Tila bumilis ang tibok ng puso ni Damielle Astin sa narinig. Sa binitiwang salita ni Naya Faith ay nakasilip siya ng pag-asa na maaari pang maibalik ang naburang alaala ng kanyang kabiyak.
"Lasing na yata ako," mahinang usal ni Naya kasabay ng pagbitaw niya sa pagkakahawak sa pisngi ni Damielle Astin. Pagkatapos ay bumuntong-hininga ito at saka nito hinilot ang kanyang sentido habang nakapikit.
"I think I should stop drinking."
Napabuga naman ng hangin si Damielle Astin.
"Tingin ko nga rin. Mabuti pa siguro bumalik ka na sa kwarto mo."
Tumigil sa paghilot ng kanyang sentido si Naya, nagmulat siya ng mga mata at saka lumingon sa kanyang katabi sa upuan. Naging dahilan iyon upang magtamang muli ang kanilang mga mata.
"Please bring me to my room, Damie." Tila nagsusumamo ang mga mata nito.
Napakurap naman si Damielle. Hindi siya makapaniwala sa narinig.
Aniya, paano nito nagagawang utusan ang isang lalaki na dalhin siya sa isang silid? Nararamdaman kaya nito ang kanilang koneksyon kaya gano'n na lamang kakampante ang pakikitungo nito sa kanya? O
Sadyang nagbago na ang pag-uugali ng kanyang asawa?"Please, carry me."
Tila naman nanuyo ang lalamunan ni Damielle. Hindi naman nang-aakit ang tinig ng babae ngunit bakit parang kaysarap iyon pakinggan. Bakit parang naaakit siya? Tila ba binubuhay nito ang pagnanasa sa kanyang kaibuturan. Normal siyang lalaki at natural lamang sa kanya ang maakit sa tukso, bukod sa maganda at alindog si Naya ay dagdag pang labis niyang iniibig ang babae.
"Hindi ko na kayang maglakad. Nahihilo ako, Damie." Bumitaw ito ng tingin sa kanya at saka muling pumikit. "Do me favor, please."
Noon na nagising si Damielle Astin sa kanyang malalim na pag-iisip. Aniya, sadyang binigyan lamang niya siguro ng kulay ang tinuran ni Naya Faith. Napabuntong-hininga na lamang siya dahil sa uri ng pag-iisip na mayroon siya.
"Kumapit ka sa'kin." Kumilos siya upang pangkuin ang babae. Agad namang ipinulupot ni Naya ang kanyang mga kamay sa leeg nito. Nang sandali nasa matipunong bisig na ni Damielle ang babae ay hindi ni Naya inalis ang tingin sa kanya.
"Stop staring at me, Naya."
"Why?" Puno ng kainosentehan nitong tanong. Nanatili rin ang tingin nito sa kanya.
"I am not comfortable."
"Is it because of your scars?" Nang hindi umimik si Damielle ay muling nagsalita ang babae. "I don't care about how you look like. I don't care about your flaws, Damie."
Tila hinaplos ang puso ni Damielle sa narinig ngunit nagdesisyong siyang huwag na lamang umimik at mag-iwas na lamang ng tingin. Hahayaan na lamang niya ang babae sa gusto nitong gawin.
"But anyway, thank you, Damie." Sinserong turan ni Naya Faith nang tuluyan silang makapasok sa silid na kanyang inuukopa.
"It is part of my duty, Naya." Marahan niyang ibinaba ang babae sa kama nito. Bago siya makakilos palayo sa babae ay nagawang mahawakan ni Naya Faith ang kanyang braso.
"Would you believe if I tell you that I found you handsome?" Sinsero ang mga mata nitong nakatingin sa kanya ngunit hindi naging sapat iyon upang maniwala si Damielle Astin. Kung narinig niya ang mga salitang iyon bago ang trahedya ay agad siyang maniniwala ngunit iba na ngayon. Kahit siguro bulag ay sasabihing pangit siya. Totoo naman iyon, para siyang halimaw dahil sa pilat sa kanyang kanang pisngi.
"Lasing ka na nga talaga." Marahan niyang inalis ang kamay ng babae na nakahawak sa kanya.
Bahagya namang natawa si Naya.
"I know what am I saying, Damie. Lasing lang ako pero hindi ako bulag."
"Sa'yo na galing na nahihilo ka. Kung anuman 'yang nakikita mo ngayon, epekto 'yan ng alak, Naya."
"Okay fine, I'm drunk but my eyes are still functioning, Damie.”
Bago pa makaimik si Damielle ay umangat ang malambot na kamay ni Naya at lumapat iyon sa pisngi niyang may pilat.
"Despite of this, you are still good looking in my eyes. From your beautiful eyes--" bumaba ang tingin nito kasabay ng marahang pagdausdos ng daliri ni Naya Faith sa kanyang ilong, " to your aristocratic nose," muling dumausdos ang daliri nito sa labi ni Damielle, "to your sensual kissable lips."
Matamang nakatitig ang mga mata ni Naya sa mukha nito dahilan upang maalarma si Damielle. Sa ginawang iyon ni Naya ay tila nagising ang kanyang pagkalal*ki. At hindi siya maaaring magpatangay sa kanyang damdamin. Mabilis niyang hinuli ang kamay ng kanyang misis.
"Matulog ka na. May photo shoot ka pa bukas."
Napaungol naman ang babae na tila ba tumtutol sa kanyang sinabi. Hindi naman iyon inintindi ni Damielle.
"Good night, Naya." Akmang tatalikod na si Damielle Astin nang magsalita ang babae.
"Undress me, Damie." Naging dahilan iyon upang mapahinto si Damielle Astin. Awtomatiko rin siyang napalingon rito.
"Naya!" Tila pagalit niyang saway sa babae. Hindi rin niya napigil ang sariling mapakunot-noo. Anang sarili, hindi gano'n ang dating Naya Faith, kahit kasal sila noon ay nahihiya pa itong maghub*d sa kanyang harapan.
"Naiinitan ako. I am not comfortable. Baka mahirapan akong makatulog."
Napabuga na lamang ng hangin si Damielle Astin.
"You shouldn't be acting like this infront of any other men, Naya."
Lumapit siya sa electric fan na nasa silid at binuksan iyon. Nagkataon sira ang aircon ng bahay na tinuluyan nila, iyon na rin siguro marahil ang dahilan kung bakit nagrereklamo ang babae sa init.
"That's not enough, Damie. I want you to undress me and leave only my undies."
Lalo namang nangunot ang noo ni Damielle.
"Kasasabi ko lang na---" Hindi na niya nagawang tapusin ang dapat sana at sasabihin niya nang unahan siya ni Naya.
"Please, Damie. Undress me, please."
Napaawang na lamang ang labi ni Damielle Astin.
"Mapagkakatiwalaan naman kita, right?"
Napalunok na lamang siya.
"Yes, ofcourse. You can trust me."
Totoo iyon, walang duda. Pero hindi pa rin siya makapaniwala sa ginagawa ng kanyang asawa.
"Then help me remove my clothes.
Napahilamos na lamang ng mukha si Damielle dahil sa frustration.
"Please."
Buntong-hininga na lamang na lumapit si Damielle sa kanyang misis. Wala na rin naman siyang magagawa kundi sundin ito.
"Fine. But please, Naya, huwag mo na sanang uuliting hilingin ito sa ibang lalaki."
Umangat ang kamay nito sa strap ng suot nitong bestida. Napaiwas na lamang siya ng tingin nang simulan niyang ibaba iyon.
"Pinapagawa mo rin ba 'to kay Rio?" Mahina niyang tanong. Hindi rin niya naiwasang makaramdam ng galit at lungkot sa ideyang iyon.
"Not yet. Maybe soon."
Lihim namang nagngitngit ang kalooban ni Damielle. Pangako niya sa sarili, hindi niya hahayaan dumating ang araw na iyon. Babawiin niya si Naya bago tuluyang magtagumpay si Rio Costor na angkinin ang kanyang misis.
"C'mon, Damie! Kanina pa ako naiinitan. Do what you need to do. Hindi ka naman naiilang, right? Oh, c'mon! You already saw me wearing just a pair of thin undies. Don't act like a freakin' virgin." Naging dahilan iyon upang makuha ni Naya Faith ang atensiyon niya. Noon rin niya napansin na tumigil siya sa ginagawang pag-alis sa suot ng babae.
"Just don't be tempted." Gumuhit ang pilyang ngiti sa labi nito. "And never tempt me as well, Damie. Kahit lasing ako, hindi ako bibigay sa'yo."
Nangunot naman ang noo ni Damielle.
"Akala ko ba nahihilo ka, Naya?"
Nagkibit-balikat ang babae.
"I am but slowly getting good."
Napailing na lamang si Damielle Astin. Pakiramdam niya ay pinaglalaruan siya ng babae dahil sa pilyang ngiti nito. Hindi niya tuloy naiwasang mapaisip, normal ba sa may amnesia ang magbago ng ugali?
"Damie,"mahinang usal ni Naya dahilan upang tila bumalik sa huwisiyo si Damielle. Nang lumingon siya sa babae ay nagtama ang kanilang mga mata.
"Please continue."
Napabuntong-hininga na lamang si Damielle Astin. Lakas-loob niya inalis ang bestidang suot ng babae. Tama naman ang babae, nakita na niya itong halos walang saplot kaya hindi siya dapat mailang. At kung tutuusin, wala namang masama kung makita niya ang katawan nito dahil mag-asawa naman sila. Ngunit tila unti-unting nag-init ang kaibuturan ni Damielle nang tumambad sa kanyang harapan ang makinis at malaporselang balat ng babae. Naging dahilan iyon upang maalala ang mainit na gabing magkasalo sila noon. Tila sariwa pa sa kanyang alaala kung paano nila haplusin ang katawan ng isa't-isa.
"Huwag mo akong isusumbong kay Rio.
Don't tell him that I let my bodyguard undress me." Mahinang turan ni Naya dahilan upang muling itinuon ni Damielle ang tingin sa kanya."Hindi mo lang naman ako bodyguard, asawa mo ako, Naya." ugong ng kanyang isipan. Gustong-gusto niyang isatinig iyon ngunit alam niya sa sariling hindi pa iyon ang tamang panahon.
"Mangako ka, Damie."
Napabuga na lamang siya ng hangin.
"Huwag kang mag-alaala, hindi kita isusumbong. 'Di ba sabi ko naman sa'yo, sa'yo ako naglilingkod, Naya."
Gumuhit ang munting ngiti sa labi ni Naya Faith.
"Thank you. I will count on you. Good night," usal nito bago tuluyang pumikit.
Ilang sandali namang napatitig si Damielle sa magandang mukha ni Naya Faith.
Masuyo niyang hinaplos ang buhok nito. Para siyang maluluha habang nakatingin ng buong pagmamahal sa babae. Pakiramdam niya ay panaginip lamang ang lahat, hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwalang buhay ang taong ilang taon na niyang pinagluluksa.
"Babawiin kita kay Rio," anang kanyang isipan.Ilang sandali lamang ay naging banayad na ang paghinga ng babae, tanda na siya ay tuluyan nang ginupo ng antok.
Marahan bumaba ang mukha ni Damielle sa mukha nito. Dumampi ang labi nito sa labi ni Naya Faith. Sandali lamang iyon ngunit kitang-kita sa mga mata nito ang labis na pagmamahal.
"Pangako, Naya. Gagawin ko lahat, maprotektahan ka lang. Promise, I won't fail this time."
Bumukas ang pintuan ng silid na inuukopa ni Naya Faith Sevestre na siyang dahilan upang awtomatiko mapalingon roon si Damielle Astin Villacorda. Mula sa kabubukas na pinto ay lumabas si Naya na nakatapis ng puting tuwalya. Tinutuyo nito ang kanyang buhok gamit ang puting towel. Tila wala itong pakialam sa presenya ng kahit sinuman. Hindi naman naiwasan ni Damielle Astin ang mapalunok nang makita niyang tumulo ang tubig pababa sa dibdib ng babae. Napatikhim na lamang siya upang mawala ang panunuyo ng kanyang lalamunan. Subalit naging dahilan iyon upang makuha niya ang atensiyon ni Naya Faith. "Hi, Damie." Gumuhit ang matamis na ngiti sa labi nito. "Please prepare a cup of coffee for me." Bago makaimik si Damielle ay muli itong nagsalita. "By the way, if I am not mistaken, Katriss discussed you the rules you need to follow, right?" "Yeah." Tango niya kahit naguguluhan siya sa tinuran nito. Ang matamis na ngiti sa labi ng modelo ay unti-unti napalitan ng kapilyahan. "Rule number on
Pasimpleng dumikit si Damielle Astin kay Raya Faith kasabay ng pagpayong niya sa babae. "Huwag kang magpapahalata, may sumusunod sa atin." Mahinang turan niya. Huminto si Naya sa paglalakad dahilan upang mapahinto rin si Damielle. Nasa isang isla sila para sa photo shoot ng babae. At dahil undiscovered pa ang naturang pasyalan ay walang masyadong tao sa paligid. Naramdaman naman ni Damielle ang pagkubli ng lalaking nakasunod sa kanila sa isang puno na naroon. Nakasuot ito ng itim na cap, plain black T-shirt at maong pants. "Why did you stop?" Kunot-noong turan ni Damielle Astin. Sa halip na sumagot si Naya Faith ay gumuhit ang ngisi sa labi nito. Bago pa makaimik si Damielle Astin ay humakbang na ang paa ng babae at mabilis na tumakbo. Sakto namang naka-pantalon at hoodie jacket si Naya na tinernuhan niya ng rubber shoes. "Naya!" Sandali siyang nilingon nito. "C'mon, Damie! Habulin mo ako!" Humahikgik ito kasabay ng pagtakbo nito. "Oh, please! Stop being naughty!" Ngunit
"Psst. Boss, halika dito." Nangunot ang noo ni Damielle kasabay ng pagsuri niya ng tingin sa lalaking nakasuot ng green longsleeve at lumang maong pants na tinernuhan nito ng itim na tsinelas. Nakasuot rin ang lalaki ng balanggot hat. At sa balikat nito ay nakasabit ang kulay pink at katamtamang laki ng styro box. "Ice drop kayo diyan, boss." Pinatunog pa nito ang maliit na bell na hawak nito. "May tinda rin akong pinipig. Special 'to, boss. Ginawa 'to ng may halong pagmamahal." Matamis ang ngiti nito dahilan upang magpakita ang pantay-pantay nitong ngipin na ang isang piraso ay kulay ginto. Nasa five six ang tangkad nito. Moreno ang balat nito, bilugan ang mata at sakto lang ang tangos ng ilong. "Anong ginagawa mo rito?" Hindi niya napigilang tanong nang makilala niya ang lalaki. It was Thano Miguero, his most trusted man. Awtomatikong iginala ni Damielle Astin ang paningin upang siguruhing walang tao sa paligid. "Nagbebenta po ng ice drop, boss." Tila painosenteng turan n
"What did you say?" Hindi napigil ni Damielle Astin ang mapakunot-noo sa tinuran ni Naya Faith. Ngunit gumuhit lamang ang pilyang ngiti sa labi ng babae. "Just kidding." Mahina itong natawa. "What? Don't tell me na naniniwala ka? With this body ang looks, mukha na ba akong nanay?" Napabuga na lamang ng hangin si Damielle. "Naya!" Tila frustrated nitong turan kasabay ng paghilot nito sa kanyang sentido. "Piliin mo naman ang gagawin mong biro." Lalo namang natawa ang modelo. "Sadyang seryoso ka lang talaga, Damie. Huwag masyado, okay? Tatanda ka nang maaga niyan." Napailing na lamang ang babae. Hindi na rin niya hinintay ang reaksyon ni Damielle, kaagad na siyang tumalikod paalis. Ngunit kasabay ng kanyang pagtalikod ay ang pagkawala ng kanyang ngiti. "Gosh! That's almost," ugong ng kanyang isipan. Hindi niya mawari kung tama ba ang ginagawa niya. Kung tutuusin ay estranghero pa rin ang kanyang bodyguard ngunit may bahagi ng isip niya na tila nagsasabing magtiwala siya rito.
Flash back.... Tila nanghihinang napaupo si Raya Fae sa malambot na kama. Puno naman ng pagtataka na napatingin sa kanya si Katriss Calve. Tumigil ito sa pagbabasa ng files na kanyang hawak at lumapit sa kanyang kaibigan. "What happened?" "Nagpa-check up na ako, Kat." Mahinang saad nito. Umusbong naman ang pag-aala ni Katriss Calve. Sa mga nakaraan araw ay laging itong nirereklamo ang nararamdaman niyang pagkahilo. "Anong sabi ng doctor?" "Positive." Tila walang lakas na turan nito. Lalo namang lumakas ang kabog ng dibdib no Katriss. "Positive saan?" Nag-angat ng tingin si Raya Fae dahilan upang magsalubong ang kanilang mga mata. "I'm two months pregnant." Napaawang ang labi ni Katriss Calve sa pagkabigla. Hindi siya makapaniwala sa narinig. Paano mabubuntis ang kanyang kaibigan gayong wala naman itong kasintahan. Napayuko si Raya Fae. Kasabay no'n ay ang pagkahulog ng kanyang luha "Anong gagawin ko, Kat? Daddy will disown me." Lalo namang lumapit sa kanya si Katriss Cal
Lumipas ang ilang araw na halos hindi na makatulog si Raya. Binabagabag siya ng kanyang konsensiya. Hindi niya lubos-maisip kung paano niya sisimulang sabihin sa kanyang ama ang kanyang pagbubuntis. Lumaki siyang daddy's girl at lahat ng nangyayari sa buhay niya ay nagagawa niyang maikwento kay Macario Escobar. Kaya ngayong nagsimula siyang maglihim rito ay labis na namimigat ang kanyang d*bdib. "Raya, Hija." Nakuha ng atensiyon niya ang pagpasok ni Macario sa kanyang opisina. Nagderederetsong lumapit ang kanyang ama sa kanyang kinatatayuan. "You're not telling something to me, Hija." Mahinahon ang tinig ng ama niya ngunit hindi niya naiwasan ang pagkabog ng kanyang d*bdib. Napalunok na lamang siya. Naramdaman niya ang pamumuo ng pawis sa kanyang noo. "D-Dad." Buntong-hiningang iniabot sa kanya ni Macario ang isang piraso ng papel. Tila naman nawalan ng buto ang kanyang tuhod nang makita niyang ang ultrasound result niya ang hawak ni Macario Escobar. "You're pregnant." H
"Naya?" Awtomatikong natigil sa paghakbang si Raya Fae. Kusang kumabog ang kanyang dibdib. Gayunpaman ay pinilit niyang kalmahin ang sarili bago siya lumingon sa pinanggalingan ng tinig. Bumungad sa kanya ang lalaking matangkad, maputi, singkit ang mata. Matangos ang ilong at makipot ang labi. Gwapo naman ngunit hindi gano'n kalakas ang dating nito sa kanya. At kilala niya ito--walang iba kundi si Rio Costor, ang lalaking pinaghihinalaang sangkot sa pagkamatay ng kanyang kakambal. "Naya?" Ulit ng lalaki. Nangunot naman ang kanyang noo. Pinilit niyang ipakita na hindi niya kilala ang lalaki. "Who are you?" Tila naman napatda si Rio Costor. "Do I know you?" Umakto siyang parang inosente at walang alam. Hindi naman nakaligtas sa kanyang paningin ang paglunok ng lalaki. "I'm sorry, Miss. I thought you are--." Napatikhim ni Raya dahilan upang matigil sa sasabihin si Rio. "Uhm maybe you know me, Mister. I'm sorry about my attitude. Actually, I got into an ancient 3 months ago and
Present Time... "Cheers." Pinag-untog nina Raya at Katriss ang kanilang hawak na kopita. Tila ba lihim nila iyong selebrasyon. Mula kasi nang pumasok sila sa mundo ni Rio Costor ay ngayon lamang sila nakakilos na tulad ng dati. "I really miss this," saad ni Raya Fae habang nagniningning ang mga mata nitong nakatitig sa hawak niyang kopita. Nang tumingin siya kay Katriss ay pinanlakihan naman siya nito ng mata bago ito pasimpleng bumaling kay Damielle Astin na nakatambay sa 'di kalayuan. Nanatili namang kalmante si Raya na para bang wala siyang sinabi. Nang bumaling si Raya kay Damielle ay nagtama ang kanilang mga mata. "Wanna join us?" Itinaas pa ng modelo ang hawak niyang alak. Marahan namang umiling si Damielle bilang tugon. "Are you sure?" "Don't invite him, Ma'am. He needs to do his job." Walang kangiti-ngiting turan ni Katriss kasabay nang pagsalin nito ng alak sa kanyang baso. "Safe naman ako dito. Hindi na niya ako kailangang bantayan." Tuluyan nang binawi ni Raya a
"Mom! Dad! I'm home!" Ang malaanghel na tinig ni Hope ang kumuha ng atensiyon nina Raya Fae at Damielle Astin. Parehong napunta ang tingin ng mag-asawa sa kabubukas na main door ng bahay. Pumasok mula roon ang isang balingkinitan babae. Maputi at tila kaylambot ang balat nito. Natural na mapula ang may kakapalan nitong labi, matangos ang ilong at mapungay ang mga mata nitong natural na mahaba ang pilik mata. At agaw pansin ang mga mata nitong kulay abo. She is Hope Villacorda. Ang prinsesa sa kanilang pamilya. Agad na tumayo si Damielle Astin. Gumuhit ang labi nito habang nakatitig sa dalagang papalapit sa kanila ni Raya Fae. Lalo ring gumuhit ang ngiti sa labi ng dalaga nang makita ang ngiti ng kanyang mga magulang. "How's your school?" Graduating na ito sa kursong Business management. "It's fine, dad." Humalik ito sa pisngi ng kanyang ama. Sunod rin itong kay Raya Fae na nakatayo sa tabi ni Damielle Astin. "Good evening po, Tito, Tita." Gumuhit ang munting ngiti sa lalaking
"Mine." Yumakap si Damielle Astin sa beywang ng kanyang misis. Marahan niyang hinaplos ang tiyan nito. Malaki na ang umbok ng tiyan nito. Kabuwanan na nito at anumang oras ay maaari na nitong isilang ang kanilang anak. "Are you alright?" Humalik siya sa exposed na balikat nito. Sandali naman siyang liningon ni Raya. Pumatong rin ang kamay nito sa kamay ng kanyang mister. "Oo naman. Ayos na ayos lang ako." "Then why are you here?" Hindi pa rin naalis ang pag-aalala sa mga mata ni Damielle Astin. Agad naman siyang hinarap ni Raya Fae. "Binibisita ko lang siya, bigla ko siyang na-miss," gumuhit ang munting ngiti sa labi nito, "at saka para sabihin na rin sa kanya na magkakaroon na sila ng baby sister." "Yeah. Kung nandito siya, sigurong matutuwa siya katulad ni Damon. Well, except kay Devonne na ang gusto ay baby brother." "Devonne is such a loving person, hindi nga lang siya showy. Kahit sinasabi niyang baby brother ang gusto niya, I'm sure, magiging mabuting kuya pa rin siya."
Marahang hinahaplos-haplos ni Raya Fae ang ulo ng batang si Damon. Napapayag lamang niyang sumama ang mga bata sa kanila nang sabihin niya magkakasama silang pamilya. Sa huli pumayag na lamang siya sa gusto ni Damielle Astin na umuwi sa bahay kung saan siya nagising na kasama ito. Ayon sa lalaki, iyon daw ang bago nilang tahanan. Hindi nalalayo ang laki ng bahay sa dati nilang tahanan. Nangingibabaw ag kulay na puti at gold sa bahay kaya naman napakaaliwalas ng paligid. Mayroon na rin silid roon ang mga bata na may pintong konektado sa Master's bedroom. "Raya." Nakuha ng atensyon niya ang pagtawag ng kanyang mister. Nang mapunta ang tingin niya sa pinanggalingan ng tinig nito ay nakita niyang nakatayo ang lalaki sa pinto patungo sa Master's Bedroom. "Ngayong tulog na ang mga bata, pwede bang mag-usap tayo." Mahinahon ang tinig nitong nakikiusap. "Ano pang dapat nating pag-usapan? Pumayag na nag ako na umuwi dito sa bahay mo, 'di ba?" Hindi niya naitago ang pagsusungit sa kanyang
"Mga anak!" Naluluhang yumakap sa kanyang mga anak si Raya Fae. "Mommy." Mahigit na gumanti ng yakap sa kanya ang batang si Damon. Walang imik namang gumanti rin ng yakap sa kanya si Devonne. "Maraming salamat sa lumikha. Sa wakas, nahanap rin namin kayo." Hindi na napigil ni Raya Fae ang pagbuhos ng kanyang mga luha. "Mom." Tiningala siya ng batang si Devonne. Agad namang pinahid ni Raya Fae ang kanyang mga luha bago siya lumuhod upang mapantayan ang kanyang mga anak. "Kumusta kayo? Ayos lang ba kayo? May masakit ba? " Kitang-kita ang pag-aalala sa mga mata nito habang nakatingin sa mga bata. Muli ring nangilid ang kanyang luha habang hawak-hawak niya ang kanyang mga anak. "Please don't cry, mom." Kumilos ang kamay ng batang si Devonne upang tuyuhin ang kanyang luha. "We're okay, mommy." Segunda naman ng batang si Damon. "Please stop crying." Napasinghot naman ang si Raya Fae. Pinilit niya pinigil ang muling pagtulo ng kanyang luha. "Pasensya na, mga anak. Sobrang natutu
Napaungol si Raya Fae kasabay ng pagmulat niya ng kanyang mga mata. "Sa'n mo ako dadalhin?" Hindi niya naiwasang tanong habang nakatitig siya sa lalaking buhat-buhat siya. Sa halip na maghisterikal ay isiniksik niya ang kanyang mukha sa matipunong dibdib ng lalaki. Hindi niya mawari ngunit tila nakaramdam siya ng kapayapaan at seguridad sa bisig nito. "Please bring me home." Mahinang wika nito. "We're already home." Muli namang nagmulat ng kanyang mga mata si Raya Fae. Sinubukan nitong igala ang kanyang paningin ngunit tila umiikot naman ang kanyang paligid. Muli na lamang siyang napapikit upang mawala ang kanyang hilo. Pakiramdam niya ay nakadama siya ng kaginhawaan ng maramdaman niya ang paglapat ng kanyang katawan sa malambot na kutson. Sandali naman siyang pinakatitigan ng kanyang mister bago ito tumikhim. "I-I will undress you." Tila nagpapaalam namang wika ni Damielle Astin. Narinig naman iyon ni Raya Fae. Ngunit sa 'di mawaring dahilan ay hindi siya nakadama ng anumang
"Boss, bakit tayo nandito?" Hindi napigilang maitanong ni Thano Miguero kasabay ng paggala niya ng kanyang paningin sa loob ng bar. "I just want to unwind." Walang emosyong turan naman ni Damielle Astin sa kanyang tauhan. Nang umupo ang kanyang amo at umorder ito ng inumin ay wala na rin siyang nagawa kundi umupo na rin sa tabi nito. "Akala ko ba, boss, pupunta ka sa bahay nina Ma'am Raya." Napabuga naman ng hangin si Damielle Astin kasabay ng pag-iwas nito ng tingin. "Huwag na muna siguro. Baka ayaw rin lang naman niya akong harapin." Hindi na lamang umimik si Thano Miguero. Nang dumating ang order na alak ni Damielle Astin ay inialok nito sa kanya ang isang baso ngunit ngali-ngali siyang tumanggi. "Tingin mo ba, malabo na bang magkaayos pa kami ni Raya?" Tanong nito sa kanya matapos ang ilang beses na pagtungga ng alak. "Ewan ko, boss. Ikaw boss, ano sa tingin mo?" Nalukot naman ang mukha ni Damielle Astin. "You're not helping me, Thano." Napakamot naman ng ulo si Tha
"Raya." Hindi naitago ni Damielle Astin ang pag-aalangan sa tinig nang tawagin niya ang kanyang misis. Bagama't nakatalikod ito mula sa kanya, alam niyang umiiyak ito dahil sa pagyugyog ng balikat nito. "Nagdala ako ng pagkain." Sunod niyang wika sa mahinang tinig. At tama nga siya ng hinala na umiiyak ang babae dahil kitang-kita niya ang pagpunas ni Raya sa pisngi nito. "Hindi ako nagugutom." Matamlay nitong sagot. Ni hindi rin ito nag-abalang lingunin siya. Nanatili itong nakatanaw sa balkonahe ng silid. "Kahit konti lang." Noon na siya liningon ng kanyang misis. Kitang-kitang ang pamumula ng mga mata nito dahil sa pag-iyak at galit. "Hindi ka ba nakakaintindi? Sinabi ko na ngang hindi ako nagugutom! At saka pwede ba, Damielle, pwede ba, huwag ka muna magpapakita sa 'kin." Pakiramdam ni Damielle Astin ay nahiwa ang kanyang puso sa narinig at sa ipinakita ng kanyang misis. Ngunit ang pagguhit ng lungkot sa kanyang mga mata ay hindi na nakita ni Raya Fae dahil muli na itong
Flash back... Mabilis na tinalunton ni Raya Fae ang pasilyo patungo sa silid kung saan sila ikinulong. Bago siya tuluyang makarating sa silid ay narinig pa niya ang tinig ng kanyang mister. "Maghiwalay tayo, Thano. Mas madali nating mahahanap si Raya kung maghihiwalay tayo." Rinig niyang wika ng kanyang mister. Agad naman siyang nagkubli sa malaking banga na palamuti sa malawak na pasilyo. Tila tinambol ang kanyang dibdib nang masilip niya ang kanyang mister. Mas lalo siyang sumiksik sa gilid. Ngunit sa maliit na siwang ay nakagawa niyang makita ang paglinga-linga ni Damielle Astin sa paligid bago ito tuluyang umalis sa lugar. Tila naman nakahinga nang maluwag si Raya Fae. Aniya, malaya na niyang mahahanap ang kanyang mga anak. Wala nang pipigil sa kanya. Marahan siyang tumayo mula sa pinagkukublian. Ngunit tila tumalon ang kanyang puso nang bumungad sa harap niya ang bunganga ng baril. Napalunok siya. Agad ring napunta ang tingin niya sa may hawak ng baril. Bumungad sa kan
"Hurry! Hurry up!" Sigaw ni Milo sa mga bata bago siya nakipagpalitan ng putok sa mga nakasunod sa kanila na tauhan ni Rio Costor. Nagtagumpay naman siyang mapatumba ang isa bago siya sumunod sa tumatakbong mga bata. Mabuti na lamang at naisipan nilang dumaan sa binata dahil kung hindi ay baka nasukol na sila ng mga tauhan ng kanyang kapatid. Kahit papaano ay nakahinga na siya ng kaunti dahil nakalabas na sila ng mansion ni Rio Costor. Gayunpaman kahit nasa kalsada na sila ay tuloy pa rin sa paghabol sa kanila ng mga tauhan ng kanyang kapatid. At hindi niya hahayaang magtagumpay ang mga ito. Muli siyang nakipagpalitan ng putok habang patuloy siya sa pagtakbo kasama ang mga bata. "Hurry! Hurry! Let's get over there." Mabilis niyang iginiya paliko ang bata sa eskinita. "I'm afraid, mister. Are they going to shoot us. I don't wanna die." Maluha-luha ang batang si Damon. Kitang-kita ang takot sa mga mata nito sa malamlam na liwanag na nagmumula sa lamp post ng walang katao-taong k