“Happy Birthday Rosamie!” bungad na bati ni Hiraya sa kababata ng fiance niyang si Jack. Lahat ng mga tao sa selebrasyong iyon ay nag sitinginan kay Hiraya, may pandidiri at panunuya ang mga tingin ng mga tao sa loob ngunit walang pakialam ang dalaga. Malaki ang pagtampo niya kay Jack, pinakiusapan siya nito na mag-bake ng cake at i-deliver iyon sa isang lokasyon. Ginawa niya iyon dahil ang akala niya ay may gagawing surprise sa kan’ya ang binata dahil ngayon ang 1st anniversary nila bilang magkasintahan ngunit ito lang pala ang madadatnan niya. Hawak-hawak ni Jack ang cake na ginawa niya habang nasa harap nito si Rosamie na sobrang saya. Nawala ang ngiti sa mga labi ni Jack nang mapatingin sa direksyon ni Hiraya. “Hiraya, bakit narito ka? You shouldn’t be here,” nag-aalala at kinakabahan na wika ni Jack at nilapitan ang dalaga. Hindi naman makapaniwala si Hiraya sa sinabi ng kan’yang fiance, “Jack, ako ang fiance mo bakit hindi ako pwedeng dumalo sa birthday ng kababata mo? Bakit
Nagising si Hiraya dahil sa matinding sakit ng kan’yang katawan. Kagabi ay naging marahas sa kan’ya si Doktor Reyko. Halos lahat ata ng posisyon ay ginawa nila hanggang sa magsawa ito sa kan’ya. Alam niyang marami ring mga kalmot sa katawan nito dahil sa sobrang intense ng pagtatalik nila. Ayaw pa sana niyang bumangon ngunit may client siyang i-me-meet ngayon. Ilang minuto rin siyang nag-ayos at umalis sa apartment ni Jack. Napalingon pa siya sa katabing kwarto kung saan ang silid ni Reyko ngunit nakasara na ito, nangangahulugang wala ng tao roon sa loob. Napahinga siya ng malalim at napailing. Mabilis siyang lumabas sa building at pumunta sa UP University kung saan naroon ang client niya. She is a full time baker, photographer and event decorator. May event daw ngayon sa university kung kaya’t siya ang nataasang mag-decorate sa venue nito. Tinanggap naman niya iyon dahil kailangan na kailangan niya ng pera. Hindi naman niya inaasahan na makakasalubong niya si Dr. Reyko Takahashi
Ilang oras din ang nakalipas nang makauwi si Hiraya sa apartment ni Jack, balak niya kasing kunin ang mga gamit niya sa apartment nito at maghanap ng ibang malilipatan. Nang mabuksan niya ang pintuan ay bumungad ang sigaw ng isang babae sa loob. “Kuya Jack, ikaw ba ‘yan? Pinaghandaan kita ng masarap na chocolate cake—”Bago pa man matapos ni Rosamie ang sasabihin ay nakita nito si Hiraya. Nawala ang masayang mukha ng dalaga at napalitan iyon ng kakaibang ekspresyon, halatang hindi ito natutuwa na naroon siya. “Ikaw… Bakit ka pa narito?” kunot noong tanong ni Rosamie sa kan’ya. Napataas ng kilay si Hiraya at tiningnan lamang ng malamig na ekspresyon ang dalaga. Si Rosamie ay childhood sweetheart ni Jack, simula noong dumating ang babaeng ito galing sa abroad ay nagkanda-letse-letse na ang relasyon nila ng kan’yang fiance. Hindi pinansin ni Hiraya si Rosamie at dire-diretsong pumasok sa kwarto nila ni Jack at kinuha ang maleta niya roon. Pumunta rin siya sa kusina upang kunin ang mga
Hindi makapagsalita si Hiraya, pinagsisihan niya kung bakit pumunta pa siya roon sa apartment ni Jack kagabi. Kung sana’y pumunta na lamang siya sa ospital at doon tumambay ngunit ayaw rin naman niyang makita siya ng mga magulang nito na umiiyak at nagpapakalasing dahil sa paghihiwalay nila ng lalaki. Pero sinasabi ng isip niya na hindi niya dapat pagsisihan ang lahat dahil ginusto niya ang lahat ng nangyari sa kanila ni Reyko. Nasarapan din siya sa mga oras na iyon at hanggang ngayon hinahanap-hanap pa rin ng katawan niya ang halik at mga haplos ni Reyko. Siguro ito na ang tamang panahon na tuluyan na siyang kumawala kay Jack, ito na rin ang huli nilang pagkikita. Wala siyang nararamdaman sa mga oras na iyon gusto niya lamang na mawala sa harap ng lalaki. “Uulitin ko, Hiraya, nakipagtalik ka ba sa kaibigan kong si Reyko? Sagutin mo ako!” galit na tanong ni Jack sa kan’ya kaya napapikit siya. Huminga ng malalim si Hiraya at nagsalita, “Ano naman kung nakipagtalik ako sa kan’ya, Ja
Nakatanggap ng tawag si Hiraya kung kaya’t agad niya itong sinagot, ang kaibigan niya pa lang nars na si Alena. “Hello—”“Hello, Hiraya!? Nasaan ka ba? Inatake na naman ng sakit ang nanay, pumunta ka rito sa ospital ngayon din! Kailangan ka niya at hinahanap ka!” Labis ang pagkagimbal ng dalaga nang marinig ang sinabi ng kaibigan. Tumulo ang luha niya at agad na nagpara ng taxi upang makapunta sa ina. Kakatapos lamang ng chemotherapy ng ina noong nakaraang linggo ngunit bakit inatake ulit ito ng sakit? Hinigpitan niya ang hawak sa supot na naglalaman ng gamot na ibinigay sa kan’ya ni Dr. Reyko, dugo, pawis at kaluluwa ang kan’yang ginamit upang makuha lamang ito kung kaya’t dapat lang na maging magaling ang ina niya kapag nainom na ito. Pipi siyang nanalangin hanggang sa makarating siya sa ospital. “Hintayin mo ako, inay. Parating na ako upang iligtas ka!” bulong niya sa sarili. Nang sandaling makita siya ni Alena ay agad itong lumapit sa kan’ya. Halatang umiiyak din ito dahil nam
Labis ang tuwa ni Hiraya nang maging okay na ang kalagayan ng kan’yang ina, kahit na hindi pa tuluyang malakas ay nakahangos pa rin ng maluwag si Hiraya dahil hindi na ito mag-u-undergo ng chemotherapy since naoperahan na ito. May maintenance lamang na tini-take ang nanay at iyon ay ang gamot na binigay sa kan’ya ni Dr. Reyko. Isang buwan na ang nakalipas at hindi na nagpaparamdam ang binata sa kan’ya, hindi naman iyon big deal kay Hiraya dahil alam niyang simula noong binigyan siya ng lalaki ng pera at gamot ay iyon na ang huli nilang pagkikita. Tanggap naman niya iyon at hanggang ngayon pilit niyang kinakalimutan ang lalaki kahit na minsan ay na-mi-miss niya ang haplos at halik nito. Hanggang sa isang araw ay nakasalubong niya ang binata at may kasama itong dalaga. Balak sana niyang batiin ito subalit hindi man lang siya nito pinansin, dire-diretso ang lakad at nilamapasan lamang siya na para bang walang nangyari sa pagitan nilang dalawa. Nakaramdam ng paninikip ng dibdib si Hi
Sa ilang linggong paghihiwalay nila ni Jack ay patuloy pa rin nitong ginugulo si Hiraya. Subalit wala ng pakialam ang dalaga sa lalaki at buong-buo na nga ang desisyon niyang makipag break sa lalaki. Hindi niya rin inaasahan na pati rin si Reyko ay ginugulo nito kaya tuloy umiiwas na ang binata sa kan’ya. Gaano ba kahirap intindihin na ayaw na niya sa binata’t dahil mas pinili nito si Rosamie kaysa sa kan’ya? Para ngang nakahinga ng maluwag si Hiraya dahil kung hindi sila nag-break ni Jack ay baka hanggang ngayon nasa bingit pa rin ng kamatayan ang kan’yang ina. Masaya pa rin siya dahil nagawa niyang hiwalayan ang lalaking iyon na tanging ang iniisip lamang ay ang kapakanan ng kababata nitong si Rosamie. Ngayon na sawa na siyang intindihin ang lalaki, ito naman ang pilit na sinusuyo siya. Para ano? Dahil ba natapakan niya ang ego nito dahil may nangyari sa kanila ng kaibigan nitong si Reyko? Ngayon na may koneksyon na siya kay Reyko, hindi niya sasayangin iyon kahit na magmukha
Sa tingin ni Hiraya, walang saysay ang pagpapaliwanag niya kay Reyko. Kahit ano pang sabihin niya ay iisa lamang ang nasa isip ng binata, iyon ay marumi siya babae at malandi. Kahit anong gawin pa niya ay sa mga mata ng binata masama na agad siya. Gano'n siya kadaling husgahan nito at hindi niya iyon matanggap sa sarili. Siguro dahil naging boyfriend niya ang kaibigan nitong si Jack at nang mag-break sila ng binata ay agad siyang pumunta sa kandungan ni Reyko't humingi ng aliw rito. Roon siguro nag umpisang umiba ang tingin ng binata sa kan'ya. Napangisi si Hiraya at hindi na lang pinansin ang titig ng binata. Kung gayon din naman mas mabuti pang gawing totoo ang nasa isip nito. By that, makakakuha pa siya ng gamot para sa ina. Dahan-dahan at maingat na nilapitan ni Hiraya si Reyko. Hinawakan niya ang balikat nito ng may panlalandin at niyakap ang braso ng binata. Nagkaroon agad ng reaksyon si Reyko at mabilis na tinulak siya. Kita ang pandidiri sa mga mata ni Reyko su
Namutla ang mukha ni Hiraya, agad na natigilan nang sabihin iyon sa kanya ni Reyko. Samu’t-saring mga karayom ang tila ba tumusok sa kanyang dibdib nang marinig ang sinabi ni Reyko. Sobrang sakit na nakakasakal iyon. Ilang sandali pa, hinawi niya ang kanyang buhok saka mahinang tumawa, "Kung gusto kong gamitin si Lolo, noon pa man ay baka nakawala na rin ako sa’yo at hindi na ako mammroblema sa pagpapagamot ng nanay ko. Sana ginamit ko na sana ang utang na loob na iyon para humingi ng tulong kay Lolo. Reyko, hindi ako kasing dumi ng iniisip mo at hindi rin ako kasing tuso ng inaakala mo."Sumingkit ang mga mata ni Reyko tila ba sinusuri si Hiraya. Mahina siyang tumawa saka umiling, "Hindi naman ako katulad mo walang puso at walang pakialam sa iba.” Biglang tumahimik ang kotse, ang maliit na kotse ay napuno ng amoy ng sigarilyo kung kaya’t napangiwi si Hiraya at napatakip ng ilong. Nang marinig ng assistant na nag-aaway na naman ang dalawang mag-asawa ay dali-dali itong lumabas ng
"So ano ang nangyari sa Nanay ni Hiraya at sa kanya? Huwag mong sabihing wala kang kinalaman roon? Natatandaan ko pang sinabi ko sa iyo na tulungan mo ang asawa mo na malampasan ang kanyang problema lalo na sa ina niyang may sakit!""Tumulong naman ako, ‘Lo. Pero binenta ni Hiraya ang kanyang studio at wala na rin akong magawa roon. Ano nga ba ang magagawa ko na? At isa pa she’s not asking for my help. Gumagawa pa rin naman ako ng paraan para makatulong sa kanya, ‘Lo.” Matamlay na ngumiti si Reyko at saka tumayo, "Wala ka na po bang ibang sasabihin? Kung wala na aalis na ako at mayroon pa akong ibang gagawin.”Bago pa man makaalis si Reyko ay nagsalita ulit ang matanda."Hijo, ang tanging hiling ko lang ay maging masaya ka. Maraming bagay ang hindi mo nakikita dahil sa katigasan ng ulo mo. Madali lamang suyuin si Hiraya. Suyuin mo siya, hijo huwag mong hintayin na hindi ka na niya kailangan bago mo pa ma-realize ang lahat ng pinaggagawa mo. Baka magsisi ka sa huli.” Biglang natigilan
Napataas ng kilay si Hiraya at mapaglarong ngumiti kay Kris, tila hindi maintindihanni Hiraya kung bakit labis na nagagalit ang lalaki. Hindi kaya iniisip nito na dahil itinago ng lolo nito ang nangyari, walang ibang makakaalam?Noong mga panahong iyon, nagtatalo ang ama ni Kris at ang ama ni Reyko para sa posisyon bilang Director sa ospital ng pamilyang Takahashi. Inakala ng ama ni Kris na sa pamamagitan ng pag-alis sa ama ni Reyko ay ang lalaki na ang magtataguyod ng ospital at siguradong ito na ang magmamana ng lahat ng kayamanan ng pamilyang Takahashi. Kaya binayaran ng ama ni Kris ang drayber ng ama ni Reyko para gumawa ng aksidente, na nagresulta sa pagkahulog ng ama ni Reyko kasama ang sasakyan sa isang bangin, na wala man lang iniwang trace. Pagkatapos noon ay umamin ang drayber na ginawa niya iyon dahil sobrang galit siya sa lalaki dahil tinrato siya nito na para bang basura. Ngunit hindi inaasahang pagkakataon, pagkatapos pumanaw ng ama ni Reyko, muling pinamahalaan ng m
"Oo naman po, Lolo," tumango si Kris. "Kung hindi kayo naniniwala, tanungin niyo mismo si Reyko. Kilala mo iyon, kung ginawa niya ang lahat, hindi niya itatanggi iyon."May gusto pa sanang itanong ang matanda nang marinig ni Kris ang isang malamig na boses mula sa likuran—"Kris, kailan ka pa nagkaroon ng karapatang makialam sa mga buhay ko?" Napaingos si Reyko at bumuntong hininga, puno ng pagkasuklam ang boses ng lalaki. "Nakakalimutan mo na ba ang sinabi mo noong pinalayas ka mula rito sa Pilipinas ilang na taon na ang nakakaraan?"Napatingala si Kris, nagtama ang madilim na mga mata nila sa isa’t-isa. Hindi akalain ni Kris na naroon pala ang lalaki sa mansyon. Ilang sandali pa lang siyang nasa bahay ay dumating na agad ito kasama si Hiraya! Ang kanilang pagtitinginan ay puno ng tensyon, walang gustong magpatalo sa mga oras na iyon.Nang makita ni Hiraya na medyo awkward ang paligid, dali-daling umupo ang babae sa tabi ng matanda, "Lolo, hindi ba't tumawag ka sa akin kahapon, s
Alas onse na nang tanghali nang matapos si Hiraya na maghilamos at bumaba. Nanlaki ang mga mata ni Hiraya nang makita si Alena na nakaupo sa sofa. Wenyu. Nang makita nitong kasama niya si Reyko palabas ng silid ay dali-daling lumapit ito sa kanya, “Hiraya, ano na naman ang ginawa sa’yo ng lalaking iyan? Bakit nasa silid mo siya??”Napailing si Hiraya at nginitian ng pilit si Alena, “Okay lang ako, Alena huwag kang mag-alala…” Magsasalita na sana si Alena nang may kumatok sa pintuan, bumukas ang pinto at iniluwa noon si Assistant Green. May dala itong buong set ng suit at iniabot iyon kay Reyko. “Boss, may video conference kang aattend-an mamayang alas dos ng hapon. Narito ang suit na pinakuha mo sa akin kanina.”Tinanggap naman iyon ni Reyko at sinulyapan ang assistant nitong si Green,“Cancel it.”Nanlaki ang mga mata ng binata at nagsalita, “Pero mahalaga po ito.”“Anong bang sinabi ko sa’yo, hindi mo ba naiintindihan?” Sumimangot si Reyko at muli itong nagsalita, “Maghintay ka na
Sobrang namanhid ang palad ni Hiraya sa mga oras na iyon. Paano nito nagawang hamakin siya? Anong karapatan nitong bastusin siya sa labas pa talaga ng apartment niya?Marami ang mga kapitbahay niya rito pero wala itong pakialam kung may makakita man sa kanila.Malamig na tumawa si Reyko, inabot lang nito ang kamay niya at hinawakan iyon. Ang madilim na matang lalaki ay puno ng pagnanasa, na ikinataranta ni Hiraya, ang kanyang mga mata ay puno ng takot. Lalo na nang maglapat ang init ng labi nito sa kanyang balat!“Huwag, lumayo ka nga sa akin!” Biglang tumaas ang boses ni Hiraya, “Tulungan niyo ako…”‘Oh God, tulungan mo ako!’ piping sabi ni Hiraya. Hindi man lang natinag ang lalaki. Nalunod na talaga ito sa pagnanasa sa kanya. Kita niyang namumula ang mga mata nang lalaki habang inabot nito ang kanyang leeg at hinawakan. “Sino ang gusto mong tumulong sa iyo? Si ba o si Rhob?”Natakot si Hiraya, nanigas ang buong katawan niya at napaurong. Noong una silang magkakilala, ni hindi siy
Habang nakahiga si Reyko sa kanilang kama ay naalimpungatan ang lalaki dahil sa sobrang lamig. Ilang sandali ay napamulat ito, noon una walang reaksyon ang lalaki ngunit bigla nitong nasapo ang ulo dahil bigla itong kumirot.Tuyo at makati na rin lalamunan ng lalaki kung kaya’t, bahagya itong dumilat, “Hiraya, tubig.” Ngunit ang tumugon sa lalaki ay isang katahimikan sa loob ng silid. Muli itong nagsalita, “Hiraya, Bingi ka ba? Sabi ko tubig!” Inabot niya ang katabi ngunit biglang nawala ang kalasingan nito nang mapagtantong wala babae sa tabi.Natakot si Reyko para bang biglang nawala ang lahat ng kalasingan nito. Wala siya. Ang babaeng mahigit isang taon nang kinukulit siya ay umalis na nga pala. Kitang-kita ang liwanag ng buwan sa labas ng bintana, tumatagos ang liwanag nito sa sahig hanggang kisame. Bigla niyang naalala ang babae sa tuwing umuuwi siyang lasing sa kanilang mansyon. “Reyko naman, sino na naman ba ang nag-imbita sa’yong uminom? Si Marco na naman ba? Ang gago talag
Nang pumasok si Reyko sa loob ng club bumungad sa kanya ang nagsasayawang tao sa loob. Nakaupo si Marco sa harap ng counter bar, nang makita siya nito ay kumaway sa kanya ang binata..”Reyko, hindi ko ginustong tawagan ka, okay? Pero wala na talaga akong makontak pang iba. Nagdala ng mga kaibigan si Lucy rito sa bar, magpapainom daw ito ngayon at hindi ko namalayan na nagkakagulo na pala ang mga ito. Hindi ko naman pwedeng basta na lang silang patigilan kung kaya’t ikaw na lang ang naisip kong tawagan.""Tsaka isa pa, nakita ko na sobrang hayagan mong dinala ang babaeng ito sa auction ngayon. Akala ko talaga nagising ka na—" Habang sinasabi ng lalaki iyon ay binulongan nito si Reyko. Tiningnan ni Reyko nang masama ang pinsan, hindi man lang nagsalita att napalingon sa kinaroroonan ni Lucy na tahimik na nakaupo sa tabi. Lumapit siya sa babae at malamig na naagsalita. “Hindi ko maalalang binigyan kita ng pirmiso na hayagang sabihin na babae kita?” Napakunot ang noo ni Lucy habang nag
Pagkalabas ni Hiraya sa restaurant ay humangmin ng malamig kung kaya’t napayakap siya sa kanyang katawan. Nakaparada sa gilid ng kalsada ang itim na Sedan kaya naman natigilan siya ng ilang segundo. Huminga siya ng malalim at naglakad papunta roon. Sa pamamagitan ng liwanag ng buwan ay nakita niya ang nakayukong lalaki, nakatago ang gwapong mukha nito sa dilim. Nakapatong ang kamay ng lalaki na may hawak-hawak na sigarilyo sa bintana.Sa isang iglap, bigla niyang naalala ang lalaki noon. Sandaling tumigil si Hiraya sa tabi, saka niya binuksan ang pinto at umupo, "Sinusundan mo ba ako?" Lumingon si Reyko at basta na lang pinatay ang sigarilyo at itinapon iyon sa labas ng bintana.Pagkaraan ng ilang sandali, sumagot ang lalaki, "Nakausap mo ba ang pinsan ko? Ang pinsan kong minsan ka ng nilandi? Alam ba ito ni Rhob na nakikipaglandian ka sa iba?"Nakikipaglandianl? Hindi niya talaga alam kung ano ang tingin nito sa kanya. Pero wala na siyang pakialam doon. Mahinang tumawa si Hiraya,