Matapos maibaba ni Katriss ang kanyang cellphone ay kaagad siyang bumaling kay Raya Fae. "Sigurado ka bang makikipagkita ka sa kanya? Kung hindi ka pa handa, pwede naman tayong gumawa ng alibi." Napabuntong-hininga naman si Raya. "Mabuti na rin siguro na magkita na kami ngayon para na rin makapagpasalamat ako sa kanya. At saka doon rin naman papunta 'yon kaya bakit ko pa patatagalin?" "Sabagay, tama ka. Pero ang problema ngayon kung paano natin ulit tatakasan si Mister Vallejos." "Sabihin na lang kasi natin sa kanya. Kakampi natin siya, Kat." Umiling naman si Katriss Calve. "No, Raya. Hindi pa rin tayo nakakasiguro sa bagay na 'yan. Kung totoong kakampi natin siya, darating ang tamang panahon. Pero tingin ko, hindi muna ngayon." "Kung gano'n paano ako aalis?" Tila namang problemadong napahilot ng kanyang sentido si Katriss. Paano nga ba nila tatakasan ang bodyguard? Ilang sandali siyang tila nahulog sa malalim na pag-isip bago ito nag-angat ng tingin. "Alam naman niyang m
"Nandito na siya, Raya." Awtomatikong napatingin si Raya sa direksyon kung saan nakatingin ang kanyang kaibigan na si Katriss. Nagtama ang tingin nila ng lalaking matangkad at matikas ang katawan. Unang mapapansin sa lalaki ang kulay kayumanggi nitong mga mata. "Miss Escobar." Nanatiling nakatitig sa kanya ang lalaki. "Mister Villacorda." Sinalubong nito ang tingin ng lalaki. Bahagya namang tumango si Gabriel bago ito bumaling kay Katriss Calve. "Nasa loob mga bata. Nandito sila para sa check up nila. Sana panatilihin na lang nating lihim ang isasagawang DNA test, Mister Villacorda." Litanya ni Katriss. Nanatili ang pormal nitong ekspresiyon. "Sana pumayag ka, Mister Villacorda. Ayokong guluhin ang isip ng mga anak ko. Totoong hindi namin plinano ng kapatid mo na buuin ang mga bata pero ayokong malaman na nila iyon. Gusto kong lumaki sila na ang alam nila ay nabuo sila dahil sa pagmamahal," Segunda ni Raya sa kanyang kaibigan. "I understand. Don't worry, Miss Escobar. I am
"Tumawag si sir Rio, Raya." Hindi naiwasan ni Raya ang pagkabog ng kanyang dibdib nang makita niya ang lungkot sa mukha ng kanyang kaibigan. "Anong sabi niya?" "Pinapauwi na niya ako ng Pilipinas." Tila naman nanlata si Raya Fae sa kanyang narinig. Aniya sa isip, ibig sabihin ba no'n na mawawalay na siyang muli sa kanyang mga anak. "Pero hindi mo kailangan sumama, Raya. Pwede ka pa ring mag-stay rito. Ayos lang naman 'yon tutal ang alam niya, may photoshoot ka pa rito." Hinaplos ni Katriss ang kanyang balikat saka ito nagpatuloy sa pagsasalita. "Pasensya ka na. Gustong-gusto kong mag-stay pa ngunit hindi naman pwede." Humawak si Raya sa kamay ni Katriss na nasa balikat niya. "Ayos lang. Huwag kang mag-alala, kaya ko na ang sarili ko." Binigyan niya ito ng munting ngiti. "So what are your plans? Bibisitahin mo ba ulit ang mga bata?" Kumilos si Katriss upang ihanda ang kanyang maleta. "Oo sana. Hindi ko pa nasusulit ang mga araw na kasama ko sila." Sandali siyang nil
"I'm sorry mister but she's not familiar with me." Lupaypay ang balikat ni Damielle Astin na tumalikod mula sa kanyang pinagtanungan. Hindi na niya mabilang kung pang-ilan na ang taong iyon sa mga tinanong niya. "I can't lose Naya again." Ugong ng kanyang isipan. Pakiramdam niya ay para siyang maluluha. Para siyang mababaliw sa kaiisip at kahahanap kung nasaan na ang misis niya. Dalawang araw nang nawawala ang babae at halos libutin na rin niya ang syudad kung saan siya naroon. Hindi naman niya ma-track kung nasaan ito dahil iniwan nito sa hotel ang cellphone nito. Hindi rin naman siya pwedeng mag-report sa pulis. Bagama't nasa ibang bansa na sila, hindi pa rin siya nakakasiguro kung ligtas sila roon mula sa impluwensiya ni Rio Costor. Natigil siya sa paglalakad nang tumunog ang kanyang cellphone. Agad niya iyong hinugot sa kanyang bulsa. Nang makita niyang nakarehistro ang caller ID ni Thano Miguero sa screen ay agad niyang sinagot ang tawag. "What's the news, Thano?" ["Nakau
Flashback... Gumuhit ang pagtataka sa mukha ni Katriss Calve nang dumating siya sa tahanan ni Rio Costor. Nasa pintuan ang lalaki na tila ba hinihintay ang kanyang pagdating. "Welcome home, my beloved secretary." Gumuhit ang matamis na ngiti sa labi nito. "Thank you, sir." Bahagyang yumukod si Katriss. Kasanayan na niya iyon bilang tanda ng paggalang. Hindi na lamang siya nagpahalata kahit naninibago siya sa asta nito. "Alam kong kagagaling mo lang sa biyahe Miss Calve pero kailangan mong maghanda ulit." Tuluyan nang nawala ang ngiti sa labi nito. Bagamat walang kangiti-ngiti ay mahinahon naman ang tinig nito. Nangunot naman ang noo ng sekretarya. "May pupuntahan ba tayo, sir?" Agad namang tumango ang lalaki. "Yes. Pupunta tayo sa Isla El Tremor." Tila naman tinambol ang puso ni Katriss sa narinig. Narinig na niya ang isla na 'yon. Noon pa man din ay interesado na siya sa pribadong isla ng bilyonaryo. Malaki ang hinala ng grupo ng secret agent na kanyang kinabibilangan na n
"Let's go?" Napatango naman si Raya Fae sa tanong ni Rio. Pasimple niyang iginala ang kanyang paningin. Nang mapansin niyang wala sa paligid ang kanyang bodyguard ay hindi na niya napigilan ang sariling magtanong. "Where is Damie?" Agad namang napalingon sa kanya si Rio Costor. Gumuhit ang pagtataka sa mukha nito kaya naman kusa na siyang nagpaliwanag. "He's my bodyguard kaya dapat sumama siya." Sandali namang napatitig sa kanya si Rio. Tila ilang sandali itong nag-isip. "Tama ako, 'di ba?" Marahan namang tumango ang lalaki. "Yes, you're right. Tingin ko nga, dapat nga sigurong sumama si Mister Vallejos." Agad na lumingon si Rio sa isa sa tauhan niyang naroon. "Call Damie Vallejos. Sabihin mo sa kanyang sasama siya sa'min sa isla." "Sige, boss." Tumango ang tauhan. Agad rin itong humakbang paalis. Makalipas ang ilang sandali ay nagsimula na nga silang bumyahe patungo sa isla gamit ang private yatch na pag-aari ni Rio Costor. Bukod sa kanyang bodyguard ay kasama rin nilan
"Huwag kang kikilos kung ayaw mong pasabugin ko ang ulo mo." Banta ng armadong lalaki kay Damielle Astin. Wala na siyang nagawa kundi marahang itaas na lamang ang kanyang mga kamay. Napalunok sa nasaksihan si Raya Fae. Agad niyang pinalamlam ang kanyang mga mata bago siya bumaling kay Rio. "Ano bang kasalanan ko sa'yo, Rio? Bakit mo ba ginagawa ito? Masyado mo na akong tinatakot." Gumuhit naman ang ngisi sa labi ni Rio Costor bago siya nagsalita. "You're asking me that, Naya? Oh c'mon! Stop playing like you did nothing." Umiling ito. "Akala mo ba hindi ko malalaman ang pakikipagkita niyo kay Gabriel Villacorda sa hospital? And of all people, sa kapatid pa ng mortal kong kaaway." Tila napatda si Raya Fae sa narinig. Hindi niya inakalang madidiskubre ng lalaki ang pakikipagkita niya kay Gabriel Villacorda. "Ano? Nagulat ka bang alam ko?" Nanuyo ang lalamunan ni Raya Fae sa narinig. Ano pa ang nalalaman ni Rio? Alam na ba nito ang tunay niyang pagkatao? Nadiskubre na ba nito
"Let me go!" Lalo pang nagpumiglas si Raya Fae ngunit hindi natinag ang dalawang kalalakihang nakahawak sa kanya. "Saan niyo ako dadalhin?" Naiinis namang lumingon ang isa sa tauhan ni Rio sa kanya. "Pwede bang huwag kang maingay? Nakakarindi na 'yang bunganga mo! Baka hindi ako makapagtimpi sa'yo!" Tila balewala siyang binitbit ng mga ito hanggang sa marating nila ang silid na pagkukulangan sa kanya. Nang buksan ng isa sa mga kalalakihan ang pinto ay lalong siyang nakaramdam ng takot. "Damn you! Bitiwan niyo ako!" Nagawa niyang masipa ang isa sa kanila. Agad namang napalingon sa kanya ang lalaki. "Aba! Talagang---" Hindi na nito natuloy ang pagsampal sa kanya nang magsalita ang isa nilang kasama. "Tama na 'yan! Ipasok niyo na 'yan dito." "Nakakagigil na kasi ang babaeng 'to eh." "Magtimpi ka muna ngayon, wala pang inutos si Boss na pwede nating saktan ang babaeng 'yan. Siya pa rin ang fiancée ng boss natin, baka biglang magbago ang isip ni boss at patawarin niya 'yan bigla."