It was a well spent three days vacation. Sa sunod-sunod na tatlong araw ay nasaksihan ni Raya Fae kung paano bumawi si Damielle Astin sa kanyang mga anak. Sobrang nag-enjoy ang mga bata sa swimming, island hoping at ilang ulit na pagpapabalik-balik nila sa indoor playground ng resort. "Tulog na ang mga bata." Imporma niya kay Damielle Astin nang pumasok ito sa villa na inookupa nila. "Masyadong yata silang napagod sa swimming kanina. Salamat, sobrang nag-enjoy ang mga bata." "How about you, Raya? Did you enjoyed the vacation?" Napaawang naman ang labi ni Raya Fae. Hindi niya naiwasan tanungin ang sarili. Na-enjoy nga ba niya ang bakasyon nila? Kung tutuusin sa tatlong araw na iyon, wala silang ibang ginawa ni Damielle Astin kundi alalayan ang mga bata ngunit sobrang umaapaw ang kaligayahang kanyang nadarama. "Oo naman." Iyon siguro ang mahalaga. Makita lamang niyang masaya ang kanyang mga anak ay sapat na sa kanya. Kontento na siyang makita ang mga anak niyang masaya. "Uuwi n
"Bakit mo ako hinalikan?" Hindi napigil ni Raya Fae ang panlalaki ng kanyang mga mata. "To shut you up." Muling tumalikod si Damielle Astin. Humakbang rin si Raya Fae upang sundan siya. "Hoy, ano ba! Huwag mo nga akong iwan!" Mabilis na humarang si Raya Fae sa kanyang daraanan dahilan upang matigil si Damielle Astin sa paghakbang. "Alam mo, wala kang konsensiya para iwanan ako nang mag-isa. Alam mo namang hindi ko kabisado rito tapos ang dilim-dilim pa rito .Paano na lang kung may mangyaring masama sa'kin? Kakayanin ba ng konsen--" "Miss Escobar!" Natigil si Raya sa sasabihin dahil sa pagtawag. Pareho silang napalingon ni Damielle sa pinagmulan ng tinig. Nangunot ang noo ng babae nang makita niya kung sino ang papalapit. Iyon ay walang iba kundi ang lead vocalist ng banda. "Don't you remember me, Miss Escobar?" Lalo namang lumalim ang gitla sa noo ng babae. Lalo siyang napatitig sa mukha ng lead vocalist. Aniya sa sarili, pamilyar nga ito sa kanya. Tila ba nakita na niya ito
"W-What do you mean?" Hindi naiwasan ni Raya Fae ang mautal. "You'll find out later," turan naman ni Damielle Astin bago ito humakbang patungo sa balkonahe ng silid na kinaroroonan nila. Kumakabog naman ang dibdib ni Raya habang nakamasid sa lalaki. "C'mon, Raya." Pagtawag sa kanya ni Damielle Astin. Sandali pa siya nitong tinitigan bago ito umupo sa duyan na gawa sa rattan. Hindi naman naiwasan ni Raya Fae ang pagkabog ng kanyang dibdib nang magsimula siyang humakbang palapit. "Here." Tinapik ni Damielle Astin ang espasyo sa kanyang tabi. Napakurap ang dalaga. "Uupo ako diyan?" Tumikwas naman ang gilid ng labi ni Damielle Astin. "Why? Do you want sit on my lap instead?" Agad namang nanlaki ang mata ni Raya Fae. "Hoy! Siraulo!" Gumuhit naman ang pilyong ngiti sa labi ni Damielle Astin. "See that attitude of yours? Ganito ka sa'kin dati noong bodyguard mo pa ako. Tapos kapag napipikon ako, pagtatawanan mo ako." Napahalukipkip naman ang babae. "Ah, gumaganti ka?" "Hindi
Tila abot hanggang langit ang kabog ng dibdib ni Raya Fae nang makita niya ang nakaparadang itim na Pajero sa garahe ng kanilang bahay. Isa lamang ang ibig sabihin, dumating na ang kanyang ama mula sa probinsya. "Sandali lang.” Pigil niya kay Damielle Astin nang makita niyang pababa na ito ng sasakyan. "Hindi mo na kami kailangang ihatid sa bahay. Dito ka na lang." Gumuhit ang pilit na ngiti sa labi nito. Nangunot naman ang noo ni Damielle Astin. Binigyan niya ito ng tinging tila nagtatanong. "Ano kasi eh--" Ramdam ni Raya Fae ang pagpapawis niya ng malapot. Ano nga ba ang sasabihin niya? At paano siya magpapaliwanag sa kanyang ama. "Kasi ano?" Tila naiinip na tanong ni Damielle Astin. "Kasi nandiyan na si Dad. Siguradong magagalit-" "Lalo siyang magagalit kapag hindi ako nagpakita. And maybe it's already about time for me to meet your father." Tila man lang hindi nakaramdam ng kaba ang lalaki. "Pero--" Bago pa siya nakatutol ay nauna nang bumaba ng sasakyan si Damielle Asti
Hindi naiwasan ni Raya Fae ang malula nang makarating sila sa mansion ng mga Villacorda. Kung malaki na ang bahay ni Damielle Astin ay 'di hamak na mas malaki at mas malawak ito ng sampung beses. Mayroong limang bahagi ang mansion. Iyon ay ang main House at apat na bahay na inilaan para sa apat na anak ni Don Flacido Villacorda. Mayroon pangalan ang bawat bahay na konektado sa main house. Iyon ay ang House of Gabriel, House of Florence, House of Astin at House of Bluementrint. At dahil nga mayroon nakalaang bahay para kay Damielle ay sa main door ng House of Astin sila dumeretso. "Wow! This is such a big house!" Hindi naitago ng batang si Damon ang kanyang pagkamangha. Samantalang ang batang si Devonne naman ay nanatiling walang kibo. "Sandali!" Hinawakan ni Raya Fae ang braso ni Damielle Astin. Naging dahilan rin iyon upang mapalingon sa kanya ang lalaki. "Tell me about your father. Hindi naman siguro siya masungit 'di ba? Tingin mo, magagawa niya kayang tanggapin ang mga anak k
Mabilis na dumapo ang malakas na sampal sa pisngi ni Damielle Astin. Awtomatikong napaawang ang kanyang labi at nasapo niya ang kanyang pisngi. "Malandi?" Pakiramdam ni Raya Fae ay para siyang sasabog sa galit. "Ang baba naman ng tingin ko sa'kin, Damielle! Ano? Porket ba isa lang akong disgrasyadang babae?" Bago pa makahuma si Damielle Astin ay muli niya itong pinalo sa dibdib. "Damn you! You know yourself, that night was my first time!" Lalo siyang nagngitngit. Hindi na rin niya napigilan ang pangingilid ng kanyang luha. "And for the rest of my life, I never let any man undress me like you do! Hindi ako malandi. Hindi ako pakawalang babae!" Bago pa makaimik si Damielle Astin ay mabilis siyang tumalikod. Agad rin niyang pinunas ang kanyang luha. Ngunit bago siya tuluyang makalayo ay mabilis niyang sinundan ni Damielle Astin. Nagawa nitong humarang sa daraanan ng dalaga. "Huwag mo nga akong tatalikuran! Hindi pa tayo tapos mag-usap." "Umalis ka diyan!" Patuloy pa rin ang pagtulo
Mataas na ang sikat ng araw nang magising si Raya Fae. Hindi naman niya masisi ang sarili dahil tumitilaok na ang manok nang makatulog siya. Bukod sa hindi siya pinatulog ng sama ng loob ay naging distraksyon rin niya ang presensya ni Damielle Astin sa kanyang tabi. Bagama't hindi na sila nag-imikan at nakalikod siya rito ay ramdam naman niya ang paninitig nito. Hindi niya alam kung sino sa kanila ang unang nakatulog, basta ang huli niyang natatandaan ay hinila na siya ng antok dahil sa labis na pagod. "Good morning, mommy." Agad napabaling si Raya Fae sa pinagmulan ng tinig. Sa kanyang tabi ay nakaupo ang batang si Damon. Matamis ang ngiti nitong nakatitig sa kanya. Tuluyan na ring gumuhit ang matamis na ngiti sa labi ni Raya Fae. "Good morning, baby." Bumangon siya mula sa pagkakahiga at kinintalan ng halik ang bata. Agad rin niyang iginala ang kanyang paningin sa loob ng silid. Ngunit wala siyang nakitang presensya ng kahit sino. Tanging sila lamang ni Damon ang nasa loob. "W
Napatitig si Raya Fae sa repleksiyon niya sa salamin. Tanging pares ng kulay pulang bikini lamang ang kanyang suot. Hindi naman iyon bago sa kanya ngunit hindi siya natutuwa ngayon. Hindi niya naiwasang muling mapatitig lalo na sa kanyang tiyan. "Let's go?" Agad siyang napalingon sa pinagmulan ng tinig. Iyon ay walang iba kundi si Damielle Astin na nakatayo sa pinto ng silid. Nakasuot ng puting roba ang lalaki at kanina pa nakahanda para sa night swimming nila. Matapos ang late breakfast nila ay kinulit siya ng lalaki kung saan niya gustong mamasyal. Sa huli na pinili niya mag-night swimming na lamang at huwag na silang lumabas pa ng mansion. "Sandali lang. Magpapalit lang ako." Agad namang nangunot ang noo ng lalaki. "But that's already good." "Ano kasi--" natigil siya na tila nag-aalangan sa sasabihin, "- hmm, ang pangit ko sa suot ko." "Hindi naman ah. At saka kailan ka pa pumangit? You are always beautiful, Raya." Tila problemado namang natitig sa kanya si Raya Fae. "Tign