Wala nang nagawa si Raya Fae kundi sumama na rin sa bakasyong sinasabi ni Natasha. Mukha rin namang gusto ni Damielle Astin ang maikling bakasyon na iyon dahil nag-abala pa itong puntahan ang ama niya upang ipagpaalam silang mag-iina ng personal. Ayaw niya sanang sumama dahil parang nasusuka siya sa pagmumukha, kilos at pananalita ni Natasha ngunit may bahagi ng puso niya ang hindi papayag na masolo nito si Damielle Astin. Para siyang mababaliw sa kaiisip kung anong gagawin ng dalawa sa bakasyon kung sakaling magsolo sila. Hindi na rin maintindihan ang sarili. Kung pwede lamang niyang ikadena si Damielle Astin ay kanina pa sana niya ginawa. "Welcome sa vacation house ng mga Villacorda." Matamis ang ngiti ni Natasha kasabay ng paglahad ng kamay nito sa dalawang palapag na bahay. Hindi niya naiwasan ang mapataas ang kilay. Kung pag-aari pala ng mga Villacorda ang vacation house, bakit ito ang umaastang may-ari? Ito pa ang may ganang mag-imbita sa kanila. "There's a playground ove
Tila gustong mahiya ni Raya Fae kay Natasha. Ang babaeng pinagselosan niya ay fiancée pala ng kapatid ni Damielle Astin na si Florence. "Ba't ngayon mo lang sinabi?" Bulalas niya. "You're not asking." Tila balewalang saad ng lalaki. "Dapat sinabi mo pa rin." Aniya, parang wala na siyang mukhang maihaharap pa sa babae. Buong akala niya ay nilalandi nito si Damielle Astin kahit hindi naman pala. "Women are really unbelievable. Hindi naman ako manghuhula para alam ko sana ang gusto mong gawin ko." Napailing na lamang si Damielle Astin kasabay ng pagguhit ng munting ngiti sa labi nito. Napasimangot na lamang si Raya Fae. "Well, atleast ngayon, alam mo nang hindi mo dapat pagselosan si Nash." "Hindi na ako nagseselo--" Hindi na nagawang matapos ni Raya Fae ang kanyang sasabihin nang magpatuloy pa rin sa Damielle Astin. "Si Nash, parang kapatid ko lang 'yon. Malapit ako sa kanya dahil kadugo at kakampi ang tingin ko sa kanya. Ni minsan, hindi ko naisip na maaari kaming magkaroon
Flashback.. Pakiramdam ni Algeria ay para siyang papanawan ng ulirat. Nanginginig siyang humakbang palapit sa kanyang anak na si Damielle Astin Napalunok siya bago siya lakas-loob na magsalita. "A-Astin, anak." Agad naman niyang nakuha ang atensiyon ng labing-apat na taong gulang na si Damielle Astin. "A-Ano 'yang hawak mo anak?" Hindi niya napigil ang sariling mapahawak sa kanyang tiyan. Malaki na iyon at nasa ikapitong buwan na siya ng pagbubuntis. Ngunit ngayong nakita niyang may hawak na baril ang binatilyo niyang anak ay para siyang mapapaanak nang wala sa oras. Nanatili namang nakatingin sa kanya ang binatilyo. Blangko ang ekspresyon ng mukha nito. At tila hindi man lang ito nabahala na nahuli siya ng kanyang ina na may hawak na baril. "Please give it to me." Inilahad nito ang kanyang nanginginig na kamay. Kitang-kita rin ang pagbuo ng butil sa pawis sa kanyang noo. "Akin na." Marahan siyang lumapit sa kanyang anak. "Hindi 'yan laruan, anak." Napakurap naman si Damiel
Nagising kinabukasan si Raya Fae na nasa tabi pa rin niya si Damielle Astin. Hindi niya naiwasang mapakurap nang makita niyang nakatitig sa kanya ang lalaki. Nagniningning ang mga mata nitong tila nakangiti. "Good morning." Lalong tumamis ang ngiti sa labi nito. "Good morning." Gumuhit ang alanganing nito sa labi ni Raya Fae. "Anong meron?" Hindi na rin niya maintindihan ang lalaki. Mula nang manggaling sila sa tabing dagat ay hindi na maalis ang matamis na ngiti sa labi nito. Gustong isipin ni Raya Fae na dahil iyon sa pinag-usapan nila kagabi ngunit ayaw naman niyang mag-assume. "Have you forgotten? We have a family day today?" "Ofcourse, I remember that. Pero ang tinatanong ko, bakit ka nakangiti?" "Masama bang ngumiti?" "Hindi naman. Pero nakakaloka naman kung nakangiti ka na walang dahilan, 'di ba?" "I'm just happy. Alam ko kasing magiging masaya ang araw na ito." Napatango na lamang si Raya Fae. Bumangon naman sa kama ang lalaki at saka nito inilahad ang kanyang kama
Lalong namutla si Raya Fae nang makita niya si Damielle Astin. Hindi niya naiwasan ang pagkabog ng kanyang dibdib. Hindi niya mawari ngunit pakiramdam niya ay nakagawa siya ng malaking kasalanan. "D-Damielle." Hindi niya naiwasang mautal. Umigting naman ang panga ni Damielle Astin at hindi nakaligtas sa paningin ni Raya Fae ang pagkuyom ng kamao nito. Ngunit nang mapunta ang tingin nito sa dalawang bata na nakatitig rin sa kanya ay pilit nitong kinalma ang kanyang sarili. "Let's go home." Pinilit nitong maging mahinahon. "But daddy, we're still playing." Muli namang napabuga ng hangin ang lalaki bago ito lumapit sa kambal. "Masyado nang gabi para maglaro, son. Don't worry, babalik pa naman tayo dito. Let's go home, okay?" Binigyan niya ng masuyong tingin ang batang si Damon kasabay ng paghaplos nito sa buhok nito. "Okay, Dad." Marahan namang tumango ang batang si Damon. Walang imik namang nagpatiuna ang batang si Devonne. Agad na ring sumunod ang kakambal nitong si Damon. N
Hindi naiwasan si Raya Fae ang pagkabog ng kanyang dibdib nang makita niya ang paghinto ng sasakyan ni Damielle Astin sa tapat ng kanilang bahay. "N-Nandito na sila, Dad." Kaninang umaga sila nakauwi mula sa kanilang short vacation at ngayong gabi ang napag-usapan nilang pamamanhikan. Agad namang lumapit si Macario sa pintuan kung saan siya nakatayo at kanina pa naghihintay. "Hayaan mo silang lumapit dito." Walang kangiti-ngiting wika ng matanda. Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ni Raya Fae nang makita niyang lumabas si Damielle Astin sa kanyang sasakyan. May dala itong isang bungkos ng kulay pulang rosas. "Good evening po, sir." Bahagya siyang yumuko bilang paggalang. "Ikaw lang ba mag-isa ang mamanhikan, Hijo?" Hindi nawala ang tingin nito sa sasakyan ni Damielle Astin na nakaparada. "Hindi po. Darating po maya-maya ang Papa." Marahan namang tumango ang matanda. "Oh siya. Pumasok muna tayo. Hintayin na lang natin sila sa loob." Bago pa sila makaimik ay nagpatiuna na sa
Hindi napigil ni Raya Fae ang mapabuntong-hininga. "Ang lalim naman no'n. May problema ba?" Tanong ni Damielle Astin kasabay ng pagyakap nito mula sa kanyang likuran. Kasalukuyan silang nasa veranda ng kanyang silid at nakatanaw sa hardin ng tahanan ng mga Escobar. Malapit nang mag-alas dose at gising na gising pa rin ang diwa ni Raya Fae. Kanina pa nakauwi sina Flacido at Gabriel at hindi niya alam kung paano napapayag ni Damielle Astin ang kanyang ama na doon siya magpalipas ng gabi. "Sigurado ka na ba talaga?" Tanong niya sa lalaki. "Saan?" Hinarap siya ni Raya Fae upang mas makapag-usap sila ng maayos. "Pakakasalan mo ba talaga ako? Sigurado ka na ba? Kasi wala nang atrasan 'to." Hinuli naman ni Damielle Astin ang kanyang mga mata at masuyo siyang tinitigan. Muli ring kumilos ang kamay nito upang yakapin siya. "Yes. I am hundred percent sure." Hindi naman umimik si Raya Fae. Sinsero naman ang lalaki ngunit mukha pa ring hindi iyon sapat upang mapalagay siya. Hindi tuloy
Hindi naiwasang malula ni Raya Fae nang makita niya ang wedding gown na isusuot niya. Isa iyong ballgown wedding dress. Backless iyon kaya naman kitang-kita ang makinis niyang likod. Simple lang ang disenyo kung tutuusin ngunit tila kumikinang-kinang iyon dahil sa mga mamahaling bato na nakadikit sa kanyang damit. Para siyang maluluha nang lumapit siya sa wedding gown. Hindi rin niya naiwasang mapalingon sa kanyang ama. "Ito po ba talaga ang isusuot ko, Dad?" Hindi siya makapaniwala. Marahan namang tumango si Macario Escobar. Nakaguhit ang munting ngiti sa labi nito. Kitang-kita ang galak sa kanyang mukha. "Parang ang bongga naman pong civil wedding 'to, dad. Ang ine-expect ko, simpleng white dress lang ang susuotin ko. Haharap lang kami sa judge o mayor then tapos na ang kasal." Gumuhit naman ang munting ngiti sa labi ng kanyang ama. "Just go with the flow, Hija. Maupo ka na para maayusan ka na. Nagsimula nang dumating ang mga bisita." "Shall we start, ma'am?" Nakangiting luma