"Boss, bakit tayo nandito?" Hindi napigilang maitanong ni Thano Miguero kasabay ng paggala niya ng kanyang paningin sa loob ng bar. "I just want to unwind." Walang emosyong turan naman ni Damielle Astin sa kanyang tauhan. Nang umupo ang kanyang amo at umorder ito ng inumin ay wala na rin siyang nagawa kundi umupo na rin sa tabi nito. "Akala ko ba, boss, pupunta ka sa bahay nina Ma'am Raya." Napabuga naman ng hangin si Damielle Astin kasabay ng pag-iwas nito ng tingin. "Huwag na muna siguro. Baka ayaw rin lang naman niya akong harapin." Hindi na lamang umimik si Thano Miguero. Nang dumating ang order na alak ni Damielle Astin ay inialok nito sa kanya ang isang baso ngunit ngali-ngali siyang tumanggi. "Tingin mo ba, malabo na bang magkaayos pa kami ni Raya?" Tanong nito sa kanya matapos ang ilang beses na pagtungga ng alak. "Ewan ko, boss. Ikaw boss, ano sa tingin mo?" Nalukot naman ang mukha ni Damielle Astin. "You're not helping me, Thano." Napakamot naman ng ulo si Tha
Napaungol si Raya Fae kasabay ng pagmulat niya ng kanyang mga mata. "Sa'n mo ako dadalhin?" Hindi niya naiwasang tanong habang nakatitig siya sa lalaking buhat-buhat siya. Sa halip na maghisterikal ay isiniksik niya ang kanyang mukha sa matipunong dibdib ng lalaki. Hindi niya mawari ngunit tila nakaramdam siya ng kapayapaan at seguridad sa bisig nito. "Please bring me home." Mahinang wika nito. "We're already home." Muli namang nagmulat ng kanyang mga mata si Raya Fae. Sinubukan nitong igala ang kanyang paningin ngunit tila umiikot naman ang kanyang paligid. Muli na lamang siyang napapikit upang mawala ang kanyang hilo. Pakiramdam niya ay nakadama siya ng kaginhawaan ng maramdaman niya ang paglapat ng kanyang katawan sa malambot na kutson. Sandali naman siyang pinakatitigan ng kanyang mister bago ito tumikhim. "I-I will undress you." Tila nagpapaalam namang wika ni Damielle Astin. Narinig naman iyon ni Raya Fae. Ngunit sa 'di mawaring dahilan ay hindi siya nakadama ng anumang
"Mga anak!" Naluluhang yumakap sa kanyang mga anak si Raya Fae. "Mommy." Mahigit na gumanti ng yakap sa kanya ang batang si Damon. Walang imik namang gumanti rin ng yakap sa kanya si Devonne. "Maraming salamat sa lumikha. Sa wakas, nahanap rin namin kayo." Hindi na napigil ni Raya Fae ang pagbuhos ng kanyang mga luha. "Mom." Tiningala siya ng batang si Devonne. Agad namang pinahid ni Raya Fae ang kanyang mga luha bago siya lumuhod upang mapantayan ang kanyang mga anak. "Kumusta kayo? Ayos lang ba kayo? May masakit ba? " Kitang-kita ang pag-aalala sa mga mata nito habang nakatingin sa mga bata. Muli ring nangilid ang kanyang luha habang hawak-hawak niya ang kanyang mga anak. "Please don't cry, mom." Kumilos ang kamay ng batang si Devonne upang tuyuhin ang kanyang luha. "We're okay, mommy." Segunda naman ng batang si Damon. "Please stop crying." Napasinghot naman ang si Raya Fae. Pinilit niya pinigil ang muling pagtulo ng kanyang luha. "Pasensya na, mga anak. Sobrang natutu
Marahang hinahaplos-haplos ni Raya Fae ang ulo ng batang si Damon. Napapayag lamang niyang sumama ang mga bata sa kanila nang sabihin niya magkakasama silang pamilya. Sa huli pumayag na lamang siya sa gusto ni Damielle Astin na umuwi sa bahay kung saan siya nagising na kasama ito. Ayon sa lalaki, iyon daw ang bago nilang tahanan. Hindi nalalayo ang laki ng bahay sa dati nilang tahanan. Nangingibabaw ag kulay na puti at gold sa bahay kaya naman napakaaliwalas ng paligid. Mayroon na rin silid roon ang mga bata na may pintong konektado sa Master's bedroom. "Raya." Nakuha ng atensyon niya ang pagtawag ng kanyang mister. Nang mapunta ang tingin niya sa pinanggalingan ng tinig nito ay nakita niyang nakatayo ang lalaki sa pinto patungo sa Master's Bedroom. "Ngayong tulog na ang mga bata, pwede bang mag-usap tayo." Mahinahon ang tinig nitong nakikiusap. "Ano pang dapat nating pag-usapan? Pumayag na nag ako na umuwi dito sa bahay mo, 'di ba?" Hindi niya naitago ang pagsusungit sa kanyang
"Mine." Yumakap si Damielle Astin sa beywang ng kanyang misis. Marahan niyang hinaplos ang tiyan nito. Malaki na ang umbok ng tiyan nito. Kabuwanan na nito at anumang oras ay maaari na nitong isilang ang kanilang anak. "Are you alright?" Humalik siya sa exposed na balikat nito. Sandali naman siyang liningon ni Raya. Pumatong rin ang kamay nito sa kamay ng kanyang mister. "Oo naman. Ayos na ayos lang ako." "Then why are you here?" Hindi pa rin naalis ang pag-aalala sa mga mata ni Damielle Astin. Agad naman siyang hinarap ni Raya Fae. "Binibisita ko lang siya, bigla ko siyang na-miss," gumuhit ang munting ngiti sa labi nito, "at saka para sabihin na rin sa kanya na magkakaroon na sila ng baby sister." "Yeah. Kung nandito siya, sigurong matutuwa siya katulad ni Damon. Well, except kay Devonne na ang gusto ay baby brother." "Devonne is such a loving person, hindi nga lang siya showy. Kahit sinasabi niyang baby brother ang gusto niya, I'm sure, magiging mabuting kuya pa rin siya."
"Mom! Dad! I'm home!" Ang malaanghel na tinig ni Hope ang kumuha ng atensiyon nina Raya Fae at Damielle Astin. Parehong napunta ang tingin ng mag-asawa sa kabubukas na main door ng bahay. Pumasok mula roon ang isang balingkinitan babae. Maputi at tila kaylambot ang balat nito. Natural na mapula ang may kakapalan nitong labi, matangos ang ilong at mapungay ang mga mata nitong natural na mahaba ang pilik mata. At agaw pansin ang mga mata nitong kulay abo. She is Hope Villacorda. Ang prinsesa sa kanilang pamilya. Agad na tumayo si Damielle Astin. Gumuhit ang labi nito habang nakatitig sa dalagang papalapit sa kanila ni Raya Fae. Lalo ring gumuhit ang ngiti sa labi ng dalaga nang makita ang ngiti ng kanyang mga magulang. "How's your school?" Graduating na ito sa kursong Business management. "It's fine, dad." Humalik ito sa pisngi ng kanyang ama. Sunod rin itong kay Raya Fae na nakatayo sa tabi ni Damielle Astin. "Good evening po, Tito, Tita." Gumuhit ang munting ngiti sa lalaking
NAPAHAGULGOL AT NANGINGINIG sa labis na takot si Naya. Hindi maampat ang kanyang luha habang mahigpit ang pagkakasabunot ni Rio Costor sa kanyang buhok. Hindi lamang iyon, ang isang kamay nito ay may hawak na baril at nakatutok sa kanyang sentido. "One wrong move at tutuluyan ko ang misis mo, Astin!" Mariing banta nito na lalong nagpanginig kay Naya. Marahan namang itinaas ni Damielle Astin ang kanyang kamay na may hawak na baril. He was left with no choice but to surrender himself. Kaagad namang sinamantala iyon ng tauhan ni Rio upang kunin ang hawak niyang baril. "Love will ruin you. Sayang ka, Astin!" Umiiling na turan nito kasabay ng pabalyang pagbitaw nito sa lumuluhang si Naya Faith Sevestre-Villacorda. Napaigik na lamang si Naya nang bumagsak ang pang-upo niya sa sahig. Bago pa tuluyang makahuma si Astin ay nakatanggap siya ng malakas na sipa sa tiyan mula sa tauhan ni Rio Costor. And dalawa naman sa kanila ay salitan siyang pinagsususuntok sa mukha at sikmura. Hindi pa n
Mariing napapikit si Damielle nang muling tumama sa likod niya ang latigo. Kasabay ng pagpikit niya ay ang mariing pagdikit ng kanyang mga labi upang mapigilan ang pagkawala ng daing sa kanyang bibig. Kahit ilang hagupit pa at kahit ano pang pahirap ay nakahanda siyang pagdaanan, mapalapit lamang siya sa teritoryo ng kalaban. Iyon lamang ang tanging nakikita niyang paraan upang muli niyang mabawi ang kanyang pinakamamahal na asawa. Sumpa niya sa sarili, nakahanda siyang ibuwis ang buhay, mabawi lamang niyang muli si Naya Faith."Tama na 'yan." Itinaas ni Rio Costor kanyang palad bilang tanda ng pagpapatigil sa kanyang mga tauhan."Matindi 'tong isang 'to, boss! Nakabenteng hagupit kami kanya pero hindi man lang siya nagmakaawa.""Well, that's expected. According to the record, he was a previous bodyguard of an elite businessman in Asia," sabat ng babaeng nakatayo sa bandang likuran ni Rio.Nakasuot ito ng blouse at itim na slacks na tinernuhan nito ng itim na heels. Nakasuot ito ng sa