Nagising si Raya Fae na tila binugbog ang buo niyang katawan. At wala siyang ibang dapat sisihin kundi ang sarili. Nakailang rounds nga ba sila kagabi? Hindi na rin niya mabilang. Kung 'di pa siya nagreklamo na masakit na ang balakang niya ay mukhang wala siyang balak tigilan ni Damielle Astin. Nang tumagilid siya ng higa ay naramdaman niya ang paghigpit ng kamay na nakapulupot sa kanyang beywang. "Good morning." Kinintalan siya ng halik ni Damielle Astin sa kanyang balikat. Sa ilalim ng kumot ay wala pa rin siyang saplot. "Good morning too." Hinarap niya si Damielle Astin. Noon niya napansing nakasuot na ng sando ang lalaki. "Kanina ka pa gising?" Marahan namang tumango ang lalaki. "Yeah." Lalo nitong pinagdikit ang kanilang katawan. "What do want for breakfast?" Kinintalan niya ito ng mabilis na halik sa labi. Hindi naman maiwasan ni Raya Fae ang pag-iinit ng kanyang pisngi. Agad niyang inilayo ang mukha sa lalaki. Nakaramdam siya ng hiya lalo pa at hindi pa siya nakakapag
Pakiramdam ni Raya ay naririndi siya sa malakas na tawa ni Natasha. Nang hindi na siya makatiis ay tumayo siya sa pagkakaupo. Agad naman niyang nakuha ang atensiyon ng dalawa. Natigil sa pagtawa si Natasha. Gumuhit rin ang pagtataka sa mukha ni Damielle Astin. "Pupuntahan ko lang ang mga bata." Walang kangiti-ngiting wika niya. Hindi na rin hinintay na magsalita ang kahit sinuman sa kanilang dalawa. Agad siyang humakbang paalis ng dining area. Nang tuluyan siyang makatalikod ay tila lalong humapdi ang kanyang puso. Pakiramdam rin niya nangasim ang kanyang sikmura. Hindi niya mawari ang emosyon. Basta ang alam niya ay parang anumang oras ay gustong tumulo ng kanyang luha. "Hey!" Narinig niya ang pagtawag ni Damielle Astin. "Are you alright? May problema ba? Hindi mo ginalaw ang pagkain mo?" Pinilit na lamang niyang ngumiti. "Hindi ba sabii ko na sa'yo na magda-diet ako?" Napabuntong-hininga na lamang si Damielle Astin. "Sige na, pupuntahan ko lang ang mga bata. Bumalik ka na s
Wala nang nagawa si Raya Fae kundi sumama na rin sa bakasyong sinasabi ni Natasha. Mukha rin namang gusto ni Damielle Astin ang maikling bakasyon na iyon dahil nag-abala pa itong puntahan ang ama niya upang ipagpaalam silang mag-iina ng personal. Ayaw niya sanang sumama dahil parang nasusuka siya sa pagmumukha, kilos at pananalita ni Natasha ngunit may bahagi ng puso niya ang hindi papayag na masolo nito si Damielle Astin. Para siyang mababaliw sa kaiisip kung anong gagawin ng dalawa sa bakasyon kung sakaling magsolo sila. Hindi na rin maintindihan ang sarili. Kung pwede lamang niyang ikadena si Damielle Astin ay kanina pa sana niya ginawa. "Welcome sa vacation house ng mga Villacorda." Matamis ang ngiti ni Natasha kasabay ng paglahad ng kamay nito sa dalawang palapag na bahay. Hindi niya naiwasan ang mapataas ang kilay. Kung pag-aari pala ng mga Villacorda ang vacation house, bakit ito ang umaastang may-ari? Ito pa ang may ganang mag-imbita sa kanila. "There's a playground ove
Tila gustong mahiya ni Raya Fae kay Natasha. Ang babaeng pinagselosan niya ay fiancée pala ng kapatid ni Damielle Astin na si Florence. "Ba't ngayon mo lang sinabi?" Bulalas niya. "You're not asking." Tila balewalang saad ng lalaki. "Dapat sinabi mo pa rin." Aniya, parang wala na siyang mukhang maihaharap pa sa babae. Buong akala niya ay nilalandi nito si Damielle Astin kahit hindi naman pala. "Women are really unbelievable. Hindi naman ako manghuhula para alam ko sana ang gusto mong gawin ko." Napailing na lamang si Damielle Astin kasabay ng pagguhit ng munting ngiti sa labi nito. Napasimangot na lamang si Raya Fae. "Well, atleast ngayon, alam mo nang hindi mo dapat pagselosan si Nash." "Hindi na ako nagseselo--" Hindi na nagawang matapos ni Raya Fae ang kanyang sasabihin nang magpatuloy pa rin sa Damielle Astin. "Si Nash, parang kapatid ko lang 'yon. Malapit ako sa kanya dahil kadugo at kakampi ang tingin ko sa kanya. Ni minsan, hindi ko naisip na maaari kaming magkaroon
Flashback.. Pakiramdam ni Algeria ay para siyang papanawan ng ulirat. Nanginginig siyang humakbang palapit sa kanyang anak na si Damielle Astin Napalunok siya bago siya lakas-loob na magsalita. "A-Astin, anak." Agad naman niyang nakuha ang atensiyon ng labing-apat na taong gulang na si Damielle Astin. "A-Ano 'yang hawak mo anak?" Hindi niya napigil ang sariling mapahawak sa kanyang tiyan. Malaki na iyon at nasa ikapitong buwan na siya ng pagbubuntis. Ngunit ngayong nakita niyang may hawak na baril ang binatilyo niyang anak ay para siyang mapapaanak nang wala sa oras. Nanatili namang nakatingin sa kanya ang binatilyo. Blangko ang ekspresyon ng mukha nito. At tila hindi man lang ito nabahala na nahuli siya ng kanyang ina na may hawak na baril. "Please give it to me." Inilahad nito ang kanyang nanginginig na kamay. Kitang-kita rin ang pagbuo ng butil sa pawis sa kanyang noo. "Akin na." Marahan siyang lumapit sa kanyang anak. "Hindi 'yan laruan, anak." Napakurap naman si Damiel
Nagising kinabukasan si Raya Fae na nasa tabi pa rin niya si Damielle Astin. Hindi niya naiwasang mapakurap nang makita niyang nakatitig sa kanya ang lalaki. Nagniningning ang mga mata nitong tila nakangiti. "Good morning." Lalong tumamis ang ngiti sa labi nito. "Good morning." Gumuhit ang alanganing nito sa labi ni Raya Fae. "Anong meron?" Hindi na rin niya maintindihan ang lalaki. Mula nang manggaling sila sa tabing dagat ay hindi na maalis ang matamis na ngiti sa labi nito. Gustong isipin ni Raya Fae na dahil iyon sa pinag-usapan nila kagabi ngunit ayaw naman niyang mag-assume. "Have you forgotten? We have a family day today?" "Ofcourse, I remember that. Pero ang tinatanong ko, bakit ka nakangiti?" "Masama bang ngumiti?" "Hindi naman. Pero nakakaloka naman kung nakangiti ka na walang dahilan, 'di ba?" "I'm just happy. Alam ko kasing magiging masaya ang araw na ito." Napatango na lamang si Raya Fae. Bumangon naman sa kama ang lalaki at saka nito inilahad ang kanyang kama
Lalong namutla si Raya Fae nang makita niya si Damielle Astin. Hindi niya naiwasan ang pagkabog ng kanyang dibdib. Hindi niya mawari ngunit pakiramdam niya ay nakagawa siya ng malaking kasalanan. "D-Damielle." Hindi niya naiwasang mautal. Umigting naman ang panga ni Damielle Astin at hindi nakaligtas sa paningin ni Raya Fae ang pagkuyom ng kamao nito. Ngunit nang mapunta ang tingin nito sa dalawang bata na nakatitig rin sa kanya ay pilit nitong kinalma ang kanyang sarili. "Let's go home." Pinilit nitong maging mahinahon. "But daddy, we're still playing." Muli namang napabuga ng hangin ang lalaki bago ito lumapit sa kambal. "Masyado nang gabi para maglaro, son. Don't worry, babalik pa naman tayo dito. Let's go home, okay?" Binigyan niya ng masuyong tingin ang batang si Damon kasabay ng paghaplos nito sa buhok nito. "Okay, Dad." Marahan namang tumango ang batang si Damon. Walang imik namang nagpatiuna ang batang si Devonne. Agad na ring sumunod ang kakambal nitong si Damon. N
Hindi naiwasan si Raya Fae ang pagkabog ng kanyang dibdib nang makita niya ang paghinto ng sasakyan ni Damielle Astin sa tapat ng kanilang bahay. "N-Nandito na sila, Dad." Kaninang umaga sila nakauwi mula sa kanilang short vacation at ngayong gabi ang napag-usapan nilang pamamanhikan. Agad namang lumapit si Macario sa pintuan kung saan siya nakatayo at kanina pa naghihintay. "Hayaan mo silang lumapit dito." Walang kangiti-ngiting wika ng matanda. Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ni Raya Fae nang makita niyang lumabas si Damielle Astin sa kanyang sasakyan. May dala itong isang bungkos ng kulay pulang rosas. "Good evening po, sir." Bahagya siyang yumuko bilang paggalang. "Ikaw lang ba mag-isa ang mamanhikan, Hijo?" Hindi nawala ang tingin nito sa sasakyan ni Damielle Astin na nakaparada. "Hindi po. Darating po maya-maya ang Papa." Marahan namang tumango ang matanda. "Oh siya. Pumasok muna tayo. Hintayin na lang natin sila sa loob." Bago pa sila makaimik ay nagpatiuna na sa
"Mom! Dad! I'm home!" Ang malaanghel na tinig ni Hope ang kumuha ng atensiyon nina Raya Fae at Damielle Astin. Parehong napunta ang tingin ng mag-asawa sa kabubukas na main door ng bahay. Pumasok mula roon ang isang balingkinitan babae. Maputi at tila kaylambot ang balat nito. Natural na mapula ang may kakapalan nitong labi, matangos ang ilong at mapungay ang mga mata nitong natural na mahaba ang pilik mata. At agaw pansin ang mga mata nitong kulay abo. She is Hope Villacorda. Ang prinsesa sa kanilang pamilya. Agad na tumayo si Damielle Astin. Gumuhit ang labi nito habang nakatitig sa dalagang papalapit sa kanila ni Raya Fae. Lalo ring gumuhit ang ngiti sa labi ng dalaga nang makita ang ngiti ng kanyang mga magulang. "How's your school?" Graduating na ito sa kursong Business management. "It's fine, dad." Humalik ito sa pisngi ng kanyang ama. Sunod rin itong kay Raya Fae na nakatayo sa tabi ni Damielle Astin. "Good evening po, Tito, Tita." Gumuhit ang munting ngiti sa lalaking
"Mine." Yumakap si Damielle Astin sa beywang ng kanyang misis. Marahan niyang hinaplos ang tiyan nito. Malaki na ang umbok ng tiyan nito. Kabuwanan na nito at anumang oras ay maaari na nitong isilang ang kanilang anak. "Are you alright?" Humalik siya sa exposed na balikat nito. Sandali naman siyang liningon ni Raya. Pumatong rin ang kamay nito sa kamay ng kanyang mister. "Oo naman. Ayos na ayos lang ako." "Then why are you here?" Hindi pa rin naalis ang pag-aalala sa mga mata ni Damielle Astin. Agad naman siyang hinarap ni Raya Fae. "Binibisita ko lang siya, bigla ko siyang na-miss," gumuhit ang munting ngiti sa labi nito, "at saka para sabihin na rin sa kanya na magkakaroon na sila ng baby sister." "Yeah. Kung nandito siya, sigurong matutuwa siya katulad ni Damon. Well, except kay Devonne na ang gusto ay baby brother." "Devonne is such a loving person, hindi nga lang siya showy. Kahit sinasabi niyang baby brother ang gusto niya, I'm sure, magiging mabuting kuya pa rin siya."
Marahang hinahaplos-haplos ni Raya Fae ang ulo ng batang si Damon. Napapayag lamang niyang sumama ang mga bata sa kanila nang sabihin niya magkakasama silang pamilya. Sa huli pumayag na lamang siya sa gusto ni Damielle Astin na umuwi sa bahay kung saan siya nagising na kasama ito. Ayon sa lalaki, iyon daw ang bago nilang tahanan. Hindi nalalayo ang laki ng bahay sa dati nilang tahanan. Nangingibabaw ag kulay na puti at gold sa bahay kaya naman napakaaliwalas ng paligid. Mayroon na rin silid roon ang mga bata na may pintong konektado sa Master's bedroom. "Raya." Nakuha ng atensyon niya ang pagtawag ng kanyang mister. Nang mapunta ang tingin niya sa pinanggalingan ng tinig nito ay nakita niyang nakatayo ang lalaki sa pinto patungo sa Master's Bedroom. "Ngayong tulog na ang mga bata, pwede bang mag-usap tayo." Mahinahon ang tinig nitong nakikiusap. "Ano pang dapat nating pag-usapan? Pumayag na nag ako na umuwi dito sa bahay mo, 'di ba?" Hindi niya naitago ang pagsusungit sa kanyang
"Mga anak!" Naluluhang yumakap sa kanyang mga anak si Raya Fae. "Mommy." Mahigit na gumanti ng yakap sa kanya ang batang si Damon. Walang imik namang gumanti rin ng yakap sa kanya si Devonne. "Maraming salamat sa lumikha. Sa wakas, nahanap rin namin kayo." Hindi na napigil ni Raya Fae ang pagbuhos ng kanyang mga luha. "Mom." Tiningala siya ng batang si Devonne. Agad namang pinahid ni Raya Fae ang kanyang mga luha bago siya lumuhod upang mapantayan ang kanyang mga anak. "Kumusta kayo? Ayos lang ba kayo? May masakit ba? " Kitang-kita ang pag-aalala sa mga mata nito habang nakatingin sa mga bata. Muli ring nangilid ang kanyang luha habang hawak-hawak niya ang kanyang mga anak. "Please don't cry, mom." Kumilos ang kamay ng batang si Devonne upang tuyuhin ang kanyang luha. "We're okay, mommy." Segunda naman ng batang si Damon. "Please stop crying." Napasinghot naman ang si Raya Fae. Pinilit niya pinigil ang muling pagtulo ng kanyang luha. "Pasensya na, mga anak. Sobrang natutu
Napaungol si Raya Fae kasabay ng pagmulat niya ng kanyang mga mata. "Sa'n mo ako dadalhin?" Hindi niya naiwasang tanong habang nakatitig siya sa lalaking buhat-buhat siya. Sa halip na maghisterikal ay isiniksik niya ang kanyang mukha sa matipunong dibdib ng lalaki. Hindi niya mawari ngunit tila nakaramdam siya ng kapayapaan at seguridad sa bisig nito. "Please bring me home." Mahinang wika nito. "We're already home." Muli namang nagmulat ng kanyang mga mata si Raya Fae. Sinubukan nitong igala ang kanyang paningin ngunit tila umiikot naman ang kanyang paligid. Muli na lamang siyang napapikit upang mawala ang kanyang hilo. Pakiramdam niya ay nakadama siya ng kaginhawaan ng maramdaman niya ang paglapat ng kanyang katawan sa malambot na kutson. Sandali naman siyang pinakatitigan ng kanyang mister bago ito tumikhim. "I-I will undress you." Tila nagpapaalam namang wika ni Damielle Astin. Narinig naman iyon ni Raya Fae. Ngunit sa 'di mawaring dahilan ay hindi siya nakadama ng anumang
"Boss, bakit tayo nandito?" Hindi napigilang maitanong ni Thano Miguero kasabay ng paggala niya ng kanyang paningin sa loob ng bar. "I just want to unwind." Walang emosyong turan naman ni Damielle Astin sa kanyang tauhan. Nang umupo ang kanyang amo at umorder ito ng inumin ay wala na rin siyang nagawa kundi umupo na rin sa tabi nito. "Akala ko ba, boss, pupunta ka sa bahay nina Ma'am Raya." Napabuga naman ng hangin si Damielle Astin kasabay ng pag-iwas nito ng tingin. "Huwag na muna siguro. Baka ayaw rin lang naman niya akong harapin." Hindi na lamang umimik si Thano Miguero. Nang dumating ang order na alak ni Damielle Astin ay inialok nito sa kanya ang isang baso ngunit ngali-ngali siyang tumanggi. "Tingin mo ba, malabo na bang magkaayos pa kami ni Raya?" Tanong nito sa kanya matapos ang ilang beses na pagtungga ng alak. "Ewan ko, boss. Ikaw boss, ano sa tingin mo?" Nalukot naman ang mukha ni Damielle Astin. "You're not helping me, Thano." Napakamot naman ng ulo si Tha
"Raya." Hindi naitago ni Damielle Astin ang pag-aalangan sa tinig nang tawagin niya ang kanyang misis. Bagama't nakatalikod ito mula sa kanya, alam niyang umiiyak ito dahil sa pagyugyog ng balikat nito. "Nagdala ako ng pagkain." Sunod niyang wika sa mahinang tinig. At tama nga siya ng hinala na umiiyak ang babae dahil kitang-kita niya ang pagpunas ni Raya sa pisngi nito. "Hindi ako nagugutom." Matamlay nitong sagot. Ni hindi rin ito nag-abalang lingunin siya. Nanatili itong nakatanaw sa balkonahe ng silid. "Kahit konti lang." Noon na siya liningon ng kanyang misis. Kitang-kitang ang pamumula ng mga mata nito dahil sa pag-iyak at galit. "Hindi ka ba nakakaintindi? Sinabi ko na ngang hindi ako nagugutom! At saka pwede ba, Damielle, pwede ba, huwag ka muna magpapakita sa 'kin." Pakiramdam ni Damielle Astin ay nahiwa ang kanyang puso sa narinig at sa ipinakita ng kanyang misis. Ngunit ang pagguhit ng lungkot sa kanyang mga mata ay hindi na nakita ni Raya Fae dahil muli na itong
Flash back... Mabilis na tinalunton ni Raya Fae ang pasilyo patungo sa silid kung saan sila ikinulong. Bago siya tuluyang makarating sa silid ay narinig pa niya ang tinig ng kanyang mister. "Maghiwalay tayo, Thano. Mas madali nating mahahanap si Raya kung maghihiwalay tayo." Rinig niyang wika ng kanyang mister. Agad naman siyang nagkubli sa malaking banga na palamuti sa malawak na pasilyo. Tila tinambol ang kanyang dibdib nang masilip niya ang kanyang mister. Mas lalo siyang sumiksik sa gilid. Ngunit sa maliit na siwang ay nakagawa niyang makita ang paglinga-linga ni Damielle Astin sa paligid bago ito tuluyang umalis sa lugar. Tila naman nakahinga nang maluwag si Raya Fae. Aniya, malaya na niyang mahahanap ang kanyang mga anak. Wala nang pipigil sa kanya. Marahan siyang tumayo mula sa pinagkukublian. Ngunit tila tumalon ang kanyang puso nang bumungad sa harap niya ang bunganga ng baril. Napalunok siya. Agad ring napunta ang tingin niya sa may hawak ng baril. Bumungad sa kan
"Hurry! Hurry up!" Sigaw ni Milo sa mga bata bago siya nakipagpalitan ng putok sa mga nakasunod sa kanila na tauhan ni Rio Costor. Nagtagumpay naman siyang mapatumba ang isa bago siya sumunod sa tumatakbong mga bata. Mabuti na lamang at naisipan nilang dumaan sa binata dahil kung hindi ay baka nasukol na sila ng mga tauhan ng kanyang kapatid. Kahit papaano ay nakahinga na siya ng kaunti dahil nakalabas na sila ng mansion ni Rio Costor. Gayunpaman kahit nasa kalsada na sila ay tuloy pa rin sa paghabol sa kanila ng mga tauhan ng kanyang kapatid. At hindi niya hahayaang magtagumpay ang mga ito. Muli siyang nakipagpalitan ng putok habang patuloy siya sa pagtakbo kasama ang mga bata. "Hurry! Hurry! Let's get over there." Mabilis niyang iginiya paliko ang bata sa eskinita. "I'm afraid, mister. Are they going to shoot us. I don't wanna die." Maluha-luha ang batang si Damon. Kitang-kita ang takot sa mga mata nito sa malamlam na liwanag na nagmumula sa lamp post ng walang katao-taong k