ISA... DALAWA... TATLO...Hanggang naging apat. Ganoon katagal naghintay ang pamilya Cruz, maging si Shiela. Ngunit kahit anino man lang ni Chris ay wala.Nagsimula ang birthday party ni Archie na missing-in-action ang ama. Kahit makailang-beses tawagan ay hindi sumasagot hanggang sa cannot be reach na ang numero. Magkaganoon man ay hindi sila nagpaapekto lalo na si Shiela.Gaya ng gustong mangyari. Nais niyang maging perpekto ang lahat kahit wala si Chris. Tinuloy ang birthday party at nag-enjoy ang lahat kahit may pagkakataong nagtatanong ang mga bisita kung nasaan ang ama ng bata.Nagdadahilan na lamang sila o hindi kaya ay tipid na ngumingiti. Nang matapos ang selebrasyon ay saka lang naglabas ng sama ng loob si Maricar. Dismayado talaga siya sa hindi pagsipot ni Chris sa unang kaarawan ng anak.Habang nagliligpit ng dekorasyon ay hindi na talaga napigilan ang magtanong, "Shiela... umamin ka nga, talaga bang tungkol lang sa trabaho kaya umalis si Chris at hanggang ngayon ay wala p
NANLAKI ang mata at hindi makapaniwala si Chris sa narinig. "Imposible! Binura kong lahat ang video namin kaya pa'nong nangyaring may naiwan pa?!"Si Shiela na nagulat sa biglang tas ng boses ng asawa ay napatanong na. "Anong nangyayari, Chris?""'Wag ka munang magtanong ngayon." Saka kinuha ang cellphone sa bulsa upang tingnan kung ano ang tinutukoy na s*x video.Kaya nga siya hindi umuwi at sinakripisiyo ang kaarawan ng anak para magawa niyang burahin lahat ng meron si Irene na magagamit laban sa kanya.Tapos malalaman-laman niyang nagawa pa rin nitong makapag-post?Madali lang niyang nahanap ang tinutukoy na video dahil marami-rami na ang views. Nang panuorin ay nakumpirmang ang s-in-end mismo ni Irene ang in-upload."Sh*t!" mura niya dahil nakaligtaan ang pinasa nito.Mabilis niyang tinawagan si Irene at agad naman itong sumagot. "Anong ginagawa mo?! Burahin mo 'to ngayon!""Gawin ko man, kalat na kalat na saka marami ng nakapag-share at save," saad ng dalaga mula sa kabilang liny
TUMUTULO sa bedsheet ang dugo mula sa bibig ni Shiela. Pero sa halip na gumalaw ay nagkatitigan pa silang dalawa ni Chris.Dahil maging siya ay hindi inakalang masasaksihan nito ang pagsuka niya ng dugo. Muling naubo si Shiela kaya umalis siya sa kama at tumakbo papasok sa banyo.Nagmumog at nilinis ang dugo sa bibig saka sa kamay. Sumunod naman si Chris at pinanuod ito sa ginagawa. "Anong sakit mo?"Matapos maghugas ng kamay ay tiningnan ni Shiela ang asawa mula sa repleksyon ng salamin. "Hindi ko alam, hindi ako nagpa-check up.""At bakit?!"Mula sa salamin ay hinarap na ito ni Shiela. "Natatakot akong malaman. Para ko na ring inaalam kung hanggang kailan na lang ako mabubuhay.""Anong klaseng pag-iisip 'yan!""Ayokong isipin na may sakit ako. Ang gusto ko lang ay gumising sa umaga at matulog na walang iniisip." Pagkatapos ay nilagpasan ito at pumasok sa cloakroom para magpalit ng damit.Nang makapagpalit ay sunod naman niyang pinalitan ang bedsheet.Muling lumapit si Chris. "Bukas
SA GINAWA ni Irene ay tuluyang naubos ang natitirang pasensiya ni Chris. Dinukot niya sa bulsa ang cellphone saka nag-dial. "Tatawag ako ng police para hulihin ka. Kaya kung ako sa'yo ay umalis ka na dahil sa oras madakip ka, tingnan ko lang kung may maipiyansa ka," banta niya."Hindi mo pwedeng gawin sa'kin 'to, Chris!" daing ni Irene saka umiyak. "'Wag mo 'kong iwan, hindi ko kakayanin."Kumonekta ang tawag para sa police station. "Hello?"Nang marinig iyon ni Irene ay dali-dali siyang umalis. Tumakbo palayo sa takot na ipahuli talaga.Agad naman tinapos ni Chris ang tawag saka tinago ang cellphone. Matapos ay tumalikod para bumalik sa mansion nang magtagpo ang tingin nila ng asawa."Hindi mo na sana siya tinakot ng gano'n," ani Shiela."Hindi siya titigil kung hindi ko 'yun gagawin. Tara na sa loob," aya ni Chris na inakbayan pa ito.Si Shiela naman ay hindi pa rin maiwasang lumingon sa may gate. Hindi niya maiwasang maawa kay Irene kahit may mali itong nagawa.Babae rin siya kaya
SA NARINIG ay agad nanghina ang tuhod ni Shiela. Mabuti na lamang at agad umalalay si Maricar. "Ano'ng nangyayari, sinong kausap mo?"Nangilabot ang buong katawan ni Shiela. Nanlamig siya at bumilis ang tibok ng puso."A-Anong sinasabi mo, Irene? Pa'nong mapupunta sa'yo ang anak ko?"Mula sa kabilang linya ay humalakhak si Irene. "Salamat sa biyenan mo't madali ko'ng nakuha si Archie, ang cute-cute talaga ng anak ni Chris. Sayang lang at ikaw ang Ina.""Anong sinasabi ng kausap mo, Shiela?" sabat naman ni Maricar.Hindi inimik ni Shiela ang tanong ng biyenan. Mas pinagtuunan niya ng pansin si Irene sa kabilang linya. "'Wag mo siyang sasaktan, nakikiusap ako sa'yo. Lahat ng gusto mo ay gagawin ko, ibalik mo lang siya ng ligtas," naluluhang saad ni Shiela.Muling tumawa si Irene. "Lahat ay gagawin? Pwes, ibigay mo ang cellphone kay Chris. Gusto ko siyang makausap."Huminga nang malalim si Shiela saka tiningnan ang biyenan. "'Ma, papuntahin niyo rito si Chris."Tumango si Maricar. "S-Sig
SA NARINIG ay halos mawalan ng malay si Shiela. "H-Hindi! Anong ginawa mo sa anak ko?!"Biglang humalakhak nang malakas si Irene mula sa kabilang linya. Hanggang sa naging magulo at maingay saka bigla na lamang naputol ang tawag."Anong nangyari?" nag-aalalang tanong ni Maricar.Hindi ito sinagot ni Shiela at sa halip ay tinawagan ang numero ni Irene ngunit hindi na ito sumasagot."May ginawa bang masama si Irene kay Archie?" tanong naman ni Zia.Bigla na lamang napahagulgol si Shiela. Para siyang mababaliw ng mga oras na iyon. Wala na siyang ibang ginawa kundi ang tawagan ang numero kahit wala namang sumasagot."Shiela!" biglang taas ng boses ni Maricar. "Huminahon ka!" Bigla siyang nabahala sa ikinikilos ng manugang.Nanginginig na kasi ito at parang ano man sandali ay masisiraan na ng bait. Maging si Zia ay nababahala na rin sa ikinikilos ng hipag.Natauhan naman si Shiela saka humingi ng paumanhin habang umiiyak."A-Ang sabi ay tinapon niya sa basurahan si Archie," iyak pa niya."
WALA pang limang minuto ay tumatawag na si Zia. Noong una ay hindi pansin ni Chris dahil sa malakas na buhos ng ulan.Naglalakad na rin siya pabalik sa Cruz mansion hanggang sa muling tumawag ang kapatid at sinagot na niya."Kuya! Si Shiela!"Biglang nagising ang diwa ni Chris saka napalingon sa pinanggalingan. Sa isang iglap ay nakaramdam siya ng matinding kaba. Naglakad siya ng mabilis hanggang sa tuluyan nang tumakbo palabas ng subdivision.Ayon kay Zia mula sa kabilang linya ay bigla na lamang sumuka ng dugo si Shiela at pagkatapos ay nahimatay habang patungo ang mga ito sa ospital.Si Chris na nakalabas na ng subdivision ay nagpalinga-linga sa paligid. Naghahanap ng masasakyan.Natataranta siya sa labis na pag-aalala kay Shiela sa puntong hindi na niya naisip na kumuha na lamang ng sasakyan sa mansion. Kaya muli siyang tumakbo pabalik at hiningi sa driver ang isa sa mga susi ng kotse na naroon sa garahe.Habang naghihintay na maibigay ang susi ay lumabas si Maricar habang nakapay
NANG makita ang pamilya ni Chris sa likod nito ay nanlaki ang mga mata ni Shiela. Gustuhin niya mang bawiin ang binitawang salita ay nasabi na niya. Kailangan niyang panindigan dahil hindi na niya talaga kayang pakisamahan si Chris. Sukang-suka na siyang makasama ito.Si Louie ang unang kumilos. Pumasok siya sa kwarto at nilapag sa tabi ng sofa ang dalang maleta.Napaiwas naman ng tingin si Shiela nang sunod na pumasok si Zia at Maricar. Habang si Chris ay nanatili sa hamba ng pinto, tuluyang hindi nakagalaw.Matapos maitabi ang mga dalang gamit ay pasimpleng inaya ni Louie ang asawa't biyenan sa labas para makapag-usap si Chris at Shiela.Pagkasara ng pinto ay saka lang nagsalita si Chris, "Bakit?""Hindi ko na kaya. Napapagod na 'kong magtiis kaya mas mabuti pang maghiwalay na tayo," ani Shiela."Pa'no kung ayoko?""Alam ko namang ito ang sasabihin mo. Kaya nga nakikiusap ako. Kung kailangang magmakaawa sa'yo para hiwalayan na 'ko'y gagawin ko."Napahilot si Chris sa noo. Nahihirapa
HINAYAAN ni Shiela na yakapin siya ni Chris. Ngunit nang may dumaan na motor ay mabilis pa siya sa alas-kuwatro na kumawala."Kailangan ko nang pumasok sa loob para makapagpahinga na," aniya.Humakbang naman si Chris at akma pang susunod nang lingunin niya. "Sorry pero, hindi ko gustong tumanggap ng kahit sinong bisita ngayon. Bumalik ka na lang sa Manila.""Pero, hindi mo ba narinig ang sinabi ko?"Napabuntong-hininga si Shiela. "Matagal ko nang tanggap na darating ang panahon na matutuon sa iba ang atensyon ni Archie. Na balang-araw ay maga-asawa ka ulit at magkakaroon siya ng step-mom."Seryosong nakatitig si Chris, hindi maproseso ng utak ang sinasabi nito. Hindi niya matanggap na susukuan na lamang ni Shiela ang lahat. "Naririnig mo bang sinasabi mo? Gusto mong mag-asawa ako't magkaroon ng ibang Ina si Archie?!""Anong masama ro'n? Basta maaalagaan nang maayos ang anak ko ay walang problema--""Shiela!" biglang taas ng boses ni Chris. "Hinding-hindi ako magpapakasal sa iba, dahil
MATAGAL bago sinagot ni Chris ang tawag, "Hello, Shiela, napatawag ka?""Totoo ba, na nagpunta riyan si Harry para makita si Lucas?""Oo," tipid na sagot ni Chris.Si Shiela na nakatingin sa salamin at nakikita ang sarili sa repleksyon ay hindi maiwasang mahabag."Bakit hindi mo sinabi sa'kin na magkapatid si Henry at Harry?""Sasabihin ko naman sa'yo pero gusto kong magkausap muna kayo ni Harry dahil iyon ang hiniling niya--""Kahit na! Sinabi mo sana sa'kin, hindi 'yung para akong tanga. Ibang tao ba 'ko sa'yo, Chris para ilihim mo sa'kin ang totoo?" sumbat niya."Hindi gano'n ang intensyon ko--""Kung ganito at mananatiling ganito ang lahat ay mas mabuti pang ituloy na natin ang annulment. Sawang-sawa na 'kong magmukhang tanga. Walang kaalam-alam sa mga nangyayari," ani Shiela."Nang dahil lang kay Harry ay nagkakaganyan ka? 'Wag mo sabihing may gusto ka sa kanya?" pang-aakusa pa ni Chris."Hindi tungkol sa kanya ang ikinasasama ko ng loob! Nasasaktan ako na inililihim mo sa'kin la
LUMIPAS ang mga araw na hindi na nagpupunta sa pastries shop si Harry.Noong una ay binalewala iyon ni Shiela pero habang tumatagal ay napapatanong na rin ang kapwa niya staff."Mukhang natakot ata ang customer natin sa asawa mo," komento ng isa nilang kasamahan na lalake. "Kung ako rin naman siguro ang nasa posisyon niya, paniguradong hindi na 'ko magpapakita--"Pinandilatan sabay siko naman ito ng kasamahan."'Yang bibig mo talaga, daig mo pa babae. Baka lang may inasikaso. Hindi lang naman dito sa shop umiikot ang mundo ng mga tao.""Naks, lalim no'n, a!" pagbibiro pa ng isa."Magsibalik na nga kayo sa trabaho, baka mapagalitan pa tayo ni Manager, kayo rin."Matapos iyong sabihin ng isa nilang kasamahan ay nagkanya-kanya na sa pagtatrabaho ang iba habang naiwan si Cory at Shiela."Ayos ka lang?" ani Cory.Tumango naman si Shiela. "Iniisip ko lang kasi na baka may nangyaring masama sa kanya. Mag-iisang linggo na siyang hindi nagagawi rito.""Concern ka ba sa kanya?""Oo naman, nagin
KAGABI ay nakatanggap siya ng tawag mula kay Benji. Sinabi nito ang tungkol sa totoong pagkatao ni Harry kaya ngayon ay sasadyain niya ito bago man lang umalis.Habang naglalakad ay may mga mangilan-ngilan na taong nakatambay sa labas. Tinitingnan si Chris na bagong dayo."May hinahanap ka, hijo?"Napalingon siya sa nagsalita. Isang matandang lalake na sa tingin niya ay nasa edad limampu pataas.Lumapit naman si Chris para ito ay kausapin. Sinabi niya ang pakay at tinuro naman nito ang daan patungo sa bahay ni Harry."Salamat po," aniya saka nagpatuloy.Ang sabi sa kanya ng matanda ay liliko siya sa maliit na eskinitang makikita sa pagitan ng asul na bahay.Nang gawin niya iyon ay natigilan siya. Sa liit ng eskinita ay halos isang tao lang ang kasiya. Magkaganoon man ay nagpatuloy siya.Hanggang sa marating ang maliit na bahay na halatang pinagtagpi-tagpi na lamang.Kumatok siya nang makailang-beses sa pinto pero walang sumasagot. Napaatras pa tuloy siya saka nagpalinga-linga sa palig
TATLONG ARAW nanatili sa Cebu si Chris at ang bata. Noong una ay masakit pa sa loob ni Shiela na iwan ang dalawa sa apartment dahil buong araw siyang magtatrabaho.Buti na lamang at nagpupunta si Chris kasama ang bata sa pastries shop pagsapit ng hapon. Diretso, tatlong araw nitong ginagawa.Umu-order ng inumin habang ang ibang staff na medyo libre ang oras ay nakikipaglaro sa bata.Na kung minsan pa nga ay tinutukso ng mga ito si Shiela, "Naghiwalay na ba talaga kayo, para namang hindi?""Oo," tipid na tugon ni Shiela dahil abala siya sa paghuhugas ng tasa at platito."Sayang naman kung gano'n. Ang gwapo ng asawa mo, mas magandang lalake kaysa kay Harry."Kunot-noo itong nilingon ni Shiela. "Anong sinasabi mo? Ba't nasali si Harry?"Nagkibit-balikat ito saka umalis.Habang ang isa pang kasamahan ay nanatili at nagkomento rin, "Parang hindi kayo naghiwalay, Ate. Ramdam ko kasing may feelings pa rin sa'yo ang asawa mo," anito dahil mas matanda ng ilang taon si Shiela."Ganyan lang tala
SA EKSPRESYON pa lang ni Chris ay alam na ni Shiela na magkakagulo. Kaya bago pa iyon mangyari ay pumagitna na siya sa dalawa.Asiwa niyang tiningnan si Harry. "Asawa ko nga pala, si Chris. Anak naman namin, si Archie." Sabay turo sa bata na nasa loob ng kotse.Bakas ang pagkabigla sa mukha ni Harry nang balingan nang tingin si Chris. "Hindi ko alam, pasensya na."Nagpalipat-lipat ang tingin ni Shiela sa dalawa hanggang sa lingunin si Cory."Sa tingin ko ay hindi na 'ko tutuloy," aniya."Bakit, may lakad kayo?" sabat naman ni Chris."Magsisimba sana kaming tatlo," tugon ni Shiela saka hinawakan ang kamay nitong kanina pa nakakuyom. Gusto niyang huminahon ang asawa dahil walang ginagawang masama si Harry.Lumambot naman ang tingin ni Chris at pinagsalikop ang kamay nilang dalawa ni Shiela. "Kung gano'n ay ba't 'di tayo magsimbang lahat?"Si Cory na kanina pa nanunuod at nakikiramdam ay pansin ang bigat ng hangin sa paligid simula nang dumating ang asawa ni Shiela. Pero ang mas ipinagta
MALIKOT ang mga mata ni Shiela ng mga sandaling iyon. Kung saan-saan na siya tumitingin dahil hindi niya alam kung anong sasabihin. Naa-awkward na siya sa harap ni Harry at gusto na nga sanang umalis pero nagsasalita pa ito, nagkukuwento ng kung ano-anong hindi na niya nasundan."Kung may gusto kang bilhin na damit ay may maire-recommend akong store na malapit dito. Quality at mura pa," ani Harry.Tumango-tango naman si Shiela. "Okay."Napatitig naman si Harry, ang ngiti sa labi ay biglang naglaho. Pansin na niyang naiilang ito kaya pasimple siyang nagpalinga-linga sa paligid."Ahm... may pupuntahan pa pala ako, nice meeting you ulit," aniya sabay turo sa direksyong hindi naman niya sigurado kung anong meron.Tumango lang si Shiela saka ito sinundan ng tingin habang papalayo. Wala naman siyang ginawang mali pero tila naging snob siya rito.Kaya matapos ang araw na iyon, sa tuwing nagpupunta sa pastries shop si Harry, umo-order ng inumin at cheesecake ay kinakausap niya ito para man la
NAKAUPO at nakasandal si Chris sa pader nang magising. Hindi niya namalayan na nakatulog pala siya sa pagbabantay ng shop.Madilim pa rin ang kalangitan at sobrang tahimik ng paligid. May mga huni ng insekto at alulong ng aso sa hindi kalayuan. Medyo nagmamanhid ang paa niya dahil sa posisyon kaya nag-inat-inat muna siya saka kinuha ang cellphone sa bulsa para tingnan ang oras.Pasado alas-tres ng madaling araw. Dalawang oras din siyang nakatulog sa ganoong posisyon, na hindi niya akalaing magagawa niya, epekto marahil ng alak na nainom.Nang muling tingnan ang cellphone ay may nag-missed calls pala, hindi niya napansin dahil naka-silent mode.Numero ng piloto sa private plane ni Louie. Hindi kasi siya pinayagang makasakay sa eroplano kaya gumawa na ng paraan si Louie upang matulungan siya.Doon lang din niya naalala na isang oras lang ang napag-usapan na maghihintay ang piloto at dapat ay bumalik siya sa tamang oras.Napaisip tuloy siya kung iniwan na ba siya nito, huwag naman sana d
NAKABALIK si Shiela bago pa man magsara ang pastries shop. Naabutan niyang kaunti na lamang ang customer saka nagliligpit na rin ang mga kasamahang staff.Agad siyang tumulong para mapabilis ang paglilinis."Day-off mo pa ngayon," pabirong sita ng staff na si Cory na siyang tumulong sa kanya para makapasok sa shop.Napangiti lang si Shiela saka naalala ang natuklasan ngayong araw. Kahit na planado ang pagtulong nito ay nakikita naman niyang mabait talaga si Cory. Ramdam niyang bukal talaga sa loob nitong tumulong kahit may kapalit."Salamat, a.""Para sa'n?" anito.Umiling siya. "Gusto ko lang magpasalamat sa ginawa mong pagtulong sa'kin noon."Napakunot-noo si Cory at nagtatakang tumingin. "Anong meron? Nagpapasalamat ka na naman sa'kin."Ngumiti lang ulit si Shiela saka pinagpatuloy ang ginagawa.Ilang sandali pa ay wala ng customer at nagpapaalam na ang mga staff na uuwi na. Dahil si Shiela ang maiiwan ay siya na ang tumapos sa paglilinis."Close na po kami ngayong gabi, Ma'am."Iy