Hindi naiwasang malula ni Raya Fae nang makita niya ang wedding gown na isusuot niya. Isa iyong ballgown wedding dress. Backless iyon kaya naman kitang-kita ang makinis niyang likod. Simple lang ang disenyo kung tutuusin ngunit tila kumikinang-kinang iyon dahil sa mga mamahaling bato na nakadikit sa kanyang damit. Para siyang maluluha nang lumapit siya sa wedding gown. Hindi rin niya naiwasang mapalingon sa kanyang ama. "Ito po ba talaga ang isusuot ko, Dad?" Hindi siya makapaniwala. Marahan namang tumango si Macario Escobar. Nakaguhit ang munting ngiti sa labi nito. Kitang-kita ang galak sa kanyang mukha. "Parang ang bongga naman pong civil wedding 'to, dad. Ang ine-expect ko, simpleng white dress lang ang susuotin ko. Haharap lang kami sa judge o mayor then tapos na ang kasal." Gumuhit naman ang munting ngiti sa labi ng kanyang ama. "Just go with the flow, Hija. Maupo ka na para maayusan ka na. Nagsimula nang dumating ang mga bisita." "Shall we start, ma'am?" Nakangiting luma
Wedding of the year! Iyan ang titulo ng live coverage ng kasalang Raya Fae Escobar at Damielle Astin Villacorda. "No way! This is not true!" Umalingawngaw ang galit na tinig ni Rio Costor sa buong silid. Nagpupuyos ang kanyang damdamin habang nakatingin sa screen kung saan naka-focus ang matamis na ngiti ng mga ikinakasal. Halata sa mukha ng bawat isa na pareho silang maligaya. Isang bagay na lalong nagpakulo sa kanyang dugo. "Paano nangyari 'to? Bakit hindi ko 'to nalaman agad?" Napakuyom siya ng kamao. "At paano nabuhay ang traydor kong sekretarya? Ang mga hayop! Nagsama-sama pa talaga sila! Hindi pwede 'to! Hindi ko 'to hahayaan!" Nagngingitngit ang ngipin nitong bumaling sa kanyang tauhan. Kulang na lamang ay umusok ang ilong nito sa galit. "Hindi ba sabi ko, maglagay kayo ng magmamanman sa kilos ni Astin? Anong nangyari? Bakit nakalusot 'to." Napalunok naman ang tauhan niyang si Bono bago ito lakas-loob na nagsalita. "Pasensya na, boss. Natunugan yata tayo. 'Yong inutus
Marahang hinaplos ni Damielle Astin ang mukha ni Raya Fae habang masuyo itong nakatitig sa kanya. "I still can't believe that we're married now." Gumuhit naman ang ngiti sa labi ni Raya Fae. Kasabay no'n ay ang pagningning ng kanyang mga mata. "Ako rin naman. I still can't believe that I am Mrs. Villacorda now. Anyway, thank you nga pala, binigyan mo ako ng kasal na higit pa sa pinangarap ko." Nagningning naman ang mga mata ng kanyang mister. "I will do everything that will make you happy, Raya." Tila naman hinaplos ang puso ni Raya Fae sa kanyang narinig. "Salamat." Pakiramdam ni Raya Fae ay umapaw ang ligaya sa kanyang puso. Marahan namang humaplos pababa sa kanyang exposed na balikat ang kamay ni Damielle Astin. "You're legally mine now. You're Exclusively mine now, Raya." Masuyo ang titig nito sa kanya. Sinalubong naman ni Raya Fae ang malagkit niyang titig. "Akin ka na rin mula ngayon, Damielle. Huwag kang kukuha ng kabit, talagang ipapahuli kita sa pulis." Binigyan
Gumuhit ang gulat sa mukha ni Raya Fae. Tila muling umugong ang mga salitang binitiwan ni Damielle Astin. "Let's get pregnant again." Napakurap siya. Hindi rin niya naiwasan ang mapalunok. "Ayaw mo ba?" Agad naman siyang umiling. "Hindi naman sa gano'n. Nagulat lang ako. Hindi ko in-expect na sasabihin mo 'yan." "Habang naglalakad ka palapit sa'kin kanina, I realized one of my dream. And that is to build a family with you. Hindi lang pamilya kasama sina Devonne at Damon kundi iyong pamilyang malaki at masaya. At wala akong ibang nakikitang magiging ina ng mga anak ko kundi ikaw lang, Raya." Masuyo itong tumitig sa kanya. "Ikaw lang." Kumislap naman ang mga mata ni Raya Fae. Parang anumang oras ay maluluha siya. Hindi niya mawari ngunit labis siyang nakaramdam ng ligaya mula sa mga tinuran ng kanyang kabiyak na tila ba wala na iyong kapantay na saya. "I am also dreaming of that, Damielle." Totoo naman iyon. Mula nang malaman niyang nagdadalang-tao siya sa kambal ay pinangarap
Mabilis na tinawid ni Raya Fae ang distansya nilang mag-asawa. "Nawawala? Sinong nawawala?" Hindi naitago niya ang pag-alaala. Halos hindi na rin niya marinig ang sarili dahil sa lakas ng kabog ng kanyang puso. Malinaw niyang narinig ang sinabi ng nasa kabilang linya ngunit gusto niyang makasiguro. Umaasa siyang nagkamali lamang siya nang narinig. "Tell me, ang mga bata ba ang nawawala?" Marahan namang hinawakan ni Damielle Astin ang balikat ng kanyang misis. Hindi na rin niya binigyan pansin ang kanyang cellphone kahit nasa kabilang linya pa ang kanyang biyenan. "Relax, okay?" Mataman itong tumitig sa kanyang mga mata. Agad naman umiling si Raya Fae. Tila hindi nakatulong ang masuyong tingin ng kanyang mister. Sa halip ay tila lalo siyang naghisterikal. "Relax? Nawawala ang mga anak natin, Damielle! Paano ako magre-relax?" Mabilis na humakbang ang mga paa nito palabas ng palikuran. "Pupuntahan ko si Daddy." Agad naman siyang sinundan ni Damielle Astin. "Ako na lang. Huwag ka
"I have done a series of test to your wife. I will update you soon the result is out. But don't take it seriously, wala naman akong nakitang dapat mong ipag-alala. Mukhang nawalan lang siya ng malay dahil sa stress." Tila naririnig pa ni Damielle Astin ang tinuran ng doktorang sumuri kay Raya Fae. Buntong-hininga siyang napahilamos sa sink ng kanilang banyo. Mabigat ang kanyang pakiramdaman at umaasa siyang kahit sa paghilamos man lamang ay gumaan kahit kaunti ang kanyang dinadala. Nagbabasakali siyang matatangay ng tubig ang bigat ng kanyang damdamin. Nag-angat siya ng tingin at tumitig sa sarili niyang repleksiyon. Hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang problemado niyang mukha. Nabuga siya ng hangin. Nawawala ang kanyang mga anak at ngayon ay wala pa ring malay ang kanyang misis. Kahit sinabi ng kanilang family doctor na wala siyang dapat ipag-alala, hindi pa rin niya maiwasang matakot at mag-alala.Muli siyang napabuga ng hangin bago siya nagpasyang humakbang paalis ng banyo ngu
"Raya? God! Thanks you're awake now." Mabilis na tinawid ni Damielle Astin ang distansiya nila ng kanyang maybahay. Agad ring kumilos ang mga kamay nito at masuyong humawak sa pisngi ng kanyang misis. "How are you feeling? May masakit ba?" Kitang-kita ang pag-aalala sa mga mata nito. "Hindi ka ba nahihilo?" Kumilos naman ang kamay ni Raya Fae at saka humawak sa kanang kamay ng kanyang mister. Bahagya niya iyong pinisil. "Ayos lang ako." Marahan nitong ibinaba ang kamay ni Damielle Astin na nakahawak sa kanyang pisngi. "But I'm asking you, ano 'yong sinabi mo kanina?" Hindi naman napigil ni Damielle Astin ang mapalunok lalo sa kasunod na tanong ng kanyang misis. "Did you just say Mafia?" Gumuhit ang alanganing ngiti sa mukha ng lalaki. Gayunpaman ay hindi niya napigil ang paglabas ng mga butil ng pawis sa kanyang noo. "Mafia? Why should I mention such thing?" Patawarin na lamang siya ng kanyang misis ngunit hindi pa siya handang sabihin ang kanyang lihim rito. Kapag nalaman
Lumipas ang tatlong araw ngunit wala pa ring nangyari. Pakiramdam ni Raya ay kaytagal lumipas ang bawat oras. Bawat minuto ay hindi siya mapakali sa labis na kaiisip sa kanyang mga anak. Pati pagkain ay halos hindi na rin niya maalala, mabuti na lamang at nasa kanyang tabi ang kanyang mister na walang sawang nagpapaalala sa kanya na kailangan na niyang kumain. Sa kabila ng problemang kanilang hinaharap ay nanatili siyang matatag dahil na rin ramdam niya ang pag-alalay at pag-aalaga sa kanya ng kanyang mister. Nasa malalim siyang pag-iisip nang marinig niya ang tunog ng kanyang cellphone na nakapatong sa ibabaw ng lamesitang gawa sa salamin. Awtomatiko siyang napatingin roon. Hindi niya naiwasang mapakunot-noo nang makita niyang sa screen ang isang unregistered number. Bagama't nag-aalangan ay marahan niyang dinampot ang kanyang cellphone at tinanggap ang tawag. "H-Hello?" ["Raya Fae Escobar."] Anang tinig ng isang lalaki sa kabilang linya. Mahina itong natawa bago nagpapatuloy. ["O