Lumipas ang tatlong araw ngunit wala pa ring nangyari. Pakiramdam ni Raya ay kaytagal lumipas ang bawat oras. Bawat minuto ay hindi siya mapakali sa labis na kaiisip sa kanyang mga anak. Pati pagkain ay halos hindi na rin niya maalala, mabuti na lamang at nasa kanyang tabi ang kanyang mister na walang sawang nagpapaalala sa kanya na kailangan na niyang kumain. Sa kabila ng problemang kanilang hinaharap ay nanatili siyang matatag dahil na rin ramdam niya ang pag-alalay at pag-aalaga sa kanya ng kanyang mister. Nasa malalim siyang pag-iisip nang marinig niya ang tunog ng kanyang cellphone na nakapatong sa ibabaw ng lamesitang gawa sa salamin. Awtomatiko siyang napatingin roon. Hindi niya naiwasang mapakunot-noo nang makita niyang sa screen ang isang unregistered number. Bagama't nag-aalangan ay marahan niyang dinampot ang kanyang cellphone at tinanggap ang tawag. "H-Hello?" ["Raya Fae Escobar."] Anang tinig ng isang lalaki sa kabilang linya. Mahina itong natawa bago nagpapatuloy. ["O
Mula sa bintana ng kanilang silid ay palihim na pinanood ni Raya Fae ang paglabas ng tatlong sasakyan kung saan nakasakay si Damielle Astin at ang mga tauhan nito. Nang tuluyang makalabas ang sasakyan sa malaking gate ng mansion ay agad siyang humakbang patungo sa walk in closet ng kanilang silid. Napili niyang magsuot ng kulay itim na jogger pants at saka tinernuhan iyon ng itim na hoodie jacket. Matapos siyang makapagbihis ay agad niyang kinuha ang kanyang shoulder bag at inilagay sa loob nito ang kanyang cellphone. Wala siyang sinayang na sandali, agad niyang tinungo ang garahe ng mansion. At gaya ng kanyang inaasahan ay nagawa niyang makuha ang atensiyon ng isa sa mga tauhan ni Damielle Astin. "Ma'am? Saan po kayo pupunta?" Sinundan siya nito habang naglalakad patungo sa kanyang sasakyan. "Pupuntahan ko ang Daddy ko." Walang kangiti-ngiting wika ni Raya kasabay ng pagpasok niya sa driver's seat. Hindi niya hinayaang kakikitaan siya ng pagkataranta. Hindi pwedeng makahalata an
Nagising si Raya na tila sasabog ang ulo niya sa sobrang sakit. Kumilos ang kamay niya upang sapuin ang kanyang ulo ngunit hindi siya nagtagumpay dahil sa bagay na pumipigil sa kanyang kamay. Awtomatikong napunta roon ang kanyang tingin. At tila lalong nagising ang kanyang diwa nang makita niyang nakatali paitaas ang kanyang kamay. Noon rin niya natanto na nakatayo siya at nakatali ang kanyang kamay. Pinilit niyang magpumiglas ngunit sadyang mahigpit ang pagkakatali sa kamay niya. "Huwag mo nang piliting tumakas pa." Awtomatiko siyang napatingin sa pinagmulan ng tinig. Iyon ay galing sa isang lalaking matangkad at malaki ang pangangatawan. Nakasuot ito ng itim na T-shirt at kitang-kita ang braso nitong punong-puno ng tattoo. "Sino ka?" Iginala niya ang paningin sa silid ngunit wala siyang nakitang kahit sinuman maliban sa kanilang dalawa. "Nasa'n ang mga anak ko?" Sa halip na sumagot ay gumuhit naman ang nakakakilabot na ngisi sa labi ng lalaki. "Sino ka ba? Bakit mo 'to ginagawa
"Gusto mo bang makita ang mga anak mo?" Napukaw ang bumabagabag sa isipan ni Raya Fae dahil sa tinurang iyon ng Rio Costor. "Yes, please. Let me see them please." Gumuhit ang pagsusumamo sa mga mata ni Raya Fae. Humugot naman sa kanyang bulsa si Rio. Ilang sandali lamang ay pinindot nito ang isang earpiece device. "Dalhin niyo dito ang kambal," utos nito sa nasa kabilang linya. "Siguruhin niyo na lang na 'di kayo maiisahan ng mga batang 'yan!" Matapos niyang sabihin iyon ay muli itong tumingin kay Raya Fae ngunit nanatiling walang emosyon ang mga mata nito. "Hindi naman ako sobrang sama. Bibigyan kita ng pagkakataong makasama ang mga anak mo bago ko ipadala ang ulo nila kay Villacorda." Gumuhit naman ang takot sa mga mata ni Raya Fae. "Hindi ko na ba mababago ang isip mo? Tell me what I need to do to change your mind. Kahit ano handa akong gawin kapalit ng buhay ng mga anak ko." Tumikwas naman ang gilid ng labi ni Rio. "The sad thing is, you can't change my mind anymore, Raya
"Kuya, ano 'to?" Kitang-kita ang pagtutol sa mukha ni Milo Costor. "Seryoso ka ba talagang papatay*n mo ang mga bata?" "Huwag kang makialam dito, Milo. Labas ka sa gulong ito!" Mariing wika ni Rio sa kanyang kapatid. Hindi naman naiwasan ni Milo ang mapabuntong-hininga. Walang alinlangan din itong sumunod sa kanyang kapatid at lakas loob nitong inihayag ang kanyang argumento. "Labas din ang mga bata sa gulo niyo ni Astin Villacorda, Kuya. At isa pa, hindi ka ba naaawa sa mga bata? May anak din ako, Kuya. At hindi ko kakayanin kapag nangyari rin sa anak ko ang plinaplano mong gawin sa mga anak ni Villacorda. Paano kung ganyan din ang gawin sa 'min ng mga kalaban ko sa negosyo?" "Hangga't isa kang Costor, walang gagalaw sa anak mo, Milo." Lalo nagngitngit ang kalooban ni Rio sa inaasta ng kanyang kapatid. Gayunpaman ay tila naman hindi inintindi ni Milo ang mukha niyang namumula at kulang na lamang ay umusok sa galit. "Hindi tayo nakakasiguro diyan, Kuya." Hindi naman naiwasan ni
Hindi naiwasan ni Raya Fae ang mapalingon sa pintuan nang bumukas iyon. Mula roon ay pumasok ang isang lalaking nakasuot ng black rugged jeans at kulay kremang T-shirt. Naging simple ang hitsura nito dahil sa suot nitong step in. Mapapansin ang maputi nitong balat, natural na mapulang labi, matangos na ilong at singkit na mga mata. Maamo ang mukha nito ngunit dahil nasa poder sila ng kaaway, natitiyak niyang halang din ang bituka ng lalaki. "Raya Escobar?" Hindi umimik si Raya sa halip ay kumilos ang mga kamay niya upang yakapin ang kanyang mga anak. "I brought some food." Inilahad ng lalaki ang food tray na hawak nito kasabay ng lalo pa niyang paglapit sa mag-iina. "Kain na." Gumuhit ang munting ngiti sa labi nito kasabay ng paglapag nito ng tray sa harap nilang mag-iina. Tila parehong natakam ang dalawang bata nang makita nila ang fried chicken na dala ng lalaki. Kumilos ni Damon upang lumapit sa kunin ang pagkain ngunit mabilis na napigilan ni Raya Fae ang kamay nito. "S
Mabilis na bumaba si Damielle Astin mula sa kahihintong sasakyan. Matapos maibalita sa kanya na tinakasan ni Raya Fae ang mga tao niya ay agad siyang kumilos upang i-trace ang cellphone ng kanyang misis. At dinala siya nito sa isang parke. Nadatnan rin nila roon ang mga tauhan niya. "Raya?" Agad niyang iginala ang paningin. "Where's Raya?" Napayuko ang kanyang tauhan. "Pasensya na, boss." Bumaling naman sa iba pa niyang tauhan si Damielle Astin. "Anong nangyari? Bakit niyo siya hinayaang umalis? Kabilin-bilinan ko naman sa inyo na bantayan niyo siya, 'di ba?" "Pasensya na talaga, boss." Marahas na lamang siyang napabuntong-hininga. Aniya, dapat ay hindi na lang niya iniwan ang babae. Nang makita niyang may kausap ito sa cellphone at umiiyak, dapat ay naghinala na siya. "Ang sungit kasi ni ma'am, boss, sabi niya ang bilin mo naman daw bantayan siya, hindi mo naman daw sinabing huwag siyang hayaang umalis." Napahilot na lamang ng kanyang sentido si Damielle Astin. Tiyak niyang
"Boss! Dumating si Astin Villacorda!" Iyan ang ibinalita ng hinihingal na tauhan ni Rio. Hindi naman napigil ni Rio ang mapatayo mula sa pagkakaupo. "Paano niya tayo natunton?" Nagngitngit ang kanyang kalooban. Hindi niya inaasahang alam na nang lalaki na buhay pa siya. "Pinagpipilitan niyang pumasok, boss. Gusto ka raw niyang makausap." Bago pa makaimik si Rio Costor ay narinig na niya ang tinig ng kanyang kaaway. "Harapin mo ako, Rio!" Umigting naman ang panga ni Rio Costor. "Ang tapang din ng lalaking 'to para sumugod dito." Humakbang siya at agad na tinungo ang malaking tarangkahan ng mansion. "Dati naman na siyang matapang, boss." Agad naman siyang napalingon sa kanyang tauhan. Hindi rin niya napigil ang sariling panlisikan ito ng mata. "Lumabas ka diyan, Rio! Ako ang harapin mo at huwag mong idamay ang pamilya ko sa gulo natin!" Lalo tuloy nanggigil si Rio sa ideyang nagawang makapasok ni Damielle Astin sa kanyang bakuran. Nasa bungad pa lamang siya ng pinto ay a