Share

KABANATA 149

Habang nakikinig ako sa kanya may isang tanong na nabuo sa isipan ko. Tatanungin ko siya pero hindi na niya kailangan sagutin talaga, gusto ko lang ilabas itong tanong na naisip ko para hindi na ako mag-isip pa ng kung ano.

"Bakit ka naniwala agad sa kanila?" seryosong tanong ko sa kanya. Mapait siyang ngumiti sa akin at tumango tango. Hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin.

"Yun nga ang tanong ko sa sarili ko, bakit nga ba?" nasasaktan niyang tanong. Pati siya hindi alam kung anong nangyari sa kanya pero alam ko kong bakit. Naramdaman ko sa kanya.

"Dahil nasasaktan ka," ako na mismo ang sumagot sa tanong ko. Gusto ko lang ipaalam sa kanya na naintindihan ko siya. "Nasasaktan ka hindi dahil sa narinig mo kundi dahil sa nalaman mo tungkol sa anak mo.. hindi mo na alam ang gagawin mo kaya noong narinig mo ang sinabi nila agad kang naniwala dahil pakiramdam mo pati ako iiwan ka."

Yumuko siya sa sinabi ko.

"Alam mo ba kung ano ang kulang sa ating dalawa? pag-uusap. Ngayon lang nati
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status