Hindi naiwasan ni Raya Fae ang malula nang makarating sila sa mansion ng mga Villacorda. Kung malaki na ang bahay ni Damielle Astin ay 'di hamak na mas malaki at mas malawak ito ng sampung beses. Mayroong limang bahagi ang mansion. Iyon ay ang main House at apat na bahay na inilaan para sa apat na anak ni Don Flacido Villacorda. Mayroon pangalan ang bawat bahay na konektado sa main house. Iyon ay ang House of Gabriel, House of Florence, House of Astin at House of Bluementrint. At dahil nga mayroon nakalaang bahay para kay Damielle ay sa main door ng House of Astin sila dumeretso. "Wow! This is such a big house!" Hindi naitago ng batang si Damon ang kanyang pagkamangha. Samantalang ang batang si Devonne naman ay nanatiling walang kibo. "Sandali!" Hinawakan ni Raya Fae ang braso ni Damielle Astin. Naging dahilan rin iyon upang mapalingon sa kanya ang lalaki. "Tell me about your father. Hindi naman siguro siya masungit 'di ba? Tingin mo, magagawa niya kayang tanggapin ang mga anak k
Mabilis na dumapo ang malakas na sampal sa pisngi ni Damielle Astin. Awtomatikong napaawang ang kanyang labi at nasapo niya ang kanyang pisngi. "Malandi?" Pakiramdam ni Raya Fae ay para siyang sasabog sa galit. "Ang baba naman ng tingin ko sa'kin, Damielle! Ano? Porket ba isa lang akong disgrasyadang babae?" Bago pa makahuma si Damielle Astin ay muli niya itong pinalo sa dibdib. "Damn you! You know yourself, that night was my first time!" Lalo siyang nagngitngit. Hindi na rin niya napigilan ang pangingilid ng kanyang luha. "And for the rest of my life, I never let any man undress me like you do! Hindi ako malandi. Hindi ako pakawalang babae!" Bago pa makaimik si Damielle Astin ay mabilis siyang tumalikod. Agad rin niyang pinunas ang kanyang luha. Ngunit bago siya tuluyang makalayo ay mabilis niyang sinundan ni Damielle Astin. Nagawa nitong humarang sa daraanan ng dalaga. "Huwag mo nga akong tatalikuran! Hindi pa tayo tapos mag-usap." "Umalis ka diyan!" Patuloy pa rin ang pagtulo
Mataas na ang sikat ng araw nang magising si Raya Fae. Hindi naman niya masisi ang sarili dahil tumitilaok na ang manok nang makatulog siya. Bukod sa hindi siya pinatulog ng sama ng loob ay naging distraksyon rin niya ang presensya ni Damielle Astin sa kanyang tabi. Bagama't hindi na sila nag-imikan at nakalikod siya rito ay ramdam naman niya ang paninitig nito. Hindi niya alam kung sino sa kanila ang unang nakatulog, basta ang huli niyang natatandaan ay hinila na siya ng antok dahil sa labis na pagod. "Good morning, mommy." Agad napabaling si Raya Fae sa pinagmulan ng tinig. Sa kanyang tabi ay nakaupo ang batang si Damon. Matamis ang ngiti nitong nakatitig sa kanya. Tuluyan na ring gumuhit ang matamis na ngiti sa labi ni Raya Fae. "Good morning, baby." Bumangon siya mula sa pagkakahiga at kinintalan ng halik ang bata. Agad rin niyang iginala ang kanyang paningin sa loob ng silid. Ngunit wala siyang nakitang presensya ng kahit sino. Tanging sila lamang ni Damon ang nasa loob. "W
Napatitig si Raya Fae sa repleksiyon niya sa salamin. Tanging pares ng kulay pulang bikini lamang ang kanyang suot. Hindi naman iyon bago sa kanya ngunit hindi siya natutuwa ngayon. Hindi niya naiwasang muling mapatitig lalo na sa kanyang tiyan. "Let's go?" Agad siyang napalingon sa pinagmulan ng tinig. Iyon ay walang iba kundi si Damielle Astin na nakatayo sa pinto ng silid. Nakasuot ng puting roba ang lalaki at kanina pa nakahanda para sa night swimming nila. Matapos ang late breakfast nila ay kinulit siya ng lalaki kung saan niya gustong mamasyal. Sa huli na pinili niya mag-night swimming na lamang at huwag na silang lumabas pa ng mansion. "Sandali lang. Magpapalit lang ako." Agad namang nangunot ang noo ng lalaki. "But that's already good." "Ano kasi--" natigil siya na tila nag-aalangan sa sasabihin, "- hmm, ang pangit ko sa suot ko." "Hindi naman ah. At saka kailan ka pa pumangit? You are always beautiful, Raya." Tila problemado namang natitig sa kanya si Raya Fae. "Tign
Nagising si Raya Fae na tila binugbog ang buo niyang katawan. At wala siyang ibang dapat sisihin kundi ang sarili. Nakailang rounds nga ba sila kagabi? Hindi na rin niya mabilang. Kung 'di pa siya nagreklamo na masakit na ang balakang niya ay mukhang wala siyang balak tigilan ni Damielle Astin. Nang tumagilid siya ng higa ay naramdaman niya ang paghigpit ng kamay na nakapulupot sa kanyang beywang. "Good morning." Kinintalan siya ng halik ni Damielle Astin sa kanyang balikat. Sa ilalim ng kumot ay wala pa rin siyang saplot. "Good morning too." Hinarap niya si Damielle Astin. Noon niya napansing nakasuot na ng sando ang lalaki. "Kanina ka pa gising?" Marahan namang tumango ang lalaki. "Yeah." Lalo nitong pinagdikit ang kanilang katawan. "What do want for breakfast?" Kinintalan niya ito ng mabilis na halik sa labi. Hindi naman maiwasan ni Raya Fae ang pag-iinit ng kanyang pisngi. Agad niyang inilayo ang mukha sa lalaki. Nakaramdam siya ng hiya lalo pa at hindi pa siya nakakapag
Pakiramdam ni Raya ay naririndi siya sa malakas na tawa ni Natasha. Nang hindi na siya makatiis ay tumayo siya sa pagkakaupo. Agad naman niyang nakuha ang atensiyon ng dalawa. Natigil sa pagtawa si Natasha. Gumuhit rin ang pagtataka sa mukha ni Damielle Astin. "Pupuntahan ko lang ang mga bata." Walang kangiti-ngiting wika niya. Hindi na rin hinintay na magsalita ang kahit sinuman sa kanilang dalawa. Agad siyang humakbang paalis ng dining area. Nang tuluyan siyang makatalikod ay tila lalong humapdi ang kanyang puso. Pakiramdam rin niya nangasim ang kanyang sikmura. Hindi niya mawari ang emosyon. Basta ang alam niya ay parang anumang oras ay gustong tumulo ng kanyang luha. "Hey!" Narinig niya ang pagtawag ni Damielle Astin. "Are you alright? May problema ba? Hindi mo ginalaw ang pagkain mo?" Pinilit na lamang niyang ngumiti. "Hindi ba sabii ko na sa'yo na magda-diet ako?" Napabuntong-hininga na lamang si Damielle Astin. "Sige na, pupuntahan ko lang ang mga bata. Bumalik ka na s
Wala nang nagawa si Raya Fae kundi sumama na rin sa bakasyong sinasabi ni Natasha. Mukha rin namang gusto ni Damielle Astin ang maikling bakasyon na iyon dahil nag-abala pa itong puntahan ang ama niya upang ipagpaalam silang mag-iina ng personal. Ayaw niya sanang sumama dahil parang nasusuka siya sa pagmumukha, kilos at pananalita ni Natasha ngunit may bahagi ng puso niya ang hindi papayag na masolo nito si Damielle Astin. Para siyang mababaliw sa kaiisip kung anong gagawin ng dalawa sa bakasyon kung sakaling magsolo sila. Hindi na rin maintindihan ang sarili. Kung pwede lamang niyang ikadena si Damielle Astin ay kanina pa sana niya ginawa. "Welcome sa vacation house ng mga Villacorda." Matamis ang ngiti ni Natasha kasabay ng paglahad ng kamay nito sa dalawang palapag na bahay. Hindi niya naiwasan ang mapataas ang kilay. Kung pag-aari pala ng mga Villacorda ang vacation house, bakit ito ang umaastang may-ari? Ito pa ang may ganang mag-imbita sa kanila. "There's a playground ove
Tila gustong mahiya ni Raya Fae kay Natasha. Ang babaeng pinagselosan niya ay fiancée pala ng kapatid ni Damielle Astin na si Florence. "Ba't ngayon mo lang sinabi?" Bulalas niya. "You're not asking." Tila balewalang saad ng lalaki. "Dapat sinabi mo pa rin." Aniya, parang wala na siyang mukhang maihaharap pa sa babae. Buong akala niya ay nilalandi nito si Damielle Astin kahit hindi naman pala. "Women are really unbelievable. Hindi naman ako manghuhula para alam ko sana ang gusto mong gawin ko." Napailing na lamang si Damielle Astin kasabay ng pagguhit ng munting ngiti sa labi nito. Napasimangot na lamang si Raya Fae. "Well, atleast ngayon, alam mo nang hindi mo dapat pagselosan si Nash." "Hindi na ako nagseselo--" Hindi na nagawang matapos ni Raya Fae ang kanyang sasabihin nang magpatuloy pa rin sa Damielle Astin. "Si Nash, parang kapatid ko lang 'yon. Malapit ako sa kanya dahil kadugo at kakampi ang tingin ko sa kanya. Ni minsan, hindi ko naisip na maaari kaming magkaroon