Share

Ex-wife Return: Love Me Again
Ex-wife Return: Love Me Again
Author: Shea.anne

Triplets

Chapter 1- Triplets

Third Person’s Point of View

"Dominic! Hindi ba pangarap mong makasama na si Lera? Pwede naman iyong mangyari kung ipapaubaya mo sa akin ang gabing ito. Ibibigay ko ang kalayaan na gusto mo ngunit magiging akin ka. Isipin mo na lang na kabayaran ito sa lahat ng nagawa ko sa iyo, sa pagmamahal ko. Ngayong gabi hinihingi ko na maging asawa kita, gawin natin ang bagay na tatlong taon mong pinagkait sa akin. Iyon lang sana Dominic.” mabilis na hinalikan ni Avigail ang lalaking nasa harapan niya. Despirado siyang hinalikan ito ng puno ng pananabik.

Alam niyang hindi tama ang ginagawa niya ngayon sa kaniyang asawa. Sa mata ng lalaki ay nakakababa bilang isang babae. Ngunit matagal na niyang minamahal si Dominic, tatlong taon na din silang kasal kaya anong masama kung gustuhin niyang gawin nilang dalawa ang ginagawa dapat ng dalawang taong pinagtibay ng isang kasal.

“Avigail!! Lasing ka ba? Ang lakas ng loob mo ah.” Nag-gagalaiti sa galit si Dominic. Hindi maipinta ang kaniyang mukha sa sobrang inis sa ginagawa ng babaeng nasa harapan niya ngayon. Itulak man niya ito palayo ngunit hindi niya magawa dahil kapit na kapit ito sa kaniya.

Lalaki lang din si Dominic, nadadala din siya sa init na binibigay ni Avigail sa kaniya. Kaya kahit gusto niyang matapos na ito ngunit ang katawan niya ang nagdedesisyon na huwag dahil nagugustuhan niya.

Ngayon niya lang nakita ang ganitong ugali ng babaeng nasa harapan niya, gumagawa ng bagay para hindi siya makagalaw at mapasunod siya.

“Ang daming pagkakataon, ang daming oras, sa loob ng tatlong taon, wala akong lakas gawin ito kundi ngayon…”

Tumulo ang luha sa gilid ng dalawang mata ni Avigail. Sa isip niya ay kailangan niyang ituloy ito at hindi magpatinag sa galit ng lalaking nasa harapan niya dahil nasimulan na niya. Ang kaniyang mga inosenteng kamay ay naglakbay sa buong katawan ni Dominic.

Gusto niya na kahit isang gabi lang, kahit ngayon lang maging pareho sila ng nararamdaman ni Dominic. Sa unang pagkakataon maramdaman niyang minahal din siya ng taong minamahal niya sa mahabang panahon.

Naiinis ng sobra si Dominic, hindi lang babaeng nasa harapan niya kundi sa kaniyang sarili. Hindi niya magawang makontrol ang kaniyang reaksyon sa bawat galaw ng labi ni Avi, sa mga kamay nitong hindi mapakali. Ramdam niya ang init ng kaniyang katawan at mas nagsusumiklab pa ito dahil sa pagiging mapusok ng dalaga.

At sa huli, bumigay siya sa gustong mangyari ni Avigail.

Alas-kwatro ng madaling araw nagising si Avigail. Kahit masakit ang gitnang bahagi ng kaniyang katawan ay pinilit niyang bumangon mula sa kama. Sinuot niya ang kaniyang damit na nagkalat sa sahog dahil sa kagagawan niya kagabi.

Kinuha niya ang annulment paper mula sa drawer at pinirmahan ito. Inilagay niya ito sa kama pagkatapos ay tiningnan niya ang lalaking nakahiga at masarap ang tulog sa kama.

“Mula sa araw na ito malaya ka na. Wala na akong nagpapabigat ng sitwasyon mo, wala na tayong koneksyon sa isa’t isa.”

Matapos niyang sabihin iyon sa hangin ay nagsimula na siyang maglakad palabas. Umalis siya sa mansion ng mga Villafuerte. Ang kaniyang puso ay puno ng sakit at kalungkutan.

Matagal na niyang minamahal si Dominic, pitong taon. Simula nang magdala siya at matutong umibig ay wala na siyang ibang minahal kundi ito. Siya ang palaging nasa isip ni Avigail, ang pangarap pakasalan at wala ng iba.

Ngunit nang maikasal silang dalawa ay hindi na siya nito tiningnan bilang babae. Kinamumuhian siya nito at kulang na lang ay isumpa. Nauunawaan naman niya dahil hindi siya gusto ni Dominic, napilitan lang itong magpakasal sa kaniya dahil sa pamilya nila.

May sakit ang Lolo ni Dominic na si sir Jaime at ang kahilingan lang nito ay ang ikasal ang kaniyang amo. NAgkataon na ganoon din ang gusto ng magulang ni Avigail sa kaniya. Kaya nagkasundo ang dalawang pamilya para ikasal sila sa isa’t isa.

Walang ibang tiningnan si Avigail kundi si Dominic kaya labis na lang ang kaniyang kasiyahan nang panahong iyon. Tuwang tuwa siya at sabik na sabik sa gabi ng kanilang kasal.

Ngunit pumasok sa kwarto si Dominic at sinigawan siya. “Avigail! Alam mo namang hindi ikaw ang gusto ko hindi ba? Si Lera ang karapat-dapat na maging asawa at ina ng magiging anak ko, hindi ikaw.”

Alam iyon ni Avigail, umaasa lang siya na kaya pumayag si Dominic dahil may pag-asang mahulog ito sa kaniya. Alam niyang hindi obligasyon ng lalaki na mahalin siya pabalik o magustuhan man lang dahil kasal na sila.

Ngunit hindi nawawalan ng pag-asa sa puso ni Avigail. Umaasa siyang darating ang araw, kung ipapakita niyang mabuti siya ay makita din ito ng lalaki.

Ngunit mali pala siya, hindi nga pala natuturuan ang puso kung sino ang mamahalin. Dahil sa tatlong taon nilang magkasama kahit ginawa niya ang lahat ay wala pa din.

Naging mabuti siyang asawa. Sa gabi ay hinihintay niya itong makauwi kahit minsan ay late na para lang maipag-init ng pagkain o mapagluto ito ng gusto niya, sa ganoon ay ganahan itong kumain ng hapunan. Minsan sobrang late na nito umuwi dahil pumaparty ito at naglalasing ng todo. Si Avigail ang nag-aalaga sa kaniya kaysa pagsabihan o magalit pa. Ganoon siya kaalaga kay Dominic, kung may sakit ito, hindi siya natutulog hanggang hindi maayos ang lagay nito. Ginagawa niya ang lahat dahil mahal na mahal niya ito at pinangarap niyang mapangasawa. Ngunit hindi ito kailanman makikita ng lalaking hindi ka kailanman tiningnan.

Hindi siya nagawang tingnan o mahalin ni Dominic. Hindi natutunan kahit anong gawin ni Avigail at mas napatuyan niya iyan noong araw mismo ng kaniyang kaarawan. Nakita niya si Dominic at Lera sa hospital, doon ay naunawaan niya lahat. Sa mga mata at tawanan ng dalawa.

Ang mahalin siya at ituring bilang asawa ng isang Dominic Villafuerte ay pawang pangarap lang na hindi matutupad.

Dahil ang puso nito ay para lang sa isang babae at hindi siya iyon. Hindi si Avigail ang tunay na babae para kay Dominic kaya sumuko na siya.

...

Alas dyes ng umaga

Nang magising si Dominic ay agad siyang bumangon at nagbihis. Puno ng galit ang isip niya para kay Avigail dahil sa ginawa nito sa kaniya kagabi. Gusto niya itong patayin kung makita niya.

Siya ang respetado at ginagalang na president ng Villafuete Group of company. Kilala siya sa kaniyang talino at galing sa business industry. Wala pang kahit sino ang gumagawa ng kalokohan sa kaniya tulad ng ginawa ni Avigail. Hindi niya matanggap na sa unang pagkakataon bumigay siya sa isang babae lang. Pakiramdam niya ay isa itong pagkatalo.

Galit na galit siya habang luminga-linga sa buong kwarto, pero wala doon ang babae. Sa gilid ng kanyang mata, napansin niya ang mga dokumentong nakapatong sa kama.

"Ano ito?"

Kumunot ang noo ni Dominic at kinuha ito para tingnan. Biglang lumabas sa kanyang paningin ang limang malalaking salita: "Annulment paper?" Nanlaki ang kanyang mga mata at biglang naging madilim ang ekspresyon ng kanyang mukha.

Una, ginamit niya ang paraang iyon para magkaroon ng ugnayan sa kanya, at ngayon ay nagsampa siya ng annulment... Talagang dumarami ang mga pakulo!

Hindi makapaniwala si Dominic na hihiwalayan siya ni Avigail

Lumabas siya ng kwarto at nadatnan niya ang matandang katulong nila. "Nakita mo ba si Avigail?"

Nabigla si Manag Karren sa naging boses ni Dominic. Yumuko siya at magalang na sumagot. “Maaga po siyang umalis dala ang kaniyang mga gamit.”

Natigilan at nabigla si Dominic sa nangyayari.

-----

Makalipas ang anim na taon,

Mendoza Medical Research Institute

Lumabas mula sa research room si Avigail at agad siyang sinalubong ng kaniyang assistant. “Dr. Avi, may gustong itanong si Professor Miguel Tan sa inyo at pinapapunta ka niya sa kaniyang opisina.”

Kagagaling lang ni Avigail sa magdamagang trabaho at medyo antok pa siya. Ngunit ang mga salitang iyon ay agad na nagpakilos ng kanyang enerhiya at bumalik ang kanyang ulirat.

"May sinabi ba siya kung ano iyon? Huwag naman sanang... nawasak ang mga resulta ng research and development dahil sa dalawang paslit sa bahay ko..."

Nasira kaya?

"Parang ganoon na nga. " sagot ni Linda, may kaunting simpatya sa kanyang mga mata.

Magaling ang kaniyang boss at talaga namang maayos ito. Sa murang edad, naging tanyag siya sa larangan ng medisina ang ipinagmamalaking si Miguel Tan, kilalang-kilala sa kanyang kakayahan. Hindi pa siya kailanman napagalitan sa kaniyang trabaho...

Ngunit sa tuwing nagkakaproblema ang dalawang cute na bata sa bahay, siya ang kailangang managot!

Kinomport naman siya ni Linda agad, "Ngayon kasi, tatlong araw ka nang hindi lumalabas sa laboratoryo. Sina Dane at Dale ay nag-aalala na tungkol sa kalusugan mo, kaya halos araw-araw silang pumupunta sa opisina ni Professor Tan para ipaglaban ka... Napansin ko nga, nagkauban na si Professor Tan."

Matapos marinig iyon, nakaramdam si Avigail ng kaunting sakit ng ulo, ngunit natawa rin siya ng bahagya.

Anim na taon na ang nakalipas mula nang iwanan niya ang pamilyang Villafueter at pumunta sa ibang bansa!

Balak sana niyang magpatuloy sa pag-aaral, pero hindi inaasahan, nagdadalang-tao siya.

Noong panahong iyon, nahirapan siyang magdesisyon kung ipapaalis ba niya ang mga bata, ngunit nang makarating siya sa ospital, nag-atubili siya, at sa huli, pinili niyang panatilihin ang mga anak!

Sila ay triplets—dalawang lalaki at isang babae.

Sa panahon ng panganganak, namatay ang batang babae dahil sa kakulangan ng oxygen. Naiwan sa kanya ang dalawang mahalagang anak na lalaki, na may mga pangalan na Dale at Dane.

Habang iniisip niya ang dalawang batang iyon na napakatalino, napuno ng saya ang puso ni Avigail.

Ngunit nang maisip niya na muli siyang mapapagalitan dahil sa kanila, bigla siyang nakaramdam ng panghihina...

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Shea.anne
eeeyyy. cuteee
goodnovel comment avatar
Anne_belle
gandaaaaa naman
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status