Lumipas ang ilang araw na halos hindi na makatulog si Raya. Binabagabag siya ng kanyang konsensiya. Hindi niya lubos-maisip kung paano niya sisimulang sabihin sa kanyang ama ang kanyang pagbubuntis. Lumaki siyang daddy's girl at lahat ng nangyayari sa buhay niya ay nagagawa niyang maikwento kay Macario Escobar. Kaya ngayong nagsimula siyang maglihim rito ay labis na namimigat ang kanyang d*bdib. "Raya, Hija." Nakuha ng atensiyon niya ang pagpasok ni Macario sa kanyang opisina. Nagderederetsong lumapit ang kanyang ama sa kanyang kinatatayuan. "You're not telling something to me, Hija." Mahinahon ang tinig ng ama niya ngunit hindi niya naiwasan ang pagkabog ng kanyang d*bdib. Napalunok na lamang siya. Naramdaman niya ang pamumuo ng pawis sa kanyang noo. "D-Dad." Buntong-hiningang iniabot sa kanya ni Macario ang isang piraso ng papel. Tila naman nawalan ng buto ang kanyang tuhod nang makita niyang ang ultrasound result niya ang hawak ni Macario Escobar. "You're pregnant." H
"Naya?" Awtomatikong natigil sa paghakbang si Raya Fae. Kusang kumabog ang kanyang dibdib. Gayunpaman ay pinilit niyang kalmahin ang sarili bago siya lumingon sa pinanggalingan ng tinig. Bumungad sa kanya ang lalaking matangkad, maputi, singkit ang mata. Matangos ang ilong at makipot ang labi. Gwapo naman ngunit hindi gano'n kalakas ang dating nito sa kanya. At kilala niya ito--walang iba kundi si Rio Costor, ang lalaking pinaghihinalaang sangkot sa pagkamatay ng kanyang kakambal. "Naya?" Ulit ng lalaki. Nangunot naman ang kanyang noo. Pinilit niyang ipakita na hindi niya kilala ang lalaki. "Who are you?" Tila naman napatda si Rio Costor. "Do I know you?" Umakto siyang parang inosente at walang alam. Hindi naman nakaligtas sa kanyang paningin ang paglunok ng lalaki. "I'm sorry, Miss. I thought you are--." Napatikhim ni Raya dahilan upang matigil sa sasabihin si Rio. "Uhm maybe you know me, Mister. I'm sorry about my attitude. Actually, I got into an ancient 3 months ago and
Present Time... "Cheers." Pinag-untog nina Raya at Katriss ang kanilang hawak na kopita. Tila ba lihim nila iyong selebrasyon. Mula kasi nang pumasok sila sa mundo ni Rio Costor ay ngayon lamang sila nakakilos na tulad ng dati. "I really miss this," saad ni Raya Fae habang nagniningning ang mga mata nitong nakatitig sa hawak niyang kopita. Nang tumingin siya kay Katriss ay pinanlakihan naman siya nito ng mata bago ito pasimpleng bumaling kay Damielle Astin na nakatambay sa 'di kalayuan. Nanatili namang kalmante si Raya na para bang wala siyang sinabi. Nang bumaling si Raya kay Damielle ay nagtama ang kanilang mga mata. "Wanna join us?" Itinaas pa ng modelo ang hawak niyang alak. Marahan namang umiling si Damielle bilang tugon. "Are you sure?" "Don't invite him, Ma'am. He needs to do his job." Walang kangiti-ngiting turan ni Katriss kasabay nang pagsalin nito ng alak sa kanyang baso. "Safe naman ako dito. Hindi na niya ako kailangang bantayan." Tuluyan nang binawi ni Raya a
Kumabog ang dibdib ni Raya Fae nang pumasok siya ng kusina. Pakiramdam niya ay pinagpawisan siya nang makita niya ang bodyguard niya. Tila ba kasi awtomatikong nag-play sa utak niya ang ginawa nila kagabi. Parang may bahagi ng utak niya na gustong umatras. Ngunit siya si Raya Fae, at hindi niya ugaling umatras o umiwas dahil lang sa hiya. Napatikhim siya upang alisin ang bara sa kanyang lalamunan. Naging dahilan naman iyon upang mapabaling ang tingin sa kanya si Damielle Astin. "Gising ka na pala. Do you want coffee?" Banayad ang tinig ng lalaki. At tila ba balewala rito ang nangyari kagabi. Gayunpaman ay nakaramdam pa rin ng pagkailang ang dalaga dahil sa titig ng kanyang kaharap. "Yes, please." Nag-iwas siya ng tingin at kaagad na pumemwesto ng upo. "Masakit ba ulo mo?" Tanong ng lalaki habang abala ito sa kanyang ginagawa. Ni hindi siya nito liningon. "Hindi naman masyado." Ilang sandali lamang ang kanyang hinintay ay lumapit na ang bodyguard sa kanya. "Ano pang gusto
"Ano namang itatago ko?" Sinalubong ni Damielle ang nagdududang tingin ni Raya Fae. Kalmante nitong nilagay sa kanyang bulsa ang cellphone nito kahit hindi pa tapos ang pag-uusap nila ng kanyang tauhan. At nang hindi umimik ang babae ay muli itong nagsalita. "Wala naman yata akong maitatago dahil ginawan naman ako ng background check. Alam ko namang pinaimbestigahan ako ni sir Rio. I won't be hired kung may kaduda-duda sa pagkatao ko." Napabuntong-hininga naman si Raya Fae. May punto ang kanyang bodyguard. Sadyang nag-overthink lang siguro siyakaya kung anu-anong pumasok sa isip niya. Napahilot si Raya ng kanyang sentido. "Oh I'm sorry, kung anu-ano ang pumasok sa isip ko." Pagsuko nito. "Masakit ba ang ulo mo? Bumalik na tayo sa loob para makainom ka ng pain killer." Inilahad nito ang kanyang kamay. "Mabuti pa nga siguro. Pero parang mas gusto ko kung hilutin mo na lang ang ulo ko. That's more relaxing." "Sige. Kung 'yan ang gusto mo. Tara?" Muli nitong iminuwestra ang ka
Lalong nakaramdam ng saya si Naya nang tuluyang lumapag ang sinakyan nilang chopper. Lumapag iyon sa rooftop ng hotel na kanilang tutuluyan na ayon kay Cristal ay pina-book mismo ng agency. Tamang-tama ang lugar dahil halos isang kilometro lamang ang layo ng bahay na tinutuluyan ng kanyang ama at mga anak. "Hurry up, Damie!" Hindi na niya hinintay na magsalita si Damielle Astin, mabilis itong naglakad na tila ba may hinahabol na oras. Hindi naman naiwasan ni Damielle ang magtaka sa kanyang inasta. "Hindi mo naman kailangang magmadali, Naya. Bukas pa naman ang photo shoot mo, 'di ba?" Napahinto siya dahil sa tinuran ng kanyang bodyguard. Pinilit na lamang niyang ngumiti nang lingunin niya ang lalaki. "Oo. Ano kasi--gusto ko na kasing magpahinga. Napagod ako sa biyahe." Buo na ang plano niya. Hihintayin niyang makatulog o malingat ang kanyang bodyguard at saka siya tatakas upang puntahan ang kanyang mga anak. Hindi naman umimik si Damielle kaya muli na siyang nagpatuloy sa pag
Awtomatikong napaangat ng tingin si Damielle Astin nang bumukas ang pintuan ng silid na okupado ni Raya. "Naya." Napaayos siya ng tayo. Hindi rin niya naiwasan ang mapakunot-noo lalo pa at tanging white robe lamang ang suot ng babae. Halatang bagong ligo dahil na rin sa nakapalibot na puting tuwalya sa buhok nito. Ngunit tila hindi napansin ni Raya Fae ang kanyang pagkunot-noo dahil gumuhit ang munting ngiti sa labi nito. "Pwede mo ba akong samahan, Damie?" "Samahan saan?" Itinaas ng modelo ang hawak niyang isang bote ng red wine. Matapos niyang ibaba iyon ay ngumuso siya. "Nakatulog na kasi si Kat eh kaya wala na akong kasama. Pwede bang ikaw na lang?" Nang hindi umimik si Damielle ay lalo siyang nagpa-cute. "Please, Damie." Napabuntong-hininga naman si Damielle Astin. "Akala ko ba matutulog ka na?" "Yes. And I'll be needing this to sleep." Napailing na lamang si Damielle Astin. "Sige na, please. Nakakalungkot naman uminom ng mag-isa." Lumabi ang dalaga. Napabuga ng
Hindi napigilan ni Raya Fae ang sariling maluha habang nakatitig siya sa dalawang batang nakaratay. Parehong may nakasaksak na IV fluid sa mga ito kaya naman lalo siyang nahabag sa kanyang mga anak. "Kumusta ang mga bata, dad?" Nangilid ang kanyang luha. "Kawawa naman po ang mga anak ko." "Kahit papaano ay bumaba na ang lagnat nila, Hija. Huwag ka nang masyadong mag-alala. Sabi ng doctor, wala naman silang nakitang malalang sakit ang mga bata. Kumakalat kasi talaga ngayon ang flu dito." "Hindi po ako sanay na makita silang ganyan, dad." Muling tumulo ang kanyang luha. "Hindi ko kakayanin na hindi sila makita kahit hindi naman gano'n kalala ang sakit nila, dad." Hinagod naman ni Macario ang kanyang likod. "Huwag ka nang umiyak. Baka biglang magising ang mga bata. Hindi sila matutuwa na makita kang uumiyak, Hija." Hindi umimik si Raya Fae ngunit marahan niyang tinuyo ang kanyang mga luha. Tama si Macario, hindi siya dapat makita ng mga bata sa gano'ng ayos. Umupo si Macario sa so