sabu niya, nagulat ako, tumawa siya sa reaction ko at tinapik ang balikat ko.

"See you soon Lyra, pupuntahan kita," nakangiting sabi niya at kumindat saakin tsaka naman dumating ang tatay niya. Nagpaalam muna sila sa isa't isa, pero ako gulat parin sa sinaabi ni Lyra.

Ang matagal ko ng kaibigan ni minsan hindi niya naramdamang may problema ako, pero sa isang tao na ngayon ko lang nakilala, nakakagulat.

Pabalik na kami at tiningnan ko muna sandali ang isang social media ko pero nagtaka ako ng bumungad sa akin ang maraming notification. Anong meron? bigla akong kinabahan, nanginginig ang kamay ko habang pinindot ang isang notification na minention ako.

Nanlaki ang mata ko ng bumungad sa akin ang isang picture ko na nasa kama, kasama ang lalaki. What the fck!? kinabahan, pero tingnan ko parin ang isang video.

Nag play ang video na nakayakap sa akin ang lalaki habang ako naman hinaplos ang kanyang katawan. Tang*na kanina lang to nangyari! sinong may gawa nito!? naalala kong biglang bumukas ang ilaw kanina habang nakahiga parin kaming dalawa sa kama. Pumikit ako ng mariin.

Ibig sabihin may ibang tao kanina!? ibig sabihin pinicturan kami!? what the hell!? bakit naman nila ito ginawa sa akin!? at sinong may gawa nito!?

Naalala ko si Vina, siya ba!?

Nandilim ang ang paningin ko habang inisip si Vina na may gawa nito. Sinubukan ko siyang tawagan pero hindi sumagot, tinawagan ko ulit pero hindi ko na na contact ulit. T*ng*na! siya talaga ang gumawa nito!

Anong nagawa ko sa kanya? bakit sinira niya ang pagkatao ko? tumingin ako sa labas at nanlamig sa nangyari ngayon sa buhay ko at hindi ko na ulit mapigilan ang luha ko.

Nakitang kong may text si mama.

Mama: Anak, nasaan ka? kagabi ka pa hindi umuwi, nag-alala na ako.

Napahawak ako sa bibig ko at halos hindi na makahinga, alam na ni mama kasi kung talagang nag-alala siya sa hindi ko pag-uwi, kanina pa ito nag text. Alam kong nag-alala siya dahil trending ako sa social media ngayon.

Nanginginig ang kamay ko habang tiningnan ang mga post ng kaibigan ko sa trabaho.

Gina: @Lyra Shen Cortez, CEO pala talaga ang bet mo! kaya pala walang nangyari sainyo sa boyfriend mo kasi plano mo palang magpatusok sa CEO?

Sinong CEO? CEO ang lalaki?

Mas lalo akong nanlumo nang mabasa ang post nila, kaya pala sobrang kalat kahit bago palang dahil sikat na CEO pala ang lalaki. T*ng*na kaya pala parang negosyo niya lang akong binayaran kanina. T*ng*na niya pala!

Madilim akong tumingin sa labas ng taxu habang inisip si Vina. Hindi ko makakalimutan ang ginawa mo sa akin at wag mo rin itong kalimutan dahil dadating ang panahon na ipaalala ko sayo lahat, baka nga gawin ko rin to sayo pag nasa mood ako.

Wag kang mag-alala babalikan kita para maramdaman mo rin to.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status