Share

Chapter 1

Mariing napapikit si Damielle nang muling tumama sa likod niya ang latigo. Kasabay ng pagpikit niya ay ang mariing pagdikit ng kanyang mga labi upang mapigilan ang pagkawala ng d***g sa kanyang bibig. Kahit ilang hagupit pa at kahit ano pang pahirap ay nakahanda siyang pagdaanan, mapalapit lamang siya sa teritoryo ng kalaban. Iyon lamang ang tanging nakikita niyang paraan upang muli niyang mabawi ang kanyang pinakamamahal na asawa. Sumpa niya sa sarili, nakahanda siyang ibuwis ang buhay, mabawi lamang niyang muli si Naya Faith.

"Tama na 'yan." Itinaas ni Rio Costor kanyang palad bilang tanda ng pagpapatigil sa kanyang mga tauhan.

"Matindi 'tong isang 'to, boss! Nakabenteng hagupit kami kanya pero hindi man lang siya nagmakaawa."

"Well, that's expected. According to the record, he was a previous bodyguard of an elite businessman in Asia," sabat ng babaeng nakatayo sa bandang likuran ni Rio.Nakasuot ito ng blouse at itim na slacks na tinernuhan nito ng itim  na heels. Nakasuot ito ng salamin na bumagay sa bilugan niyang mukha. Maiksi lamang ang buhok nitong unat na unat. Singkit ang mga mata nito, matangos ang ilong at pulang-pula ang labi nito dahil sa lipstick. Nakasuot ito ng ID ng mga empleyado ng Costor Inc. Mapapansin rin ang nakaimprenta roon na 'executive secretary' na nakalagay sa ibaba ng pangalan nito--Katriss Calve. Ngunit duda ni Damielle ay hindi lamang basta sekretarya ang babae. Larawan ito ng talino at katapangan. 

Hindi umimik si Rio sa halip ay ipinilig nito ang kanyang ulo upang iparating ang utos nitong kalagan ang mga kamay niyang nakatali sa itaas. Kaagad namang ginawa iyon ng dalawang kalalakihan na malaki ang katawan at punong-puno ng tattoo ang braso hanggang leeg.

"Iwan niyo na kami." Walang kangiti-ngiti nitong utos sa dalawang lalaki matapos siyang makalagan.

"Sige, boss." Nang lumabas ang dalawa ay lumapit kay Damielle ang isang babae at iniabot nito ang kanyang salamin sa mata na nahulog sa sahig habang hinahagupit siya kanina. Sunod na nag-abot ang babae ng kulay maroon na panyo na agad naman niyang tinanggap upang pamunas sa kanyang pawis.

Samantalang si Rio Costor naman ay dumiretso sa mesang naroon. Nang bumaling ito kay Damielle ay  marahang pagsuri ng tingin mula ulo hanggang paa ang iginawad nito sa kanya.

"So, you are Damie Vallejos?"  Kasabay nito ay ang pagsuri nito sa resume na nakalapag sa kaharap niyang mesa. 

"Nagsagawa ba kayo ng background checking sa aplikanteng ito?" Baling nito sa babaeng nasa tabi ni Damielle.

"Yes, sir. And all the documents presented by the applicant are all authentic."

Napatango naman si Rio Costor bago muling bumalik ang tingin nito kay Damielle. Ilang sandali niya itong tinitigan bago siya nagsalita. 

"Paano mo nakuha 'yang pilat mo sa mukha?"

"Nasunog po ito, sir." Umakto siya na parang nahihiya sa lalaki. Ngunit sa loob niya ay diring-diring siya sa ginagawa niyang pagpapakumbaba kay Rio Costor. Kung maaari lamang niya itong saktan ay kanina pa niya ginawa.

"We investigated about that matter, sir. Dati pong nakatira ang applicant sa squatter area. Doon po niya nakuha ang sunog. Malaki po ang sunog na siya ring kumitil sa buhay ng kanyang pamilya. Infact, the said fire has been documented on news before."  Paliwanag ng sekretarya. Sa loob-loob ni Damielle ay gusto niyang palakpakan ang galing ni Thano sa pagnanakaw ng identity ng iba para magamit niya.

Muli namang napatitig si Rio Costor kay Damielle Astin Villacorda.

"So, this man, passed all the necessary test to be my fiancee's bodyguard?"

Kaagad namang tumango ang sekretarya.

"Yes, sir. Actually, he is the most fitted applicant to the job."

Tumango-tango naman si Rio.

"Okay. It's settled then. Mula ngayon, ikaw na ang magiging bodyguard ng fiancee ko."

Hindi inalis ni Rio ang tingin kay Damielle na sinalubong naman niya iyon ng tingin.

"Makaasa po kayo sa kaligtasan ng fiancee niyo, sir." 

Sa loob-loob ni Damielle Astin Villacorda ay gusto niyang magdiwang. Matapos ang lahat ng paghahanda ay nagawa niyang maisakatuparan ang paglapit sa kanyang misis. 

"Sumunod ka sa'kin. Ipapakilala kita sa fiancee ko."

Nang maglakad palabas ng silid si Rio ay kaagad siyang sumunod rito kasama ang sekretarya nito. 

"Naisagawa na ba ang orientation sa kanya?"

"Yes, sir. Isinagawa ang orientation sa top ten applicant. And you need not to worry, sir. He has experience of being a bodyguard. I'm pretty sure, we can rely on him."

"I trust you, Katriss."

"Thank you, sir." 

"Sana lang huwag matakot si Naya sa pangit niyang mukha." Mahinang natawa si Rio Costor.

Lihim namang nagngitngit ang kalooban ni Damielle. Aniya, pagdating ng araw ay ipaparanas siy sa lalaki ang pinakalupit niyang paghihiganti. Nanatili na lamang na walang imik si Damielle habang nakasunod sa dalawa. Hindi na mahalaga kung laitin siya at apakan ngayon ang kanyang pagkatao, ang importante ay sa kanya ang huling halakhak, ang halakhak ng tagumpay. 

Ilang liko pa ang ginawa nila sa loob ng Costor Inc hanggang sa marating nila ang isang silid na may kulay gintong pinto. Itinapat ng sekretarya ang kanyang ID sa scanner. Makalipas ang ilang sandali ay bumukas iyon. 

Bumungad sa kanila ang isang malawak na sala. Mapapansin sa loob ang pangingibabaw ng kulay itim at kulay gold. Minimalist ang istilo ng lugar. Tanging ang makikitang disenyo sa loob ay nature painting na nakasabit sa dingding at malalaking porselane pot na may lamang bulaklak. 

"Hon?" Awtomatikong silang napalingon sa pinagmulan ng tinig. Mula sa hagdanan ay makikita ang babaeng nakasuot ng kulay dark blue dress. Hapit na hapit iyon sa kanya na nagpalitaw ng magandang hubog ng kanyang katawan. Tube dress iyon at mayroon iyong slit na lalong napalakas sa kanyang dating.

Nang mapunta ang tingin nito sa mukha ng babae ay tila lumakas ang pintig ng puso ni Damielle. Ang mapungay nitong mata na pinagpala sa mahabang pilikmata, ang matangos nitong ilong at ang pinkish kissable lips nito.

"Naya." Usal niya sa isip. Gustong-gusto niya itong lapitan at yakapin ng mahigpit ngunit hindi naman maaari. 

"Hon." Gumuhit ang matamis na ngiti sa labi ni Rio Costor. 

Marahang bumaba ng hagdan ang babae. Agad itong sinalubong ni Rio at ginawaran ng halik sa pisngi. Lihim namang kumulo ang dugo ni Damielle Astin Villacorda ng magkayapan ang dalawa. Idagdag pang matamis rin ang pagkakangiti ni Naya sa lalaki. Isang bagay na lalong nagpasidhi sa hinala niyang may amnesia ang kanyang misis. Aniya, kung nakakaalala ito ay tiyak niyang kamunuhian nito ang lalaki. Tiyak niyang hindi niya mapapatawad ang lalaki sa ginawa nito noon.

Maging siya man, kung hindi lamang siya nagpapanggap sa ibang katauhan ay kanina pa sana niyang sinaktan si Rio Costor. 

Pinilit kinalma ni Damielle ang damdamin dahil baka hindi siya makapagpigil at masakal niya ng wala sa oras ang taong kanyang kinamumuhian. 

"What brings you here, Hon?" Humiwalay ng yakap si Naya sa lalaki.

Ilang sandali lamang ay humawak ang kamay ni Rio sa beywang ni Naya at saka humarap sa kanila.

Sumpa ni Damielle sa sarili, balang araw ay babaliin niya ang kamay ni Rio sa paghawak nito sa kanyang pag-aari.

"Well Honey, I want you to meet your new bodyguard."

 Kaagad namang napunta ang tingin ni Naya kay Damielle Astin. Hindi naman naiwasan ni Damielle Astin Villacorda ang mailang sa pagtitig ng babae. 

Naisip niya, magagawa pa kaya siyang mahalin ng babae ngayong wala na ang dati nitong makisig na mukha? Maibabalik pa kaya ang pag-ibig nito ngayong mukha na siyang halimaw?

"He is Damie Vallejos. Mula ngayon, sasamahan ka niya kahit saan ka pumunta. He will ensure your safety."

Gumuhit namang ang tipid na ngiti sa labi ng babae.

"Nice meeting you, Damie." 

Bago pa siya makaimik ay muli itong bumaling kay Rio Costor. Lalo ring tumamis ang kanyang ngiti. 

"Thank you, Hon." 

Umangat naman ang kamay ni Rio at hinaplos ang makinis nitong pisngi.

"Anything for you, Hon."

Muling napunta ang tingin ni Naya sa kanya.

"So, kailan siya magsisimula sa trabaho?" Hindi nawala ang matamis nitong ngiti. Bago pa makaimik ang kahit sinuman sa kanila ay muli siyang nagsalita. "Pwede bang ngayon na? May importante akong lalakarin ngayon. And I'll be needing him."

"Ofcourse, Hon. Pwede siyang magsimula ngayon. If that's what you want." Nawala ang ngiti ni Rio. Bahagya ring nangunot ang noo nito. "But where are you going? Parang hindi ko alam 'yan, Hon." 

Bumukas naman ang gulat sa mukha ni Naya Faith.

"Hindi ko pa ba nasabi sa'yo, Hon? Oh sorry! May photoshoot ako mamayang hapon sa Estrella. I really want to be there, Hon. It's my dream project."

Mahina namang napabuntong-hininga si Rio.

"Alright! Alam mo namang lahat ng gusto mo at lahat ng magpapasaya sa'yo ibibigay ko." 

Muling bumalik ang matamis na ngiti sa labi ni Naya Faith. 

"Thank you so much, Hon."

Hinagod ni Rio ang balikat ni Naya bago ito bumaling sa kanya.

"Damie, you know what to do now. Look after my woman. Protect her from danger."

"Yes, sir." Sinabayan niya iyon ng tango.

"Pardon, sir. We have an important meeting to attend. It will start in five minutes." Sansala ni Katriss Calve, ang secretary ni Rio.

"Honey,  we need to go now. I'll call you after the meeting." 

"I'll wait for your call, Hon." 

Ginawaran ni Rio Costor ng halik sa pisngi si Naya. Nanatili naman ang matamis na ngiti sa labi ng babae kahit nang magsimulang humakbang paalis si Rio at ang secretary nito.

"Bye, Hon." 

Muli namang itong nilingon ni Rio. Itinaas nito ang kanyang kamay at bahagyang kumaway sa babae. 

Ngunit nang sandaling sumara ang pinto ay kaagad naglaho ang matamis ngiti sa labi ni Naya. Nawala rin ang emosyon sa mga mata nito kasabay ng pagbaling nito ng tingin kay Damielle.

"Damie Vallejos, right?" Walang kangiti-ngiti nitong tanong. Sa isang iglap ay tila nagbago ang personalidad nito. 

"Yes, ma'am."

Hindi nito inalis ang tingin sa kanyang mga mata.

"So Damie, sinong amo mo?"

Napaawang naman ang labi ni Damielle sa tanong nito. Bago siya makaimik ay muling nagsalita si Naya.

"Kanino ang katapatan mo? Kay Rio ba o sa akin?"

"S-sa'yo." Hindi niya naiwasan ang mautal. Ibang-iba ang Naya na nasa kanyang harapan.

Gumuhit naman ang ngisi sa labi ng babae.

"Good! Now listen to me, wala kang ire-report kay Rio na hindi ko alam. Maliwanag?"

Alanganin namang napatango si Damielle  Astin. 

"Handa akong doblehin ang binabayad ni Rio sa'yo manatili lamang sa akin ang katapatan mo." 

Naglakad ito paikot sa kanya habang nakahalukipkip. Binigyan rin siya ng tinging nanunuri. 

"Hindi mo ako kailangang bayaran. Sa'yo ako naglilingkod kaya magiging iyo rin ang katapatan ko."

Huminto sa harap niya ang babae at mariin siyang tinitigan.

"Just make sure that you will not betray me, Damie. Hindi ako magdalawang isip na gilitan ka ng leeg kapag nalaman kong trinatraydor mo ako."

Naapawang na lamang ang labi ni Damielle Astin. Ni sa panaginip ay hindi niya inasahan na magiging ganoon ang asta ng kanyang misis. 

Hindi niya naiwasan ang magtanong sa sarili.

Ang Naya Sevestre na nasa harap ba niya ngayon ay ang Naya na dati niyang asawa? 

O dinadaya lamang siya ng kanyang mga mata?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status