Mabilis na tinawid ni Raya Fae ang distansya nilang mag-asawa. "Nawawala? Sinong nawawala?" Hindi naitago niya ang pag-alaala. Halos hindi na rin niya marinig ang sarili dahil sa lakas ng kabog ng kanyang puso. Malinaw niyang narinig ang sinabi ng nasa kabilang linya ngunit gusto niyang makasiguro. Umaasa siyang nagkamali lamang siya nang narinig. "Tell me, ang mga bata ba ang nawawala?" Marahan namang hinawakan ni Damielle Astin ang balikat ng kanyang misis. Hindi na rin niya binigyan pansin ang kanyang cellphone kahit nasa kabilang linya pa ang kanyang biyenan. "Relax, okay?" Mataman itong tumitig sa kanyang mga mata. Agad naman umiling si Raya Fae. Tila hindi nakatulong ang masuyong tingin ng kanyang mister. Sa halip ay tila lalo siyang naghisterikal. "Relax? Nawawala ang mga anak natin, Damielle! Paano ako magre-relax?" Mabilis na humakbang ang mga paa nito palabas ng palikuran. "Pupuntahan ko si Daddy." Agad naman siyang sinundan ni Damielle Astin. "Ako na lang. Huwag ka
"I have done a series of test to your wife. I will update you soon the result is out. But don't take it seriously, wala naman akong nakitang dapat mong ipag-alala. Mukhang nawalan lang siya ng malay dahil sa stress." Tila naririnig pa ni Damielle Astin ang tinuran ng doktorang sumuri kay Raya Fae. Buntong-hininga siyang napahilamos sa sink ng kanilang banyo. Mabigat ang kanyang pakiramdaman at umaasa siyang kahit sa paghilamos man lamang ay gumaan kahit kaunti ang kanyang dinadala. Nagbabasakali siyang matatangay ng tubig ang bigat ng kanyang damdamin. Nag-angat siya ng tingin at tumitig sa sarili niyang repleksiyon. Hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang problemado niyang mukha. Nabuga siya ng hangin. Nawawala ang kanyang mga anak at ngayon ay wala pa ring malay ang kanyang misis. Kahit sinabi ng kanilang family doctor na wala siyang dapat ipag-alala, hindi pa rin niya maiwasang matakot at mag-alala.Muli siyang napabuga ng hangin bago siya nagpasyang humakbang paalis ng banyo ngu
"Raya? God! Thanks you're awake now." Mabilis na tinawid ni Damielle Astin ang distansiya nila ng kanyang maybahay. Agad ring kumilos ang mga kamay nito at masuyong humawak sa pisngi ng kanyang misis. "How are you feeling? May masakit ba?" Kitang-kita ang pag-aalala sa mga mata nito. "Hindi ka ba nahihilo?" Kumilos naman ang kamay ni Raya Fae at saka humawak sa kanang kamay ng kanyang mister. Bahagya niya iyong pinisil. "Ayos lang ako." Marahan nitong ibinaba ang kamay ni Damielle Astin na nakahawak sa kanyang pisngi. "But I'm asking you, ano 'yong sinabi mo kanina?" Hindi naman napigil ni Damielle Astin ang mapalunok lalo sa kasunod na tanong ng kanyang misis. "Did you just say Mafia?" Gumuhit ang alanganing ngiti sa mukha ng lalaki. Gayunpaman ay hindi niya napigil ang paglabas ng mga butil ng pawis sa kanyang noo. "Mafia? Why should I mention such thing?" Patawarin na lamang siya ng kanyang misis ngunit hindi pa siya handang sabihin ang kanyang lihim rito. Kapag nalaman
Lumipas ang tatlong araw ngunit wala pa ring nangyari. Pakiramdam ni Raya ay kaytagal lumipas ang bawat oras. Bawat minuto ay hindi siya mapakali sa labis na kaiisip sa kanyang mga anak. Pati pagkain ay halos hindi na rin niya maalala, mabuti na lamang at nasa kanyang tabi ang kanyang mister na walang sawang nagpapaalala sa kanya na kailangan na niyang kumain. Sa kabila ng problemang kanilang hinaharap ay nanatili siyang matatag dahil na rin ramdam niya ang pag-alalay at pag-aalaga sa kanya ng kanyang mister. Nasa malalim siyang pag-iisip nang marinig niya ang tunog ng kanyang cellphone na nakapatong sa ibabaw ng lamesitang gawa sa salamin. Awtomatiko siyang napatingin roon. Hindi niya naiwasang mapakunot-noo nang makita niyang sa screen ang isang unregistered number. Bagama't nag-aalangan ay marahan niyang dinampot ang kanyang cellphone at tinanggap ang tawag. "H-Hello?" ["Raya Fae Escobar."] Anang tinig ng isang lalaki sa kabilang linya. Mahina itong natawa bago nagpapatuloy. ["O
Mula sa bintana ng kanilang silid ay palihim na pinanood ni Raya Fae ang paglabas ng tatlong sasakyan kung saan nakasakay si Damielle Astin at ang mga tauhan nito. Nang tuluyang makalabas ang sasakyan sa malaking gate ng mansion ay agad siyang humakbang patungo sa walk in closet ng kanilang silid. Napili niyang magsuot ng kulay itim na jogger pants at saka tinernuhan iyon ng itim na hoodie jacket. Matapos siyang makapagbihis ay agad niyang kinuha ang kanyang shoulder bag at inilagay sa loob nito ang kanyang cellphone. Wala siyang sinayang na sandali, agad niyang tinungo ang garahe ng mansion. At gaya ng kanyang inaasahan ay nagawa niyang makuha ang atensiyon ng isa sa mga tauhan ni Damielle Astin. "Ma'am? Saan po kayo pupunta?" Sinundan siya nito habang naglalakad patungo sa kanyang sasakyan. "Pupuntahan ko ang Daddy ko." Walang kangiti-ngiting wika ni Raya kasabay ng pagpasok niya sa driver's seat. Hindi niya hinayaang kakikitaan siya ng pagkataranta. Hindi pwedeng makahalata an
Nagising si Raya na tila sasabog ang ulo niya sa sobrang sakit. Kumilos ang kamay niya upang sapuin ang kanyang ulo ngunit hindi siya nagtagumpay dahil sa bagay na pumipigil sa kanyang kamay. Awtomatikong napunta roon ang kanyang tingin. At tila lalong nagising ang kanyang diwa nang makita niyang nakatali paitaas ang kanyang kamay. Noon rin niya natanto na nakatayo siya at nakatali ang kanyang kamay. Pinilit niyang magpumiglas ngunit sadyang mahigpit ang pagkakatali sa kamay niya. "Huwag mo nang piliting tumakas pa." Awtomatiko siyang napatingin sa pinagmulan ng tinig. Iyon ay galing sa isang lalaking matangkad at malaki ang pangangatawan. Nakasuot ito ng itim na T-shirt at kitang-kita ang braso nitong punong-puno ng tattoo. "Sino ka?" Iginala niya ang paningin sa silid ngunit wala siyang nakitang kahit sinuman maliban sa kanilang dalawa. "Nasa'n ang mga anak ko?" Sa halip na sumagot ay gumuhit naman ang nakakakilabot na ngisi sa labi ng lalaki. "Sino ka ba? Bakit mo 'to ginagawa
"Gusto mo bang makita ang mga anak mo?" Napukaw ang bumabagabag sa isipan ni Raya Fae dahil sa tinurang iyon ng Rio Costor. "Yes, please. Let me see them please." Gumuhit ang pagsusumamo sa mga mata ni Raya Fae. Humugot naman sa kanyang bulsa si Rio. Ilang sandali lamang ay pinindot nito ang isang earpiece device. "Dalhin niyo dito ang kambal," utos nito sa nasa kabilang linya. "Siguruhin niyo na lang na 'di kayo maiisahan ng mga batang 'yan!" Matapos niyang sabihin iyon ay muli itong tumingin kay Raya Fae ngunit nanatiling walang emosyon ang mga mata nito. "Hindi naman ako sobrang sama. Bibigyan kita ng pagkakataong makasama ang mga anak mo bago ko ipadala ang ulo nila kay Villacorda." Gumuhit naman ang takot sa mga mata ni Raya Fae. "Hindi ko na ba mababago ang isip mo? Tell me what I need to do to change your mind. Kahit ano handa akong gawin kapalit ng buhay ng mga anak ko." Tumikwas naman ang gilid ng labi ni Rio. "The sad thing is, you can't change my mind anymore, Raya
"Kuya, ano 'to?" Kitang-kita ang pagtutol sa mukha ni Milo Costor. "Seryoso ka ba talagang papatay*n mo ang mga bata?" "Huwag kang makialam dito, Milo. Labas ka sa gulong ito!" Mariing wika ni Rio sa kanyang kapatid. Hindi naman naiwasan ni Milo ang mapabuntong-hininga. Walang alinlangan din itong sumunod sa kanyang kapatid at lakas loob nitong inihayag ang kanyang argumento. "Labas din ang mga bata sa gulo niyo ni Astin Villacorda, Kuya. At isa pa, hindi ka ba naaawa sa mga bata? May anak din ako, Kuya. At hindi ko kakayanin kapag nangyari rin sa anak ko ang plinaplano mong gawin sa mga anak ni Villacorda. Paano kung ganyan din ang gawin sa 'min ng mga kalaban ko sa negosyo?" "Hangga't isa kang Costor, walang gagalaw sa anak mo, Milo." Lalo nagngitngit ang kalooban ni Rio sa inaasta ng kanyang kapatid. Gayunpaman ay tila naman hindi inintindi ni Milo ang mukha niyang namumula at kulang na lamang ay umusok sa galit. "Hindi tayo nakakasiguro diyan, Kuya." Hindi naman naiwasan ni