Mabilis na hinila ni Katriss si Raya palayo sa lugar. "Dito! Magtago tayo dito, Raya." Hinila niya ito patungo sa likod ng drum. "Nakatakas ang mga bihag." Sapu-sapo ng lalaki ang kanyang tiyan. "Gunggong! Mga babae na nga lang 'yon natakasan ka pa!" "Malay ko bang makakahanap sila ng armas! At saka isa pa, hindi lang ako ang dapat niyong sisihin. Kung sinamahan niyo sana ako para tignan sila, hindi sana mangyayari 'to!" Nagkatinginan na lamang sina Raya at Katriss habang nakikinig sa pagtatalo. "Tama na ang sisihan! Kumilos na tayo para maghanap. Talasan niyo ang mga mata niyo. Nandito lang ang mga iyon. Siguradong hindi pa sila nakakalabas." Pigil-hininga naman sina Raya Fae at Katriss nang marinig nila ang papalapit na mga yabag. "Wala sila dito!" Narinig nilang sigaw ng isa. "Nakita niyo ba sila diyan?" "Wala rin eh." Sigaw ng isa pang tinig. Maingat na sumilip si Katriss. Mula sa kinaroroonan nila ay matatanaw ang limang kalalakihan. Pawang may hawak na mga baril ang m
"Balikan natin si Kat." Lumuluhang lumingon si Raya Fae sa kanilang pinanggalingan. Ngunit lalo namang humigpit ang pagkakahawak sa kanya ni Damielle Astin. "Hindi pwede, Naya. Pareho tayong mapapahamak kapag binalikan natin siya." "Pero--" "Face the reality, Naya. Wala na si Miss Calve. Nakita mo naman ang nangyari, 'di ba? Malabong makaligtas pa siya." Napahagulgol na lamang si Raya Fae. Para siyang binagsakan ng langit. "Hindi!" Umiling-iling siya. "Hindi 'yon nangyari. Buhay si Katriss. Siya mismo ang nagsabi na makakalabas kami ng buhay sa islang ito. Hindi niya pwedeng bawiin 'yon!" "Naya! Tama na! Nakita mo naman ang nangyari! Ang tanging magagawa natin ngayon ay mabigyan ng hustisya si Miss Calve. At kung gusto mong makamit ang hustisya, we need to be alive!" Umawang ang labi ni Raya Fae ngunit natigil siya nang marinig nila sigaw. "Nando'n sila!" Nang tumingin sila Damielle Astin sa pinagmulan ng tinig ay kitang-kita nila ang mga tauhan ni Rio. "Tara na! Kailangan n
Matapos ang pagputok ng baril ay sunod na narinig ang pamilyar na tinig. "Get out from there, Naya! Alam kong nandiyan ka!" Awtomatikong nagkatinginan sina Raya Fae at Damielle Astin nang marinig nila ang tinig ni Rio Costor. Hindi rin nila naiwasan ang pagkabog ng kanilang dibdib. "Lumabas ka na! Wala ka rin namang pupuntahan pa!" Napalunok si Raya Fae. "Anong gagawin natin, Damie?" "C'mon, Hon! Lumabas ka na diyan. Let's fix the problem between us." Tila nagsusumamo ang tinig nito. Agad namang napahawak si Damielle sa kamay ni Raya Fae. "No, hindi tayo lalabas. Lalaban tayo ng patayan." Bago pa makaimik si Raya ay muli nilang narinig ang tinig ni Rio. "Pasensya ka na sa nagawa ko, Hon. Sorry kung natakot kita. Lumabas ka na diyan at ayusin natin ang dapat nating ayusin." Humakbang ang paa ni Raya ngunit mabilis siyang napigilan ni Damielle. "Huwag, Naya. Baka pain lang 'yan." "He sounds sincere. Baka naman naisip na niyang mababaw lang naman ang nagawa kong kasalanan sa k
"Welcome to our home." Nagniningning ang mga mata ni Damielle Astin kasabay ng pagpasok nila sa loob ng malaki at magarang bahay. Tatlong palapag iyon. Moderno ang istilo na halos singkwenta porsyento ng dingding ay gawa sa sa salamin. Sa pagpasok nila sa bahay ay bumungad sa kanila ang malawak na sala. "You don't know how happy I am right now, Naya." Pinilit na lamang ni Raya Fae ang ngumiti kahit mabigat ang kanyang dibdib. At lalo siyang nakaramdam ng pagkakonsenya nang makita niya ang malaking wedding picture sa sala. Nakasuot ang kanyang kambal na si Naya Faith ng off shoulder wedding dress. At si Damielle Astin ay nakasuot naman ng maroon three piece suit. Matamis ang ngiti ng dalawa na halatang masayang-masaya sa araw ng kanilang kasal. Ang ngiting iyon ang lalong nagpakisig sa lalaki. Bagama't may pilat na ngayon ang mukha nito ay hindi pa rin maitatanggi ang kagwapuhan nitong taglay. Sa ginagawa niyang pananahimik ay nagkakasala siya, hindi lamang may Astin Villacorda ku
Hindi naiwasan ni Raya Fae ang mailang nang lumabas siya ng banyo at mabungaran niya si Damielle Astin. Tanging kulay abong silk pajama lamang ang suot ng lalaki Wala itong pang-itaas na damit na tila binabalandra nito sa kanya ang matipuno nitong pangangatawan. Tila nanuyo ang lalamunan niya nang mamasdan niya ang six pack abs nito na tila kaysarap haplusin. Kasuluyan itong nagsasalin ng wine sa baso nang lumabas siya ng banyo na tanging puting roba lamang ang suot niya. Idagdag pang agad niyang nakuha ang atensyon ng lalaki. Agad ring gumuhit ang ngiti ng lalaki nang magtama ang kanilang mata. "Wanna have some wine." Kahit hindi siya umimik ay lumapit ito sa kanya at iniabot ang kopita na may lamang wine. Nang itaas ni Damielle Astin ang hawak nitong kopita ay tila nagkusang-loob siyang inutog ang basong ibinigay nito sa kanya. "I don't know kung kailan ka pa nahilig sa red wine but I'm willing to adjust with the changes. That's how much I love you, Naya. I am always will
Nagising si Raya Fae na masakit ang kalamnan. Pakiramdam niya ay tila binugbog ang buo niyang katawan. Napaigik siya nang maramdaman niya ang sakit ng kanyang balakang. "Gosh!" Nakangiwi siyang bumangon sa pagkakahiga. Agad rin niyang ipinulupot ang kumot sa kanyang dibd*b upang matakpan ang kanyang kahubdan. "You're awake." Nang bumaling siya sa pinagmulan ng tinig ay bumungad sa kanya si Damielle Astin. Nakasuot ito ng puting T-shirt at jogger pants. Maaliwalas ang mukha nito at hindi man lang kakikitaan ng pagod. Agad ring lumapit sa kanya ang lalaki. Nakaguhit rin ang matamis na ngiti sa labi nito. "Thank you for last night." Kinintalan siya nito ng halik sa labi. Napakurap siya. Nakaramdam siya ng pagkailang ngunit tila hindi naman iyon napansin ni Damielle Astin. "Last night was really incredible." Tila naman nag-init ang mukha ni Raya Fae nang maalala niya ang nangyari. Hindi niya mabilang kung nakailan silang dalawa kagabi. Kung hindi siya nagkakamali ay inabot sila ng m
Mabilis na tinapos ni Raya Fae ang tawag kahit kasalukuyang nagsasalita ang kanyang ama sa kabilang linya. Malakas ang kabog ng dibd*b niyang hinarap si Damielle Astin. "Sinong babalik ng Pilipinas, love?" Muling tanong ni Damielle Astin. Bahagyang nakakunot ang noo nito ngunit mahinahon naman ang tinig ng lalaki. Gumuhit ang pilit na ngiti sa labi ni Raya Fae upang itago ang kanyang pagkabigla. "Ah wala. It's just an old friend." "May I know who?" Umawang ang kanyang labi upang magsalita ngunit natigil siya nang muling tumunog ang kanyang cellphone. Lalong lumakas ang kabog ng kanyang dibd*b nang iangat niya ang cellphone na hawak niya. "It's Cristal," turan ni Damielle Astin na nagawang sumilip sa hawak niyang cellphone. Kahit papaano ay nakahinga siya ng maluwag na hindi ang ama niya ang tumatawag. Bago pa makakilos ang kamay niya upang sagutin ang tawag ay hinawakan ni Damielle Astin ang kanyang kamay. "Don't accept the call, love." Tila nagsusumamo ang tinig nito. Naging
Habang nakasandal sa headboard ng kama ay napatitig si Raya Fae sa kanyang kamay kung saan nakasuot ang singsing na bigay ni Damielle Astin. Napabuntong-hininga na lamang siya. Aniya, napasubo na naman siya. Wala na siyang nagawa kundi tanggapin na lamang ang proposal ng lalaki. Hindi rin naman niya makakayang ipahiya ito sa harap ng mga tauhan nito. At isa pa, ano ang idadahilan niyang rason kung sakali mang tumanggi siya? Tiyak na mas malaking diskusyon lamang ‘pag nagkataon. Sa paglantad ng katotohanan naman talaga patungo ang lahat subalit sa ngayon ay hindi pa siya handa. "Love." Mabilis niyang ibinaba ang kamay at napatingin siya sa pinagmulan ng tinig. Mula sa pinto ng shower room ay lumabas mula roon si Damielle Astin. May hawak itong puting tuwalya at kasalukuyang tinutuyo ang basa nitong buhok. Hindi naman naiwasan ni Raya Fae ang mapalunok nang makita niyang mula sa buhok ng lalaki at tumulo ang butil ng tubig. Dumausdos iyon sa matipunong katawan nito. Pakiramdam niya