Share

Chapter 4.2

Author: amvernheart
last update Huling Na-update: 2022-09-09 22:20:53

Pasimpleng dumikit si Damielle Astin kay Raya Faith kasabay ng pagpayong niya sa babae.

"Huwag kang magpapahalata, may sumusunod sa atin." Mahinang turan niya.

Huminto si Naya sa paglalakad dahilan upang mapahinto rin si Damielle. Nasa isang isla sila para sa photo shoot ng babae. At dahil undiscovered pa ang naturang pasyalan ay  walang masyadong tao sa paligid. 

Naramdaman naman ni Damielle ang pagkubli ng lalaking nakasunod sa kanila sa isang puno na naroon. Nakasuot ito ng itim na cap, plain black T-shirt at maong pants.

"Why did you stop?" Kunot-noong turan ni Damielle Astin.

Sa halip na sumagot si Naya Faith ay gumuhit ang ngisi sa labi nito. Bago pa makaimik si Damielle Astin ay humakbang na ang paa ng babae at mabilis na tumakbo. Sakto namang naka-pantalon at hoodie jacket si Naya na tinernuhan niya ng rubber shoes. 

"Naya!"

Sandali siyang nilingon nito.

"C'mon, Damie! Habulin mo ako!" Humahikgik ito kasabay ng pagtakbo nito.

"Oh, please! Stop being naughty!" 

Ngunit hindi siya pinakinggan ng modelo. Lalo itong humalakhak kasabay ng pagtakbo,

"Naya!" Makailang ulit pang tinawag ni Damielle ang pangalan nito ngunit tila lalong nang-aasar ang babae dahil sumuot ito sa gubat na bahagi ng isla.

Humakbang ang paa ni Damielle upang habulin ang babae ngunit dahil maraming puno sa bahaging iyon ng isla ay halos hindi na niya makita kung saan nagsuot ang babae.

"Please show up, Naya!" Umalingawngaw ang tinig nito sa paligid. Ngunit wala siyang narinig na sagot. Wala siyang marinig na huni sa paligid, maliban sa huni ng mga ibon. At ang tunog ng agos ng tubig na hula niya ay nagmumula sa malapit na dagat. 

Dumagundong ang kaba sa dibdib ni Damielle Astin. Pinakiramdaman niya ang paligid. Wala na ang lalaking sumusunod sa kanila. Lalong tumindi ang kanyang pag-aalala lalo pa at wala rin si Naya sa kanyang paningin.

"Ahhhhh!" Matinis na tili mula sa isang babae ang pumukaw sa atensiyon ni Damielle. At hindi siya maaaring magkamali, nagmula iyon sa kanang direksiyon.

"Nayaaaa!" Humakbang ang kanyang mga paa patungo sa pinagmulan ng tili. 

Aniya, hindi niya mapapatawad ang sarili kapag muling  napahamak ang kanyang misis.

Nang makita niya ang tila maliit na daanan sa gitna ng mga matatayog na puno ay tinutunton niya iyon. Natigil siya sa paghakbang ng makita niya ang lalaking sumusunod na kanila.

Ngunit napaawang ang kanyang labi nang makita niyang may pumalo sa lalaki. Napadukdok ang lalaki at napadaing ito sa sakit. 

"Tell me, sinong amo mo?" Mula sa malaking puno kung saan nakakubli ang pumalo sa lalaki ay lumabas ang isang babae--si Naya Faith Sevestre. 

Kitang-kita ang tapang sa mga mata nito habang mariing nakatingin sa lalaki. Tangan nito ang isang baril at nakatutok sa lalaki na nasa lupa.

Napalunok na lamang Damielle Astin sa nasaksihan. 

"Sumagot ka!" Isang malakas na sipa ang ibinigay nito sa lalaki.

"Wala! Wala akong amo!" Matapang na sagot ng lalaki. Matapang din nitong sinalubong ang tingin ni Naya Faith.

Tumikwas ang kilay ng babae.

"At tingin mo naman maniniwala ako sa sa'yo?" Gumuhit ang ngisi sa labi nito. "Tutal mukhang wala ka namang pakinabang, bawasan na natin ang taong walang silbi dito sa mundo!" Mariing turan nito kasabay ng pagkasa nito sa baril.

Napalunok naman ang lalaki. Marahan nitong itinaas ang kanyang kamay. Kitang-kita ang pamumuo ng butil sa noo nito.

"Magsasalita na ako." Kitang-kita ang takot sa mga mata nito. "Huwag mo akong papatayin."

Natawa naman ng mahina si Naya Faith dahilan upang mapaawang ang bibig ng lalaki. 

"Masyado ka namang kinakabahan. Nakakatawa ang hitsura mo. Huwag kang mag-alala, walang bala 'to."  Inilabas nito ang magasin ng baril upang ipakitang nagsasabi siya ng totoo. "Nagbibiro lang ako. Ikaw naman kasi. Bakit mo ba kasi ako sinusundan?"

Napalunok naman ang lalaki.

"Hindi kita sinusundan, Miss."

"Really?"  Pinaningkitan niya ito ng mata.

"Oo naman, wala akong rason para sundan kita."

Sandali naman siyang tinitigan ni Naya Faith. 

"Well, you're right. Pasensya ka na, napalo pa kita. Nag-panic lang kasi ako."  Apologetic nitong turan.

Tumayo ang lalaki at pinagpag ang kanyang damit. 

"Okay lang, miss."

"Nasugatan kita. Let me treat your wounds." Nanatili ang tingin nito sa pisngi nitong may gasgas.  Kasing-tangkad lamang ni Naya ang lalaki. Sakto lang ang puti, medyo payat ito at tila napakainonsente nito dahil sa maliit at bilugan nitong mukha.

"Huwag na." Umiling-iling ito.

"I insist. Kahit punasan ko lang 'yang dumi ng sugat mo gamit 'tong panyo ko." Mabilis namang hinugot mo Naya ang panyo sa bulsa nito.

"Hindi na, Miss."

"Please." Kitang-kita ang pagsusumamo sa  mga mata nito. 

"S-sige."

Gumuhit ang ngiti sa labi ni Naya. Agad ding tinawid ng babae ang kanilang distansiya. Wala siyang sinayang na sandali, nang makalapit siya sa lalaki ay kaagad na umangat ang kamay nito. Malakas nitong ipinukpok ang baril na hawak nito sa noo ng lalaki. Bago pa ito makakilos mabilis na ipinalibot ni Naya ang panyo sa leeg ng lalaki.

"Hindi ako tanga para maniwala sayo."  Nanggagalaiti nitong sinakal siya gamit ang hawak nitong panyo.

Napaubo ang lalaki. Kumawag ito at sinubukan niyang manlaban  ngunit mabilis na umupo si Naya sa kanyang likuran.

"Tauhan ka ni Rio!" Nagngingitngit nitong wika.

Lalong nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa panyo. Tumirik ang mata ng lalaki habang kitang-kita kung paano ito nahihirapan sa paghinga.

"Huwag kang mag-alala, magkikita pa kayo ni Rio. Hindi ko lang sigurado kung kailan. Pakihintay na lang ang amo mo sa impiyerno! Iparating mo sa kanyang ako ang pumatay sa'yo!" 

Ilang sandali lamang ay tuluyan nang bumitaw ang lalaki sa panyo. Tumigil ito sa paghinga at unti-unting bumagsak ang ulo at kamay nito sa lupa.

Tila noon na natauhan si Damielle.

"Naya!"

Kaagad namang  binitawan ni Naya ang lalaki. Mabilis siyang tumayo at napalingon sa pinagmulan ng tinig.

"Damie." Kitang-kita ang pamumutla nito.

Mabilis na tinawid ni Damielle ang kanilang distansiya. Kaagad nitong hinawakan ang magkabilang pisngi ni Naya at puno ng sinseridad na tumingin ang mga mata nito sa kanya.

"Ayos ka lang ba?"

Tila naman hinaplos ang puso ni Naya sa nakitang pag-aalala mula sa bodyguard nito. Umangat ang kamay nito at hinaplos ang kamay ni Damielle na nakalapat sa kanyang pisngi. 

"Ayos lang ako."

Napunta ang tingin ni Damielle sa lalaking nakadapa sa lupa. Bumitaw siya kay Naya at saka lumapit sa lalaki. Agad niyang dinama ang pulsuhan nito. Ilang sandali lamang ay bumaling ito ng tingin kay Naya.

"H-He's already dead." Tila nag-aalangan nitong wika.

"Masama na ba ngayon ang tingin mo sa'kin, Damie?" Kitang-kita ang lumbay sa mga mata nito.

Hindi naman umimik si Damielle Astin. Hindi niya mawari kung anong dapat niyang sabihin. Makailang ulit na siyang kumitil ng buhay, parte na iyon ng mundo niya subalit hindi pa rin niya maiwasang magulat sa nasaksihan.

"I have no choice, I have to protect myself." Tila nagpapaliwanag na turan ng babae.

"Naiitindihan kita, Naya." Nangunot ang noo ni Damielle bago nagpatuloy. “Pero sabi mo kanina, tauhan 'to ni Rio?"

Tumango naman si Naya.

"Yes. May palatandaan ang mga tapat na tauhan ni Rio. Mayroon silang tattoo sa batok."

Nang mapunta roon ang tingin ni Damielle Astin ay hindi nga nakaligtas sa paningin niya ang tattoo sa leeg ng lalaki. Maliit na bungo iyon na may nakapalibot na barb wire.

"Kung tauhan siya ni Rio, dapat hindi mo siya pinatay. Paano kapag nalaman ni--"

"Hindi malalaman ni Rio kung di ka magsusumbong." Maagap nitong wika.

"Pero maghihinala siya, Naya."

"Sa'yo siguro pero sa'kin hindi. Who would thought I am capable of killing. Pero huwag kang mag-alala, hindi kita ipapahamak, Damie."

Kumilos si Naya at humawak sa dalawang paa ng patay.

"We will dispose the body. May malapit na bangin dito, itatapon natin doon ang bangkay."

Napaawang naman ang labi ni Damielle sa narinig.

"C'mon! We need to hurry up bago pa may makakita sa'tin."

Wala nang nagawa si Damielle kundi tulugan si Naya na buhatin ang bangkay. Ilang Metro rin ang tinalunton nila bago nila narating ang sinasabing bangin ng babae. Wala silang sinayang na sandali at kaagad na itinapon ang katawan ng lalaki.

"Maaanod ang bangkay at tiyak na sa ibang lugar na matatagpuan 'yan." 

Hindi na lamang umimik si Damielle. Nang magsimulang humakbang paalis ni Naya ay sumunod na rin siya rito.

"Maraming kaaway si Rio. Hayaan mong sumakit ang ulo niya sa kakaisip kung sino sa mga kaaway niya ang may gawa nito."

"Why are doing this? Kung tauhan ito ni Rio, then for sure he has no intention to hurt you. Maybe he's following us to ensure your safety."

Sandali namang bumaling sa kanya si Naya.

"Then what's the point of hiring you as my bodyguard?"

Nang hindi umimik si Damielle ay muli itong nagsalita.

"Isa lang ang malinaw, walang tiwala sa'yo si Rio."

"That's expected because I am just newly hired."

Nagkibit-balikat si Naya.

"Pwedeng tama ka. But on the second thought, pwede ring wala siyang tiwala sa'kin kasi hindi naman ito ang unang pagkakataon na pinasundan niya ako."

"Maybe he just want to---" 

Hinarap siya ni Naya.

"Want what? He wants to protect me?” Umiling-Ilang ito. “”I don't think so, Damie."

"Then anong dahilan niya?"

"That's what I need to know."

Nagpatuloy ang babae sa paglalakad. Wala na ring imik na sumunod sa kanya si Damielle Astin. Nang makalayo na sila sa gubat ay muli siyang hinarap ni Naya Faith.

"You have seen one of my secret, Damie.  Makakaasa pa rin ba ako sa katapatan mo?"

Sinalubong ni Damielle Astin ang kanyang tingin.

"Yes, ofcourse. You can always rely on me, Naya.”

Ngunit napuno ng katanungan ang isipan ni Damielle sa posibleng dahilan kung bakit pinapasundan ni Rio si Naya. Aniya, maaaring gustong malaman ng lalaki kung may naaalala na si Naya Faith. O maaaring ring sinusubukan  lamang niya ito.

Hindi na lang maintindihan kung bakit nagpapanggap itong fiancee ni Naya gayong alam nito na asawa niya ang babae? 

Sa araw na dumaan ay lalong nadaragdagan ang palaisipan kay Damielle Astin.

Bukod sa nahihiwgaan siya sa totoong plano ni Rio Costor, hindi rin niya maitindihan ang kinikilos ni Naya Faith. Hindi niya maintindihan ang takbo ng isip nito lalo na ang mga salitang sunod nitong binitiwan.

"Then mula ngayon, iisa na tayo ng layunin. That is to dig deeper about Rio Costor."

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Cherry Liza M. Cariño
love ur story,ganda at super exciting...more action p
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Exclusively for the Mafia    Chapter 5.1

    "Psst. Boss, halika dito." Nangunot ang noo ni Damielle kasabay ng pagsuri niya ng tingin sa lalaking nakasuot ng green longsleeve at lumang maong pants na tinernuhan nito ng itim na tsinelas. Nakasuot rin ang lalaki ng balanggot hat. At sa balikat nito ay nakasabit ang kulay pink at katamtamang laki ng styro box. "Ice drop kayo diyan, boss." Pinatunog pa nito ang maliit na bell na hawak nito. "May tinda rin akong pinipig. Special 'to, boss. Ginawa 'to ng may halong pagmamahal." Matamis ang ngiti nito dahilan upang magpakita ang pantay-pantay nitong ngipin na ang isang piraso ay kulay ginto. Nasa five six ang tangkad nito. Moreno ang balat nito, bilugan ang mata at sakto lang ang tangos ng ilong. "Anong ginagawa mo rito?" Hindi niya napigilang tanong nang makilala niya ang lalaki. It was Thano Miguero, his most trusted man. Awtomatikong iginala ni Damielle Astin ang paningin upang siguruhing walang tao sa paligid. "Nagbebenta po ng ice drop, boss." Tila painosenteng turan n

    Huling Na-update : 2022-09-10
  • Exclusively for the Mafia     Chapter 5.2

    "What did you say?" Hindi napigil ni Damielle Astin ang mapakunot-noo sa tinuran ni Naya Faith. Ngunit gumuhit lamang ang pilyang ngiti sa labi ng babae. "Just kidding." Mahina itong natawa. "What? Don't tell me na naniniwala ka? With this body ang looks, mukha na ba akong nanay?" Napabuga na lamang ng hangin si Damielle. "Naya!" Tila frustrated nitong turan kasabay ng paghilot nito sa kanyang sentido. "Piliin mo naman ang gagawin mong biro." Lalo namang natawa ang modelo. "Sadyang seryoso ka lang talaga, Damie. Huwag masyado, okay? Tatanda ka nang maaga niyan." Napailing na lamang ang babae. Hindi na rin niya hinintay ang reaksyon ni Damielle, kaagad na siyang tumalikod paalis. Ngunit kasabay ng kanyang pagtalikod ay ang pagkawala ng kanyang ngiti. "Gosh! That's almost," ugong ng kanyang isipan. Hindi niya mawari kung tama ba ang ginagawa niya. Kung tutuusin ay estranghero pa rin ang kanyang bodyguard ngunit may bahagi ng isip niya na tila nagsasabing magtiwala siya rito.

    Huling Na-update : 2022-09-14
  • Exclusively for the Mafia    Chapter 6

    Flash back.... Tila nanghihinang napaupo si Raya Fae sa malambot na kama. Puno naman ng pagtataka na napatingin sa kanya si Katriss Calve. Tumigil ito sa pagbabasa ng files na kanyang hawak at lumapit sa kanyang kaibigan. "What happened?" "Nagpa-check up na ako, Kat." Mahinang saad nito. Umusbong naman ang pag-aala ni Katriss Calve. Sa mga nakaraan araw ay laging itong nirereklamo ang nararamdaman niyang pagkahilo. "Anong sabi ng doctor?" "Positive." Tila walang lakas na turan nito. Lalo namang lumakas ang kabog ng dibdib no Katriss. "Positive saan?" Nag-angat ng tingin si Raya Fae dahilan upang magsalubong ang kanilang mga mata. "I'm two months pregnant." Napaawang ang labi ni Katriss Calve sa pagkabigla. Hindi siya makapaniwala sa narinig. Paano mabubuntis ang kanyang kaibigan gayong wala naman itong kasintahan. Napayuko si Raya Fae. Kasabay no'n ay ang pagkahulog ng kanyang luha "Anong gagawin ko, Kat? Daddy will disown me." Lalo namang lumapit sa kanya si Katriss Cal

    Huling Na-update : 2022-09-15
  • Exclusively for the Mafia    Chapter 7

    Lumipas ang ilang araw na halos hindi na makatulog si Raya. Binabagabag siya ng kanyang konsensiya. Hindi niya lubos-maisip kung paano niya sisimulang sabihin sa kanyang ama ang kanyang pagbubuntis. Lumaki siyang daddy's girl at lahat ng nangyayari sa buhay niya ay nagagawa niyang maikwento kay Macario Escobar. Kaya ngayong nagsimula siyang maglihim rito ay labis na namimigat ang kanyang d*bdib. "Raya, Hija." Nakuha ng atensiyon niya ang pagpasok ni Macario sa kanyang opisina. Nagderederetsong lumapit ang kanyang ama sa kanyang kinatatayuan. "You're not telling something to me, Hija." Mahinahon ang tinig ng ama niya ngunit hindi niya naiwasan ang pagkabog ng kanyang d*bdib. Napalunok na lamang siya. Naramdaman niya ang pamumuo ng pawis sa kanyang noo. "D-Dad." Buntong-hiningang iniabot sa kanya ni Macario ang isang piraso ng papel. Tila naman nawalan ng buto ang kanyang tuhod nang makita niyang ang ultrasound result niya ang hawak ni Macario Escobar. "You're pregnant." H

    Huling Na-update : 2022-09-21
  • Exclusively for the Mafia    Chapter 8

    "Naya?" Awtomatikong natigil sa paghakbang si Raya Fae. Kusang kumabog ang kanyang dibdib. Gayunpaman ay pinilit niyang kalmahin ang sarili bago siya lumingon sa pinanggalingan ng tinig. Bumungad sa kanya ang lalaking matangkad, maputi, singkit ang mata. Matangos ang ilong at makipot ang labi. Gwapo naman ngunit hindi gano'n kalakas ang dating nito sa kanya. At kilala niya ito--walang iba kundi si Rio Costor, ang lalaking pinaghihinalaang sangkot sa pagkamatay ng kanyang kakambal. "Naya?" Ulit ng lalaki. Nangunot naman ang kanyang noo. Pinilit niyang ipakita na hindi niya kilala ang lalaki. "Who are you?" Tila naman napatda si Rio Costor. "Do I know you?" Umakto siyang parang inosente at walang alam. Hindi naman nakaligtas sa kanyang paningin ang paglunok ng lalaki. "I'm sorry, Miss. I thought you are--." Napatikhim ni Raya dahilan upang matigil sa sasabihin si Rio. "Uhm maybe you know me, Mister. I'm sorry about my attitude. Actually, I got into an ancient 3 months ago and

    Huling Na-update : 2022-09-27
  • Exclusively for the Mafia    Chapter 9

    Present Time... "Cheers." Pinag-untog nina Raya at Katriss ang kanilang hawak na kopita. Tila ba lihim nila iyong selebrasyon. Mula kasi nang pumasok sila sa mundo ni Rio Costor ay ngayon lamang sila nakakilos na tulad ng dati. "I really miss this," saad ni Raya Fae habang nagniningning ang mga mata nitong nakatitig sa hawak niyang kopita. Nang tumingin siya kay Katriss ay pinanlakihan naman siya nito ng mata bago ito pasimpleng bumaling kay Damielle Astin na nakatambay sa 'di kalayuan. Nanatili namang kalmante si Raya na para bang wala siyang sinabi. Nang bumaling si Raya kay Damielle ay nagtama ang kanilang mga mata. "Wanna join us?" Itinaas pa ng modelo ang hawak niyang alak. Marahan namang umiling si Damielle bilang tugon. "Are you sure?" "Don't invite him, Ma'am. He needs to do his job." Walang kangiti-ngiting turan ni Katriss kasabay nang pagsalin nito ng alak sa kanyang baso. "Safe naman ako dito. Hindi na niya ako kailangang bantayan." Tuluyan nang binawi ni Raya a

    Huling Na-update : 2022-10-01
  • Exclusively for the Mafia    Chapter 10.1

    Kumabog ang dibdib ni Raya Fae nang pumasok siya ng kusina. Pakiramdam niya ay pinagpawisan siya nang makita niya ang bodyguard niya. Tila ba kasi awtomatikong nag-play sa utak niya ang ginawa nila kagabi. Parang may bahagi ng utak niya na gustong umatras. Ngunit siya si Raya Fae, at hindi niya ugaling umatras o umiwas dahil lang sa hiya. Napatikhim siya upang alisin ang bara sa kanyang lalamunan. Naging dahilan naman iyon upang mapabaling ang tingin sa kanya si Damielle Astin. "Gising ka na pala. Do you want coffee?" Banayad ang tinig ng lalaki. At tila ba balewala rito ang nangyari kagabi. Gayunpaman ay nakaramdam pa rin ng pagkailang ang dalaga dahil sa titig ng kanyang kaharap. "Yes, please." Nag-iwas siya ng tingin at kaagad na pumemwesto ng upo. "Masakit ba ulo mo?" Tanong ng lalaki habang abala ito sa kanyang ginagawa. Ni hindi siya nito liningon. "Hindi naman masyado." Ilang sandali lamang ang kanyang hinintay ay lumapit na ang bodyguard sa kanya. "Ano pang gusto

    Huling Na-update : 2022-10-01
  • Exclusively for the Mafia    Chapter 10.2

    "Ano namang itatago ko?" Sinalubong ni Damielle ang nagdududang tingin ni Raya Fae. Kalmante nitong nilagay sa kanyang bulsa ang cellphone nito kahit hindi pa tapos ang pag-uusap nila ng kanyang tauhan. At nang hindi umimik ang babae ay muli itong nagsalita. "Wala naman yata akong maitatago dahil ginawan naman ako ng background check. Alam ko namang pinaimbestigahan ako ni sir Rio. I won't be hired kung may kaduda-duda sa pagkatao ko." Napabuntong-hininga naman si Raya Fae. May punto ang kanyang bodyguard. Sadyang nag-overthink lang siguro siyakaya kung anu-anong pumasok sa isip niya. Napahilot si Raya ng kanyang sentido. "Oh I'm sorry, kung anu-ano ang pumasok sa isip ko." Pagsuko nito. "Masakit ba ang ulo mo? Bumalik na tayo sa loob para makainom ka ng pain killer." Inilahad nito ang kanyang kamay. "Mabuti pa nga siguro. Pero parang mas gusto ko kung hilutin mo na lang ang ulo ko. That's more relaxing." "Sige. Kung 'yan ang gusto mo. Tara?" Muli nitong iminuwestra ang ka

    Huling Na-update : 2022-10-02

Pinakabagong kabanata

  • Exclusively for the Mafia    Special Chapter

    "Mom! Dad! I'm home!" Ang malaanghel na tinig ni Hope ang kumuha ng atensiyon nina Raya Fae at Damielle Astin. Parehong napunta ang tingin ng mag-asawa sa kabubukas na main door ng bahay. Pumasok mula roon ang isang balingkinitan babae. Maputi at tila kaylambot ang balat nito. Natural na mapula ang may kakapalan nitong labi, matangos ang ilong at mapungay ang mga mata nitong natural na mahaba ang pilik mata. At agaw pansin ang mga mata nitong kulay abo. She is Hope Villacorda. Ang prinsesa sa kanilang pamilya. Agad na tumayo si Damielle Astin. Gumuhit ang labi nito habang nakatitig sa dalagang papalapit sa kanila ni Raya Fae. Lalo ring gumuhit ang ngiti sa labi ng dalaga nang makita ang ngiti ng kanyang mga magulang. "How's your school?" Graduating na ito sa kursong Business management. "It's fine, dad." Humalik ito sa pisngi ng kanyang ama. Sunod rin itong kay Raya Fae na nakatayo sa tabi ni Damielle Astin. "Good evening po, Tito, Tita." Gumuhit ang munting ngiti sa lalaking

  • Exclusively for the Mafia    Epilogue

    "Mine." Yumakap si Damielle Astin sa beywang ng kanyang misis. Marahan niyang hinaplos ang tiyan nito. Malaki na ang umbok ng tiyan nito. Kabuwanan na nito at anumang oras ay maaari na nitong isilang ang kanilang anak. "Are you alright?" Humalik siya sa exposed na balikat nito. Sandali naman siyang liningon ni Raya. Pumatong rin ang kamay nito sa kamay ng kanyang mister. "Oo naman. Ayos na ayos lang ako." "Then why are you here?" Hindi pa rin naalis ang pag-aalala sa mga mata ni Damielle Astin. Agad naman siyang hinarap ni Raya Fae. "Binibisita ko lang siya, bigla ko siyang na-miss," gumuhit ang munting ngiti sa labi nito, "at saka para sabihin na rin sa kanya na magkakaroon na sila ng baby sister." "Yeah. Kung nandito siya, sigurong matutuwa siya katulad ni Damon. Well, except kay Devonne na ang gusto ay baby brother." "Devonne is such a loving person, hindi nga lang siya showy. Kahit sinasabi niyang baby brother ang gusto niya, I'm sure, magiging mabuting kuya pa rin siya."

  • Exclusively for the Mafia    Chapter 53

    Marahang hinahaplos-haplos ni Raya Fae ang ulo ng batang si Damon. Napapayag lamang niyang sumama ang mga bata sa kanila nang sabihin niya magkakasama silang pamilya. Sa huli pumayag na lamang siya sa gusto ni Damielle Astin na umuwi sa bahay kung saan siya nagising na kasama ito. Ayon sa lalaki, iyon daw ang bago nilang tahanan. Hindi nalalayo ang laki ng bahay sa dati nilang tahanan. Nangingibabaw ag kulay na puti at gold sa bahay kaya naman napakaaliwalas ng paligid. Mayroon na rin silid roon ang mga bata na may pintong konektado sa Master's bedroom. "Raya." Nakuha ng atensyon niya ang pagtawag ng kanyang mister. Nang mapunta ang tingin niya sa pinanggalingan ng tinig nito ay nakita niyang nakatayo ang lalaki sa pinto patungo sa Master's Bedroom. "Ngayong tulog na ang mga bata, pwede bang mag-usap tayo." Mahinahon ang tinig nitong nakikiusap. "Ano pang dapat nating pag-usapan? Pumayag na nag ako na umuwi dito sa bahay mo, 'di ba?" Hindi niya naitago ang pagsusungit sa kanyang

  • Exclusively for the Mafia    Chapter 52

    "Mga anak!" Naluluhang yumakap sa kanyang mga anak si Raya Fae. "Mommy." Mahigit na gumanti ng yakap sa kanya ang batang si Damon. Walang imik namang gumanti rin ng yakap sa kanya si Devonne. "Maraming salamat sa lumikha. Sa wakas, nahanap rin namin kayo." Hindi na napigil ni Raya Fae ang pagbuhos ng kanyang mga luha. "Mom." Tiningala siya ng batang si Devonne. Agad namang pinahid ni Raya Fae ang kanyang mga luha bago siya lumuhod upang mapantayan ang kanyang mga anak. "Kumusta kayo? Ayos lang ba kayo? May masakit ba? " Kitang-kita ang pag-aalala sa mga mata nito habang nakatingin sa mga bata. Muli ring nangilid ang kanyang luha habang hawak-hawak niya ang kanyang mga anak. "Please don't cry, mom." Kumilos ang kamay ng batang si Devonne upang tuyuhin ang kanyang luha. "We're okay, mommy." Segunda naman ng batang si Damon. "Please stop crying." Napasinghot naman ang si Raya Fae. Pinilit niya pinigil ang muling pagtulo ng kanyang luha. "Pasensya na, mga anak. Sobrang natutu

  • Exclusively for the Mafia    Chapter 51.2

    Napaungol si Raya Fae kasabay ng pagmulat niya ng kanyang mga mata. "Sa'n mo ako dadalhin?" Hindi niya naiwasang tanong habang nakatitig siya sa lalaking buhat-buhat siya. Sa halip na maghisterikal ay isiniksik niya ang kanyang mukha sa matipunong dibdib ng lalaki. Hindi niya mawari ngunit tila nakaramdam siya ng kapayapaan at seguridad sa bisig nito. "Please bring me home." Mahinang wika nito. "We're already home." Muli namang nagmulat ng kanyang mga mata si Raya Fae. Sinubukan nitong igala ang kanyang paningin ngunit tila umiikot naman ang kanyang paligid. Muli na lamang siyang napapikit upang mawala ang kanyang hilo. Pakiramdam niya ay nakadama siya ng kaginhawaan ng maramdaman niya ang paglapat ng kanyang katawan sa malambot na kutson. Sandali naman siyang pinakatitigan ng kanyang mister bago ito tumikhim. "I-I will undress you." Tila nagpapaalam namang wika ni Damielle Astin. Narinig naman iyon ni Raya Fae. Ngunit sa 'di mawaring dahilan ay hindi siya nakadama ng anumang

  • Exclusively for the Mafia    Chapter 51.1

    "Boss, bakit tayo nandito?" Hindi napigilang maitanong ni Thano Miguero kasabay ng paggala niya ng kanyang paningin sa loob ng bar. "I just want to unwind." Walang emosyong turan naman ni Damielle Astin sa kanyang tauhan. Nang umupo ang kanyang amo at umorder ito ng inumin ay wala na rin siyang nagawa kundi umupo na rin sa tabi nito. "Akala ko ba, boss, pupunta ka sa bahay nina Ma'am Raya." Napabuga naman ng hangin si Damielle Astin kasabay ng pag-iwas nito ng tingin. "Huwag na muna siguro. Baka ayaw rin lang naman niya akong harapin." Hindi na lamang umimik si Thano Miguero. Nang dumating ang order na alak ni Damielle Astin ay inialok nito sa kanya ang isang baso ngunit ngali-ngali siyang tumanggi. "Tingin mo ba, malabo na bang magkaayos pa kami ni Raya?" Tanong nito sa kanya matapos ang ilang beses na pagtungga ng alak. "Ewan ko, boss. Ikaw boss, ano sa tingin mo?" Nalukot naman ang mukha ni Damielle Astin. "You're not helping me, Thano." Napakamot naman ng ulo si Tha

  • Exclusively for the Mafia    Chapter 50

    "Raya." Hindi naitago ni Damielle Astin ang pag-aalangan sa tinig nang tawagin niya ang kanyang misis. Bagama't nakatalikod ito mula sa kanya, alam niyang umiiyak ito dahil sa pagyugyog ng balikat nito. "Nagdala ako ng pagkain." Sunod niyang wika sa mahinang tinig. At tama nga siya ng hinala na umiiyak ang babae dahil kitang-kita niya ang pagpunas ni Raya sa pisngi nito. "Hindi ako nagugutom." Matamlay nitong sagot. Ni hindi rin ito nag-abalang lingunin siya. Nanatili itong nakatanaw sa balkonahe ng silid. "Kahit konti lang." Noon na siya liningon ng kanyang misis. Kitang-kitang ang pamumula ng mga mata nito dahil sa pag-iyak at galit. "Hindi ka ba nakakaintindi? Sinabi ko na ngang hindi ako nagugutom! At saka pwede ba, Damielle, pwede ba, huwag ka muna magpapakita sa 'kin." Pakiramdam ni Damielle Astin ay nahiwa ang kanyang puso sa narinig at sa ipinakita ng kanyang misis. Ngunit ang pagguhit ng lungkot sa kanyang mga mata ay hindi na nakita ni Raya Fae dahil muli na itong

  • Exclusively for the Mafia    Chapter 49

    Flash back... Mabilis na tinalunton ni Raya Fae ang pasilyo patungo sa silid kung saan sila ikinulong. Bago siya tuluyang makarating sa silid ay narinig pa niya ang tinig ng kanyang mister. "Maghiwalay tayo, Thano. Mas madali nating mahahanap si Raya kung maghihiwalay tayo." Rinig niyang wika ng kanyang mister. Agad naman siyang nagkubli sa malaking banga na palamuti sa malawak na pasilyo. Tila tinambol ang kanyang dibdib nang masilip niya ang kanyang mister. Mas lalo siyang sumiksik sa gilid. Ngunit sa maliit na siwang ay nakagawa niyang makita ang paglinga-linga ni Damielle Astin sa paligid bago ito tuluyang umalis sa lugar. Tila naman nakahinga nang maluwag si Raya Fae. Aniya, malaya na niyang mahahanap ang kanyang mga anak. Wala nang pipigil sa kanya. Marahan siyang tumayo mula sa pinagkukublian. Ngunit tila tumalon ang kanyang puso nang bumungad sa harap niya ang bunganga ng baril. Napalunok siya. Agad ring napunta ang tingin niya sa may hawak ng baril. Bumungad sa kan

  • Exclusively for the Mafia    Chap 48

    "Hurry! Hurry up!" Sigaw ni Milo sa mga bata bago siya nakipagpalitan ng putok sa mga nakasunod sa kanila na tauhan ni Rio Costor. Nagtagumpay naman siyang mapatumba ang isa bago siya sumunod sa tumatakbong mga bata. Mabuti na lamang at naisipan nilang dumaan sa binata dahil kung hindi ay baka nasukol na sila ng mga tauhan ng kanyang kapatid. Kahit papaano ay nakahinga na siya ng kaunti dahil nakalabas na sila ng mansion ni Rio Costor. Gayunpaman kahit nasa kalsada na sila ay tuloy pa rin sa paghabol sa kanila ng mga tauhan ng kanyang kapatid. At hindi niya hahayaang magtagumpay ang mga ito. Muli siyang nakipagpalitan ng putok habang patuloy siya sa pagtakbo kasama ang mga bata. "Hurry! Hurry! Let's get over there." Mabilis niyang iginiya paliko ang bata sa eskinita. "I'm afraid, mister. Are they going to shoot us. I don't wanna die." Maluha-luha ang batang si Damon. Kitang-kita ang takot sa mga mata nito sa malamlam na liwanag na nagmumula sa lamp post ng walang katao-taong k

DMCA.com Protection Status