Share

KABANATA 4

Vomit

Tumango tango ako kahit hindi niya ako kita, pero ginawa ko yun para sarili ko, dahil kailangan kong tanggapin, kailangan kong tanggapin na hindi niya ako matanggap dahil sa nangyari sa akin.

"W-wala ka bang itatanong sa akin?" nanginginig kong tanong sa kanya. Rinig kong sarcastic siyang tumawa sa kabilang linya.

"Ano pa ba ang itatanong ko eh kitang kita sa picture at video na ikaw yun," galit niyang sabi, napapikit ako sa sigaw niya.

Kanina umasa ako na pakinggan niya ang paliwanag ko at intindihin niya ako, umasa ako kahit malabo, pero ngayong nakausap ko na siya wala pala talagang pag-asa, sirang sira na ako at nasisira ko rin ang relasyon namin.

"M-maniwala ka ba pag s-sasabihin kong set-up lahat yun?" umiyak kong tanong at umasa parin na pakinggan niya ako.

"Syempre hindi! sinungaling ka! at nakakadiri ka! kahit totoo ang sinabi mo! ayaw ko na sayo! baka sobrang dami na ng lalaki ang nakatikim sayo!" sigaw niya sa akin, napapikit ako sa sakit at tinanggap ang sinabi niya. Deserve ko to, deserve ko ang galit niya sa akin.

Ilang mura pa ang narinig ko galing sa kanya bago niya pinatay ang tawag. Nanghihina ang buong katawan ko at inisip lahat ang nangyari ngayong araw.

Saan nagsimula ang lahat? ang pagiisip ko kung ano ireregalo ko kay Zey? o hindi makuntento sa isang relo lang?

Saan ba ako nagkamali? ang pag plano para sa anniversary namin ni Zey? o ang pagpayag sa plano ni Vina?

Saan ako nagkulang? ang hayaan si Vina na magplano sa lahat o ang pagtitiwala sa kanya?

Sabi nila lahat ng nangyari sa atin, ang mga sakit na natanggap natin ay may rason kung bakit nangyari sa atin ito, pero sa sitwasyon ko ngayon hindi ko makikita ang rason.

Anong rason kung bakit ako nasaktan? para mas lalo akong masaktan dahil sa paghihiway namin ni Zey?

Inaalala ko lahat ang nangyari sa araw na to habang tumutulo ang luha ko.

Simula sa pag gising ko na akala ko, ang boyfriend ko ang katabi, pero hindi pala. Ito ang unang malas na nangyari sa akin sa araw na to.

Pangalawa, ang pagpunta ko sa probinsya at nakilala ko ang asawa ng taxi driver at anak nito na si Cathline, ito lang ata ang maganda sa nangyari sa akin ngayon lalo na sa sinabi ni Cathline na nagpapagaan sa loob ko.

Pangatlo, ang nakita kong kumalat ang mga picture at videos ko kasama ang lalaki sa isang kama at parehong walang saplot sa katawan. Pagkatapos kong magsaya kasama ang pamilya ni Cathline agad rin nawala pagbalik ko sa Manila.

Pang-apat, ang nakita ko si papa na sinaktan si mama at sinabihan kami ng malandi at ang pinaka ka worst, ang sinabi ni papa na hindi niya ako anak. Makakalimutan ko lahat ang sakit na nangyari sa akin ngayon, pero ang sinabi ni papa ay hinding hindi ko makakalimutan.

Last, ang paghihiwalay namin ni Zey,  ang galit niya sa akin na kailangan kong tanggapin, ang mura niya at ang sinabi niyang sinungaling ako, ang pandidiri niya sa akin, lahat kailangan kong tanggapin.

Pinahid ko ang mga luha ko sa mga mata ko, bukas tatayo ako at magtrabaho bukas ako, si Lyra Shen Cortez ang walang pakialam sa mga sasabihin ng ibang tao.

Si mama nalang ang natira sa akin ngayon.

Dumaan ang isang buwan when my life changed in one minute pero hanggang ngayon lasang lasa ko parin ang mapait na karanasan na yun. My friend Vina never tumawag sa akin like, I'm hoping, she says sorry for the failed preparation like, I'm still expecting that she's my friend at hindi niya magagawa yun sa akin.

I'm expecting because when the time goes by, she really did it to me and I'm hurting thinking about what she did to destroy me to get what she wanted. Maybe she wants Zey for herself that's why she destroyed me to get him for herself.

I always said na kalimutan na lang si Vina, kalimutan nalang ang nangyari kasi tapos na ang lahat at kailangan kong lumaban para sa amin ni mama, para lalayo na sa lugar na to, pero paano ko makakalimutan kong ang mga tao sa paligid ko at pilit pinaalala ang pagkakamali ko, kung hindi lang para kay mama matagal na akong tumigil sa pagtrabaho, baka nga matagal ko ng tinapos ang buhay ko.

Ngayon pumasok ako sa trabaho, napuyat ako kahapon kasi marami silang binigay na trabaho sa akin na deadline ngayong ayaw at ngayon nakita ko na naman ang maraming papel na nasa table ko para trabahuin na naman ito.

Isang buwan na akong nagtiis sa treatment ng mga tao dito at wala akong karapatang mag reklamo dahil trabaho ko ito kahit sobra sobra na tong ginawa nila sa akin.

Sa ganitong treatment nila hindi ko maiwasan isipin na isa ito sa mga nagawa ni Vina sa akin. Ang pagbabago sa buhay ko, isa sa mga kagagawan niya at hindi ko alam kong saan magsisimula basta nagpatuloy lang ako sa buhay at bahala na kung saan ako pupulutin nito.

Hindi pa ako tuluyan makaupo sa upuan tumakbo na agad ako sa cr dahil nasusuka na naman ako. I hate this feeling, tatlong araw ko na itong naramdaman at minsan nakaramdam rin ako ng hilo dahil sa palagi kong pag overtime sa trabaho madalas12:00 sa madaling araw na ako makakauwi kaya ganito ang resulta ngayon.

Ayaw ata ng katawan ko ang kinain ko sa tatlong araw dahil sa pagsusuka ko sa umaga, hindi ko na naman ito maramdaman sa nagdaang araw pero iba ngayon masama talaga ang pakiramdam ko, nahihilo at gusto nalang humiga sa kama buong araw.

Makakasakit pa yata ako.

"Anong nangyari Ms. Cortez?" rinig kong tanong ng manager namin sa likod ko, napaayos ako ng tayo kahit gusto pang sumuka pero pinigilan ko ito.

"May nakain lang na masama ma'am," sagot ko agad dito.. tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa at balik sa mukha ko.

"Ayusin mo ang sarili mo at magsimula ka ng magtrabaho," sabi niya at lumabas ng cr, sumuka agad ako pagkalabas niya,  halos ilang minuto akong sumuka dun puro laway lang ang lumabas.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status