Flashback... Gumuhit ang pagtataka sa mukha ni Katriss Calve nang dumating siya sa tahanan ni Rio Costor. Nasa pintuan ang lalaki na tila ba hinihintay ang kanyang pagdating. "Welcome home, my beloved secretary." Gumuhit ang matamis na ngiti sa labi nito. "Thank you, sir." Bahagyang yumukod si Katriss. Kasanayan na niya iyon bilang tanda ng paggalang. Hindi na lamang siya nagpahalata kahit naninibago siya sa asta nito. "Alam kong kagagaling mo lang sa biyahe Miss Calve pero kailangan mong maghanda ulit." Tuluyan nang nawala ang ngiti sa labi nito. Bagamat walang kangiti-ngiti ay mahinahon naman ang tinig nito. Nangunot naman ang noo ng sekretarya. "May pupuntahan ba tayo, sir?" Agad namang tumango ang lalaki. "Yes. Pupunta tayo sa Isla El Tremor." Tila naman tinambol ang puso ni Katriss sa narinig. Narinig na niya ang isla na 'yon. Noon pa man din ay interesado na siya sa pribadong isla ng bilyonaryo. Malaki ang hinala ng grupo ng secret agent na kanyang kinabibilangan na n
"Let's go?" Napatango naman si Raya Fae sa tanong ni Rio. Pasimple niyang iginala ang kanyang paningin. Nang mapansin niyang wala sa paligid ang kanyang bodyguard ay hindi na niya napigilan ang sariling magtanong. "Where is Damie?" Agad namang napalingon sa kanya si Rio Costor. Gumuhit ang pagtataka sa mukha nito kaya naman kusa na siyang nagpaliwanag. "He's my bodyguard kaya dapat sumama siya." Sandali namang napatitig sa kanya si Rio. Tila ilang sandali itong nag-isip. "Tama ako, 'di ba?" Marahan namang tumango ang lalaki. "Yes, you're right. Tingin ko nga, dapat nga sigurong sumama si Mister Vallejos." Agad na lumingon si Rio sa isa sa tauhan niyang naroon. "Call Damie Vallejos. Sabihin mo sa kanyang sasama siya sa'min sa isla." "Sige, boss." Tumango ang tauhan. Agad rin itong humakbang paalis. Makalipas ang ilang sandali ay nagsimula na nga silang bumyahe patungo sa isla gamit ang private yatch na pag-aari ni Rio Costor. Bukod sa kanyang bodyguard ay kasama rin nilan
"Huwag kang kikilos kung ayaw mong pasabugin ko ang ulo mo." Banta ng armadong lalaki kay Damielle Astin. Wala na siyang nagawa kundi marahang itaas na lamang ang kanyang mga kamay. Napalunok sa nasaksihan si Raya Fae. Agad niyang pinalamlam ang kanyang mga mata bago siya bumaling kay Rio. "Ano bang kasalanan ko sa'yo, Rio? Bakit mo ba ginagawa ito? Masyado mo na akong tinatakot." Gumuhit naman ang ngisi sa labi ni Rio Costor bago siya nagsalita. "You're asking me that, Naya? Oh c'mon! Stop playing like you did nothing." Umiling ito. "Akala mo ba hindi ko malalaman ang pakikipagkita niyo kay Gabriel Villacorda sa hospital? And of all people, sa kapatid pa ng mortal kong kaaway." Tila napatda si Raya Fae sa narinig. Hindi niya inakalang madidiskubre ng lalaki ang pakikipagkita niya kay Gabriel Villacorda. "Ano? Nagulat ka bang alam ko?" Nanuyo ang lalamunan ni Raya Fae sa narinig. Ano pa ang nalalaman ni Rio? Alam na ba nito ang tunay niyang pagkatao? Nadiskubre na ba nito
"Let me go!" Lalo pang nagpumiglas si Raya Fae ngunit hindi natinag ang dalawang kalalakihang nakahawak sa kanya. "Saan niyo ako dadalhin?" Naiinis namang lumingon ang isa sa tauhan ni Rio sa kanya. "Pwede bang huwag kang maingay? Nakakarindi na 'yang bunganga mo! Baka hindi ako makapagtimpi sa'yo!" Tila balewala siyang binitbit ng mga ito hanggang sa marating nila ang silid na pagkukulangan sa kanya. Nang buksan ng isa sa mga kalalakihan ang pinto ay lalong siyang nakaramdam ng takot. "Damn you! Bitiwan niyo ako!" Nagawa niyang masipa ang isa sa kanila. Agad namang napalingon sa kanya ang lalaki. "Aba! Talagang---" Hindi na nito natuloy ang pagsampal sa kanya nang magsalita ang isa nilang kasama. "Tama na 'yan! Ipasok niyo na 'yan dito." "Nakakagigil na kasi ang babaeng 'to eh." "Magtimpi ka muna ngayon, wala pang inutos si Boss na pwede nating saktan ang babaeng 'yan. Siya pa rin ang fiancée ng boss natin, baka biglang magbago ang isip ni boss at patawarin niya 'yan bigla."
Mabilis na hinila ni Katriss si Raya palayo sa lugar. "Dito! Magtago tayo dito, Raya." Hinila niya ito patungo sa likod ng drum. "Nakatakas ang mga bihag." Sapu-sapo ng lalaki ang kanyang tiyan. "Gunggong! Mga babae na nga lang 'yon natakasan ka pa!" "Malay ko bang makakahanap sila ng armas! At saka isa pa, hindi lang ako ang dapat niyong sisihin. Kung sinamahan niyo sana ako para tignan sila, hindi sana mangyayari 'to!" Nagkatinginan na lamang sina Raya at Katriss habang nakikinig sa pagtatalo. "Tama na ang sisihan! Kumilos na tayo para maghanap. Talasan niyo ang mga mata niyo. Nandito lang ang mga iyon. Siguradong hindi pa sila nakakalabas." Pigil-hininga naman sina Raya Fae at Katriss nang marinig nila ang papalapit na mga yabag. "Wala sila dito!" Narinig nilang sigaw ng isa. "Nakita niyo ba sila diyan?" "Wala rin eh." Sigaw ng isa pang tinig. Maingat na sumilip si Katriss. Mula sa kinaroroonan nila ay matatanaw ang limang kalalakihan. Pawang may hawak na mga baril ang m
"Balikan natin si Kat." Lumuluhang lumingon si Raya Fae sa kanilang pinanggalingan. Ngunit lalo namang humigpit ang pagkakahawak sa kanya ni Damielle Astin. "Hindi pwede, Naya. Pareho tayong mapapahamak kapag binalikan natin siya." "Pero--" "Face the reality, Naya. Wala na si Miss Calve. Nakita mo naman ang nangyari, 'di ba? Malabong makaligtas pa siya." Napahagulgol na lamang si Raya Fae. Para siyang binagsakan ng langit. "Hindi!" Umiling-iling siya. "Hindi 'yon nangyari. Buhay si Katriss. Siya mismo ang nagsabi na makakalabas kami ng buhay sa islang ito. Hindi niya pwedeng bawiin 'yon!" "Naya! Tama na! Nakita mo naman ang nangyari! Ang tanging magagawa natin ngayon ay mabigyan ng hustisya si Miss Calve. At kung gusto mong makamit ang hustisya, we need to be alive!" Umawang ang labi ni Raya Fae ngunit natigil siya nang marinig nila sigaw. "Nando'n sila!" Nang tumingin sila Damielle Astin sa pinagmulan ng tinig ay kitang-kita nila ang mga tauhan ni Rio. "Tara na! Kailangan n
Matapos ang pagputok ng baril ay sunod na narinig ang pamilyar na tinig. "Get out from there, Naya! Alam kong nandiyan ka!" Awtomatikong nagkatinginan sina Raya Fae at Damielle Astin nang marinig nila ang tinig ni Rio Costor. Hindi rin nila naiwasan ang pagkabog ng kanilang dibdib. "Lumabas ka na! Wala ka rin namang pupuntahan pa!" Napalunok si Raya Fae. "Anong gagawin natin, Damie?" "C'mon, Hon! Lumabas ka na diyan. Let's fix the problem between us." Tila nagsusumamo ang tinig nito. Agad namang napahawak si Damielle sa kamay ni Raya Fae. "No, hindi tayo lalabas. Lalaban tayo ng patayan." Bago pa makaimik si Raya ay muli nilang narinig ang tinig ni Rio. "Pasensya ka na sa nagawa ko, Hon. Sorry kung natakot kita. Lumabas ka na diyan at ayusin natin ang dapat nating ayusin." Humakbang ang paa ni Raya ngunit mabilis siyang napigilan ni Damielle. "Huwag, Naya. Baka pain lang 'yan." "He sounds sincere. Baka naman naisip na niyang mababaw lang naman ang nagawa kong kasalanan sa k
"Welcome to our home." Nagniningning ang mga mata ni Damielle Astin kasabay ng pagpasok nila sa loob ng malaki at magarang bahay. Tatlong palapag iyon. Moderno ang istilo na halos singkwenta porsyento ng dingding ay gawa sa sa salamin. Sa pagpasok nila sa bahay ay bumungad sa kanila ang malawak na sala. "You don't know how happy I am right now, Naya." Pinilit na lamang ni Raya Fae ang ngumiti kahit mabigat ang kanyang dibdib. At lalo siyang nakaramdam ng pagkakonsenya nang makita niya ang malaking wedding picture sa sala. Nakasuot ang kanyang kambal na si Naya Faith ng off shoulder wedding dress. At si Damielle Astin ay nakasuot naman ng maroon three piece suit. Matamis ang ngiti ng dalawa na halatang masayang-masaya sa araw ng kanilang kasal. Ang ngiting iyon ang lalong nagpakisig sa lalaki. Bagama't may pilat na ngayon ang mukha nito ay hindi pa rin maitatanggi ang kagwapuhan nitong taglay. Sa ginagawa niyang pananahimik ay nagkakasala siya, hindi lamang may Astin Villacorda ku