Share

KABANATA 1

Plan

Nagtaas siya ng kilay sa akin na para bang wala siyang pinaniwalaan sa sinabi ko.

"Maybe isa ka sa mga babaeng gustong ikama ako," malamig niyang sabi kaya hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.  Seriously!?

"What did you say!?" galit kong sigaw sa kanya pero ngumisi lang siya sa akin.

"Hindi mo ako madadaan sa drama miss" Sabi niya at may kinuha sa kanyang bag na nasa sofa na malapit lang sa kanyaz gusto ko siyang sugurin sa galit ko.

How dare him!? isa sa mga babaeng gusto siyang ikama? excuse me!? hindi ko nga ibinigay sa boyfriend ko ang sarili ko kahit matagal na kami, sa kanya pa kaya!? litse pala siya, putangna!

"Miss, hmm.. may girlfriend na ako," sabi niya habang may sinulat sa isang papel. Huminto ang luha ko sa pag-agos dahil sa galit sa lalaking kaharap. Lumapit siya sa akin, kumunot ang noo ko sakanya, hindi ako umatras para isipin niyang hindi ako natatakot.

May inabot siya na isang papel. Kumunot ang noo ko sa papel na yun, pero hindi ko tinangap, nagsalita siya.

"Like what I said, I have a girlfriend, wag mong ipagkalat ang nagyari" Malamig niyang sabi, mas lalong uminit ang ulo ko sa sinabi niya at hinablot ang papel.

Isa yung cheke na may na nakasulat na amount na 1 million!? What the hell!?

"Bayad rin yan sa sinabi mong nawala sayo, yung matagal mo ng iningatan," malamig, pero may narinig akong mahinang halakhak galing sa kanya. Malamig ko siyang tiningnan, huminto siya sa pag tawa ng mahina.

"Bayad?" malamig kong tanong at sacastic na tumawa at unti unting pinunit ang binigay niya sa harap niya habang nakatingin sa kanya ng malamig, habang siya nakakunot ang noo na nakatingin sa pinunit ko.

"Hinding hindi mababayaran ng pera ang sarili ko, isang million man yan o isang billion hinding hindi mo ako mababayan," malamig at matigas kong sabi sa kaniya at tinapon sa mukha niya ang punit na cheke, "ayan! kainin mo yan tinadtad ko na para sayo!" galit kong sabi at padabog na umalis sa kwartong yun.

Hindi ko naman mapigilan ang luha ko sa pag-agos habang inisip ang nangyari at nakaramdam ng galit sa kaibigan na nagplano nito, alam kong hindi pa sigurado na siya ang may pakana sa lahat ng ito, baka pumalpak lang ang plano niya pero malaki ang nawala sa akin.

Halos nandiri ako sa sarili ko sa nanyari, umiyak ako ng maalala si Zey, kasama rin ba siya sa nagplano nito?

Sumakay ako sa taxi habang umiyak sa loob nito, ayaw ko munang umuwi gusto ko munang lumayo, gustong kong maglayas pero naisip ko si mama, humahagulgol ako sa loob ng taxiz hindi ako tinanong ng driver, basta lang siya nag drive kahit hindi ko rin sinabi sa kanya ang pupuntahan ko. Handa ko naman siyang bayaran ng malaki.

Habang umiyak ako sa taxi, nag vibrate ang cellphone ko na nasa kamay ko lang kanina pa noong umalis ako. Medyo tumahan na ako at tiningnan ko ang cellphone kong may may text ni Zey, dali dali ko itong binuksann at binasa.

Zey: What the fck Lyra! buong gabi ako naghihintay sa hotel na sinabi ng kaibigan mo tapos hindi ka sumipot!?

Tumulo ulit ang mga luha ko habang binasa ang mensahe ni Zey na halatang galit talaga sa nagyari.

So hindi niya alam? Then sino ang gumawa sa amin nito!? naisip ko si Vina pero the hell! kaibigan ko siya kaya alam kong hindi niya magagawa yun.

Mahina akong nagdasal na sana hindi nga, na sana wala nga siyang alam dito, na sana mali ang inisip ko dahil kahit anong pilit ko sa sarili ko na wala siyang alam, lahat ng dahilan na naisip ko ay nagtulak sa kaibigan ko. Kung set up nga ag nangyari, bakit niya naman ito gagawin ito sa akin.

Nanghihina ako at nakaramdam na ng hiya sa boyfriend ko, feeling ko ang dumi ko ng babae, umiyak lang ako sa loob ng taxi hanggang sa wala na akong luhang mailabas.

Tiningnan ko ang labas at nakita ko ang hindi pamilyar dinaanan namin.

"Manong saan po ito pupunta?" Tanong ko sakanya medyo kinabahan ng kunti, sumulyap ang driver sa salamin.

"Pasensya kana ma'am pauwi po ito ng probinsya namin ma'am, hindi ko kasi alam kung saan ka dadalhib kaya dinala nalang kita dito," mahinahong sabi ng driver.

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at tiningnan ang labas na may malaking puno at may mga magagandang bahay, merong sakto lang ang laki at meron rin maliit lang na bahay. Iba-ibang sa nakasanayan kong makita sa syudad.

"Kailan ako uuwi manong?" tanong ko habang pinagmasdan ang nadadaanan namin, hindi mabilis ang pagtakbo ng taxi kaya mapagmasdan ko pa ng matagal ang madadaanan namin.

May nakita akong mga batang naglalaro, nagtatakbohan, may mga tumatalon, nagiyakan at may mga nagtawanan rin. May nakita akong parents dun na nagbabantay sa mga anak nila na nagalaro habang sila nag chismisan.

Naalala ko ang parents ko, si mama lang ang naalala kong may pake sa akin. Malungkot akong ngumiti sa kawalan ng malagpasan namin ang may maraming bata.

"Babalik rin ako mamaya ma'am, may ihahatid lang ako sa amin," sabi ni manong. Hindi na ako nagsalita at tiningnan ang labas.

Alam kong hindi dapat ako magtiwala agad sa taong hindi ko kilala pero naisip ko si Vina, kilala ko siya at tinuring kaibigan, pero dapat ko ba talaga siyang pagkatiwalaan?

Syempre, dahil kaibigan ko siya, pagkatiwalaan ko talaga siya, pero wala akong makitang ibang may gawa nito o pwedeng gagawa nito kundi siya lang dahil siya ang nag plano sa lahat.

"Manong lahat ba ng kaibigan ay makapagtiwalaan?" wala sa sariling tanong ko habang nakatingin sa labas. Matagal sumagot si manong sa sobrang tagal akala ko hindi talaga siya sasagot, pero nagsalita siya.

"Oo hija," sagot nito, napatingin agad ako sa kanya, sumulyap si manong sa akin sa likod, bumalik din sa daan ang tingin, "kung may kaibigan kang pinahamak ka, hindi mo yan kaibigan., dahil ang kaibigan hija hindi ipahamak ang kaibigan," sabi nito.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status