Chapter: RecognizedLumalalim na ang gabi kaya nagkipag-usap pa si Avigail sa mga bata saglit, pinatulog sila, at bumalik sa kanyang kuwarto.Pagod na-pagod si Avigail, hindi lang pisikal kundi pati na rin emosyonal. Kaya't nag-ayos lang siya ng kaunti at agad natulog sa kama.Kinabukasan, agad siyang pumunta sa research institute.Nang makita siya ng mga staff sa research institute, agad nilang nilapitan si Avigail na may mga tanong."Doctor Suarez, kamusta ang libreng clinic kahapon?""Totoo bang magaling talaga ang mga doktor ng Hermosa’s Family gaya ng mga naririnig natin?""..."Sunod-sunod na tanong ang narinig ni Avigail.Ngumiti siya at sinagot ang lahat, "Hindi naman ganoon ka-misteryoso ang libreng clinic. Parang sa ibang hospital lang din. Tungkol naman sa galing ng mga doktor ng Hermosa’s Family, wala akong karapatan magkomento. Pero kung nakarating sila sa kinalalagyan nila ngayon, ibig sabihin, magaling sila."Kahapon, ang tanging inisip ng lahat ay ang mga batang tinulungan, kaya't hindi n
Last Updated: 2025-01-11
Chapter: Not Powerful enoughNang makauwi si Avigail, hatingabi na, ngunit gising pa ang mga bata. Pagkarinig ng mga yabag ng kanyang mga paa sa hagdan, maingat nilang binuksan ang pinto ng kanilang silid at sumilip.Nang makita ang mga bata, hindi naiwasan ni Avigail na maalala ang mga bata sa ampunan, kaya’t bigla siyang nakaramdam ng kalungkutan.Nakita siya ng mga bata at agad na tumakbo patungo sa kanya, "Mommy, anong nangyari? Hindi ba maganda ang free clinic ngayon?"Pilit na ngumiti si Avigail sa mga bata at isinama sila pabalik sa kanilang silid.Umupo ang mga bata sa magkabilang gilid ni Avigail, tinitigan siya ng matalim, "Mommy, okay lang ba ang mga bata sa ampunan?"Malungkot na tumango si Avigail, "Wala silang mga magulang, at ang iba pa nga ay iniwan ng kanilang mga magulang dahil sa sakit, ngunit napakaunawain nila."Habang nagsasalita, punong-puno ng isip ni Avigail ang mga batang nakahiga sa kanyang kama, at ang mga batang dinala sa ospital dahil sa kawalan ng magagawa.Matapos malaman ang kalag
Last Updated: 2025-01-11
Chapter: Don't think soSi Ricky Hermosa ay naiwan para asikasuhin ang mga natirang gawain sa orphanage, kaya nagpaalam ito kina Avigail at Daven.Magkasabay na lumabas sina Avigail at Daven mula sa orphanage.Ngumiti si Daven at nagtanong, “Kamusta ang pakiramdam mo tungkol sa libreng gamutan ngayong araw? Base sa ugali ni Young Master Ricky kanina, mukhang naabot mo ang layunin mo.”Nang marinig iyon, tila biglang naalala ni Avigail ang tunay niyang pakay sa araw na iyon.Masyado siyang nakatuon sa mga bata kaya nakalimutan niya na isa sa mga layunin niya ay makuha ang tiwala ng Hermosa’s Family. Ngunit kahit naalala niya ito, pakiramdam niya ay mas mahalaga pa rin ang mga bata.Ngunit, sa bandang huli, hindi lang niya natulungan ang mga bata, kundi nakuha rin niya ang tiwala ni Ricky Hermosa.Ang kilos at sinabi ni Ricky Hermosa kanina ang nagsabi ng lahat!Napansin ito ni Avigail, kaya’t napangiti siya sa kasiyahan. Lumingon siya kay Daven at nagpasalamat, “Sa totoo lang, ang dami kong natutunan dahil sa
Last Updated: 2025-01-11
Chapter: Looking forwardPagsapit ng gabi, natapos na ang libreng klinika, at ang mga bata sa ampunan ay natulungan na. Halos lahat ng doktor ay napagod.Bagamat masakit ang likod ni Avigail, pakiramdam niya’y gumaan ang kanyang loob sa kaisipang bumuti ang kalagayan ng mga bata. Ang mga may mas seryosong sintomas ay naipadala na rin sa ospital.Halos nakalimutan na niya ang orihinal niyang layunin sa pagpunta roon. Ang tanging laman ng isip niya ay ang mga bata.Paglabas ng lahat ng doktor mula sa silid, naghihintay na sa bakuran ang mga bata kasama ang direktor. Nang lumabas sila, sabay-sabay na yumuko ang mga bata bilang pasasalamat. "Salamat po, kuya at ate!"Nagulat ang lahat ng doktor.Ito ang unang pagkakataon nilang magbigay ng libreng gamutan sa ganitong lugar, at ang makakita ng ganitong eksena ay tumama sa kanilang puso. Ang iba’y hindi napigilang mapaluha.Medyo namula rin ang mata ni Avigail. Pinisil niya ang sariling palad upang pigilin ang luha. Lumapit siya sa isang batang babae na nasa harap
Last Updated: 2025-01-11
Chapter: Soft heartedPagkaharap ni Ricky Hermosa, iniutos niya, "Papuntahin na sila rito."Sumang-ayon ang kawani at agad umalis.Pagkatapos, lumabas si Ricky Hermosa upang alamin ang laman ng dala-dala ng Truck. Bago umalis, tinawag niya sina Avigail at Daven.Hindi nagtagal, pumasok ang Truck na nagdadala ng mga suplay, kasunod ang tatlong ambulansya.Bumaba si Manager Kian mula sa Truck at magalang na bumati sa tatlo.Bagamat unang beses pa lang makilala nina Ricky Hermosa at Daven si Manager Kian, napansin nilang kilala ito ni Avigail kaya sabay silang tumingin kay Avigail at nagbigay ng senyas na siya na ang magsalita.Naintindihan ni Avigail ang ibig sabihin nila. Magalang siyang tumango kay Manager Kia at nagtanong, "Manager Kian, ano po ito...?"Ngumiti si Manager Kian at ipinaliwanag, "Ganito po kasi. Sabi ng aming President Lee, kawawa ang mga bata sa ampunan. Nang malaman niyang may libreng klinika ang Hermosa’s Family dito, inutusan niya akong magdala ng ilang gamit para sa mga bata. Hindi nam
Last Updated: 2025-01-11
Chapter: ResponsibilityMatapos ang naging alitan nina Garry Chavez at Avigail, naging maayos at payapa ang pagkain nila.Pagkatapos ng tanghalian, naglakad pabalik ang mga doktor patungo sa kani-kanilang mga silid, kasunod ang mga bata na masunurin. Marami sa mga doktor ang nagkaroon ng magandang samahan sa mga paslit.Napalilibutan si Avigail ng mga tao, kaya maging sina Ricky Hermosa ay hirap makalapit. Sa wakas, nang makarating sila sa pintuan ng silid, halos maubos na ang mga kendi sa bag ni Avigail.Pagpasok sa silid, mas naging sikat pa si Garry Chavez kaysa kay Avigail dahil mayroon pa siyang natitirang mga kendi. Agad na nagtipon ang mga bata sa paligid niya, masigla at masaya, tila nakalimutan na ang di pagkakaunawaan ng umaga.Nang makita ni Avigail na napalapit na ang mga bata kay Garry Chavez, napangiti siya nang bahagya.Alam niyang ganoon talaga ang mga bata—madaling makalimot. Kahit ano pa ang nagawa mo sa kanila, basta’t taos-puso ang iyong pakikitungo, sasalubungin ka nila ng kanilang pinak
Last Updated: 2025-01-11
Chapter: Chapter 65Hindi maiwasang maalala ni Evan ang sinabi sa kanya ni Kenneth matapos marinig ang mga salita ni Kevin. "Ang pamilya Huete ay hindi umaasa sa awa, at si Uncle mo ay hindi tao na madaling maawa." Habang nag-aalinlangan si Evan at gustong magsalita, biglang tumunog ang telepono sa kanyang bulsa. Tumatawag ang kanyang ina. Bahagyang ibinaba ni Kevin ang tingin, tila nagpapahiwatig na wala siyang balak makinig at hahayaan niyang sagutin ni Evan ang tawag ng walang alinlangan. Wala namang sikreto si Evan na kailangang itago, kaya agad niyang sinagot ang tawag. "Mama, sobrang nagpapasalamat po ako sa inyo ng tinawagan mo si Uncle para iligtas ako. Ayos na po ako ngayon." "Salamat naman at maayos ka na, salamat talaga," sagot ng ina, bahagyang humahagulgol pa ito sa kabilang linya. "May tumawag sa akin mula sa pamilya Huete at sinabing okay ka na, pero hindi ko maiwasang mag-alala. Akala ko tapos na ang birthday party ng biyenan mo kaya agad kitang tinawagan." Mula pagkabata hanggang
Last Updated: 2025-01-11
Chapter: Chapter 64Sa loob ng kotse, kinuha ni Evan ang kahon ng gamot, pagkatapos ay inilagay niya ang malamig na gamot sa isang kutsara, at tinunaw ito bago sinubukang painumin si Ashton.Maaga pang umalis si Jaxon, dahil clock out na daw siya at tapos na ang kanyang trabaho. Si Kevin na lamang tuloy ang may hawak kay Ashton gamit ang kanyang hindi nasugatang kamay. May natikmang kaunting pait mula sa gamot si Ashton, kaya ng subukan muling painumin siya ni Evan, nagkukunwari na itong natutulog habang iniiwas ang bibig sa kutsara. Ang itsura niya ay talaga namang nakakaawa na tila aping api.Saglit napakunot ang noo ni Evan habang tinitingnan si Ashton na tila talagang nasasaktan. Para bang gusto na lang niyang akuin ang sakit na nararamdaman ng bata."Sige na, Ashton, last na subo na lang. Hindi ka na ulit iinom pagkatapos nito, okay?" Mahinahon niyang kinumbinsi ang bata habang hawak ang natitirang kalahati ng gamot.Tahimik na pinanood ni Kevin ang dalawa, para bang naglalarawan ito ng isang mag-in
Last Updated: 2025-01-11
Chapter: Chapter 63Pagkasabi ng mga salitang iyon, nanahimik ang lahat, maging ang mga tagapaglingkod ng pamilya ay mas yumuko sa tensiyong namumuo sa mga Huete.Napanganga si Ella sa gulat, ngunit agad na yumuko upang maitago ang kanyang pagkabigla. Sa kabila ng pagtatangkang maging kalmado, hindi maikubli ang kislap ng tuwa sa kanyang mga mata.Hindi siya makapaniwalang totoo ang sinabi ni Evan. Ngunit, anong espesyal na bagay ba ang nasa file na iyon para ipagpalit ang posisyon ni Evan ang pagiging ginang ng pamilya Huete?Maging si Stephanie ay bahagyang natigilan. Ang dati niyang malamig at mapanuyang tingin ay napalitan ng pagkabahala at pagsusuri. Iniisip niyang baka may iba pang dahilan si Evan kaya sinadya nitong ipahayag ang desisyon sa harap ng lahat.Sa kabila ng iba’t ibang tingin na nakatutok sa kanya, nanatiling kalmado si Evan. Ang balingkinitan niyang katawan ay bahagyang nanigas, ngunit ang mukha niya’y walang bakas ng emosyon, tila parang wala lang siyang sinabi.Tumagal ng dalawa o t
Last Updated: 2025-01-10
Chapter: Chapter 62"Well, really?" Huminga ng malalim si Ashton. Sa kabila ng kanyang karaniwang talino at pagiging pilyo, sa sandaling ito ay para siyang isang limang taong gulang na bata talaga. Bahagya niyang itinagilid ang kanyang ulo at mahinang nagtanong kay Evan."Pero ayoko po ng injection at gamot na mapait. Ayoko po magpunta sa doctor, Vanvan, huwag na rin po nating sabihin kay Daddy, pwede po ba ‘yon?""Hindi pwede. Importanteng malaman ng Daddy mo na may sakit ka." Napatawa si Evan. Hindi niya akalaing matatakot din ang bata katulad ng ibang mga bata sa kanilang ama."Pero pangako, baby, matamis ang gamot ma iinumin mo. Si Ginoong Jaxon na rin ang kusang susubok ng injection. Hindi ba sabi mo magaling siya at hindi masakit ang turok?""Pinuri ko lang si Uncle Yan para mas maging mabait siya kay Daddy." Halatang nawalan na ng sigla si Little Ashton. Ibinuka niya ang kanyang maliliit na kamay at yumakap kay Evan, inilapat ang kanyang ulo sa balikat nito. Nang lingunin niya ang likuran, nakita
Last Updated: 2025-01-09
Chapter: Chapter 61Hanggang sa puntong ito, alam ni Kenneth na gusto niyang kausapin siya ni Evan sa ganitong tono. Na para bang ang lahat ng nangyari sa buhay nila limang taon na ang nakalipas ay isang bangungot lang pala. Masaya silang namumuhay bilang pamilya, at hindi na niya kailangang alalahanin pa kung paano haharapin sina Cheska at Ella.Lumipas ang mga segundo ng katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Itinaas ni Evan ang kanyang mga mata na namumula at tumingin kay Kenneth, iniisip na marahil ay hindi nito naintindihan ng maayos ang kanyang sinabi kaya inulit niya ito."Kenneth, mag-divorce na tayo.""Kaya mo ba gustong makipag-divorce ay dahil kay Ella, o dahil kay Kevin?" Tanong ni Kenneth na may malamig na tingin. Para bang takot siyang marinig ang anumang sasabihin ni Evan kaya tinitigan niya ito ng may nakakaasar na ngiti sa labi. "Binigyan ka lang ni Uncle ng kaunting pansin nagkakaganyan ka na? Baka nakakalimutan mo na ang iyong pwesto sa pamilya Huete? Sampid ka lang, Evan, binaom mo n
Last Updated: 2025-01-08
Chapter: Chapter 60"Mom, may mga personal na bagay lang akong kailangang asikasuhin ng mabilis kaya ngayon lang ako nakarating. I'm so busy, not now, please. Babalik na lang uli ako para batiin ka ng maligayang kaarawan kapag naayos ko na ang lahat. Huwag ka ng magalit. ‘Yang puso mo sige ka, you need to calm down."Alam ni Kenneth ang ugali ng kaniyang ina, madali itong magalit pero kailanman ay hindi siya natitiis.Inalis niya ang kanyang suot na coat, saka lumapit siya sa likod ni Stephanie para ipatong iyon sa mga balikat ng ina. "Narinig ko na binigyan ka ni Lola ng magandang alahas, bukod pa doon, binigyan rin pati kita ng isang jade bracelet na ipinadala ko na sa kwarto mo. Siguradong ang ganda nun kapag sinuot mo, Mom."Kahit naman anong pagtatampo ang gawin ngayon ni Stephanie, siya lang ang tanging anak nito kaya wala siyang ibang nagawa kundi napabuntong-hininga na lang. Nakita ni Kenneth na medyo kalma na ito kaya para hindi madagdagan pa ang galit nito, binago na niya ang usapan.“I'll bri
Last Updated: 2025-01-07