Hindi nagawang maipilit ni Raya Fae na paniwalaan siya ni Damielle Astin. Nang gabing iyon ay hindi sila sabay na kumain ng lalaki. Maging sa pagtulog ay hindi siya nito sinabayan. Gayunpaman, nang magising siya sa kalagitnaan ng gabi ay nasa tabi na niya ang lalaki. Kinabukasan ay nagising siyang wala na ito sa bahay. Ang tanging nakagisingan niya ay ang agahan na nakahanda para sa kanya. Ayon kay Thano ay may importanteng inasikaso ang lalaki. Nang sumapit ang gabi ay talagang inabangan niya ang pagdating nito. Hindi niya ininda kahit pasado alas-dose na nang umuwi ito. Nang pumasok sa silid ang lalaki ay kaagad siyang napatayo sa pagkakaupo. Agad namang nangunot ang noo ni Damielle nang makita siya nito. "You should be sleeping by now, Naya. It's already too late." Malamig nitong turan. Tila nawala ang pagiging malambing nito sa mga nakaraang araw. "Mag-usap tayo, please. Pakinggan mo ako, paniwalaan mo ako." Napabuntong-hininga naman si Damielle Astin. "Hindi ka pa ba tapos
Humahangos na dumating si Thano sa silid ng kanyang amo. "Boss! Boss!" Kumatok ito ng sunod-sunod at malakas sa pintuan ng silid na tila mayroon itong importanteng sasabihin sa kanyang amo. "Boss! Emergency, boss!" Halos kalampagin na niya ang pinto ngunit wala siyang nahintay. Nang hindi siya nakatiis ay pinihit na niya ang seradura ng pinto. Bumungad sa kanya si Damielle Astin na nakatayo at nakatanaw sa glass wall ng silid. "Boss!" Pagtawag niya rito ngunit hindi siya nito pinansin. Buntong-hininga na lamang si Thano na lumapit sa kanyang amo. "Boss! Si Ma'am Naya, umalis." Imporma niya rito. Noon na siya liningon ni Damielle Astin. "Let her leave, Thano." Walang emosyong turan ni Damielle Astin kasabay ng pag-alis nito sa kanyang kinatatayuan. "And besides she is not Naya." "Huh? Ibig mong sabihin, boss, impostor lang 'yon?" Sumunod siya kay Damielle Astin. "You heard what you heard, Thano!" Asik nito sa kanya. Nang masalo niya ang tingin ng kanyang amo ay kitang-kita n
Mula sa loob ng sasakyan ay tanaw ni Damielle Astin ang bahay na siyang nakalagay sa address na ibinigay ng kanyang tauhan. Dalawang palapag ang bahay ngunit unang tingin pa lamang ay halatang mas malaki na ang kanyang bahay. Maraming halaman sa harap ng tahanan na tila ba palatandaan na mahilig sa halaman ang may-ari ng tirahan. Kaninang madaling araw pa siya roon. Inabot na siya ng pasado alas nuebe ng umaga ngunit tila wala pa rin siyang planong umalis sa lugar. Habang nanatiling nakatingin sa nakasaradong bahay si Damielle Astin ay hinugot nito ang kanyang cellphone at nag-dial. Hindi naman siya nabigo dahil agad sinagot ng kanyang sadya. ["Boss!"] Masigla ang tinig ng lalaki mula sa kabilang linya. "Nagawa mo ba ang pinapagawa ko?" Sumandal siya sa headboard ng sasakyan. ["Siyempre, boss! Matik 'yon! Ako pa ba?"] Nanatili ang masiglang tinig ng lalaki. "Then what did you found out?" [" Nakapangalan ang bahay sa isang Macario Escobar, Boss."] Hindi niya naiwasan ang map
Mula sa malaking bintana ay nakatanaw ang isang lalaking nakaupo sa kanyang wheelchair. Nakasuot ito ng kulay asul na hospital gown at mayroong suot na neck brace. Mayroon din benta ang braso nito tanda ng pinagdaanang trahedya. Nang bumukas ang pinto ng silid ay kaagad siyang tinawag ng bagong dating. "Boss." Agad naman niyang iniikot ang kanyang wheelchair upang makita ang may-ari ng tinig. Nang makilala niya kung sinong dumating ay gumuhit ang ngisi sa mukha ng lalaking nasa wheelchair--walang iba kundi si Rio Costor. "Nagawa mo na ba ang inuutos ko, Bono?" "Tapos na, boss. Dala ko na ang impormasyon." Tuluyang lumapit Ang tauhan sa kanyang amo na nakalulan sa wheelchair. "At anong nalaman mo?" "Nandito ang lahat ng impormasyon na nakalap ko, boss." Inilahad niyo ang papeles na hawak niya ngunit hindi kumilos si Rio upang tanggapin iyon. "Tonto! Pahihirapan mo pa akong basahin 'yan! Sabihin mo na lang kung anong nalaman mo, bobo!" Napatikhim na lamang si Bono upang maali
"Boss!" Agad natigil si Damielle Astin nang marinig niya ang pagtawag. "Boss!" Agad siyang napalingon sa pinanggalingan ng tinig. Hindi niya naiwasan ang mapakunot-noo nang makita niya kung sinong tumawag sa kanya. "Thano? What are you doing here?" Agad namang napakamot ng batok ang kanyang hinihingal na tauhan. "Si boss naman, siyempre sinundan po kita. Grabe ka, boss! Ang tindi mong stalker, inabot ka pa talaga ng umaga sa harap ng bahay ni--" "Shut up, Thano!" Maagap na saway sa kanya ni Damielle Astin bago pa niya matapos ang kanyang sasabihin. "I'm asking you, what are you doing here?" "Eh ikaw boss, anong ginawa mo dito sa airport?" Mariing napapikit si Damielle Astin. "None of your business, Thano." "Si boss talaga oh, kaysungit." Napakamot na lamang muli si Thano sa kanyang batok. "Nandito ka ba para sundan si Miss Raya, boss?" "Ofcourse not!" Mabilis na tanggi ni Damielle Astin. "Weh? 'Di nga, boss?" Umigting naman ang panga ni Damielle sa kanyang narinig. "Bah
Flashback.... Napatitig si Anjo sa sasakyan kung saan nakalulan ang dalawang bata. Ang isa sa kanila ay abala sa paglalaro ng shade. Nilalaro niya iyon na tila ba isang eroplanong pinapalipad. Ang isa naman sa kanila ay nakasandal at kunot ang noo nito na tila bagot na bagot na. Kahit magkamukhang-magmukha ay kitang-kita ang pagkakaiba ng dalawa mula sa kanilang mga kilos. At hindi naiwasan ni Anjo ang maawa sa mga bata. Walang kamalay-malay ang mga ito sa panganib na maaari nilang kaharapin. "Anong gagawin natin sa mga bata?" Tanong ni Anjo sa kasamahan niyang Pekto. Nagdesisyon silang tumigil muna sa gilid ng kalsada. Walang kabahayan sa bahaging iyon. Sa paligid ay makikita ang mga puno at mga talahib. Bihira rin ang dumaraan na sasakyan sa lugar. Tamang-tama ang lugar sa paggawa ng krimen. "Sabi ni boss, dispatsahin na raw natin sila. Pagkatapos daw nating patay*n ay ipadala natin sa mansiyon ni Astin Villacorda ang katawan nila." "Anong kinalaman ni Villacorda sa mga bata?
Sa kabilang panig, hindi maintindihan ni Damielle Astin ang sarili ngunit namalayan na lamang niyang nasa tapat na siya ng silid na inuukopa ng kambal. "What am I doing here?" Buntong-hininga siyang humakbang paalis ngunit bago pa siya tuluyang makatalikod ay bumukas ang pinto ng silid. Nang bumaling siya roon ay bumungad sa kanyang ang batang walang kangiti-ngiti. Nang magtama ang kanilang mga mata ay agad gumuhit ang gitla sa noo ng bata. "It's you again!" Humalikipkip ang batang si Devonne. "What are you doing here, monster?" Tila naman nagpantig ang tainga ni Damielle Astin sa narinig. Oo nga at may pilat siya sa pisngi ngunit hindi iyon sapat upang tawagin siyang monster ng bata. "Huwag mo akong pakikitaan ng sungay, bata kung gusto mong ibalik pa kita sa magulang mo." Pinandilatan niya ito ng mata. Buong akala niya ay matatakot ang bata ngunit nagkamali siya. Lalo lamang itong tumapang. Hindi rin nito naitago ang pagkuyom ng kanyang kamao. "I hate you!" Sigaw nito sa kany
Nangyari nga ang inutos ni Damielle Astin. Matapos niyang dalhin sa Foundation ang mga bata ay gumawa ang mga tauhan ng anunsiyo sa telebisyon, pahayagan at maging sa online news. Napatingin si Damielle Astin sa pintuan nang marinig niya ang tatlong beses na katok. Ilang sandali lamang ay bumukas iyon at iniluwa ang tauhan niyang si Thano. "Boss?" Panimula nito. "Dumating na ang nanay ng mga bata, boss." Tila nakaramdam siya ng munting kurot sa puso. Makalipas ang tatlong araw ay makakauwi na ang dalawang bata sa kanilang pamilya. Wala na siyang papanoorin sa monitor na batang naglalaro sa loob ng silid. Hindi na siya maasar sa masungit na mukha ni Devonne at hindi na siya matatawa habang pinapanood silang dalawa. Napalunok siya. Tumango rin siya kasabay ng kanyang pagsasalita. "That's good, after three days she came." Napatikhim naman si Thano. "Pero boss, hindi po kayo maniniwala kung sinong nanay ng mga bata." Nangunot ang noo ni Damielle Astin. "Why?" Nang hindi umimik s