Share

Chapter 11

Penulis: amvernheart
last update Terakhir Diperbarui: 2022-10-03 22:11:05
Lalong nakaramdam ng saya si Naya nang tuluyang lumapag ang sinakyan nilang chopper. Lumapag iyon sa rooftop ng hotel na kanilang tutuluyan na ayon kay Cristal ay pina-book mismo ng agency.

Tamang-tama ang lugar dahil halos isang kilometro lamang ang layo ng bahay na tinutuluyan ng kanyang ama at mga anak.

"Hurry up, Damie!" Hindi na niya hinintay na magsalita si Damielle Astin, mabilis itong naglakad na tila ba may hinahabol na oras. Hindi naman naiwasan ni Damielle ang magtaka sa kanyang inasta.

"Hindi mo naman kailangang magmadali, Naya. Bukas pa naman ang photo shoot mo, 'di ba?"

Napahinto siya dahil sa tinuran ng kanyang bodyguard. Pinilit na lamang niyang ngumiti nang lingunin niya ang lalaki.

"Oo. Ano kasi--gusto ko na kasing magpahinga. Napagod ako sa biyahe."

Buo na ang plano niya. Hihintayin niyang makatulog o malingat ang kanyang bodyguard at saka siya tatakas upang puntahan ang kanyang mga anak.

Hindi naman umimik si Damielle kaya muli na siyang nagpatuloy sa pag
Bab Terkunci
Lanjutkan Membaca di GoodNovel
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terkait

  • Exclusively for the Mafia    Chapter 12

    Awtomatikong napaangat ng tingin si Damielle Astin nang bumukas ang pintuan ng silid na okupado ni Raya. "Naya." Napaayos siya ng tayo. Hindi rin niya naiwasan ang mapakunot-noo lalo pa at tanging white robe lamang ang suot ng babae. Halatang bagong ligo dahil na rin sa nakapalibot na puting tuwalya sa buhok nito. Ngunit tila hindi napansin ni Raya Fae ang kanyang pagkunot-noo dahil gumuhit ang munting ngiti sa labi nito. "Pwede mo ba akong samahan, Damie?" "Samahan saan?" Itinaas ng modelo ang hawak niyang isang bote ng red wine. Matapos niyang ibaba iyon ay ngumuso siya. "Nakatulog na kasi si Kat eh kaya wala na akong kasama. Pwede bang ikaw na lang?" Nang hindi umimik si Damielle ay lalo siyang nagpa-cute. "Please, Damie." Napabuntong-hininga naman si Damielle Astin. "Akala ko ba matutulog ka na?" "Yes. And I'll be needing this to sleep." Napailing na lamang si Damielle Astin. "Sige na, please. Nakakalungkot naman uminom ng mag-isa." Lumabi ang dalaga. Napabuga ng

    Terakhir Diperbarui : 2022-10-04
  • Exclusively for the Mafia    Chapter 13.1

    Hindi napigilan ni Raya Fae ang sariling maluha habang nakatitig siya sa dalawang batang nakaratay. Parehong may nakasaksak na IV fluid sa mga ito kaya naman lalo siyang nahabag sa kanyang mga anak. "Kumusta ang mga bata, dad?" Nangilid ang kanyang luha. "Kawawa naman po ang mga anak ko." "Kahit papaano ay bumaba na ang lagnat nila, Hija. Huwag ka nang masyadong mag-alala. Sabi ng doctor, wala naman silang nakitang malalang sakit ang mga bata. Kumakalat kasi talaga ngayon ang flu dito." "Hindi po ako sanay na makita silang ganyan, dad." Muling tumulo ang kanyang luha. "Hindi ko kakayanin na hindi sila makita kahit hindi naman gano'n kalala ang sakit nila, dad." Hinagod naman ni Macario ang kanyang likod. "Huwag ka nang umiyak. Baka biglang magising ang mga bata. Hindi sila matutuwa na makita kang uumiyak, Hija." Hindi umimik si Raya Fae ngunit marahan niyang tinuyo ang kanyang mga luha. Tama si Macario, hindi siya dapat makita ng mga bata sa gano'ng ayos. Umupo si Macario sa so

    Terakhir Diperbarui : 2022-10-05
  • Exclusively for the Mafia    Chapter 13.2

    "Ano? Anong pinagsasabi mo?" Pagmamaang-maangan ni Raya Fae. Napahilot naman ng kanyang sentido si Damielle Astin. Pinilit niyang timpihin ang sarili. "C'mon, Naya. Stop your kind of drama dahil hindi mo ako mapapaniwala." Pinameywangan naman siya ng modelo. "Hindi ako nagdradama noh! Ipapaalala ko lang sa'yo, model ako, hindi ako artista. Huwag ka ngang mabintang diyan! Mas una ka pa ngang nagising kaysa sa'kin. Kaya paano ko maitatago ang baril mo? At saka isa pa, bakit ko itatago 'yong baril mo, ha? Aanhin ko 'yon?" "Ikaw lang ang makakasagot niyan, Naya." Napabuntong-hininga naman ang babae. "Alam mo, masama pala sa'yo ang epekto ng wine. Next time, hindi ka na invited sa inuman." "Natatandaan ko ang nangyari kagabi, Naya kaya huwag mo na akong lokohin pa. It's so obvious, may halong pampatulog ang ininom ko kagabi kaya ako nahilo." Umawang ang labi ni Raya Fae upang tumutol ngunit natigil siya nang marinig nila ang katok sa pinto. Pareho rin silang napatingin roon. "May

    Terakhir Diperbarui : 2022-10-06
  • Exclusively for the Mafia    Chapter 14.1

    Matapos maibaba ni Katriss ang kanyang cellphone ay kaagad siyang bumaling kay Raya Fae. "Sigurado ka bang makikipagkita ka sa kanya? Kung hindi ka pa handa, pwede naman tayong gumawa ng alibi." Napabuntong-hininga naman si Raya. "Mabuti na rin siguro na magkita na kami ngayon para na rin makapagpasalamat ako sa kanya. At saka doon rin naman papunta 'yon kaya bakit ko pa patatagalin?" "Sabagay, tama ka. Pero ang problema ngayon kung paano natin ulit tatakasan si Mister Vallejos." "Sabihin na lang kasi natin sa kanya. Kakampi natin siya, Kat." Umiling naman si Katriss Calve. "No, Raya. Hindi pa rin tayo nakakasiguro sa bagay na 'yan. Kung totoong kakampi natin siya, darating ang tamang panahon. Pero tingin ko, hindi muna ngayon." "Kung gano'n paano ako aalis?" Tila namang problemadong napahilot ng kanyang sentido si Katriss. Paano nga ba nila tatakasan ang bodyguard? Ilang sandali siyang tila nahulog sa malalim na pag-isip bago ito nag-angat ng tingin. "Alam naman niyang m

    Terakhir Diperbarui : 2022-10-07
  • Exclusively for the Mafia    Chapter 14.2

    "Nandito na siya, Raya." Awtomatikong napatingin si Raya sa direksyon kung saan nakatingin ang kanyang kaibigan na si Katriss. Nagtama ang tingin nila ng lalaking matangkad at matikas ang katawan. Unang mapapansin sa lalaki ang kulay kayumanggi nitong mga mata. "Miss Escobar." Nanatiling nakatitig sa kanya ang lalaki. "Mister Villacorda." Sinalubong nito ang tingin ng lalaki. Bahagya namang tumango si Gabriel bago ito bumaling kay Katriss Calve. "Nasa loob mga bata. Nandito sila para sa check up nila. Sana panatilihin na lang nating lihim ang isasagawang DNA test, Mister Villacorda." Litanya ni Katriss. Nanatili ang pormal nitong ekspresiyon. "Sana pumayag ka, Mister Villacorda. Ayokong guluhin ang isip ng mga anak ko. Totoong hindi namin plinano ng kapatid mo na buuin ang mga bata pero ayokong malaman na nila iyon. Gusto kong lumaki sila na ang alam nila ay nabuo sila dahil sa pagmamahal," Segunda ni Raya sa kanyang kaibigan. "I understand. Don't worry, Miss Escobar. I am

    Terakhir Diperbarui : 2022-10-08
  • Exclusively for the Mafia    Chapter 15

    "Tumawag si sir Rio, Raya." Hindi naiwasan ni Raya ang pagkabog ng kanyang dibdib nang makita niya ang lungkot sa mukha ng kanyang kaibigan. "Anong sabi niya?" "Pinapauwi na niya ako ng Pilipinas." Tila naman nanlata si Raya Fae sa kanyang narinig. Aniya sa isip, ibig sabihin ba no'n na mawawalay na siyang muli sa kanyang mga anak. "Pero hindi mo kailangan sumama, Raya. Pwede ka pa ring mag-stay rito. Ayos lang naman 'yon tutal ang alam niya, may photoshoot ka pa rito." Hinaplos ni Katriss ang kanyang balikat saka ito nagpatuloy sa pagsasalita. "Pasensya ka na. Gustong-gusto kong mag-stay pa ngunit hindi naman pwede." Humawak si Raya sa kamay ni Katriss na nasa balikat niya. "Ayos lang. Huwag kang mag-alala, kaya ko na ang sarili ko." Binigyan niya ito ng munting ngiti. "So what are your plans? Bibisitahin mo ba ulit ang mga bata?" Kumilos si Katriss upang ihanda ang kanyang maleta. "Oo sana. Hindi ko pa nasusulit ang mga araw na kasama ko sila." Sandali siyang nil

    Terakhir Diperbarui : 2022-10-09
  • Exclusively for the Mafia    Chapter 16

    "I'm sorry mister but she's not familiar with me." Lupaypay ang balikat ni Damielle Astin na tumalikod mula sa kanyang pinagtanungan. Hindi na niya mabilang kung pang-ilan na ang taong iyon sa mga tinanong niya. "I can't lose Naya again." Ugong ng kanyang isipan. Pakiramdam niya ay para siyang maluluha. Para siyang mababaliw sa kaiisip at kahahanap kung nasaan na ang misis niya. Dalawang araw nang nawawala ang babae at halos libutin na rin niya ang syudad kung saan siya naroon. Hindi naman niya ma-track kung nasaan ito dahil iniwan nito sa hotel ang cellphone nito. Hindi rin naman siya pwedeng mag-report sa pulis. Bagama't nasa ibang bansa na sila, hindi pa rin siya nakakasiguro kung ligtas sila roon mula sa impluwensiya ni Rio Costor. Natigil siya sa paglalakad nang tumunog ang kanyang cellphone. Agad niya iyong hinugot sa kanyang bulsa. Nang makita niyang nakarehistro ang caller ID ni Thano Miguero sa screen ay agad niyang sinagot ang tawag. "What's the news, Thano?" ["Nakau

    Terakhir Diperbarui : 2022-10-12
  • Exclusively for the Mafia    Chapter 17.1

    Flashback... Gumuhit ang pagtataka sa mukha ni Katriss Calve nang dumating siya sa tahanan ni Rio Costor. Nasa pintuan ang lalaki na tila ba hinihintay ang kanyang pagdating. "Welcome home, my beloved secretary." Gumuhit ang matamis na ngiti sa labi nito. "Thank you, sir." Bahagyang yumukod si Katriss. Kasanayan na niya iyon bilang tanda ng paggalang. Hindi na lamang siya nagpahalata kahit naninibago siya sa asta nito. "Alam kong kagagaling mo lang sa biyahe Miss Calve pero kailangan mong maghanda ulit." Tuluyan nang nawala ang ngiti sa labi nito. Bagamat walang kangiti-ngiti ay mahinahon naman ang tinig nito. Nangunot naman ang noo ng sekretarya. "May pupuntahan ba tayo, sir?" Agad namang tumango ang lalaki. "Yes. Pupunta tayo sa Isla El Tremor." Tila naman tinambol ang puso ni Katriss sa narinig. Narinig na niya ang isla na 'yon. Noon pa man din ay interesado na siya sa pribadong isla ng bilyonaryo. Malaki ang hinala ng grupo ng secret agent na kanyang kinabibilangan na n

    Terakhir Diperbarui : 2022-10-13

Bab terbaru

  • Exclusively for the Mafia    Special Chapter

    "Mom! Dad! I'm home!" Ang malaanghel na tinig ni Hope ang kumuha ng atensiyon nina Raya Fae at Damielle Astin. Parehong napunta ang tingin ng mag-asawa sa kabubukas na main door ng bahay. Pumasok mula roon ang isang balingkinitan babae. Maputi at tila kaylambot ang balat nito. Natural na mapula ang may kakapalan nitong labi, matangos ang ilong at mapungay ang mga mata nitong natural na mahaba ang pilik mata. At agaw pansin ang mga mata nitong kulay abo. She is Hope Villacorda. Ang prinsesa sa kanilang pamilya. Agad na tumayo si Damielle Astin. Gumuhit ang labi nito habang nakatitig sa dalagang papalapit sa kanila ni Raya Fae. Lalo ring gumuhit ang ngiti sa labi ng dalaga nang makita ang ngiti ng kanyang mga magulang. "How's your school?" Graduating na ito sa kursong Business management. "It's fine, dad." Humalik ito sa pisngi ng kanyang ama. Sunod rin itong kay Raya Fae na nakatayo sa tabi ni Damielle Astin. "Good evening po, Tito, Tita." Gumuhit ang munting ngiti sa lalaking

  • Exclusively for the Mafia    Epilogue

    "Mine." Yumakap si Damielle Astin sa beywang ng kanyang misis. Marahan niyang hinaplos ang tiyan nito. Malaki na ang umbok ng tiyan nito. Kabuwanan na nito at anumang oras ay maaari na nitong isilang ang kanilang anak. "Are you alright?" Humalik siya sa exposed na balikat nito. Sandali naman siyang liningon ni Raya. Pumatong rin ang kamay nito sa kamay ng kanyang mister. "Oo naman. Ayos na ayos lang ako." "Then why are you here?" Hindi pa rin naalis ang pag-aalala sa mga mata ni Damielle Astin. Agad naman siyang hinarap ni Raya Fae. "Binibisita ko lang siya, bigla ko siyang na-miss," gumuhit ang munting ngiti sa labi nito, "at saka para sabihin na rin sa kanya na magkakaroon na sila ng baby sister." "Yeah. Kung nandito siya, sigurong matutuwa siya katulad ni Damon. Well, except kay Devonne na ang gusto ay baby brother." "Devonne is such a loving person, hindi nga lang siya showy. Kahit sinasabi niyang baby brother ang gusto niya, I'm sure, magiging mabuting kuya pa rin siya."

  • Exclusively for the Mafia    Chapter 53

    Marahang hinahaplos-haplos ni Raya Fae ang ulo ng batang si Damon. Napapayag lamang niyang sumama ang mga bata sa kanila nang sabihin niya magkakasama silang pamilya. Sa huli pumayag na lamang siya sa gusto ni Damielle Astin na umuwi sa bahay kung saan siya nagising na kasama ito. Ayon sa lalaki, iyon daw ang bago nilang tahanan. Hindi nalalayo ang laki ng bahay sa dati nilang tahanan. Nangingibabaw ag kulay na puti at gold sa bahay kaya naman napakaaliwalas ng paligid. Mayroon na rin silid roon ang mga bata na may pintong konektado sa Master's bedroom. "Raya." Nakuha ng atensyon niya ang pagtawag ng kanyang mister. Nang mapunta ang tingin niya sa pinanggalingan ng tinig nito ay nakita niyang nakatayo ang lalaki sa pinto patungo sa Master's Bedroom. "Ngayong tulog na ang mga bata, pwede bang mag-usap tayo." Mahinahon ang tinig nitong nakikiusap. "Ano pang dapat nating pag-usapan? Pumayag na nag ako na umuwi dito sa bahay mo, 'di ba?" Hindi niya naitago ang pagsusungit sa kanyang

  • Exclusively for the Mafia    Chapter 52

    "Mga anak!" Naluluhang yumakap sa kanyang mga anak si Raya Fae. "Mommy." Mahigit na gumanti ng yakap sa kanya ang batang si Damon. Walang imik namang gumanti rin ng yakap sa kanya si Devonne. "Maraming salamat sa lumikha. Sa wakas, nahanap rin namin kayo." Hindi na napigil ni Raya Fae ang pagbuhos ng kanyang mga luha. "Mom." Tiningala siya ng batang si Devonne. Agad namang pinahid ni Raya Fae ang kanyang mga luha bago siya lumuhod upang mapantayan ang kanyang mga anak. "Kumusta kayo? Ayos lang ba kayo? May masakit ba? " Kitang-kita ang pag-aalala sa mga mata nito habang nakatingin sa mga bata. Muli ring nangilid ang kanyang luha habang hawak-hawak niya ang kanyang mga anak. "Please don't cry, mom." Kumilos ang kamay ng batang si Devonne upang tuyuhin ang kanyang luha. "We're okay, mommy." Segunda naman ng batang si Damon. "Please stop crying." Napasinghot naman ang si Raya Fae. Pinilit niya pinigil ang muling pagtulo ng kanyang luha. "Pasensya na, mga anak. Sobrang natutu

  • Exclusively for the Mafia    Chapter 51.2

    Napaungol si Raya Fae kasabay ng pagmulat niya ng kanyang mga mata. "Sa'n mo ako dadalhin?" Hindi niya naiwasang tanong habang nakatitig siya sa lalaking buhat-buhat siya. Sa halip na maghisterikal ay isiniksik niya ang kanyang mukha sa matipunong dibdib ng lalaki. Hindi niya mawari ngunit tila nakaramdam siya ng kapayapaan at seguridad sa bisig nito. "Please bring me home." Mahinang wika nito. "We're already home." Muli namang nagmulat ng kanyang mga mata si Raya Fae. Sinubukan nitong igala ang kanyang paningin ngunit tila umiikot naman ang kanyang paligid. Muli na lamang siyang napapikit upang mawala ang kanyang hilo. Pakiramdam niya ay nakadama siya ng kaginhawaan ng maramdaman niya ang paglapat ng kanyang katawan sa malambot na kutson. Sandali naman siyang pinakatitigan ng kanyang mister bago ito tumikhim. "I-I will undress you." Tila nagpapaalam namang wika ni Damielle Astin. Narinig naman iyon ni Raya Fae. Ngunit sa 'di mawaring dahilan ay hindi siya nakadama ng anumang

  • Exclusively for the Mafia    Chapter 51.1

    "Boss, bakit tayo nandito?" Hindi napigilang maitanong ni Thano Miguero kasabay ng paggala niya ng kanyang paningin sa loob ng bar. "I just want to unwind." Walang emosyong turan naman ni Damielle Astin sa kanyang tauhan. Nang umupo ang kanyang amo at umorder ito ng inumin ay wala na rin siyang nagawa kundi umupo na rin sa tabi nito. "Akala ko ba, boss, pupunta ka sa bahay nina Ma'am Raya." Napabuga naman ng hangin si Damielle Astin kasabay ng pag-iwas nito ng tingin. "Huwag na muna siguro. Baka ayaw rin lang naman niya akong harapin." Hindi na lamang umimik si Thano Miguero. Nang dumating ang order na alak ni Damielle Astin ay inialok nito sa kanya ang isang baso ngunit ngali-ngali siyang tumanggi. "Tingin mo ba, malabo na bang magkaayos pa kami ni Raya?" Tanong nito sa kanya matapos ang ilang beses na pagtungga ng alak. "Ewan ko, boss. Ikaw boss, ano sa tingin mo?" Nalukot naman ang mukha ni Damielle Astin. "You're not helping me, Thano." Napakamot naman ng ulo si Tha

  • Exclusively for the Mafia    Chapter 50

    "Raya." Hindi naitago ni Damielle Astin ang pag-aalangan sa tinig nang tawagin niya ang kanyang misis. Bagama't nakatalikod ito mula sa kanya, alam niyang umiiyak ito dahil sa pagyugyog ng balikat nito. "Nagdala ako ng pagkain." Sunod niyang wika sa mahinang tinig. At tama nga siya ng hinala na umiiyak ang babae dahil kitang-kita niya ang pagpunas ni Raya sa pisngi nito. "Hindi ako nagugutom." Matamlay nitong sagot. Ni hindi rin ito nag-abalang lingunin siya. Nanatili itong nakatanaw sa balkonahe ng silid. "Kahit konti lang." Noon na siya liningon ng kanyang misis. Kitang-kitang ang pamumula ng mga mata nito dahil sa pag-iyak at galit. "Hindi ka ba nakakaintindi? Sinabi ko na ngang hindi ako nagugutom! At saka pwede ba, Damielle, pwede ba, huwag ka muna magpapakita sa 'kin." Pakiramdam ni Damielle Astin ay nahiwa ang kanyang puso sa narinig at sa ipinakita ng kanyang misis. Ngunit ang pagguhit ng lungkot sa kanyang mga mata ay hindi na nakita ni Raya Fae dahil muli na itong

  • Exclusively for the Mafia    Chapter 49

    Flash back... Mabilis na tinalunton ni Raya Fae ang pasilyo patungo sa silid kung saan sila ikinulong. Bago siya tuluyang makarating sa silid ay narinig pa niya ang tinig ng kanyang mister. "Maghiwalay tayo, Thano. Mas madali nating mahahanap si Raya kung maghihiwalay tayo." Rinig niyang wika ng kanyang mister. Agad naman siyang nagkubli sa malaking banga na palamuti sa malawak na pasilyo. Tila tinambol ang kanyang dibdib nang masilip niya ang kanyang mister. Mas lalo siyang sumiksik sa gilid. Ngunit sa maliit na siwang ay nakagawa niyang makita ang paglinga-linga ni Damielle Astin sa paligid bago ito tuluyang umalis sa lugar. Tila naman nakahinga nang maluwag si Raya Fae. Aniya, malaya na niyang mahahanap ang kanyang mga anak. Wala nang pipigil sa kanya. Marahan siyang tumayo mula sa pinagkukublian. Ngunit tila tumalon ang kanyang puso nang bumungad sa harap niya ang bunganga ng baril. Napalunok siya. Agad ring napunta ang tingin niya sa may hawak ng baril. Bumungad sa kan

  • Exclusively for the Mafia    Chap 48

    "Hurry! Hurry up!" Sigaw ni Milo sa mga bata bago siya nakipagpalitan ng putok sa mga nakasunod sa kanila na tauhan ni Rio Costor. Nagtagumpay naman siyang mapatumba ang isa bago siya sumunod sa tumatakbong mga bata. Mabuti na lamang at naisipan nilang dumaan sa binata dahil kung hindi ay baka nasukol na sila ng mga tauhan ng kanyang kapatid. Kahit papaano ay nakahinga na siya ng kaunti dahil nakalabas na sila ng mansion ni Rio Costor. Gayunpaman kahit nasa kalsada na sila ay tuloy pa rin sa paghabol sa kanila ng mga tauhan ng kanyang kapatid. At hindi niya hahayaang magtagumpay ang mga ito. Muli siyang nakipagpalitan ng putok habang patuloy siya sa pagtakbo kasama ang mga bata. "Hurry! Hurry! Let's get over there." Mabilis niyang iginiya paliko ang bata sa eskinita. "I'm afraid, mister. Are they going to shoot us. I don't wanna die." Maluha-luha ang batang si Damon. Kitang-kita ang takot sa mga mata nito sa malamlam na liwanag na nagmumula sa lamp post ng walang katao-taong k

Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status