Bumukas ang pintuan ng silid na inuukopa ni Naya Faith Sevestre na siyang dahilan upang awtomatiko mapalingon roon si Damielle Astin Villacorda. Mula sa kabubukas na pinto ay lumabas si Naya na nakatapis ng puting tuwalya. Tinutuyo nito ang kanyang buhok gamit ang puting towel. Tila wala itong pakialam sa presenya ng kahit sinuman. Hindi naman naiwasan ni Damielle Astin ang mapalunok nang makita niyang tumulo ang tubig pababa sa dibdib ng babae.
Napatikhim na lamang siya upang mawala ang panunuyo ng kanyang lalamunan. Subalit naging dahilan iyon upang makuha niya ang atensiyon ni Naya Faith.
"Hi, Damie." Gumuhit ang matamis na ngiti sa labi nito. "Please prepare a cup of coffee for me."
Bago makaimik si Damielle ay muli itong nagsalita.
"By the way, if I am not mistaken, Katriss discussed you the rules you need to follow, right?"
"Yeah." Tango niya kahit naguguluhan siya sa tinuran nito.
Ang matamis na ngiti sa labi ng modelo ay unti-unti napalitan ng kapilyahan.
"Rule number one! Huwag na huwag mong pagnanasahan ang fiancee ni Rio Costor."
Napaawang naman ang labi ni Damielle Astin. Tanong niya sa sarili, gano'n ba siya ka-obvious? Nag-iwas na lamang siya ng tingin dahil sa hiya.
"Anything else for breakfast aside from coffee?" Pang-iiba niya sa usapan.
Mahinang natawa si Naya Faith.
"Trying to change the topic, huh?" Umiling-iling ito. "Alright, coffee is already enough for me."
Bago pa makaimik ang lalaki ay tumalikod na si Naya pabalik sa kanyang silid.
"Just bring the coffee in my room." Bago ito tuluyang makapasok sa silid ay muli itong lumingon kay Damielle, nasa labi pa rin nito ang pilyang ngiti. "Don't worry, hindi mo ako madadatnan na nakahub*d."
Napailing na lamang si Damielle Astin. Aniya, tila bagong version ng Naya ang kanyang kasama ngayon, bukod sa tila pagiging liberated nito ay kapansin-pansin rin ang pagiging pilya nito. Isang bagay na hindi ugali ng kanyang misis.
Tangan-tangan ni Damielle Astin ang isang tray ng pumasok siya sa silid ni Naya Faith. Agad namang napansin ng babae ang kanyang presensiya. Sandali siya nitong nilingon bago muli nagpatuloy sa pagkukulot sa buhok nito.
"Pakilagay na lang diyan sa mesa."
"I cooked a scrambled egg with veggies for you. Good diet for a model like you."
Muling napasulyap sa kanya si Naya Faith. Gumuhit ang munting ngiti sa labi nito.
"Great! Mukhang hindi ko na kailangang kumuha ng assistant. Pwede naman yatang all around ang bodyguard ko."
Nang hindi umimik si Damielle ay muli siyang nagsalita.
"Kaya mo naman akong alagaan, right?"
"Oo naman. Sige na, kumain ka na. Tawagin mo na lang ako kapag tapos ka na." Akmang tatalikod na si Damielle Astin nang biglang magsalita si Naya Faith.
"Narinig kita kagabi, Damie." Awtomatikong napahinto si Damielle. Sinamantala naman iyon ni Naya, agad siyang tumayo sa pagkakaupo sa kama at mabilis na humarang sa daraanan ng lalaki. Unti-unting gumuhit sa labi nito ang mapaglarong ngiti dahilan upang makaramdam ng kaba si Damielle Astin.
Anong narinig nito? Narinig ba nito ang huli niyang winika? Naramdaman kaya nito ang ginawa niyang paghalik.
"Akala mo ba, hindi ko maaalala dahil lang sa lasing ako."
"Ang alin, ma'am?" Pinilit niyang itinago ang kabang kanyang nadarama.
Mahinang natawa si Naya Faith.
"So, bumalik ka na ngayon sa pagiging magalang? Akala mo ba hindi ko naalala na tinawag mo akong Naya kagabi? You also called Rio on his first name."
Kahit papaano ay nakahinga ng maluwag si Damielle Astin. Buong akala niya ay narinig nito ang huli niyang sinabi kagabi.
"I'm sorry, ma'am. I'll try to be more formal next time."
Naging dahilan iyon upang lalong lumakas ang tawa ni Naya
"Don't be afraid. Hindi kita isusumbong kay Rio. Actually, it's just fine if you will call me Naya. Pero huwag ka lang magpapahuli sa mga tauhan ni Rio and most especially to him. Baka masibak ka bigla kapag nahuli ka."
Nawala ang ngiti sa labi nito. Unti-unting naging seryoso ang ekspresiyon ng mukha nito.
"Iyon ay kung bibigyan ka pa ni Rio ng chance na mabuhay."
Nangunot ang noo ni Damielle Astin. Kumabog ang kanyang dibdib. Sa tinuran ng babae ay tila ba pahiwatig iyon na alam nito kung gaano kabangis ang lalaking tinuturing nitong kasintahan.
"Noong mag-apply kang bodyguard ko, alam mo ba talaga kung ano ang pinasok mo, Damie?" Naging malamlam ang mga mata nito. Hindi mawari ni Damielle ngunit tila ba nakakita siya ng concern sa mga mata ng modelo.
"Yes, ofcourse."
“Alam na alam ko.” Ugong ng kanyang isipan.
"Are you sure?"
Hindi umimik si Damielle Astin. Hindi niya alam kung paano niya sasagutin ang tanong ng babae.
"I heard, dati kang bodyguard. Alam kong sanay ka sa medyo magulong mundo. But you have to be aware na hindi katulad ng dating amo mo si Rio."
Napalunok si Damielle. Tanong niya sa sarili, ano at gaano kadami ang nalalaman ng babae?
"What do you mean, Naya? What are you trying to say? Sino ba si Rio Costor maliban sa pagiging businessman?"
Alam niya ang sagot ngunit gusto niyang timbangin kung ano ang nalalaman ng kanyang misis.
"Well, it's not safe for you to know, Damie. Just a piece of advice, habang maaga pa, quit your job now. Rio Costor is a very dangerous man."
"Hindi ako natatakot, Naya. At saka kung totoo 'yang sinasabi mo, bakit ka nasa poder niya ngayon? If he is dangerous, then you're not supposed to be here."
Gumuhit ang ngisi sa mapulang labi ni Naya Faith.
"Oh Damie, you don't know what a desperate woman can do."
Gumuhit naman ang gitla sa noo ng Ginoo.
"Desperate on what?"
Sinalubong ni Naya ang tingin nito. Ilang sandali niya itong tinitigan bago nagsalita.
"Desperate in love."
Parang umugong iyon ng ilang ulit sa isip ni Damielle. Naramdaman niya ang hapdi sa kanyang dibdib dahil sa ideyang may nabuo nang pagtingin ang misis niya kay Rio.
"Sabihin na lang natin na ginagawa ko ang lahat ng ito dahil sa pag-ibig. Damie, ang taong nagmamahal, handang suungin at harapin ang kahit anuman. Kapag nagmamahal ka, kahit pa kamatayan nakahanda kang harapin."
Tila lalong napiga ang puso ni Damielle. Gano'n na ba katindi ang pag-ibig ni Naya kay Rio na kahit ano ay nakahanda itong gawin?
"Then I will not quit my job."
Sa tinuran ng babae mas lalo ngayong tumindi ang kagustuhang niyang mabawi ang kanyang misis. No way! Hindi niya papayagang tuluyang mapunta sa kinamumuhian niyang tao ang pinakamamahal niyang si Naya Faith.
"If you insist to stay then be mine, Damie. Pledge your loyalty to me." Humawak si Naya sa kanyang kamay. "Maaasahan ba kita, Damie Vallejos?"
Gumanti ng hawak si Damielle sa kamay ng kanyang misis. Masuyo niya iyong pinisil na para bang sa gano'n paraan ay maiparamdam nito ang wagas niyang pagsinta.
"Lagi mo akong maasahan, Naya. My loyalty is only yours." Puno ng sinseridad, hindi lamang ang tinig nito kundi maging ang mga mata nito.
"Then from now on, you’re mine. We'll start our secret alliance, Damie."
Pasimpleng dumikit si Damielle Astin kay Raya Faith kasabay ng pagpayong niya sa babae. "Huwag kang magpapahalata, may sumusunod sa atin." Mahinang turan niya. Huminto si Naya sa paglalakad dahilan upang mapahinto rin si Damielle. Nasa isang isla sila para sa photo shoot ng babae. At dahil undiscovered pa ang naturang pasyalan ay walang masyadong tao sa paligid. Naramdaman naman ni Damielle ang pagkubli ng lalaking nakasunod sa kanila sa isang puno na naroon. Nakasuot ito ng itim na cap, plain black T-shirt at maong pants. "Why did you stop?" Kunot-noong turan ni Damielle Astin. Sa halip na sumagot si Naya Faith ay gumuhit ang ngisi sa labi nito. Bago pa makaimik si Damielle Astin ay humakbang na ang paa ng babae at mabilis na tumakbo. Sakto namang naka-pantalon at hoodie jacket si Naya na tinernuhan niya ng rubber shoes. "Naya!" Sandali siyang nilingon nito. "C'mon, Damie! Habulin mo ako!" Humahikgik ito kasabay ng pagtakbo nito. "Oh, please! Stop being naughty!" Ngunit
"Psst. Boss, halika dito." Nangunot ang noo ni Damielle kasabay ng pagsuri niya ng tingin sa lalaking nakasuot ng green longsleeve at lumang maong pants na tinernuhan nito ng itim na tsinelas. Nakasuot rin ang lalaki ng balanggot hat. At sa balikat nito ay nakasabit ang kulay pink at katamtamang laki ng styro box. "Ice drop kayo diyan, boss." Pinatunog pa nito ang maliit na bell na hawak nito. "May tinda rin akong pinipig. Special 'to, boss. Ginawa 'to ng may halong pagmamahal." Matamis ang ngiti nito dahilan upang magpakita ang pantay-pantay nitong ngipin na ang isang piraso ay kulay ginto. Nasa five six ang tangkad nito. Moreno ang balat nito, bilugan ang mata at sakto lang ang tangos ng ilong. "Anong ginagawa mo rito?" Hindi niya napigilang tanong nang makilala niya ang lalaki. It was Thano Miguero, his most trusted man. Awtomatikong iginala ni Damielle Astin ang paningin upang siguruhing walang tao sa paligid. "Nagbebenta po ng ice drop, boss." Tila painosenteng turan n
"What did you say?" Hindi napigil ni Damielle Astin ang mapakunot-noo sa tinuran ni Naya Faith. Ngunit gumuhit lamang ang pilyang ngiti sa labi ng babae. "Just kidding." Mahina itong natawa. "What? Don't tell me na naniniwala ka? With this body ang looks, mukha na ba akong nanay?" Napabuga na lamang ng hangin si Damielle. "Naya!" Tila frustrated nitong turan kasabay ng paghilot nito sa kanyang sentido. "Piliin mo naman ang gagawin mong biro." Lalo namang natawa ang modelo. "Sadyang seryoso ka lang talaga, Damie. Huwag masyado, okay? Tatanda ka nang maaga niyan." Napailing na lamang ang babae. Hindi na rin niya hinintay ang reaksyon ni Damielle, kaagad na siyang tumalikod paalis. Ngunit kasabay ng kanyang pagtalikod ay ang pagkawala ng kanyang ngiti. "Gosh! That's almost," ugong ng kanyang isipan. Hindi niya mawari kung tama ba ang ginagawa niya. Kung tutuusin ay estranghero pa rin ang kanyang bodyguard ngunit may bahagi ng isip niya na tila nagsasabing magtiwala siya rito.
Flash back.... Tila nanghihinang napaupo si Raya Fae sa malambot na kama. Puno naman ng pagtataka na napatingin sa kanya si Katriss Calve. Tumigil ito sa pagbabasa ng files na kanyang hawak at lumapit sa kanyang kaibigan. "What happened?" "Nagpa-check up na ako, Kat." Mahinang saad nito. Umusbong naman ang pag-aala ni Katriss Calve. Sa mga nakaraan araw ay laging itong nirereklamo ang nararamdaman niyang pagkahilo. "Anong sabi ng doctor?" "Positive." Tila walang lakas na turan nito. Lalo namang lumakas ang kabog ng dibdib no Katriss. "Positive saan?" Nag-angat ng tingin si Raya Fae dahilan upang magsalubong ang kanilang mga mata. "I'm two months pregnant." Napaawang ang labi ni Katriss Calve sa pagkabigla. Hindi siya makapaniwala sa narinig. Paano mabubuntis ang kanyang kaibigan gayong wala naman itong kasintahan. Napayuko si Raya Fae. Kasabay no'n ay ang pagkahulog ng kanyang luha "Anong gagawin ko, Kat? Daddy will disown me." Lalo namang lumapit sa kanya si Katriss Cal
Lumipas ang ilang araw na halos hindi na makatulog si Raya. Binabagabag siya ng kanyang konsensiya. Hindi niya lubos-maisip kung paano niya sisimulang sabihin sa kanyang ama ang kanyang pagbubuntis. Lumaki siyang daddy's girl at lahat ng nangyayari sa buhay niya ay nagagawa niyang maikwento kay Macario Escobar. Kaya ngayong nagsimula siyang maglihim rito ay labis na namimigat ang kanyang d*bdib. "Raya, Hija." Nakuha ng atensiyon niya ang pagpasok ni Macario sa kanyang opisina. Nagderederetsong lumapit ang kanyang ama sa kanyang kinatatayuan. "You're not telling something to me, Hija." Mahinahon ang tinig ng ama niya ngunit hindi niya naiwasan ang pagkabog ng kanyang d*bdib. Napalunok na lamang siya. Naramdaman niya ang pamumuo ng pawis sa kanyang noo. "D-Dad." Buntong-hiningang iniabot sa kanya ni Macario ang isang piraso ng papel. Tila naman nawalan ng buto ang kanyang tuhod nang makita niyang ang ultrasound result niya ang hawak ni Macario Escobar. "You're pregnant." H
"Naya?" Awtomatikong natigil sa paghakbang si Raya Fae. Kusang kumabog ang kanyang dibdib. Gayunpaman ay pinilit niyang kalmahin ang sarili bago siya lumingon sa pinanggalingan ng tinig. Bumungad sa kanya ang lalaking matangkad, maputi, singkit ang mata. Matangos ang ilong at makipot ang labi. Gwapo naman ngunit hindi gano'n kalakas ang dating nito sa kanya. At kilala niya ito--walang iba kundi si Rio Costor, ang lalaking pinaghihinalaang sangkot sa pagkamatay ng kanyang kakambal. "Naya?" Ulit ng lalaki. Nangunot naman ang kanyang noo. Pinilit niyang ipakita na hindi niya kilala ang lalaki. "Who are you?" Tila naman napatda si Rio Costor. "Do I know you?" Umakto siyang parang inosente at walang alam. Hindi naman nakaligtas sa kanyang paningin ang paglunok ng lalaki. "I'm sorry, Miss. I thought you are--." Napatikhim ni Raya dahilan upang matigil sa sasabihin si Rio. "Uhm maybe you know me, Mister. I'm sorry about my attitude. Actually, I got into an ancient 3 months ago and
Present Time... "Cheers." Pinag-untog nina Raya at Katriss ang kanilang hawak na kopita. Tila ba lihim nila iyong selebrasyon. Mula kasi nang pumasok sila sa mundo ni Rio Costor ay ngayon lamang sila nakakilos na tulad ng dati. "I really miss this," saad ni Raya Fae habang nagniningning ang mga mata nitong nakatitig sa hawak niyang kopita. Nang tumingin siya kay Katriss ay pinanlakihan naman siya nito ng mata bago ito pasimpleng bumaling kay Damielle Astin na nakatambay sa 'di kalayuan. Nanatili namang kalmante si Raya na para bang wala siyang sinabi. Nang bumaling si Raya kay Damielle ay nagtama ang kanilang mga mata. "Wanna join us?" Itinaas pa ng modelo ang hawak niyang alak. Marahan namang umiling si Damielle bilang tugon. "Are you sure?" "Don't invite him, Ma'am. He needs to do his job." Walang kangiti-ngiting turan ni Katriss kasabay nang pagsalin nito ng alak sa kanyang baso. "Safe naman ako dito. Hindi na niya ako kailangang bantayan." Tuluyan nang binawi ni Raya a
Kumabog ang dibdib ni Raya Fae nang pumasok siya ng kusina. Pakiramdam niya ay pinagpawisan siya nang makita niya ang bodyguard niya. Tila ba kasi awtomatikong nag-play sa utak niya ang ginawa nila kagabi. Parang may bahagi ng utak niya na gustong umatras. Ngunit siya si Raya Fae, at hindi niya ugaling umatras o umiwas dahil lang sa hiya. Napatikhim siya upang alisin ang bara sa kanyang lalamunan. Naging dahilan naman iyon upang mapabaling ang tingin sa kanya si Damielle Astin. "Gising ka na pala. Do you want coffee?" Banayad ang tinig ng lalaki. At tila ba balewala rito ang nangyari kagabi. Gayunpaman ay nakaramdam pa rin ng pagkailang ang dalaga dahil sa titig ng kanyang kaharap. "Yes, please." Nag-iwas siya ng tingin at kaagad na pumemwesto ng upo. "Masakit ba ulo mo?" Tanong ng lalaki habang abala ito sa kanyang ginagawa. Ni hindi siya nito liningon. "Hindi naman masyado." Ilang sandali lamang ang kanyang hinintay ay lumapit na ang bodyguard sa kanya. "Ano pang gusto