Mula sa loob ng sasakyan ay tanaw ni Damielle Astin ang bahay na siyang nakalagay sa address na ibinigay ng kanyang tauhan. Dalawang palapag ang bahay ngunit unang tingin pa lamang ay halatang mas malaki na ang kanyang bahay. Maraming halaman sa harap ng tahanan na tila ba palatandaan na mahilig sa halaman ang may-ari ng tirahan. Kaninang madaling araw pa siya roon. Inabot na siya ng pasado alas nuebe ng umaga ngunit tila wala pa rin siyang planong umalis sa lugar. Habang nanatiling nakatingin sa nakasaradong bahay si Damielle Astin ay hinugot nito ang kanyang cellphone at nag-dial. Hindi naman siya nabigo dahil agad sinagot ng kanyang sadya. ["Boss!"] Masigla ang tinig ng lalaki mula sa kabilang linya. "Nagawa mo ba ang pinapagawa ko?" Sumandal siya sa headboard ng sasakyan. ["Siyempre, boss! Matik 'yon! Ako pa ba?"] Nanatili ang masiglang tinig ng lalaki. "Then what did you found out?" [" Nakapangalan ang bahay sa isang Macario Escobar, Boss."] Hindi niya naiwasan ang map
Mula sa malaking bintana ay nakatanaw ang isang lalaking nakaupo sa kanyang wheelchair. Nakasuot ito ng kulay asul na hospital gown at mayroong suot na neck brace. Mayroon din benta ang braso nito tanda ng pinagdaanang trahedya. Nang bumukas ang pinto ng silid ay kaagad siyang tinawag ng bagong dating. "Boss." Agad naman niyang iniikot ang kanyang wheelchair upang makita ang may-ari ng tinig. Nang makilala niya kung sinong dumating ay gumuhit ang ngisi sa mukha ng lalaking nasa wheelchair--walang iba kundi si Rio Costor. "Nagawa mo na ba ang inuutos ko, Bono?" "Tapos na, boss. Dala ko na ang impormasyon." Tuluyang lumapit Ang tauhan sa kanyang amo na nakalulan sa wheelchair. "At anong nalaman mo?" "Nandito ang lahat ng impormasyon na nakalap ko, boss." Inilahad niyo ang papeles na hawak niya ngunit hindi kumilos si Rio upang tanggapin iyon. "Tonto! Pahihirapan mo pa akong basahin 'yan! Sabihin mo na lang kung anong nalaman mo, bobo!" Napatikhim na lamang si Bono upang maali
"Boss!" Agad natigil si Damielle Astin nang marinig niya ang pagtawag. "Boss!" Agad siyang napalingon sa pinanggalingan ng tinig. Hindi niya naiwasan ang mapakunot-noo nang makita niya kung sinong tumawag sa kanya. "Thano? What are you doing here?" Agad namang napakamot ng batok ang kanyang hinihingal na tauhan. "Si boss naman, siyempre sinundan po kita. Grabe ka, boss! Ang tindi mong stalker, inabot ka pa talaga ng umaga sa harap ng bahay ni--" "Shut up, Thano!" Maagap na saway sa kanya ni Damielle Astin bago pa niya matapos ang kanyang sasabihin. "I'm asking you, what are you doing here?" "Eh ikaw boss, anong ginawa mo dito sa airport?" Mariing napapikit si Damielle Astin. "None of your business, Thano." "Si boss talaga oh, kaysungit." Napakamot na lamang muli si Thano sa kanyang batok. "Nandito ka ba para sundan si Miss Raya, boss?" "Ofcourse not!" Mabilis na tanggi ni Damielle Astin. "Weh? 'Di nga, boss?" Umigting naman ang panga ni Damielle sa kanyang narinig. "Bah
Flashback.... Napatitig si Anjo sa sasakyan kung saan nakalulan ang dalawang bata. Ang isa sa kanila ay abala sa paglalaro ng shade. Nilalaro niya iyon na tila ba isang eroplanong pinapalipad. Ang isa naman sa kanila ay nakasandal at kunot ang noo nito na tila bagot na bagot na. Kahit magkamukhang-magmukha ay kitang-kita ang pagkakaiba ng dalawa mula sa kanilang mga kilos. At hindi naiwasan ni Anjo ang maawa sa mga bata. Walang kamalay-malay ang mga ito sa panganib na maaari nilang kaharapin. "Anong gagawin natin sa mga bata?" Tanong ni Anjo sa kasamahan niyang Pekto. Nagdesisyon silang tumigil muna sa gilid ng kalsada. Walang kabahayan sa bahaging iyon. Sa paligid ay makikita ang mga puno at mga talahib. Bihira rin ang dumaraan na sasakyan sa lugar. Tamang-tama ang lugar sa paggawa ng krimen. "Sabi ni boss, dispatsahin na raw natin sila. Pagkatapos daw nating patay*n ay ipadala natin sa mansiyon ni Astin Villacorda ang katawan nila." "Anong kinalaman ni Villacorda sa mga bata?
Sa kabilang panig, hindi maintindihan ni Damielle Astin ang sarili ngunit namalayan na lamang niyang nasa tapat na siya ng silid na inuukopa ng kambal. "What am I doing here?" Buntong-hininga siyang humakbang paalis ngunit bago pa siya tuluyang makatalikod ay bumukas ang pinto ng silid. Nang bumaling siya roon ay bumungad sa kanyang ang batang walang kangiti-ngiti. Nang magtama ang kanilang mga mata ay agad gumuhit ang gitla sa noo ng bata. "It's you again!" Humalikipkip ang batang si Devonne. "What are you doing here, monster?" Tila naman nagpantig ang tainga ni Damielle Astin sa narinig. Oo nga at may pilat siya sa pisngi ngunit hindi iyon sapat upang tawagin siyang monster ng bata. "Huwag mo akong pakikitaan ng sungay, bata kung gusto mong ibalik pa kita sa magulang mo." Pinandilatan niya ito ng mata. Buong akala niya ay matatakot ang bata ngunit nagkamali siya. Lalo lamang itong tumapang. Hindi rin nito naitago ang pagkuyom ng kanyang kamao. "I hate you!" Sigaw nito sa kany
Nangyari nga ang inutos ni Damielle Astin. Matapos niyang dalhin sa Foundation ang mga bata ay gumawa ang mga tauhan ng anunsiyo sa telebisyon, pahayagan at maging sa online news. Napatingin si Damielle Astin sa pintuan nang marinig niya ang tatlong beses na katok. Ilang sandali lamang ay bumukas iyon at iniluwa ang tauhan niyang si Thano. "Boss?" Panimula nito. "Dumating na ang nanay ng mga bata, boss." Tila nakaramdam siya ng munting kurot sa puso. Makalipas ang tatlong araw ay makakauwi na ang dalawang bata sa kanilang pamilya. Wala na siyang papanoorin sa monitor na batang naglalaro sa loob ng silid. Hindi na siya maasar sa masungit na mukha ni Devonne at hindi na siya matatawa habang pinapanood silang dalawa. Napalunok siya. Tumango rin siya kasabay ng kanyang pagsasalita. "That's good, after three days she came." Napatikhim naman si Thano. "Pero boss, hindi po kayo maniniwala kung sinong nanay ng mga bata." Nangunot ang noo ni Damielle Astin. "Why?" Nang hindi umimik s
Tila nakaramdan ng kahungkagan si Damielle Astin. Sa sumunod na tatlong araw ay wala siyang ganang magtrabaho sa kahit legal man o illegal niyang negosyo. Basta ang alam niya, gusto lang muna niyang manatili ng kanyang bahay at magkulong sa kwarto. At tila bumalik siya sa reyalidad nang bumukas ang pinto ng silid. Awtomatikong nangunot ang kanyang noo. Handa na sana siyang magsungit ngunit naunahan siya ni Thano sa pagsasalita. "Boss, may bisita ka." "Tell the visitor that I'm busy." Lukot ang mukhang turan ni Damielle kasabay ng pagtagilid niya ng higa at pagyakap sa unan. "Pero boss, importanteng tao 'yong bisita mo." "I don't care, Thano! Pauwiin mo na siya. I'm not on the mood to face anyone." Napabuntong-hininga naman si Thano. "Huwag mo na kasing masyadong dibdibin, boss. Uso po ang mag-move on." Agad naman napabaling si Damielle sa kanyang tauhan. "What are you talking about?" "Sus, boss, gets mo na 'yon. Huwag ka na pong maang-maangan." Napailing na lamang si Damiel
"Mommy! We have a visitor!" Ang matinis na sigaw ni Damon ang kumuha ng atensiyon ni Raya Fae. Agad niyang tinapos ang ginagawa niya sa kusina at nagmadali siyang tumungo sa sala ng bahay. "Come in and take a seat, mister." Narinig pa niyang wika ng batang si Damon bago siya tuluyang makarating sa sala. "Thank you, kiddo. But anyway, you can call me Uncle." Hinaplos ni Gabriel Villacorda ang buhok ng kanyang pamangkin. "Why should we? You're not even close to the family." Sabat ng batang si Devonne na nakasalampak sa sahig at kaharap nito ang center table kung saan naroon ang coloring book at pangkulay nito. Sa halip na mainis ay gumuhit naman ang munting ngiti sa labi ni Gabriel Villacorda. "You sounds like your father. Hindi ko akalaing magmamana ka sa Daddy mo." Mahinahong wika niya. "We don't have a dad. "Sumimangot ang batang si Devonne. At tila naman kinurot ang puso ni Raya Fae sa nasaksihan. Ang batang si Damon naman ay tila naging interesado sa narinig niya mula kay