Share

Chapter 14.1

Matapos maibaba ni Katriss ang kanyang cellphone ay kaagad siyang bumaling kay Raya Fae.

"Sigurado ka bang makikipagkita ka sa kanya? Kung hindi ka pa handa, pwede naman tayong gumawa ng alibi."

Napabuntong-hininga naman si Raya.

"Mabuti na rin siguro na magkita na kami ngayon para na rin makapagpasalamat ako sa kanya. At saka doon rin naman papunta 'yon kaya bakit ko pa patatagalin?"

"Sabagay, tama ka. Pero ang problema ngayon kung paano natin ulit tatakasan si Mister Vallejos."

"Sabihin na lang kasi natin sa kanya. Kakampi natin siya, Kat."

Umiling naman si Katriss Calve.

"No, Raya. Hindi pa rin tayo nakakasiguro sa bagay na 'yan. Kung totoong kakampi natin siya, darating ang tamang panahon. Pero tingin ko, hindi muna ngayon."

"Kung gano'n paano ako aalis?"

Tila namang problemadong napahilot ng kanyang sentido si Katriss.

Paano nga ba nila tatakasan ang bodyguard?

Ilang sandali siyang tila nahulog sa malalim na pag-isip bago ito nag-angat ng tingin.

"Alam naman niyang m
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status