Share

Mapanuring mata

Sa Lamesa, pagpasok ng ni Dominic sa Restaurant ay nakita niya agad ang dalawang magkaharap. Ang isang bata at si Angel. Nagpalipat-lipat ng tingin si Dominic at sa huli ay tinutok ang paningin sa bata, sinuri niya ito gamit ang kaniyang mata. Nang makita siya ni Skylei ay napairap na lang ito, tatalikod ng bahagya na para bang nagtatampo. Naningkit ang mata ni Dominic dahil sa inasta ng kaniyang anak at tumingin ng masama. Napansin naman ito ng assistant ni Dominic na si Henry.

“Princess Sky? Ayos ka lang ba? Wala bang masakit sa iyo?”

Sa puntong ito, naging kapaki-pakinabang si Henry, ang kanyang assistant, dahil parehong tahimik ang mag-ama. Tiningnan siya ng maliit na bata, pagkatapos ay talikod muli na may tampo at hindi siya pinansin. Nagtatampo talaga ang bata. Napabuntong-hininga ng bahagya si Henry nang makita niyang maayos naman ang bata. Tumingin siya kay Dominic. Tumango lang naman ito at muling sinilip ang babaeng katabi ng kanyang anak.

Nagkatinginan sila ni Angel. Biglang tumigil ang tibok ng puso niya, at halos mapiga niya ang kanyang palad bago napanatili ang mahinahon na ekspresyon sa kanyang mukha.

"Asan si Avegail Suarez?"

Napalunok si Angel. Alam niyang nakilala siya ni Dominic! Kinabahan siya para sa kaibigan niya pero nagpapasalamat din siya na nakatakas ito agad. Nakakatakot ang aura ng lalaking ito. Kung si Avegail ang nandito, hindi niya alam kung ano ang pwedeng mangyari!

"Ano bang sinasabi mo? Sino ka ba? Bakit ka basta na lang pumasok dito at ganyan mo ako tingnan?"

Pinilit ni Angel na itago ang kaba at ginamit ang kanyang galing sa pag-arte upang protektahan ang batang babae sa kanyang mga bisig at tiningnan ng maingat ang lalaking nasa harapan niya. Bahagyang kumunot ang noo ni Dominic, "Aking anak ang hawak mo. Ikaw ba ang tumawag sa akin kanina?" Medyo natigilan si Angel pero matapang niyang sinabi, "Ako nga."

Tiningnan siya ni Dominic nang walang ekspresyon, ngunit ang tingin niya ay masusing pinag-aralan ang bawat detalye ng paligid. Alam niyang hindi siya madaling madadala ng kahit sino.  MAtalino at mapanuri si Dominic, nakahanda ang Dalawa lang ang pinggan at kubyertos sa mesa, ngunit bahagyang nakaurong ang tatlong upuan sa tabi nila. Alam niyang hindi magkakamali ang mga waiter sa Max’s. Ang distansyang ito ay hindi sakto, kaya malamang na may nag-adjust. At ang dami ng pagkain sa mesa ay higit sa dapat para sa isang babae at isang bata lang.

Bumalik ang tingin ni Dominic kay Angel.

Naramdaman ni Angel ang hindi maipaliwanag na kaba sa kanyang puso. Makikita sa lalaki ang pagkaduda, kinuha nito ang cellphone mula sa assistant, at swiping ng dalawang beses, muling itinaas ang tingin. Biglang nag-ring ang teleponong iniwan ni Avegail kay Angel bago umalis. Nagulat si Angel at halos mabitawan niya ito sa biglang tunog. Pinilit niyang magpanggap na walang nangyari, nagbaba siya ng tawag, tiningnan nang mabuti si Dominic, at nagbiro, "Dahil ikaw ang ama ng bata, kunin mo na siya."

Hinaplos niya ang ulo ng bata, ibinaba sa lupa, at itinulak palapit kay Dominic. Bahagyang tinaas ni Dominic ang kilay at humakbang ng dalawang hakbang palapit sa mesa. Akala ni Angel na para kunin ang bata iyon. Subalit narinig niya ang tanong nito, "Mukhang malakas kang kumain. Ang dami ng in-order mo kahit ikaw lang, kasama ang isang bata."

Halos mabilaukan siya. Nag-adjust ng expression at ngumiti ng kaunti, "Malalapit na kaibigan ang mga kameet ko at hinhintay ko sila." Hindi na nakapagtanong si Dominic. Nanginginig ang boses ni Angel, "Sir, tinulungan ko na ngang hanapin ang anak mo. Kung hindi mo ko papasalamatan, wag mo na akong pakitunguhan na parang kriminal."

Sa PARKING LOT naman, hawak ni Avegail ang kamay ng dalawang bata habang palinga-linga at kabadong naghihintay. Alam niya ang pagiging maliksi ni Dominic. Kung may makita itong kakaiba, mapapansin agad ng lalaki. Di niya alam kung gaano katagal silang maghihintay kay Angel.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status