Share

Chapter 36

NANG makita ang pamilya ni Chris sa likod nito ay nanlaki ang mga mata ni Shiela. Gustuhin niya mang bawiin ang binitawang salita ay nasabi na niya. Kailangan niyang panindigan dahil hindi na niya talaga kayang pakisamahan si Chris. Sukang-suka na siyang makasama ito.

Si Louie ang unang kumilos. Pumasok siya sa kwarto at nilapag sa tabi ng sofa ang dalang maleta.

Napaiwas naman ng tingin si Shiela nang sunod na pumasok si Zia at Maricar. Habang si Chris ay nanatili sa hamba ng pinto, tuluyang hindi nakagalaw.

Matapos maitabi ang mga dalang gamit ay pasimpleng inaya ni Louie ang asawa't biyenan sa labas para makapag-usap si Chris at Shiela.

Pagkasara ng pinto ay saka lang nagsalita si Chris, "Bakit?"

"Hindi ko na kaya. Napapagod na 'kong magtiis kaya mas mabuti pang maghiwalay na tayo," ani Shiela.

"Pa'no kung ayoko?"

"Alam ko namang ito ang sasabihin mo. Kaya nga nakikiusap ako. Kung kailangang magmakaawa sa'yo para hiwalayan na 'ko'y gagawin ko."

Napahilot si Chris sa noo. Nahihirapa
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status