NAPAHAGULGOL AT NANGINGINIG sa labis na takot si Naya. Hindi maampat ang kanyang luha habang mahigpit ang pagkakasabunot ni Rio Costor sa kanyang buhok. Hindi lamang iyon, ang isang kamay nito ay may hawak na baril at nakatutok sa kanyang sentido.
"One wrong move at tutuluyan ko ang misis mo, Astin!" Mariing banta nito na lalong nagpanginig kay Naya.
Marahan namang itinaas ni Damielle Astin ang kanyang kamay na may hawak na baril. He was left with no choice but to surrender himself. Kaagad namang sinamantala iyon ng tauhan ni Rio upang kunin ang hawak niyang baril.
"Love will ruin you. Sayang ka, Astin!" Umiiling na turan nito kasabay ng pabalyang pagbitaw nito sa lumuluhang si Naya Faith Sevestre-Villacorda. Napaigik na lamang si Naya nang bumagsak ang pang-upo niya sa sahig.
Bago pa tuluyang makahuma si Astin ay nakatanggap siya ng malakas na sipa sa tiyan mula sa tauhan ni Rio Costor. And dalawa naman sa kanila ay salitan siyang pinagsususuntok sa mukha at sikmura. Hindi pa nakuntento roon nga tauhan ni Rio. Pinalo nila ng baril ang ulo nito dahilan upang mapaluhod ito sa sahig.
Mahina namang napahalakhak si Rio.
"Mahina ka, Astin. Hindi na ako magtataka kung bukas bagsak na ang Red Majesty. At kasalanan mo iyon, kasalanan ng pinuno nilang pulpol." Mapang-uyam na turan nito kasabay nang paglapit at pagsipa ng ilang ulit kay Damielle Astin Villacorda.
"Astin." Muli na lamang napahagulgol si Naya habang pinapanood niya ang kanyang mister na pinahihirapan ng mga lalaking dumukot sa kanya.
Nang magsawa si Rio sa kasisipa at kasusuntok sa walang kalaban-laban na si Damielle Astin ay napabaling ang tingin nito kay Naya Faith na umiiyak.
"You're too beautiful to choose the wrong man. Sayang ka! Dahil nasa side ng kalaban."
"Ano bang kailangan niyo sa amin?" Lumuhang tanong ni Naya.
"Really? You're asking that?" Gumuhit ang ngisi sa labi ni Rio Costor.
Hindi naman naiwasan ni Naya Faith ang lalong pagkabog ng kanyang dibdib. Nahihinuha niya ang dahilan kung bakit siya dinukot ng mga ito. Ngunit gusto niyang ilihis ang takbo ng kanyang isipan. Gusto niyang isipin na dahil galing sa mayamang ang kanyang mister kaya sila dinukot. Ngunit mukha namang hindi ransom ang habol ng mga dumukot sa kanila.
Lalong lumawak ang ngisi sa labi ni Rio Costor nang makita niya ang takot sa mukha ng babae. Nang mapunta ang tingin nito kay Damielle Astin ay lalong nagbunyi ang kanyang kalooban.
"Bakit hindi mo tanungin ang magaling mong asawa?"
Agad namang napunta ang tingin ni Naya sa kanyang mister. Sa isang iglap ay lalo siyang naguluhan sa totoong hangarin ni Rio Costor. Bago pa makaimik si Naya ay sumagot si Damielle Astin.
"Be a true man, Rio! Sa pagitan lang natin ang gulo kaya huwag mong idamay ang asawa ko." Pinilit nitong bumangon sa kabila ng panghihina dahil sa sugat na kanyang natamo ngunit muli siyang sinuntok at sinipa ng mga tauhan ni Rio dahilan upang muli nitong mapadukdok sa sahig.
"Astin!" Gusto mang lapitan ni Naya ang kanyang mister ngunit hindi niya magawa.
"Parte rin ng organisasyon ang asawa mo, Astin. Kaya damay siya sa gulo natin."
Nangunot naman ang noo ni Naya Faith sa narinig.
"Organisasyon? Anong organisasyon?" Kitang-kita ang pagtataka sa mukha nito.
"Look likes your wife knows nothing."
Mahinang napahalakhak si Rio Costor. " Kawawang Naya, pinagmumukhang tanga ng kanyang asawa."Umiling-iling ito bago siya nagsalita.
"Sige, dahil masaya ako na nakikita kang gumagapang sa harap ko, bibigyan kita ng regalo." Ngumisi ito ng nakakaloko bago tumingin sa kanyang mga tauhan.
"Patayuin niyo 'yan!"Lumingon rin ito kay Naya nang mapatayo ng kanyang mga tauhan si Damielle Astin.
"At ikaw naman babae, bibigyan kita ng pagkakataong tumakas."
Napalunok naman si Naya. Awtomatiko rin siyang napalingon sa kanyang mister na nakayuko at halos wala nang lakas.
"Kapag sinabi kong takbo, tumakbo ka or else pasasabugin ko ang ulo mo!" Mariin itong tumitig sa babae bago nagpatuloy. "Do you understand?"
Puno naman ng takot na tumango si Naya Sevestre-Villacorda.
"Tumayo ka!" Umagos ang luha ni Naya. Hindi niya mawari ang kanyang nadarama. Tila naghahalo ang takot at pag-aalinlangan sa kanyang isip.
"Tayo na!" Malakas na wika ni Rio dahilan upang lalo siyang manginig sa takot. Tila naging hudyat rin iyon upang mapilitan siyang tumayo.
"What are you planing, Rio?"
Ngumisi naman ang lalaki.
"Ayaw mong bang patakasin ko na ang misis mo? Ayaw mo ba no'n, pagkatapos nito, malaya na siya."
Umusbong naman ang kaba sa dibdib ni Damielle Astin lalo na at nakaguhit sa labi ni Rio ang ngisi.
"Astin!" Tawag ni Naya sa kanyang mister. Tila ba humihingi ito ng saklolo.
"Walang maitutulong sa'yo si Astin, Naya. Wala!"
Lalo namang napaluha ang babae.
"Ngayon kung gusto mong umalis sa lugar na ito, bilisan mo ang pagtakbo."
Napakurap naman si Naya. Aniya, kung walang magagawa si Astin para maligtas sila, baka maaaring siya ang makagawa no'n. Naisip niya, sa oras na makalabas siya ng lugar ay maaari siyang makahingi ng tulong para mailigtas ang kanya mister.
"Takboooo!"
Humahagulgol na humakbang ang kanyang paa. Pakiwari niya ay maiihi siya sa labis na kaba. Ngunit Sa kabila nito ay sinikap niyang tunguhin ang pinto ng bahay. Ngunit ang paghakbang ni Naya ay natigil. Sa sikmura nito ay bumulwak ang dugo. Kasabay ng kanyang pagluhod ay ang paglabas ng dugo sa kanyang bibig.
"Nayaaaaaa!"
NAPABALIKWAS ng bangon si Damielle Astin Villacorda. Muli na naman siyang dinalaw ng bangungunot ng nakaraan.
Aniya, apat na taon na mula nang mangyari ang insidenteng iyon ngunit paulit-ulit iyong bumabalik sa kanyang panaginip.Buntong-hininga siyang tumayo sa kama. At tinungo ang mesang may nakapatong na alak. Mula nang mamatay ang kanyang misis ay naging pampatulog at pampakalma na niya ang alcohol.
"Naya's death is my fault." Tumungga siya ng alak. Sa mga taon na lumipas ay walang araw na dumaan na hindi niya sinisi ang sarili sa pagkawala ng kanyang kabiyak.
Humakbang siya habang hawak-hawak ang kopitang may lamang alak. Sa pagdaan niya sa harap ng salamin ay nahagip ng kanyang mata ang kanyang kabuuan. Naging dahilan iyon upang mapaharap siya roon. At tila may sariling buhay ang mga kamay niyang humaplos sa kanyang pisngi na may pilat. Malaki ang pilat na halos lamunin nito ang kalahati ng kanyang mukha. Nakuha niya iyon sa trahedyang nangyari. Matapos barilin ni Rio ang kanyang misis ay ikukulong siya sa isang silid at iginapos. Matapos iyon ay sinunog nila ang bahay na pinagkulungan sa kanya.
Nanguyom ang kanyang kamao nang sumagi sa isip niya ang tumatawang mukha ni Rio Costor.
"Hayop ka, Rio! Balang-araw, makakaganti rin ako sa'yo!"
Nagngitngit ang kanyang mga ngipin at nanlilisik ng kanyang mga mata.
"Maghintay ka lang dahil nalalapit na ang pagbagsak mo."
Nasa gano'n siyang ayos nang marinig niya ang sunod-sunod na katok sa pinto.
"Master! Master! Buksan niyo po ang pinto!" Tinig iyon ng kanyang kanang kamay, si Thano Miguero.
Buntong-hininga naman siyang lumapit sa pinto at binuksan iyon.
"Master! Kailangan niyo pong makita ang palabas sa TV."
Tila naman kumulo ang dugo ni Damielle Astin sa narinig. Aniya, binulabog siya ng kanyang tauhan para lamang sa walang kwentang bagay.
"I have no time---"
"Pero, master, nando'n po si Lady Naya."
Mariin namang naglapat ang labi ni Damielle. Malapit nang maubos ang kanyang pasensya. Aniya, mukhang nakalimutan na ni Thano ang utos niyang bawal banggitin ang pangalan ng yumao niyang asawa.
"She is already gone, Thano."
Umiling-iling ang lalaki.
"Hindi po ako maaaring magkamali, master."
Bago pa makaimik si Damielle Astin ay pumasok na ang tauhan niya sa loob ng silid at binuksan ang telebisyon.
Buntong-hininga na lamang na sumunod si Damielle Astin sa kanyang tauhan. Mula sa malaking screen ng flat screen TV ay kitang-kita ang pagrampa ng babaeng nakasuot ng bikini.
"Siya 'yong susunod, Master."
Mula sa screen ng telebisyon ay napukos ang makinis at maputing paa ng babaeng nakasuot ng heels na may mataas na takong. Kitang-kita ang magandang kurba ng katawan nito sa kulay pulang bikini na bumagay sa maputi niyang balat. Unti-unting tumaas ang camera hangang sa huminto iyon sa mukha ng kandidata.
Tila tumigil ang ikot ng mundo si Damielle Astin sa nakita. Malinaw niyang nakikita ang babaeng may mapungay na mga mata, matangos ang ilong at heart shape na labi nitong matamis ang pagkakangiti.
Tila naghurumentado ang kanyang puso.
"Naya." Mahinang usal niya.
Muling rumampa ang babae at puno ng kumpiyansang nag-pose sa harap ng mga hurado.
Kasabay nito ay ang pagsasalita ng TV host.
"Infront of you is candidate number six. She is Naya Faith Sevestre, twenty-six year old stunner from the City Mandelle. She is a model and an endorser. Once again, Candidate number six! Naya Faith Sevestre!"
Tila nabingi sa narinig si Damielle Astin Villacorda. Ang babaeng rumarampa sa national TV ngayon ay hindi lamang kamukha ng kanyang asawa kundi kapangalan at kaedad rin.Ngunit paano nangyari iyon? Paanong ang namayapang niyang misis ay kandidata ngayon sa national beauty pageant.
"Nagpadala na ako ng tauhan sa lugar, Master. Utos niyo na lang po ang hinihintay."
Kaagad siyang napalingon kay Thano. Aniya, kahit kailan talaga ay laging maaasahan ang kanyang paboritong tauhan.
"Bring Naya home, Thano."
Napalunok naman si Thano bago siya nagsalita.
"Ang totoo niyan, kagagaling ko po kanina doon, Master."
Nangunot naman ang noo ni Damielle Astin.
"Noong isang araw pa po nakarating sa'kin na may nakita silang kamukha ni Lady Naya."
"And you never told me about this?" Nanlisik ang mga mata ni Damielle.
"Patawarin niyo po ako, Master. Gusto ko lang pong kumpirmahin muna bago ko po sabihin sa inyo. At saka kabilin-bilinan niyo pong bawal banggitin ang pangalan ni Lady Naya."
Napahilot na lamang ng sentido si Damielle.
"Alright! Pero sabi mo galing ka kanina roon? Bakit hindi mo pa iniuwi ang asawa ko?"
"Kasi po--" Tumigil ito na tila nag-aalangan sa kanyang sasabihin.
"Kasi ano?"
"Sinubukan ko pong lapitan sa backstage si Lady Naya pero hindi po niya ako nakikilala."
Lalong nangunot ang noo ni Damielle sa narinig .
"Hindi ko na rin naituloy na sabihin sa kanya ang totoo kasi bigla pong lumapit ang fiance niya."
Kulang na lamang ay umusok ang ilong ni Damielle sa narinig.
"Fiance? May fiance ang asawa ko?"
Alanganin namang tumango si Thano.
"At kilala niyo po kung sino ang lalaki."
Napabaling si Damielle sa kanya. Tila ba naghihintay itong ituloy ang kanyang sinasabi.
"Si Rio Costor po."
"No way!" Tila naman nagulat si Thano sa malakas nitong tinig.
"Pero iyon po ang nalaman ko, Master."
"No!" Umiling-iling siya. "
This can't be! Order our men, Thano. I want them to bring my wife here!""Pero master, live TV po show po iyan. Baka pa mahirapan po tayo."
"My word is the rule, Thano!" Mariing wika nito.
"Copy, Master. Paumanhin po."
Taranta namang kinuha ni Thano ang kanyang cellphone at tumawag sa kapwa niya tauhan. Muli na lamang napatitig sa telebisyon si Damielle habang abala sa pagbibigay ng instruction si Thano.
Nawala lamang ang atensiyon niya sa telebisyon nang matapos rumampa si Candidate number six. Sa mga sumunod na sandali ay halos lamunin na siya ng kaba. Paroon at parito ang kanyang lakad habang hinintay ang muling pagbabalik ng TV show. Mahigit limang minuto na ang commercial break ngunit hindi pa rin bumabalik ang palabas."Master." Nakuha ng atensiyon niya ang pagtawag ng bagong lapit na si Thano.
"Napalaban po ang mga tauhan niyo, Master. Hindi po sila nagtagumpay na malapitan si Miss Naya."
"At sa anong dahilan?" Kumpiyansa siyang magagaling ang kanyang mga tauhan kaya natitiyak niyang makukuha nila ang kanyang misis.
"Bantay sarado po siya ng mga armadong kalalakihan."
"Problema ba 'yon? Magpadala ka ng iba pang tauhan."
"Malabo pa rin pong makuha natin siya, Master."
Bago pa makaimik si Damielle ay nakuha ng atensiyon niya ang flash report. Ayon sa balita ay pansamantalang ititigil ang ang nagaganap na pageant dahil sa panggugulo ng armadong kalalakihan. Kalakip ng report ay ang paniniguro ng mamamahayag na walang nasaktan sa insidente.
"Hindi ba nasaktan ang asawa ko?"
"Hindi po, Master. Nandoon po si Rio Costor at iniuwi na po niya si Lady Naya."
Nagngitngit ang kalooban ni Damielle sa narinig.
"That man! Hayop siya! Hindi ako makakapayag na magtagumpay siya!" Nanguyom ang kanyang kamao. Aniya, mukhang nagkakaroon na siya ng ideya sa nangyari. Nabuhay ang misis niya matapos itong barilin ni Rio. Hindi ito makaalala kaya naman sinamantala iyon ni Rio Costor. Umigting ang kanyang panga bago siya muling nagsalita.
"Babawiin ko si Naya!"
Mariing napapikit si Damielle nang muling tumama sa likod niya ang latigo. Kasabay ng pagpikit niya ay ang mariing pagdikit ng kanyang mga labi upang mapigilan ang pagkawala ng daing sa kanyang bibig. Kahit ilang hagupit pa at kahit ano pang pahirap ay nakahanda siyang pagdaanan, mapalapit lamang siya sa teritoryo ng kalaban. Iyon lamang ang tanging nakikita niyang paraan upang muli niyang mabawi ang kanyang pinakamamahal na asawa. Sumpa niya sa sarili, nakahanda siyang ibuwis ang buhay, mabawi lamang niyang muli si Naya Faith."Tama na 'yan." Itinaas ni Rio Costor kanyang palad bilang tanda ng pagpapatigil sa kanyang mga tauhan."Matindi 'tong isang 'to, boss! Nakabenteng hagupit kami kanya pero hindi man lang siya nagmakaawa.""Well, that's expected. According to the record, he was a previous bodyguard of an elite businessman in Asia," sabat ng babaeng nakatayo sa bandang likuran ni Rio.Nakasuot ito ng blouse at itim na slacks na tinernuhan nito ng itim na heels. Nakasuot ito ng sa
Puno ng kumpiyansa, ganyan mailalarawan ni Damielle Astin si Naya Faith. Wala itong kahit anong make up ngunit litaw na litaw ang natural nitong ganda. "Eye on the camera." Agad namang tumalima si Naya sa utos ng photographer. "Give me a fiercer look." Agad namang sinunod iyon ng babae. Buong kumpiyansa itong nagpo-pose sa harap ng camera. "That's it! Nice pose!" Lihim na nangngitngit ang kalooban ni Damielle dahil halos wala nang itago sa katawan ang babae, tanging kulay gold na biniki lamang ang suot nito. Manipis iyon at bakat ang u***g nito na lalong nagpapatindi sa lihim na galit ni Damielle Astin. Napailing na lamang siyang iniwas ang tingin sa babae. Aniya sa isip, ibang-iba na talaga ngayon ang kanyang misis. Sa mga binitawan nitong salita kanina ay masasabi niyang matapang na ngayon ang babae. Ibang-iba na rin maging ang estilo ng pananamit nito ngayon. Hindi na ito ang Naya Faith na mahinhin at konserbatibo sa pananamit. Tila ba sa isang iglap ay naging kabaligtaran
Tila bumilis ang tibok ng puso ni Damielle Astin sa narinig. Sa binitiwang salita ni Naya Faith ay nakasilip siya ng pag-asa na maaari pang maibalik ang naburang alaala ng kanyang kabiyak. "Lasing na yata ako," mahinang usal ni Naya kasabay ng pagbitaw niya sa pagkakahawak sa pisngi ni Damielle Astin. Pagkatapos ay bumuntong-hininga ito at saka nito hinilot ang kanyang sentido habang nakapikit. "I think I should stop drinking." Napabuga naman ng hangin si Damielle Astin. "Tingin ko nga rin. Mabuti pa siguro bumalik ka na sa kwarto mo." Tumigil sa paghilot ng kanyang sentido si Naya, nagmulat siya ng mga mata at saka lumingon sa kanyang katabi sa upuan. Naging dahilan iyon upang magtamang muli ang kanilang mga mata. "Please bring me to my room, Damie." Tila nagsusumamo ang mga mata nito. Napakurap naman si Damielle. Hindi siya makapaniwala sa narinig. Aniya, paano nito nagagawang utusan ang isang lalaki na dalhin siya sa isang silid? Nararamdaman kaya nito ang kanilang kone
Bumukas ang pintuan ng silid na inuukopa ni Naya Faith Sevestre na siyang dahilan upang awtomatiko mapalingon roon si Damielle Astin Villacorda. Mula sa kabubukas na pinto ay lumabas si Naya na nakatapis ng puting tuwalya. Tinutuyo nito ang kanyang buhok gamit ang puting towel. Tila wala itong pakialam sa presenya ng kahit sinuman. Hindi naman naiwasan ni Damielle Astin ang mapalunok nang makita niyang tumulo ang tubig pababa sa dibdib ng babae. Napatikhim na lamang siya upang mawala ang panunuyo ng kanyang lalamunan. Subalit naging dahilan iyon upang makuha niya ang atensiyon ni Naya Faith. "Hi, Damie." Gumuhit ang matamis na ngiti sa labi nito. "Please prepare a cup of coffee for me." Bago makaimik si Damielle ay muli itong nagsalita. "By the way, if I am not mistaken, Katriss discussed you the rules you need to follow, right?" "Yeah." Tango niya kahit naguguluhan siya sa tinuran nito. Ang matamis na ngiti sa labi ng modelo ay unti-unti napalitan ng kapilyahan. "Rule number on
Pasimpleng dumikit si Damielle Astin kay Raya Faith kasabay ng pagpayong niya sa babae. "Huwag kang magpapahalata, may sumusunod sa atin." Mahinang turan niya. Huminto si Naya sa paglalakad dahilan upang mapahinto rin si Damielle. Nasa isang isla sila para sa photo shoot ng babae. At dahil undiscovered pa ang naturang pasyalan ay walang masyadong tao sa paligid. Naramdaman naman ni Damielle ang pagkubli ng lalaking nakasunod sa kanila sa isang puno na naroon. Nakasuot ito ng itim na cap, plain black T-shirt at maong pants. "Why did you stop?" Kunot-noong turan ni Damielle Astin. Sa halip na sumagot si Naya Faith ay gumuhit ang ngisi sa labi nito. Bago pa makaimik si Damielle Astin ay humakbang na ang paa ng babae at mabilis na tumakbo. Sakto namang naka-pantalon at hoodie jacket si Naya na tinernuhan niya ng rubber shoes. "Naya!" Sandali siyang nilingon nito. "C'mon, Damie! Habulin mo ako!" Humahikgik ito kasabay ng pagtakbo nito. "Oh, please! Stop being naughty!" Ngunit
"Psst. Boss, halika dito." Nangunot ang noo ni Damielle kasabay ng pagsuri niya ng tingin sa lalaking nakasuot ng green longsleeve at lumang maong pants na tinernuhan nito ng itim na tsinelas. Nakasuot rin ang lalaki ng balanggot hat. At sa balikat nito ay nakasabit ang kulay pink at katamtamang laki ng styro box. "Ice drop kayo diyan, boss." Pinatunog pa nito ang maliit na bell na hawak nito. "May tinda rin akong pinipig. Special 'to, boss. Ginawa 'to ng may halong pagmamahal." Matamis ang ngiti nito dahilan upang magpakita ang pantay-pantay nitong ngipin na ang isang piraso ay kulay ginto. Nasa five six ang tangkad nito. Moreno ang balat nito, bilugan ang mata at sakto lang ang tangos ng ilong. "Anong ginagawa mo rito?" Hindi niya napigilang tanong nang makilala niya ang lalaki. It was Thano Miguero, his most trusted man. Awtomatikong iginala ni Damielle Astin ang paningin upang siguruhing walang tao sa paligid. "Nagbebenta po ng ice drop, boss." Tila painosenteng turan n
"What did you say?" Hindi napigil ni Damielle Astin ang mapakunot-noo sa tinuran ni Naya Faith. Ngunit gumuhit lamang ang pilyang ngiti sa labi ng babae. "Just kidding." Mahina itong natawa. "What? Don't tell me na naniniwala ka? With this body ang looks, mukha na ba akong nanay?" Napabuga na lamang ng hangin si Damielle. "Naya!" Tila frustrated nitong turan kasabay ng paghilot nito sa kanyang sentido. "Piliin mo naman ang gagawin mong biro." Lalo namang natawa ang modelo. "Sadyang seryoso ka lang talaga, Damie. Huwag masyado, okay? Tatanda ka nang maaga niyan." Napailing na lamang ang babae. Hindi na rin niya hinintay ang reaksyon ni Damielle, kaagad na siyang tumalikod paalis. Ngunit kasabay ng kanyang pagtalikod ay ang pagkawala ng kanyang ngiti. "Gosh! That's almost," ugong ng kanyang isipan. Hindi niya mawari kung tama ba ang ginagawa niya. Kung tutuusin ay estranghero pa rin ang kanyang bodyguard ngunit may bahagi ng isip niya na tila nagsasabing magtiwala siya rito.
Flash back.... Tila nanghihinang napaupo si Raya Fae sa malambot na kama. Puno naman ng pagtataka na napatingin sa kanya si Katriss Calve. Tumigil ito sa pagbabasa ng files na kanyang hawak at lumapit sa kanyang kaibigan. "What happened?" "Nagpa-check up na ako, Kat." Mahinang saad nito. Umusbong naman ang pag-aala ni Katriss Calve. Sa mga nakaraan araw ay laging itong nirereklamo ang nararamdaman niyang pagkahilo. "Anong sabi ng doctor?" "Positive." Tila walang lakas na turan nito. Lalo namang lumakas ang kabog ng dibdib no Katriss. "Positive saan?" Nag-angat ng tingin si Raya Fae dahilan upang magsalubong ang kanilang mga mata. "I'm two months pregnant." Napaawang ang labi ni Katriss Calve sa pagkabigla. Hindi siya makapaniwala sa narinig. Paano mabubuntis ang kanyang kaibigan gayong wala naman itong kasintahan. Napayuko si Raya Fae. Kasabay no'n ay ang pagkahulog ng kanyang luha "Anong gagawin ko, Kat? Daddy will disown me." Lalo namang lumapit sa kanya si Katriss Cal