Hindi naiwasan ni Raya Fae ang mapalingon sa pintuan nang bumukas iyon. Mula roon ay pumasok ang isang lalaking nakasuot ng black rugged jeans at kulay kremang T-shirt. Naging simple ang hitsura nito dahil sa suot nitong step in. Mapapansin ang maputi nitong balat, natural na mapulang labi, matangos na ilong at singkit na mga mata. Maamo ang mukha nito ngunit dahil nasa poder sila ng kaaway, natitiyak niyang halang din ang bituka ng lalaki. "Raya Escobar?" Hindi umimik si Raya sa halip ay kumilos ang mga kamay niya upang yakapin ang kanyang mga anak. "I brought some food." Inilahad ng lalaki ang food tray na hawak nito kasabay ng lalo pa niyang paglapit sa mag-iina. "Kain na." Gumuhit ang munting ngiti sa labi nito kasabay ng paglapag nito ng tray sa harap nilang mag-iina. Tila parehong natakam ang dalawang bata nang makita nila ang fried chicken na dala ng lalaki. Kumilos ni Damon upang lumapit sa kunin ang pagkain ngunit mabilis na napigilan ni Raya Fae ang kamay nito. "S
Mabilis na bumaba si Damielle Astin mula sa kahihintong sasakyan. Matapos maibalita sa kanya na tinakasan ni Raya Fae ang mga tao niya ay agad siyang kumilos upang i-trace ang cellphone ng kanyang misis. At dinala siya nito sa isang parke. Nadatnan rin nila roon ang mga tauhan niya. "Raya?" Agad niyang iginala ang paningin. "Where's Raya?" Napayuko ang kanyang tauhan. "Pasensya na, boss." Bumaling naman sa iba pa niyang tauhan si Damielle Astin. "Anong nangyari? Bakit niyo siya hinayaang umalis? Kabilin-bilinan ko naman sa inyo na bantayan niyo siya, 'di ba?" "Pasensya na talaga, boss." Marahas na lamang siyang napabuntong-hininga. Aniya, dapat ay hindi na lang niya iniwan ang babae. Nang makita niyang may kausap ito sa cellphone at umiiyak, dapat ay naghinala na siya. "Ang sungit kasi ni ma'am, boss, sabi niya ang bilin mo naman daw bantayan siya, hindi mo naman daw sinabing huwag siyang hayaang umalis." Napahilot na lamang ng kanyang sentido si Damielle Astin. Tiyak niyang
"Boss! Dumating si Astin Villacorda!" Iyan ang ibinalita ng hinihingal na tauhan ni Rio. Hindi naman napigil ni Rio ang mapatayo mula sa pagkakaupo. "Paano niya tayo natunton?" Nagngitngit ang kanyang kalooban. Hindi niya inaasahang alam na nang lalaki na buhay pa siya. "Pinagpipilitan niyang pumasok, boss. Gusto ka raw niyang makausap." Bago pa makaimik si Rio Costor ay narinig na niya ang tinig ng kanyang kaaway. "Harapin mo ako, Rio!" Umigting naman ang panga ni Rio Costor. "Ang tapang din ng lalaking 'to para sumugod dito." Humakbang siya at agad na tinungo ang malaking tarangkahan ng mansion. "Dati naman na siyang matapang, boss." Agad naman siyang napalingon sa kanyang tauhan. Hindi rin niya napigil ang sariling panlisikan ito ng mata. "Lumabas ka diyan, Rio! Ako ang harapin mo at huwag mong idamay ang pamilya ko sa gulo natin!" Lalo tuloy nanggigil si Rio sa ideyang nagawang makapasok ni Damielle Astin sa kanyang bakuran. Nasa bungad pa lamang siya ng pinto ay a
Hindi napigil ni Milo ang mapatayo mula sa pagkakaupo sa harap ng monitor. Kanina pa siya nag-aabang kung darating ang pangkat ni Damielle Astin. Pawala-wala ang pagsagap ng video ng mga CCTV, mukhang malapit nang bumigay ang security camera sa ibang bahagi ng mansion. Tanging sa main gate lamang ang may maayos na kuha. Kaya naman nagboluntaryo na siya upang masiguro kung makakapasok ng ligtas sa mansion ang grupo ni Damielle Astin. Inasahan siyang sa likod ng bahay dadaan ang pangkat ngunit nagkamali siya dahil makalipas ang ilang oras niyang pagbantay sa CCTV recording ay dumating na nga si Damielle Astin. Sa mismong main gate ito dumaan kasama ang sampung bilang lamang ng tauhan nito. "D*mn it! Nag-iisip ba si Villacorda? Bakit siya sumugod na ganyan ka-konti ang tao niya?" Inaasahan pa naman niyang isang batallion ang isasama ng lalaki. Aniya, mukhang nasobrang sa tapang ang lalaki dahil dahil para lamang itong mamamasyal sa kung saan. Tila problemadong nagpabalik-balik ng lak
"W-Wala akong pipiliin." Hindi napigil ni Raya Fae ang paglandas ng kanyang luha. Bakit pakiramdam niya ay may bahagi ng puso niya ang humapdi. Hindi ba pumunta si Damielle Astin upang iligtas sila? At papanoorin lamang ba siya nitong mamatay? Kung sabagay, bakit naman siya ililigtas ni Damielle Astin? Hindi siya mahal nito. Oo nga't mag-asawa sila ngunit iyon ay sa papel lamang. Pinakasalan lamang siya nito para sa mga anak nila. Hindi mawari ni Raya ngunit tila lalong humapdi ang kanyang puso sa ideyang pumasok sa kanyang isipan. "Kung ayaw mong mamili, ako ang pipili." Muling kumilos ang kamay ni Rio upang tutukan ng baril si Raya. Lalo namang nanginig si Raya Fae kasabay ng pagtulo ng kanyang luha. Aniya, katapusan na niya. Mangyayari na ang plinano ni Rio Costor. Ngunit bago pa magtagumpay si Rio na maitutok ang baril kay Raya ay umalingawngaw ang putok ng baril. Tumama iyon sa mismong baril sa hawak ni Rio. Sa gulat niya ay tumilapon ang baril. Bago pa siya makahuma a
"Hurry! Hurry up!" Sigaw ni Milo sa mga bata bago siya nakipagpalitan ng putok sa mga nakasunod sa kanila na tauhan ni Rio Costor. Nagtagumpay naman siyang mapatumba ang isa bago siya sumunod sa tumatakbong mga bata. Mabuti na lamang at naisipan nilang dumaan sa binata dahil kung hindi ay baka nasukol na sila ng mga tauhan ng kanyang kapatid. Kahit papaano ay nakahinga na siya ng kaunti dahil nakalabas na sila ng mansion ni Rio Costor. Gayunpaman kahit nasa kalsada na sila ay tuloy pa rin sa paghabol sa kanila ng mga tauhan ng kanyang kapatid. At hindi niya hahayaang magtagumpay ang mga ito. Muli siyang nakipagpalitan ng putok habang patuloy siya sa pagtakbo kasama ang mga bata. "Hurry! Hurry! Let's get over there." Mabilis niyang iginiya paliko ang bata sa eskinita. "I'm afraid, mister. Are they going to shoot us. I don't wanna die." Maluha-luha ang batang si Damon. Kitang-kita ang takot sa mga mata nito sa malamlam na liwanag na nagmumula sa lamp post ng walang katao-taong k
Flash back... Mabilis na tinalunton ni Raya Fae ang pasilyo patungo sa silid kung saan sila ikinulong. Bago siya tuluyang makarating sa silid ay narinig pa niya ang tinig ng kanyang mister. "Maghiwalay tayo, Thano. Mas madali nating mahahanap si Raya kung maghihiwalay tayo." Rinig niyang wika ng kanyang mister. Agad naman siyang nagkubli sa malaking banga na palamuti sa malawak na pasilyo. Tila tinambol ang kanyang dibdib nang masilip niya ang kanyang mister. Mas lalo siyang sumiksik sa gilid. Ngunit sa maliit na siwang ay nakagawa niyang makita ang paglinga-linga ni Damielle Astin sa paligid bago ito tuluyang umalis sa lugar. Tila naman nakahinga nang maluwag si Raya Fae. Aniya, malaya na niyang mahahanap ang kanyang mga anak. Wala nang pipigil sa kanya. Marahan siyang tumayo mula sa pinagkukublian. Ngunit tila tumalon ang kanyang puso nang bumungad sa harap niya ang bunganga ng baril. Napalunok siya. Agad ring napunta ang tingin niya sa may hawak ng baril. Bumungad sa kan
"Raya." Hindi naitago ni Damielle Astin ang pag-aalangan sa tinig nang tawagin niya ang kanyang misis. Bagama't nakatalikod ito mula sa kanya, alam niyang umiiyak ito dahil sa pagyugyog ng balikat nito. "Nagdala ako ng pagkain." Sunod niyang wika sa mahinang tinig. At tama nga siya ng hinala na umiiyak ang babae dahil kitang-kita niya ang pagpunas ni Raya sa pisngi nito. "Hindi ako nagugutom." Matamlay nitong sagot. Ni hindi rin ito nag-abalang lingunin siya. Nanatili itong nakatanaw sa balkonahe ng silid. "Kahit konti lang." Noon na siya liningon ng kanyang misis. Kitang-kitang ang pamumula ng mga mata nito dahil sa pag-iyak at galit. "Hindi ka ba nakakaintindi? Sinabi ko na ngang hindi ako nagugutom! At saka pwede ba, Damielle, pwede ba, huwag ka muna magpapakita sa 'kin." Pakiramdam ni Damielle Astin ay nahiwa ang kanyang puso sa narinig at sa ipinakita ng kanyang misis. Ngunit ang pagguhit ng lungkot sa kanyang mga mata ay hindi na nakita ni Raya Fae dahil muli na itong