"W-Wala akong pipiliin." Hindi napigil ni Raya Fae ang paglandas ng kanyang luha. Bakit pakiramdam niya ay may bahagi ng puso niya ang humapdi. Hindi ba pumunta si Damielle Astin upang iligtas sila? At papanoorin lamang ba siya nitong mamatay? Kung sabagay, bakit naman siya ililigtas ni Damielle Astin? Hindi siya mahal nito. Oo nga't mag-asawa sila ngunit iyon ay sa papel lamang. Pinakasalan lamang siya nito para sa mga anak nila. Hindi mawari ni Raya ngunit tila lalong humapdi ang kanyang puso sa ideyang pumasok sa kanyang isipan. "Kung ayaw mong mamili, ako ang pipili." Muling kumilos ang kamay ni Rio upang tutukan ng baril si Raya. Lalo namang nanginig si Raya Fae kasabay ng pagtulo ng kanyang luha. Aniya, katapusan na niya. Mangyayari na ang plinano ni Rio Costor. Ngunit bago pa magtagumpay si Rio na maitutok ang baril kay Raya ay umalingawngaw ang putok ng baril. Tumama iyon sa mismong baril sa hawak ni Rio. Sa gulat niya ay tumilapon ang baril. Bago pa siya makahuma a
"Hurry! Hurry up!" Sigaw ni Milo sa mga bata bago siya nakipagpalitan ng putok sa mga nakasunod sa kanila na tauhan ni Rio Costor. Nagtagumpay naman siyang mapatumba ang isa bago siya sumunod sa tumatakbong mga bata. Mabuti na lamang at naisipan nilang dumaan sa binata dahil kung hindi ay baka nasukol na sila ng mga tauhan ng kanyang kapatid. Kahit papaano ay nakahinga na siya ng kaunti dahil nakalabas na sila ng mansion ni Rio Costor. Gayunpaman kahit nasa kalsada na sila ay tuloy pa rin sa paghabol sa kanila ng mga tauhan ng kanyang kapatid. At hindi niya hahayaang magtagumpay ang mga ito. Muli siyang nakipagpalitan ng putok habang patuloy siya sa pagtakbo kasama ang mga bata. "Hurry! Hurry! Let's get over there." Mabilis niyang iginiya paliko ang bata sa eskinita. "I'm afraid, mister. Are they going to shoot us. I don't wanna die." Maluha-luha ang batang si Damon. Kitang-kita ang takot sa mga mata nito sa malamlam na liwanag na nagmumula sa lamp post ng walang katao-taong k
Flash back... Mabilis na tinalunton ni Raya Fae ang pasilyo patungo sa silid kung saan sila ikinulong. Bago siya tuluyang makarating sa silid ay narinig pa niya ang tinig ng kanyang mister. "Maghiwalay tayo, Thano. Mas madali nating mahahanap si Raya kung maghihiwalay tayo." Rinig niyang wika ng kanyang mister. Agad naman siyang nagkubli sa malaking banga na palamuti sa malawak na pasilyo. Tila tinambol ang kanyang dibdib nang masilip niya ang kanyang mister. Mas lalo siyang sumiksik sa gilid. Ngunit sa maliit na siwang ay nakagawa niyang makita ang paglinga-linga ni Damielle Astin sa paligid bago ito tuluyang umalis sa lugar. Tila naman nakahinga nang maluwag si Raya Fae. Aniya, malaya na niyang mahahanap ang kanyang mga anak. Wala nang pipigil sa kanya. Marahan siyang tumayo mula sa pinagkukublian. Ngunit tila tumalon ang kanyang puso nang bumungad sa harap niya ang bunganga ng baril. Napalunok siya. Agad ring napunta ang tingin niya sa may hawak ng baril. Bumungad sa kan
"Raya." Hindi naitago ni Damielle Astin ang pag-aalangan sa tinig nang tawagin niya ang kanyang misis. Bagama't nakatalikod ito mula sa kanya, alam niyang umiiyak ito dahil sa pagyugyog ng balikat nito. "Nagdala ako ng pagkain." Sunod niyang wika sa mahinang tinig. At tama nga siya ng hinala na umiiyak ang babae dahil kitang-kita niya ang pagpunas ni Raya sa pisngi nito. "Hindi ako nagugutom." Matamlay nitong sagot. Ni hindi rin ito nag-abalang lingunin siya. Nanatili itong nakatanaw sa balkonahe ng silid. "Kahit konti lang." Noon na siya liningon ng kanyang misis. Kitang-kitang ang pamumula ng mga mata nito dahil sa pag-iyak at galit. "Hindi ka ba nakakaintindi? Sinabi ko na ngang hindi ako nagugutom! At saka pwede ba, Damielle, pwede ba, huwag ka muna magpapakita sa 'kin." Pakiramdam ni Damielle Astin ay nahiwa ang kanyang puso sa narinig at sa ipinakita ng kanyang misis. Ngunit ang pagguhit ng lungkot sa kanyang mga mata ay hindi na nakita ni Raya Fae dahil muli na itong
"Boss, bakit tayo nandito?" Hindi napigilang maitanong ni Thano Miguero kasabay ng paggala niya ng kanyang paningin sa loob ng bar. "I just want to unwind." Walang emosyong turan naman ni Damielle Astin sa kanyang tauhan. Nang umupo ang kanyang amo at umorder ito ng inumin ay wala na rin siyang nagawa kundi umupo na rin sa tabi nito. "Akala ko ba, boss, pupunta ka sa bahay nina Ma'am Raya." Napabuga naman ng hangin si Damielle Astin kasabay ng pag-iwas nito ng tingin. "Huwag na muna siguro. Baka ayaw rin lang naman niya akong harapin." Hindi na lamang umimik si Thano Miguero. Nang dumating ang order na alak ni Damielle Astin ay inialok nito sa kanya ang isang baso ngunit ngali-ngali siyang tumanggi. "Tingin mo ba, malabo na bang magkaayos pa kami ni Raya?" Tanong nito sa kanya matapos ang ilang beses na pagtungga ng alak. "Ewan ko, boss. Ikaw boss, ano sa tingin mo?" Nalukot naman ang mukha ni Damielle Astin. "You're not helping me, Thano." Napakamot naman ng ulo si Tha
Napaungol si Raya Fae kasabay ng pagmulat niya ng kanyang mga mata. "Sa'n mo ako dadalhin?" Hindi niya naiwasang tanong habang nakatitig siya sa lalaking buhat-buhat siya. Sa halip na maghisterikal ay isiniksik niya ang kanyang mukha sa matipunong dibdib ng lalaki. Hindi niya mawari ngunit tila nakaramdam siya ng kapayapaan at seguridad sa bisig nito. "Please bring me home." Mahinang wika nito. "We're already home." Muli namang nagmulat ng kanyang mga mata si Raya Fae. Sinubukan nitong igala ang kanyang paningin ngunit tila umiikot naman ang kanyang paligid. Muli na lamang siyang napapikit upang mawala ang kanyang hilo. Pakiramdam niya ay nakadama siya ng kaginhawaan ng maramdaman niya ang paglapat ng kanyang katawan sa malambot na kutson. Sandali naman siyang pinakatitigan ng kanyang mister bago ito tumikhim. "I-I will undress you." Tila nagpapaalam namang wika ni Damielle Astin. Narinig naman iyon ni Raya Fae. Ngunit sa 'di mawaring dahilan ay hindi siya nakadama ng anumang
"Mga anak!" Naluluhang yumakap sa kanyang mga anak si Raya Fae. "Mommy." Mahigit na gumanti ng yakap sa kanya ang batang si Damon. Walang imik namang gumanti rin ng yakap sa kanya si Devonne. "Maraming salamat sa lumikha. Sa wakas, nahanap rin namin kayo." Hindi na napigil ni Raya Fae ang pagbuhos ng kanyang mga luha. "Mom." Tiningala siya ng batang si Devonne. Agad namang pinahid ni Raya Fae ang kanyang mga luha bago siya lumuhod upang mapantayan ang kanyang mga anak. "Kumusta kayo? Ayos lang ba kayo? May masakit ba? " Kitang-kita ang pag-aalala sa mga mata nito habang nakatingin sa mga bata. Muli ring nangilid ang kanyang luha habang hawak-hawak niya ang kanyang mga anak. "Please don't cry, mom." Kumilos ang kamay ng batang si Devonne upang tuyuhin ang kanyang luha. "We're okay, mommy." Segunda naman ng batang si Damon. "Please stop crying." Napasinghot naman ang si Raya Fae. Pinilit niya pinigil ang muling pagtulo ng kanyang luha. "Pasensya na, mga anak. Sobrang natutu
Marahang hinahaplos-haplos ni Raya Fae ang ulo ng batang si Damon. Napapayag lamang niyang sumama ang mga bata sa kanila nang sabihin niya magkakasama silang pamilya. Sa huli pumayag na lamang siya sa gusto ni Damielle Astin na umuwi sa bahay kung saan siya nagising na kasama ito. Ayon sa lalaki, iyon daw ang bago nilang tahanan. Hindi nalalayo ang laki ng bahay sa dati nilang tahanan. Nangingibabaw ag kulay na puti at gold sa bahay kaya naman napakaaliwalas ng paligid. Mayroon na rin silid roon ang mga bata na may pintong konektado sa Master's bedroom. "Raya." Nakuha ng atensyon niya ang pagtawag ng kanyang mister. Nang mapunta ang tingin niya sa pinanggalingan ng tinig nito ay nakita niyang nakatayo ang lalaki sa pinto patungo sa Master's Bedroom. "Ngayong tulog na ang mga bata, pwede bang mag-usap tayo." Mahinahon ang tinig nitong nakikiusap. "Ano pang dapat nating pag-usapan? Pumayag na nag ako na umuwi dito sa bahay mo, 'di ba?" Hindi niya naitago ang pagsusungit sa kanyang