Sa kabilang panig, hindi maintindihan ni Damielle Astin ang sarili ngunit namalayan na lamang niyang nasa tapat na siya ng silid na inuukopa ng kambal. "What am I doing here?" Buntong-hininga siyang humakbang paalis ngunit bago pa siya tuluyang makatalikod ay bumukas ang pinto ng silid. Nang bumaling siya roon ay bumungad sa kanyang ang batang walang kangiti-ngiti. Nang magtama ang kanilang mga mata ay agad gumuhit ang gitla sa noo ng bata. "It's you again!" Humalikipkip ang batang si Devonne. "What are you doing here, monster?" Tila naman nagpantig ang tainga ni Damielle Astin sa narinig. Oo nga at may pilat siya sa pisngi ngunit hindi iyon sapat upang tawagin siyang monster ng bata. "Huwag mo akong pakikitaan ng sungay, bata kung gusto mong ibalik pa kita sa magulang mo." Pinandilatan niya ito ng mata. Buong akala niya ay matatakot ang bata ngunit nagkamali siya. Lalo lamang itong tumapang. Hindi rin nito naitago ang pagkuyom ng kanyang kamao. "I hate you!" Sigaw nito sa kany
Nangyari nga ang inutos ni Damielle Astin. Matapos niyang dalhin sa Foundation ang mga bata ay gumawa ang mga tauhan ng anunsiyo sa telebisyon, pahayagan at maging sa online news. Napatingin si Damielle Astin sa pintuan nang marinig niya ang tatlong beses na katok. Ilang sandali lamang ay bumukas iyon at iniluwa ang tauhan niyang si Thano. "Boss?" Panimula nito. "Dumating na ang nanay ng mga bata, boss." Tila nakaramdam siya ng munting kurot sa puso. Makalipas ang tatlong araw ay makakauwi na ang dalawang bata sa kanilang pamilya. Wala na siyang papanoorin sa monitor na batang naglalaro sa loob ng silid. Hindi na siya maasar sa masungit na mukha ni Devonne at hindi na siya matatawa habang pinapanood silang dalawa. Napalunok siya. Tumango rin siya kasabay ng kanyang pagsasalita. "That's good, after three days she came." Napatikhim naman si Thano. "Pero boss, hindi po kayo maniniwala kung sinong nanay ng mga bata." Nangunot ang noo ni Damielle Astin. "Why?" Nang hindi umimik s
Tila nakaramdan ng kahungkagan si Damielle Astin. Sa sumunod na tatlong araw ay wala siyang ganang magtrabaho sa kahit legal man o illegal niyang negosyo. Basta ang alam niya, gusto lang muna niyang manatili ng kanyang bahay at magkulong sa kwarto. At tila bumalik siya sa reyalidad nang bumukas ang pinto ng silid. Awtomatikong nangunot ang kanyang noo. Handa na sana siyang magsungit ngunit naunahan siya ni Thano sa pagsasalita. "Boss, may bisita ka." "Tell the visitor that I'm busy." Lukot ang mukhang turan ni Damielle kasabay ng pagtagilid niya ng higa at pagyakap sa unan. "Pero boss, importanteng tao 'yong bisita mo." "I don't care, Thano! Pauwiin mo na siya. I'm not on the mood to face anyone." Napabuntong-hininga naman si Thano. "Huwag mo na kasing masyadong dibdibin, boss. Uso po ang mag-move on." Agad naman napabaling si Damielle sa kanyang tauhan. "What are you talking about?" "Sus, boss, gets mo na 'yon. Huwag ka na pong maang-maangan." Napailing na lamang si Damiel
"Mommy! We have a visitor!" Ang matinis na sigaw ni Damon ang kumuha ng atensiyon ni Raya Fae. Agad niyang tinapos ang ginagawa niya sa kusina at nagmadali siyang tumungo sa sala ng bahay. "Come in and take a seat, mister." Narinig pa niyang wika ng batang si Damon bago siya tuluyang makarating sa sala. "Thank you, kiddo. But anyway, you can call me Uncle." Hinaplos ni Gabriel Villacorda ang buhok ng kanyang pamangkin. "Why should we? You're not even close to the family." Sabat ng batang si Devonne na nakasalampak sa sahig at kaharap nito ang center table kung saan naroon ang coloring book at pangkulay nito. Sa halip na mainis ay gumuhit naman ang munting ngiti sa labi ni Gabriel Villacorda. "You sounds like your father. Hindi ko akalaing magmamana ka sa Daddy mo." Mahinahong wika niya. "We don't have a dad. "Sumimangot ang batang si Devonne. At tila naman kinurot ang puso ni Raya Fae sa nasaksihan. Ang batang si Damon naman ay tila naging interesado sa narinig niya mula kay
Tila nanuyo ang lalamunan ni Raya Fae nang tuluyan silang makapasok sa tahanan ni Damielle Astin. Pagpasok pa lamang nila sa sala ay bumangad sa kanila ang lalaking nakatalikod. Mula sa tangkad at pangangatawan nitong tila perpekto ay nahulaan na niya kung sino ito. "Nandito na kami, boss." Pagkuha ni Thano sa atensiyon nito. Nang humarap sa kanila si Damielle Astin Villacorda ay nagtama ang kanilang mga mata. Hindi mawari ni Raya Fae ngunit pakiramdam niya ay maghurumentado ang kanyang puso. Sa unang tingin ay mapapansin agad na may nagbago rito. Wala na ang pilat sa pisngi ng lalaki. Lalo tuloy itong naging makisig sa paningin ng babae. Sandaling bumaling si Damielle sa kanyang tauhan dahilan upang maputol ang titig nila sa isa't-isa. Nang tanguan ni Damielle si Thano ay tuluyan na rin silang iniwan ng tauhan. "Daddy!" Mabilis na tumakbo si Damon patungo sa kanya at binigyan siya nito ng mahigpit na yakap. "I miss you so much, daddy. Finally, you are infront of us now." Maluha
Naalimpungatan si Raya Fae dahil sa sunod-sunod na tunog ng doorbell. Nang mapatingin siya sa orasan ay napag-alaman niyang pasado alas-onse na nang gabi. Pupungas-pungas siyang bumangon. Sino ba kasi ang bisita nila sa ganoong oras ng gabi? Nang makalabas siya ng silid ay muling tumunog ang doorbell. "Oo! 'Andiyan na!" Sigaw niya. Lukot ang mukha niyang binuksan ang pinto. Bago pa siya makahuma ay sumubsob na sa balikat niya ang matangkad na lalaki. Nagawa niya itong itulak. At tila naghurumentado ang kanyang puso nang makilala niya kung sino ito. "A-Anong ginagawa mo dito?" Tanging ungol lamang ang naisukli ni Damielle Astin bago muling sumubsob ang mukha nito leeg ni Raya Fae.. "Amoy alak ka!" Muling niya itong itinulak ngunit humigpit naman ang pagkakayakap sa kanya ni Damielle Astin. "I'm begging you, Raya, huwag mong ipagkait sa'kin ang mga anak ko. Tama na ang apat na taong itinago mo sila sa'kin." Tila naman hinaplos ang puso niya sa narinig. Hindi niya naiwasan ang m
"Yeheyy!" Tila hinaplos ang puso ni Raya Fae. Walang pagsidhan ang ligayang nadarama niya habang nakikita niyang masayang naglalaro ang dalawang bata sa playground ng Aloha resort. Maganda ang lugar. Bukod sa maraming puno na kay presko sa paningin ay mayroon ding ilog at talon na maaaring pasyalan. Atrasksyon din sa lugar ang indoor playground nito. "The place is so nice." Hindi naiwasang maikomento ni Raya kasabay ng paggala niya sa kanyang paningin. "I'm glad you liked it." Hindi akalaing ni Raya na gano'n kabilis ang kilos ni Damielle Astin. Matapos ang kanilang agahan kanina ay naghanda na sila ng kanilang mga damit. Pasado alas nuebe pa lamang ng umaga ay nagsimula na silang bumiyahe. Tuloy-tuloy ang biyahe, tumigil lamang sila nang mananghalian sila sa nadaanan nilang fast food chain. At makalipas lamang ang limang oras na biyahe ay narating na nila ang Aloha Resort. Pagkarating pa lamang nila sa lugar ay ang indoor playground na agad ang pinuntahan ng mga bata. "Damiell
It was a well spent three days vacation. Sa sunod-sunod na tatlong araw ay nasaksihan ni Raya Fae kung paano bumawi si Damielle Astin sa kanyang mga anak. Sobrang nag-enjoy ang mga bata sa swimming, island hoping at ilang ulit na pagpapabalik-balik nila sa indoor playground ng resort. "Tulog na ang mga bata." Imporma niya kay Damielle Astin nang pumasok ito sa villa na inookupa nila. "Masyadong yata silang napagod sa swimming kanina. Salamat, sobrang nag-enjoy ang mga bata." "How about you, Raya? Did you enjoyed the vacation?" Napaawang naman ang labi ni Raya Fae. Hindi niya naiwasan tanungin ang sarili. Na-enjoy nga ba niya ang bakasyon nila? Kung tutuusin sa tatlong araw na iyon, wala silang ibang ginawa ni Damielle Astin kundi alalayan ang mga bata ngunit sobrang umaapaw ang kaligayahang kanyang nadarama. "Oo naman." Iyon siguro ang mahalaga. Makita lamang niyang masaya ang kanyang mga anak ay sapat na sa kanya. Kontento na siyang makita ang mga anak niyang masaya. "Uuwi n