Share

Dominic Villafuerte

Ang max's sa ayala mall ang isa sa mga pinakasikat na restaurant sa manila. Naghahain sila ng mga masasarap na pagkain, maasikaso ang mga crew. Hindi sila tumatanggap ng walk in costumer dahil ito lang ang restaurant na nagpappa-reserve muna bago pumunta, minsan nga umaabot pa ng isang buwan dahil fully-book. Ang mga negosyante at matataas na uri ng tao ang madalas nagpapabook dito dahil sa pagkaing masasarap. Si Angel ang nag-book at nakahanap ng makakainang ito. 

Ang dekorasyon sa restaurant ay napaka-elegante rin. Ang bawat upuan ay may screen na naghihiwalay. May maliit na pintong kahoy sa harapan na walang kisame. Sa gabi, ang chandelier sa itaas ay nagbibigay ng napakagandang ambiance, na tila parang mga sinaunang tao na umiinom sa ilalim ng buwan.

Binuksan ng ilang tao ang pinto at umupo sa isang bilog na mesa.

Di nagtagal, dumating ang waiter dala ang mga pagkain.

Si Avegail ay nag-aalala na baka hindi makakain nang maayos ang batang babae sa tabi niya, kaya't nakatuon siya sa pagbibigay ng pagkain sa bata at paminsan-minsang pinupunasan ang kanyang bibig.

Si Dale at Dane  naman ay nakaupo sa kabilang gilid niya. Nakikita niyang cute ang pisngi ng munting babae sa tabi niya sa tuwing kumakain ito, kaya't masigasig siyang nagbabalat ng hipon para sa dito.

Ang batang babae ay hindi natitigil sa subo, naging masaya itong kumakain sa harap ng napakaraming pagkain. 

"Narinig niyo ba na nawawala ang nag-iisang prinsesa ng pamilya Villafuerte? Napakaraming tao ang pinadala sa buong bansa at mga airport para hanapin ito ngunit walang nakakita hanggang ngayon." bulong ng isang babae sa kabilang table na katabi nila Avegail. 

"Naku! Tingin mo kinidnap siya? pero hindi rin, dahil walang kahit sino ang susubokan kantiin ang isa sa mga miyembre ng pamilya Villafuerte, lalo na sa batang iyon. Sobrang halaga niya sa buong angkan." sagot ng kaharap na babae. "siguradong ang may kagagawan no'n ay pagod ng mabuhay."  dagdag pa nito. 

Nang marinig ni Avegail ang pangalan ni Dominic ay kinabahan siya. Nagdahan-dahan ang kaniyang kilos at medyo nawala ang isip sa pag-aasikaso ng bata. 

Nagpatuloy ang pag-uusap sa tabi, “Oo nga, kahit hindi nakakapagsalita ang prinsesita at hindi pa nagsalita ng matagal, hindi iyon makakapigil sa mga buhay ng iba. Ipinanganak lang siya sa tamang pamilya!”

Pipi?

Nagulat si Avegail at tumigil sa paggalaw.

Itinuturing ni Dominic na pipi ang prinsesita.

Ang batang babae na natagpuan niya ay hindi rin nakapagsasalita.

Ang ugali at pananamit ng batang babae ay akma nga sa estado ng pamilya Villafuerte.

At saka, ang boses ng lalaking nasa telepono kanina…

Pinipigilan ni Avegail ang sarili sa pagkagulat at tiningnan ang batang nakaupo sa kaliwa niya.

Napansin ng batang babae ang kanyang tingin at tumingala na puno ng pagtataka ang kanyang malalaking mata.

Nang magtagpo ang kanilang mga mata, pakiramdam ni Avegail ay tila binagsakan siya ng langit.

“Ang batang ito… siya kaya ang anak ni Dominic?”

Tumigil rin sa pagkain si Angel at tinitigan ang bata ng ilang segundo. Bumigat ang loob niya at bumulong, “Hindi naman siguro. Grabe naman ang pagkakataon kung ganoon.”

Bilang pinakamalapit na kaibigan ni Avegail, alam ni Angel ang lahat ng nangyari anim na taon na ang nakakaraan.

Ang batang ito ay parang nasa limang o anim na taong gulang, halos kaparehas ng edad nina Dale at Dane.

Kung ito nga ang anak ni Dominic, ibig sabihin matapos maghiwalay ang kaibigan niya rito, nagkaanak ito ng iba!

Sobrang pagkadesperado naman!

Iniisip lamang ni Angel, at naawa para sa kaniyang kaibigan.

Hindi alam ni Avegail kung ano ang iniisip ni Angel. Iniisip lamang niya ang mga nangyari simula nang matagpuan niya ang bata. Lalong naging malinaw sa kanya na ito nga ang anak ni Dominic.

Sandaling namutla ang kanyang mukha, “Mukhang ganito nga ang nangyari.”

Nang makita siyang sigurado, bumigat ang loob ni Angel, sinulyapan ang batang litong-lito at binulungan si Avegail, “Ano ang gagawin natin ngayon? Malamang papunta na si Dominic dito.”

Napuno ng gulat at pag-aalinlangan ang mukha ni Avegail.

Pagkatapos ng ilang saglit, inilabas niya ang kanyang telepono at iniabot ito kay Angel. “Hawakan mo muna ang telepono ko at sabihing ikaw ang tumawag. Aalis ako kasama sina Dane, Dale at pupunta kami sa parking lot, hintayin ka na lang namin doon.”

Tumango si Angel.

Sinulyapan ni Avegail ang batang babae sa tabi niya na hindi pa rin nagrereaksyon, ngunit hindi niya mapigilan ang lambot ng puso niya, “Ikaw na bahala dito sa batang ito.”

Pagkatapos magbilin, lumingon siya sa dalawang anak niya, “Tara na.”

Hindi nagtanong ang mga bata, at sumunod nang maayos.

Sa pagdaan nila sa batang babae, hinawakan ng maliit na kamay ang dulo ng damit ni Avegail.

Tiningnan niya ang bata nang may magkahalong damdamin.

Hawak ng batang babae ang dulo ng kanyang damit, ang kanyang malalaking mata ay puno ng takot.

Nang makita ang kanyang kaawa-awang tingin, hindi niya nagawang magpakita ng pagiging matigas.

Ano man ang nangyari sa pagitan nila ni Dominic, ang bata ay walang kasalanan.

Sa huli, pinakalma niya ang bata, “Aalis muna si Tita dahil may kailangan akong gawin. Ang Tita na ito ang mag-aalaga sa iyo. Maghintay ka lang dito nang maayos. Malapit nang dumating ang daddy mo.”

Pagkatapos, medyo marahas niyang inalis ang kamay ng bata sa kanyang damit at mabilis na lumabas ng kwarto kasama ang mga anak niya, hindi na lumingon pa.

Kasabay nito, si Angel ay nagmadaling pinatanggal ang tatlong dagdag na plato at kubyertos.

Di nagtagal matapos alisin ng waiter ang mga plato, bunukas ang pintong kahoy.

Pumasok ang grupo ng mga nakaitim na bodyguard, maayos ang pagkakalinya sa dalawang hanay, na may espasyo sa gitna.

Nang makita ito, awtomatikong inayos ni Angel ang kanyang sarili at tahimik na tinignan ang pintuan.

Nakita niya si Dominic na seryoso ang mukha at mabilis na naglakad papasok.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Anne_belle
niceeee naman
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status