Share

Chapter 27.2

Sa kabilang panig, hindi maintindihan ni Damielle Astin ang sarili ngunit namalayan na lamang niyang nasa tapat na siya ng silid na inuukopa ng kambal.

"What am I doing here?" Buntong-hininga siyang humakbang paalis ngunit bago pa siya tuluyang makatalikod ay bumukas ang pinto ng silid.

Nang bumaling siya roon ay bumungad sa kanyang ang batang walang kangiti-ngiti. Nang magtama ang kanilang mga mata ay agad gumuhit ang gitla sa noo ng bata.

"It's you again!" Humalikipkip ang batang si Devonne. "What are you doing here, monster?"

Tila naman nagpantig ang tainga ni Damielle Astin sa narinig. Oo nga at may pilat siya sa pisngi ngunit hindi iyon sapat upang tawagin siyang monster ng bata.

"Huwag mo akong pakikitaan ng sungay, bata kung gusto mong ibalik pa kita sa magulang mo." Pinandilatan niya ito ng mata. Buong akala niya ay matatakot ang bata ngunit nagkamali siya. Lalo lamang itong tumapang. Hindi rin nito naitago ang pagkuyom ng kanyang kamao.

"I hate you!" Sigaw nito sa kany
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status